You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 9

3RD PERIODICAL EXAMINATION

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong
sagot. Itala ang wastong sagot sa iyong sagutang papel.

Pangalan: ____________________________________________ Grade: _________ Section: _________

__ 1. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa
pamilihan?
A. Resesyon B. Implasyon C. Depresyon D. Deplasyon
__ 2. Ang Consumer Price Index ay isang economic indicator na gamit panukat. Ano ang sinusukat ng
CPI? A. Kawalan ng trabaho B. Dami ng populasyon C. Pagbabago sa halaga ng pera D. Kita
__3. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na alam mong maraming tindang asukal at nang malaman
niya na tataas ang presyo ay itinago niya ang mga ito upang muling itinda kapag mataas na ang presyo.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit tumataas lalo ang presyo ng mga
produkto
B. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa
C. Magkikibit balikat na lang
D. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas
__4. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami kaysa sa
kayang isuplay o iprodyus ng pamilihan.
A. Demand pull inflation B. Cost-push inflation C. Hyperinflation D. Great depression
__5. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng implasyon?
A. Kakulangan sa enerhiya B. Paglaki ng demand kaysa sa produksiyon C. Pagtaas ng produksiyon
D. Pagtaas ng estado ng pamumuhay
__6. Piliin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa cost-push inflation?
A. Mataas na halaga ng elektrisidad B. Pagtaas ng sahod C. Regulasyon ng pamahalaan D. Mas mataas na
demand ng mamimili
__7. Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ako makatutulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay
bibili lamang . . . .
A. sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo. B. Ng sapat sa pangangailangan.
C. sa suking tindahan upang makahingi ng discount. D. ng produktong bagsak ang presyo.
__8. Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
A. Hindi na sila binabayaran B. Sobra ang perang natatanggap C. Ang bayad na tinanggap ay bumababa
sa tunay na halaga nito. D. Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
__9. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, ang larangan ng ekonomiks ang iyong pag-aaralan
upang makita ang gawi ng kabuuan ng ekonomiya ay ang pag-aaral tungkol sa ________________.
A. pamilihan B. ekonomiya C. maykroekonomiks D. makroekonomik
__10. Kinakailangang magtagpo ang mamimili at nagbebenta sa pamilihan upang _______________.
A. bumili ng produkto B. kumita ang nagbebenta C. magbuwis ang mamimili at nagbebenta
D. magkaroon ng interaksyon ang mamimili at nagbebenta
__11. Hindi kabilang sa pamilihang pinansyal ang korporasyon sapagkat ______________.
A. madami kayo dito B. hindi ka makauutang dito
D. mayayaman lang ang miyembro nito C. kinakailangang may share ka dito
__12. Nagkakaroon ng ugnayan ang dalawang magkaibang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalitan
ng mga kalakal sapamamagitan ng _______________.
A. pamahalaan B. pamilihang pinansyal C. produksiyon D. panlabas na sektor
__13. Sa mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay
maaaring isisi sa ______________.
A. sambahayan dahil dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon. B. bahay-kalakal dahil dito ang
lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat. C. lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may
magkakaugnay na gampanin sa isa’t isa. D. pamahalaan dahil ito ang nagpapatupad ng mga alituntuning
pang ekonomiya.
__14. Paano lamang nagkakaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng
mga bahay-kalakal.
C.Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-
kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa
bahay-kalakal.
__15. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong
pangongolekta ng buwis?
A. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader. B. Humingi ng resibo kung
mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store. C. Paalalahanan ang magulang at iba pang
kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis. D. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng
hindi nagbabayad ng tamang buwis.
__16. Sa pamamagitan ng policy ay isinasagawa ng pamahalaan ang paggasta sa mga proyektong
pampamahalaan at pagpapababa sa buwis.
A. contractionary Fiscal C. demand Pull B. expansionary Fiscal D. cost – push
__17. Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
A. Contractionary Fiscal Policy C. Demand Pull B. Expansionary Fiscal Policy D. Cost – push
__18. Nabibigyang pondo o badyet ang mga gastusin para sa pagbili ng mga produkto at serbisyong
tulad ng Personal Services at Maintenance and Other Operating Expenditures sa pamamagitan ng____
. A. expense Class B. capital Outlays C. current Operating Expenditures D. Net Lending
__19. Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
A. Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis. B. Nakatuon lamang sa mga
gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan. C. Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang
supply ng salapi D. Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.
__20. Ang mga sumusunod ay pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan, alin ang HINDI kabilang?
A. Buwis B. Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas C. Pagbebenta ng ari-arian at mga
kompanyang pag-aari ng pamahalaan. D. Mula sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan
__21. Nakakalikom ng salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng __________.
A. sales tax at income tax B. taripa C. witholding tax D. value-added Tax
__22. Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagdaragdag sa asset ng
pamahalaan tulad ng Government-owned and Controlled Corporation (GOCC).
A. Current Operating Expenditures B. Capital Outlays C. Net Lending D. Budget Allocation
__23. Paano matutukoy kung nararapat na bang magpatupad ng Expansionary Fiscal Policy ang
pamahalaan? Ang mga sumusunod ay palatandaan nito MALIBAN sa:
A. Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources
B. Mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan C. Walang insentibo sa mga mamumuhunan na
gumawa o magdagdag pa ng produksyon D. May mataas na pangkalahatang output at employment
__24. Titipunin ng Department of Budget and Management ang mahahalagang dokumentong bubuo sa
President’s Budget at National Expenditure Program at ipapasa sa _____upang sang-ayunan at maging
isang ganap na batas.
A. Senado B. Pangulo C. Kongreso D. Bangko Sentral ng Pilipinas
__25. Saang gastusin nakapaloob ang pagbabawas ng niluluwas o export sa inaangkat o import?
A. Namumuhunan B. Personal C. Panlabas na sektor D. Pamahalaan
__26. Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?
A. Hindi pampamilihang gawain B. Pormal na sektor C. Kalidad ng buhay D. Externalities
__27. Si Mr. Yohan ay isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross
Domestic Product isasama ang kanyang kinita?
A. China at Pilipinas dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita. B. Pilipinas dahil nandito ang
kanyang negosyo at kumikita siya dito. C. Japan dahil mamamayan siya nito. D. Wala sa nabanggit
__28. Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon
ang. A. Gross National Product B. Growth Rate C. Nominal GNI D. Real GNI
__29. Alin ang HINDI kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita?
A. Added Approach B. Expenditure Approach C. Income Approach D. Economic Freedom Approach
__30. Bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bansa?
A. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya. B. Magiging
malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan. C. Ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa
bansa. D. Lahat ay tamang sagot.
__31. Ang _______ ay halaga ng produksyon sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon.
A. Gross National Income C. Real GNI B. Gross Domestic Product D. Nominal GNI
__32. Ang iba pang tawag sa Impormal na Sektor ay ________________.
A. Mixed Economy C. Command Economy B. Underground Economy D. Market Economy
__33. Ang ________ ay produksyon na nagawa sa loob ng bansa sa isang taon.
A. Real GNI B. Gross National Income C. Gross Domestic Product D. Nominal GNI
__34. Ang _________ ay iba pang tawag sa Nominal GNI.
A. Current Price GNI B. Constant Prices GNI C. Real GNI D. Price Index
__35. Ang kita ng ____________ ay tumutukoy sa kabayaran na tinatanggap ng mga tao na hindi
matatawag na sahod o sweldo at kabilang din dito ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian.
A. Kompanya o korporasyon B. Empleyado C. Entrepreneur at ng mga ari-arian D. Pamahalaan
__36. Tinatawag ang ____________ na Value Added Appoach kung saan kinukwenta ang lahat ng
naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa.
A. Expenditure approach B. Industrial Origin Approach C. Income Approach D. Economic approach
__37. Kung ang palayan mo ay nasalanta ng bagyo at nangangailangan ka ng pera, ang bangkong ito ang
makatutulong sa iyo?
A. Development Bank of the Philippines B. Bank of the Philippine Island C. Land Bank of the Philippines
D. China Bank
__38. Mahalaga ang ginagampanang gawain ng Bangko Sentral sa ekonomiya ng ating bansa dahil?
A. layunin nito na panatilihing matatag ang presyo at pananalapi ng bansa B. dito ginagawa ang pera
na siyang ginagamit sa pamimili C. ito ay may direktang kapangyarihan sa mga bangko
D. Lahat ng nabanggit
__39. Paano nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang mataas na implasyon?
A. marami ang nawawalan ng hanapbuhay B. tumataas ang presyo sa pamilihan C. bumababa ang
halaga ng pera D. dumadami ang nangungutang
__40. Mahalagang makontrol ang suplay ng salapi sa sirkulasyon upang _________?
A. hindi mapeke ang pera sa pamilihan B. mapatatag ang presyo sa pamilihan
C. maraming negosyante ang magkautang D. mabilis umunlad ang bansa
__41. Paano pumasok sa ekonomiya ng mahihirap na bansa ang World Bank?
A. Sa pamamagitan ng pagtulong at pagpapautang sa mahihirap na bansa B. Sa pamamagitan ng
pakikialam sa ekonomiya ng mahihirap na bansa C. Sa pamamagitan ng Bangko Sentral
D. Sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa kapangyarihan ng Word Bank Operation
__42. Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahaykalakal sa
pamamagitan ng ______________.
A. excise tax B. proporsiyonal na buwis C. sales tax at income tax D. witholding tax
__43. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng ____ upag maiwasan ang panggagaya o pamemeke ng
salapi sa pamilihan. A. commodity Standard B. moral Suasion C. open-market D. reserba
ng pera
__44. Paano nakatutulong ang mga bangko sa ekonomiya ng bansa lalo na ang Bangko Sentral?
A. Nag- iisip kung paano makatutulong upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na
kinakaharap ng bansa. B. Nagpapautang sa pamahalaan ng may mababang interes upang mapalago ang
ekonomiya ng ating bansa. C. Nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matulungan ang pamahalaan.
D. Gumagawa ng paraan na palaguin ang ekonomiya ng bansa.
__45. Sa Patakarang Pananalapi kailangang maipatupad ang Fiat Money Authority ng Bangko Sentra
sapagkat __? A. marami ditong perang maaaring gamitin. B. sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
C. lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral. D. sila ang may kapangyarihang mag
imprenta ng salapi sa bansa.
__46. Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang _______________.
A. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang B. hindi magwelga ang mga manggagawa C. maiwasan ang
pagtaas ng implasyon D. dumami ang pera ng bansa
__47. Paano nakakatulong ang Open-market operation ng BSP sa pamahalaan?
A. Sa pamamagitan ng pagbenta o pagbili ng pagkakautang ng pamahalaan B. Paghingi ng pahintulot na
gumastos ng pera ng pamahalaan C. Pagsasagawa ng mga seminar sa mga maliliit na negosyante D.
Pagpapautang sa mga maliliit na bangko sa bansa
__48. Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,000.00 at
ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang mabibili sa kaparehong
presyo ay hindi na kasing laki ng dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa
pangyayari?
A. Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV. B. Ang Php 25, 000.00 noon ay hindi na
kapareho ng halaga sa kasalukuyan. C. Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan. D. Wala siyang
trabaho upang makabili ng TV.
__49. Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100 at ang CPI sa
kasalukuyan ay 125, ano ang kahulugan nito?
A. Ang price index ng batayang taon ay 125. B. Ang market basket ay 125. C. Ang halaga ng market
basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas kaysa sa batayang taon. D. Ang halaga ng market basket sa
kasalukuyan ay 125% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
__50. Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.
A. Mga nagpapautang B. Nangungutang C. Taong di-tiyak na kita D. Speculators

WILFREDO L. DE LOS REYES JR.


ARALING PANLIPUNAN 9 TEACHER

You might also like