You are on page 1of 2

LOCUBAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Locuban, Dumalinao, Zamboanga del Sur


Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Neym:___________________________________________________________ Seksyon: _______________________


TEST I: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa B. Kita at gastusin ng pamalaan
C.Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal D. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
2. Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa. Alin sa mga sumusunod na modelo ng pambasang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo B. Ikalawang modelo C. Ikatlong modelo D. Unang Modelo
3. Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, alin sa sumusunod
ang HINDI kabilang sa nararapat gawin upang mabuhay?
A. Bubuo ng sariling damit B. Gagawa ng sariling bahay
C. Maghahanap ng pagkain D. Subukang lumangoy upang makaalis
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng unang modelo ng pambansang ekonomiya?
A. Hindi umaasa ang sambahayan sa bahay-kalakal.
B. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo ng produkto.
C. Isinaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa hinaharap.
D. Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal.
5. Ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Alin sa mga modelo ng pambansang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo
6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya?
A. Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay kalakal.
B. Ang sambahayan ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer.
C. Ang sambahayan ay may demand ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto.
D. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita
7. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets maliban sa:
A. kostumer B. lupa C. paggawa D. pamilihan para sa kapital na produkto
8. Kilala ito bilang goods market o commodity markets. Alin sa sumusunod ito tumukoy?
A. Pamilihan ng mga hilaw na sangkap B. Pamilihan ng mga piling mamimili
C. Pamilihan ng mga pribadong tao D. Pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity
9. Ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya- ang sambahayan at bahay kalakal. Anong modelo ng ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo B. Ikalawang modelo C. Ikatlong modelo D. Unang Modelo
10. Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumilikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may
kakayahang lumikha nito. Subalit bago makalikha ng produkto, ano ang unang dapat isaalang-alang ng bahay-kalakal?
A. Kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon
B. Kailangan ng bahay-kalakal na maghanap ng mga manggagawa
C. Kailangan ng bahay-kalakal na gumawa ng isang desinyo ng produkto
D. Kailangan ng bahay-kalakal ng matalinong tagapamahala
11. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ano pa ang nagiging mahahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bahay-kalakal sa ikatlong modelo
ng pambansang ekonomiya?
A. Pag-iimpok at pamumuhunan B. Pamimigay ng mga produkto sa mga tao
C. Pagkunsumo sa sarili nitong produkto D. Pagbibinta ang mga produkto sa murang halaga
12. Ang mga sumusunod ay pamilihan sa ikatlong modelo maliban sa:
A. Pamilihan para sa commodity o tapos na produkto B. Pamilihan para sa mahihirap na mamamayan
C. Pamilihan para sa pinansiyal na kapital D. Pamilihan para sa salik na produksiyon
13. Sa ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya ay nag-iimpok ang mga mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang
isang bahagi ng natanggap na kita. Anong tawag sa bahagi ng kitang ito na hindi ginastos?
A. Deposit B. Donation C. Insurance D. Savings
14. Alin ang HINDI kabilang sa pamilihang pinansiyal?
A. Banko B. Kooperatiba C. Insurance Company D. Sari-sari Store
15. Kung ang kabuuang kita ni Earl ay ₱25,000. 00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay ₱21, 000. 00 magkano ang maaari nyang ilaan
para sa pag-iimpok?
A. ₱1, 000. 00 B. ₱2, 000. 00 C. ₱3, 000. 00 D. ₱4, 000. 00
16. Alin sa sumusunod ang kinokolekta at ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
A. Emergency Loan B. Buwis C. GSIS Fund D. Soft Loan
17. Ang mga sumusunod ay pinagbabatayan sa paglago ng pambansang ekonomiya maliban sa:
A. Pagtaas ng produksiyon B. Produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan
C. Produktibidad ng pamumuhunan D. Pagbaba ng halaga ng peso laban sa dolyar
18. Upang maging matatag ang ekonomiya, mahalagang makalikha ng positibong motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan. Alina ng dapat
isaalang-alang?
A. Hindi gawing mandatory ang pagsingil buwis sa mamamayan
B. Isakatuparan ang pampublikong paglilingkod na ipinangako sa pagsingil ng buwis
C. Nasa kamay lamang ng isang pinuno ang katatagan ng ekonomiya ng bansa
D. Tangkilikin ang mga produktong banyaga kaysa lokal na produkto
19. Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ano ang nagiging karagdagang gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa ekonomiya kung ikaapat na
modelo ng pambansang ekonomiya ang pag-uusapan?
A. Pagbabayad ng buwis B. Pagbibigay tulong sa mga nangangailangan
C. Pagtaas ng sahod D. Pagtatayo ng mga edipisyo
20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI TOTOO?
A. Ang buong ekonomiya ay iasa lamang sa pamahalaan
B. Ang mga pampublikong paglilingkod ay dapat maging produktibo.
C. Hindi dapat maging palaasa ang mga tao sa tulong na ibibigay ng pamahalaan.
D. Hindi rin dapat makipagkompetensiya ang pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay kalakal.
21. Sa paikot na daloy ng ikonomiya, si Chrys ay bahagi ng sambahayan na nangangailangn ng mga produkto at serbisyo ng isang prodyuser.
Anong sektor ang magsisilbing tulay sa pagitan ng konsyumer at prodyuser?
A. Financial Market B. Panlabas na sektor C. Pamahalaan D. Product Market
22. Alin ang totoo tungkol sa ikalimang modelo ng pambansang ekonomiya?
A. Ang pambansang ekonomiya ay sarado sa ibang bansa
B. Ang pamahalaan ay hindi nakipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya.
C. Bukas ang bansa sa kalakalang panlabas
D. Nakipagkalakalan ang pamahalaan sa mga piling lugar lamang
23. Alin sa sumusunod ang taga-konsumo ng tapos na produkto at nagsusuplay ng mga salik ng produksiyon?
A. Pamahalaan B. Panlabas na sektor C. Pampinansyal na sektor D. Sambahayan
24. Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
A. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store
B. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis
C. Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis
D. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader
25. Ang bahay kalakal ay nagluluwas ng mga produkto sa panlabas na sector samantalang ang sambahayan ay nag-aangkat mula dito. Alin sa mga
modelo ng pambasang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo B. Ikalimang modelo C. Ikalawang modelo D. Ikatlong modelo
26. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga bahaykalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karadgdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
D. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
27. Alin sa ibaba ang pamilihan ng mga import at export na mga produkto?
A. Pamahalaan B. Panlabas na sektor C. Pampinansyal na sektor D. Sambahayan
28. Ang sambahayan, bahay-kalakal, pamilihang pinansyal, pamahalaan at panlabas na sektor ay may mahahalagang ginagampanan sa
ekonomiya. Ang paikot na daloy ng produkto at serbisyo ay ginagamit upang maipakita ang:
A. Gawain ng bawat isa B. Salaping natatanggap ng mga pampinansyal na sektor
C. Ugnayan ng konsyumer at prodyuser D. Ugnayan ng limang sektor sa payak na paraan
29. Alin sa sumusunod ang sektor na namamagitan sa mga nag-iimpok at mga namumuhunan?
A. Pamahalaan B. Panlabas na sektor C. Pampinansyal na sektor D. Sambahayan
30. Bakit mahalaga ang papel ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga batas para sa ekonomiya
B. Ang pamahalaan ang nagsisilbing tagapag-bantay ng mga gawaing pangekonomiya
C. Ang pamahalaan ay may malaking bahagi sa regulasyon ng mga gawaing pang-ekonomiya na may kinalaman sa takbo at daloy ng ekonomiya.
D. Ang pamahalaan ay nagsisilbing isa sa mga daluyan ng salapi sa ekonomiya sa pamamagitan ng pangongolekto ng buwis na naibabalik sa
daloy sa pamamagitan ng paggastos nito
31. Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo.
A. Buwis B. Loan C. Insurance D. Savings
32. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa
A. Sahod B. Online Selling C. Export D. Import
33. Pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa
A. Sahod B. Online Selling C. Export D. Import
34. Sa _________________ kumukuha ang bahay-kalakal na pandagdag puhunan para mapalaki at paunlad ang produksiyon nito.
A. Financial Market B. Commodity Market C. Factor Market D. World Market
35. Ang pangongolekta ng buwis at ang paggastos nito para sa mga proyekto at iba pang gawain ay ang bahaging ginagampanan ng
_____________ sa ekonomiya.
A. Bahay Kalakal B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Panlabas na Sektor

TEST II. Tukuyin at isulat sa loob ng kahon kung anong sektor ang ipinakita sa diyagram.

You might also like