You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Ikatlong Markahan sa Araling Panlipunan
SY 2023-2024

Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: __________________


Seksyon: _______________________________________________________ Petsa: _________________

Panuto: Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay mahalaga dahil nauunawaan natin ang ugnayan at gawain ng
bawat sektor ng ______.
A. agrikultura B. industriya C. ekonomiya D. paggawa
2. Ito ang sektor na kabilang sa paikot na daloy ng ekonomiya na pinanggagalingan ng lupa, paggawa,
at kapital.
A. pamilihan ng salik ng produksyon C. pamilihan ng kalakal at paglilingkod
B. pamahalaan D. pamilihang pinansiyal
3. Ang ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal sa pamahalaan ay kinapapalooban ng _____ na
ginangamit ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong pampubliko.
A. pagpataw ng parusa sa mga nagkakasala C. pagpapatupad ng batas
B. pagpapatakobo ng Negosyo D. pagkolekta ng buwis
4. Ang presentasyon ng ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay itinuring na “open
economy” dahil sa presensya ng panlabas na sektor. Ito ay nangangahulugang _____.
A. mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan
B. mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa
pamamagitan ng pagkakautang
C. mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa
pamamagitan ng pakikisosyo
D. mayroong pakikipag-ugnayan ng ekonomiya ng ating bansa sa ekonomiya ng ibang bansa sa
pamamagitan ng paghingi ng tulong kapag may kalamidad
5. Sinasabing hindi orihinal na gawaing pang-ekonomiya ang pag-iimpok at pamumuhunan. Ito ay
nagaganap lamang dahil sa ________________.
A. pagkakaroon ng pagpaplano sa hinaharap B. paglaki ng pamumuhunan
C. pagtatag ng ekonomiya D. pagkakaroon ng balanseng pag-iimpok
6. Itinuturing na nagmamay-ari ng salik ng produksyon ang _______.
A. bahay-kalakal B. bangko C. pamahalaan D. sambahayan
7. Ang pag-aangkat (import) at pagluluwas (export) ay mga gawain na kabilang sa:
A. panlabas na sector B. bahay- kalakal C. sambahayan D. pamahalaan
8. Ang sangay ng Ekonomiks na nakatuon sa pag- aaral ng kabuuan ng pangekonomikong kalagayan
ng buong lipunan.
A. Sosyoekonomiks B. Makroekonomiks C. Paraekonomiks D. Maykroekonomiks
9. Ang ___ ay kita ng pamahalaan na nakukuha mula sa buwis na nakokolekta ito.
A. interes B. kapital C. tariff D. public revenue
10. Ang pamilihang pinansyal ay may kaugnayan lamang sa bahay-kalakal kung ito ay may
pagpapaplano sa hinanarap gaya ng pagpapalawak ng negosyo, at pagdadagdag ng produksiyon.
A. pag-iimpok C. pamumuhunan
B. pangungutang D. pagbebenta
11. Ito ay gawain ng sambahayan kung saan inilalagak nila ang bahagi ng kanilang kita sa bangko.
A. pag-iimpok C. pamumuhunan
B. pangungutang D. pagbebenta
12. Si Mrs. Park ay isang Koreana na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang
kanyang kinikita dito sa Pilipinas kahit na siya ay isang Koreana?
A. Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil mamamayan siya nito
B. Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
D. Sa Gross Domestic Product ng Korea at Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
13. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa?
A. Gross Domestic Product B. Gross National Income
C. Expenditure Approach D. Income Approach
14. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income
(GNI) nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI
C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng GNI
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI
15. Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?
A. Upang magkaroon ng datos ukol dito
B. Upang malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng
bansa.
C. Upang makaiwas sa pagkalugi ang mga negosyante
D. Upang magsilbing basehan kung sino ang pinakamayaman na bansa
16. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pagsukat ng GNI na tumutukoy sa pagbaba ng halaga ng
yamang pisikal bunga ng pagkaluma at bunga rin ng tuloy tuloy na pagamit paglipas ng panahon.
A. Sahod ng mga Manggagawa
B. Net operating Surplus
C. Depresasyon
D. Di-tuwirang Buwis
17. Ito ay isa sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita kung saan ito ay nabibilang sa paraan ng
paggastos (expenditure approach) na tumutukoy sa mga gastusin ng mga mamamayan tulad ng
pagkain, damit at serbisyo.
A. Gastusin ng pamahalaan B. Gastusin ng mga namumuhunan
C. Gastusing personal D. Gastusin ng panlabas na sector
18. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga Overseas Foreign Workers (OFW)
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
C. Maayos ng pamumuno ng pamahalaan sa pamumuhunan
D. Wala sa mga nabanggit
19. Ayon kay Villegas at Abola (1992), mga Pilipinong Ekonomista, may tatlong paraan sa pagsukat ng
Gross National Income. Alin ang hindi kabilang?
A. Industrial Origin Approach
B. Expenditure Approach
C. Income Approach
D. Expenditure-Income Approach
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa expenditure approach?
A. Gastusing Personal
B. Statistical Discrepancy
C. Sahod ng mga Manggagawa
D. Net Factor Income from Abroad
21. Ito ay tumutukoy sa mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina at hilaw na
materyales para sa produksyon.
A. Gastusin ng Pamahalaan
B. Gastusing Personal
C. Gastusin ng mga Namumuhunan
D. Gastusin ng Panlabas na Sektor
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa income approach?
A. Net Factor Income from Abroad B. Net Operating Surplus
C. Subsidiya D. Depresasyon
23. Ito’y tumutukoy sa mga tinubo ng mga korporasyong pribado, o korporasyong pag-aari at
pinatatakbo ng pamahalaan o government-owned corporations and companies (GOCC) at iba pang
negosyo.
A. Sahod ng mga mangagawa B. Di-tuwirang buwis
C. Depresasyon D. Net Operating Surplus
24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa anumang kakulangan o kalabisan sa pagkwenta ng
kabuuang kita ng bansa sa loob ng isang taon subalit may hindi katiyakan kung saan maaaring
ibilang?
A. Net Factor income from abroad B. Statistical Discrepancy
C. Gastusin ng panlabas na sektor D. Gastusing Personal
25. Ang subsidiya ay:
A. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang mapataas ang sahod ng manggagawa
B. Salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na
produkto o serbisyo.
C. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang mabawasan ang gastusin ng pamahalaan
D. Salaping binabalikat ng pamahaalan upang dumami ang proyekto ng pamahalaan
26. Ano ang kahulugan ng Implasyon?
A. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin. B. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
C. Pagbaba ng halaga ng salapi. D. Pagtaas ng halaga ng salapi.
27. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Deplasyon B. Resesyon C. Depresasyon D. Implasyon
28. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Implasyon?
A. Dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe.
B. Dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
C. Bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga.
D. Mataas na halaga subalit bawas na produkto at serbisyo.
29. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
A. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit
niya.
B. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng
mga kabataan ngayon.
C. Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
D. Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto.
30. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang
suliraning dulot ng Implasyon?
A. Pagbili lamang ng mga bagay na kailangan
B. Pag-aaral nang mabuti
C. Pamumuhunan
D. Pagiging magastos
31. Ang pagbaba ng presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na.…
A. implasyon B. deplasyon C. depresasyon D. resesyon
32. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng
iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong
gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema
ng pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag nang gumastos
B. Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain
C. Huminto muna sa pag-aaral
D. Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
33. Paano mo maipapakita ang iyong pananagutan sa pagkakaroon ng implasyon?
A. Ubusin lagi ang pera sa mga kagustuhan
B. Bilhin lang ang dapat bilhin at importante
C. Palaging mag shopping
D. Bumili ng bagong gamit tulad ng Cellphon
34. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.
C. Pagpapautang ng may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta.
D. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
35. Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
36. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais na bawat sektor ng ekonomiya – sambayanan, kompanya o
pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa puwedeng isusuplay ng
pamilihan.
A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation
37. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin.
A. Cost Push B. Demand Pull C. Structural Inflation D. Hyperinflation
38. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon?
A. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar B. Monopolyo o kartel
C. Pambayad utang D. Pagtaas ng demand at paggasta
39. Aling patakaran ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang
mabago ang galaw ng ekonomiya?
A. Patakarang Pananalapi B. Patakarang Expansionary
C. Patakarang Piskal D. Patakarang Contractionary
40. Ang mga sumusunod ay may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng
ekonomiya maliban sa alin?
A. Mamamayan B. Pamahalaan C. Bahay-Kalakal D. Sundalo
41. Bakit isinasagawa ng pamahalaan ang Patakarang Expansionary Fiscal?
A. Upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa
B. Upang liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo
C. Upang babagsak ang demand
D. Upang hihina ang produksiyon ng bahay-kalakal
42. Anong paraan ang ipinapatupad ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng
bansa?
A. Contractionary Policy B. Expansionary Policy
C. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Piskal
43. Kapag ang kabuuang output ng ekonomiya ay mababa ng higit sa inaasahan at magdudulot ng
pagbaba ng kabuuang demand dahil sa kawalan ng trabaho, anong paraan ang isasagawa ng
pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya?
A. Contractionary Policy B. Expansionary Policy
C. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Pisikal
44. Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maisakatuparan ang napakarami nitong
gawain. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pamahalaan upang makakalikom ng salapi?
A. mamumuhunan B. mangolekta ng buwis
C. magpapatayo ng mga proyekto D. magbibigay ng maraming trabaho
45. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan para sa mga
gastusin nito?
A. utang sa bangko B. kita mula sa panlabas na sektor
C. buwis sa mga mamamayan at negosyo D. pera mula sa pag-iimpok ng pamahalaan
46. Ano ang patakarang piskal na magdudulot ng pagbaba nang implasyon sa bansa?
A. Contractionary Policy B. Expansionary Policy
C. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Pisikal
47. Ano ang patakarang piskal na makakahikayat sa mga tao na gumastos at bumili ng mga produkto?
A. Contractionary Policy B. Expansionary Policy
C. Patakarang Pananalapi D. Patakarang Piskal
48. Bakit mahalagang maipatupad ang patakarang piskal ng bansa?
A. dahil naghahatid ito ng katatagan at katiwasayan sa ekonomiya ng bansa
B. dahil nakatutulong ito sa pagpapasigla at pagpapatatag ng ekonomiya
C. dahil nababalanse ng pamahalaan ang kaniyang paggatos para makatulong sa pagpapasigla ng
ekonomiya.
D. Lahat ng nabanggit
49. Bakit mahalagang maipatupad ang patakarang piskal ng bansa?
A. dahil naghahatid ito ng katatagan at katiwasayan sa ekonomiya ng bansa
B. dahil nakatutulong ito sa pagpapasigla at pagpapatatag ng ekonomiya
C. dahil nababalanse ng pamahalaan ang kaniyang paggatos para makatulong sa pagpapasigla ng
ekonomiya.
D. Lahat ng nabanggit
50. Nakapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya ang mataas na paggastos ng pamahalaan. Ano ang
maaaring dulot nito sa pangkalahatang demand sa pamilihan?
A. Tataas ang demand C. Bababa ang demand
B. Walang magbago sa demand D. Lahat ay posibleng mangyari

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung


Hindi ikaw ang bida sa script na napili nya”. -bob ong
- GOODLUCK–

You might also like