You are on page 1of 4

1. Ano ang inilalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya?

A. Kita at gastusin ng pamahalaan C. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya


B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa D. Transaksyon ng mga institusyong pampinansiyal

2. Alin sa mga pahayag na ito ang nagpapakita ng ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal ayon sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
B. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis sa pagbuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho ang mga bahay-kalakal

3. Aling modelo ng pambansang ekonomiya ang naglalarawan ng isang simpleng ekonomiya?


A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo

4. Sa pambansang ekonomiya, aling sektor ang tagalikha ng produkto at serbisyo?


A. Bahay-kalakal B. Pamahalaan C. Panlabas na Sektor D. Sambahayan

5. Sa aling pamilihan bumibili ang sambahayan ng mga produkto at serbisyo?


A. Pamilihang Pandaigdig C. Pamilihan ng Salik ng Produksyon
B. Pamilihan ng Kalakal at Serbisyo D. Pamilihang Pinansyal

6. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng interdependence ng sambahayan at bahay-kalakal?


A. Kapwa kumikita at gumagastos ang bahay-kalakal at sambahayan
B. Umaasa ang sambahayan sa bahay-kalakal pagdating sa mga produkto at serbisyo at sa mga salik ng produksyon
C. Hindi mabubuhay ang sambahayan kung wala ang bahay-kalakal o ang bahay-kalakal kung wala ang sambahayan
D. Umaasa ang bahay-kalakal sa sambahayan para sa mga salik ng produksyon at ang sambahayan sa bahay-kalakal para sa mga
produkto at serbisyo

7. Ano ang maaaring ibubunga kung ang sambahayan at bahay-kalakal ay magiging matapat sa pagbabayad ng kanilang
buwis?

A. Makapagbibigay ng mas maraming pampublikong serbisyo ang pamahalaan sa mga mamamayan nito
B. Magiging mas maayos ang pamumuhay ng sambahayan at bahay-kalakal sa bansa
C. Maraming mga bahay-kalakal ang magtatayo ng mga bagong negosyo sa bansa.
D. Magiging mas masigla at uunlad nang husto ang ekonomiya ng bansa

8. Sa Ikatlong Modelo nagaganap ang pagtatabi ng sambahayan ng bahagi ng kanilang kita. Ano ang magiging epekto nito sa
ating pambanasang ekonomiya?

A. Nagkakaroon ng balanse sa ekonomiya C. Naging maunlad ang ekonomiya


B. Nagkakaroon ng disekwilibriyo sa ekonomiya D. Naging sobra ang panggastos ng sambahayan

9. Sa paanong paraan maeengganyo ang mga tao para magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan?
A. Babaan ng pamahalaan ang ipinapataw na buwis
B. Bigyang ng akmang parusa ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis
C. Magbibigay ng pabuya ang pamahalaan sa lahat ng nagbabayad ng tamang buwis
D. Maipahatid ng pamahalaan ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangako nito sa mga tao

10. Ang ginawang pag-iimpok ng sambahayan ay nagdudulot ng disekwilibriyo sa ekonomiya. Bakit nagdudulot ng
disekwilibriyo ang pag-iimpok?

A. Dahil hindi na bumibili ng mga produkto at serbisyo ang sambahayan sa bahay-kalakal


B. Dahil hindi na naeengganyong lumikha ng maraming produkto at serbisyo ang bahay-kalakal
C. Dahil ang pag-iimpok ay isang gawaing hindi nakatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
D. Dahil nababawasan ang kabuuang demand ng sambahayan na nagreresulta sa pagliit ng kita ng bahay-kalakal

11. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng ating pambansang ekonomiya, ano ang maaari mong gawin upang magpapatuloy
ang maayos na ugnayan ng mga sektor ng ating ekonomiya?

A. Bibili ako ng maraming produkto at serbisyo sa bahay-kalakal.


B. Hihikayatin ko ang lahat ng mga tao sa aming lugar na mag-impok at magbayad ng buwis.
C. Magiging matalino ako sa pagdedesisyon sa mga bagay na aking bibilhin at ugaliing makapag-ipon kahit konti.

D. Maghahanap ako ng mapagkikitaan upang magkaroon ako ng pera upang makabili ng maraming produkto para matulungan ko ang
bahay-kalakal.

12. Tumutukoy ito sa kabuuang halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa.
A. Gross Domestic Income C. Gross National Income
B. Gross Domestic Product D. Gross National Product

13. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pagkwenta ng Gross National Income?
A. Kita ng mga OFW C. Kita ng mga dayuhan
B. Kita ng mga Pinoy na nandito sa bansa D. Produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa
14. Sa pagkwenta ng GNI o GDP, anong pamamaraan ang ginagamit sa pagtataya sa mga gastos ng mga sektor ng ekonomiya?
A. Industrial Origin C. Income Approach
B. Expenditure Approach D. Value Added Approach

15. Ano ang dating tawag sa Gross National Income?


A. Gross National Product C. Net Income Accounting
B. Gross National Accounting D. Gross Domestic Income

16. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?


A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansyal
B. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
C. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
D. Dahil magpapakita ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksyon

17. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa batay sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang
gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?

A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.


B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
C. Oo, dahil nagpapakita ito na hindi mahusay ang pamamalakad ng ekonomiya.
D. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa pandaigdigang ekonomiya.

18. Bakit hindi kasama sa pagkwenta ng GNI ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor?
A. Dahil ang kanilang mga gawain ay labag sa batas
B. Dahil walang mga dokumento na mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain
C. Dahil maliliit lamang ang kanilang mga negosyo at kadalasan ay nagsasara dahil sa kakulangan ng puhunan.
D. Dahil hindi na sila pinapakialaman ng pamahalaan dahil walang mga permit ang kanilang mga gawaing pangkabuhayan.

19. Kahit na hindi perpektong panukat ng pambansang ekonomiya ang GNI o GDP, bakit marami pa ring mga bansa sa
mundo ang gumagamit nito?

A. Dahil ipinapakita pa rin nito ang antas ng pagsulong ng ekonomiya


B. Dahil ito lamang na mga panukat ang madaling gamitin ng mga nasabing bansa
C. Dahil nakasanayan na ang mga panukat na ito at hindi pa sila nakabuo ng bagong sistema
D. Dahil nakukwenta ng mga panukat na ito ang lahat ng mga produkto at serbisyo na nabuo sa bansa

20. Ano ang tawag sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kaniyang ibinibigay?
A. Kita B. Pag-iimpok C. Pagkonsumo D. Salapi

21. Kamakailan lang natanggap ni Sam ang kanyang bonus. Ibibili sana niya ito ng bagong flat screen t.v. ngunit
nakapagdesisyon siya na itatabi na lang muna ang pera sa kanyang bangko. Anong aksyon ang kanyang isinagawa?

A. Pag-iimpok B. Pagkonsumo C. Pangungutang D. Pagtitipid

22. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng ugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok?

A. Mula sa sahod na natatanggap ni Ann sa Gaisano Mall, nabibili niya ang lahat ng kanyang pangangailangan.
B. Mahirap ang buhay ni Alex dahil hindi kasya ang kanyang kinikita sa pang-araw araw niyang pangangailangan.
C. Ang lahat na kinikita ni Sam sa pagtatrabaho ay itinatabi niya sa bangko para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

D. Mula sa sahod ni Mike, nabibili na niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya at nakapagtatabi pa siya ng konting halaga
sa kanilang rural bank.

23. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ni Dan?


A. Mahihikayat si Dan na magtipid para sa hinaharap.
B. Mahihikayat si Dan na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
C. Mahihikayat si Dan na umutang at tataas ang kanyang pangkonsumo.
D. Mahihikayat si Dan na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.

24. Ano ang tawag sa kita ng perang iniimpok sa bangko?


A. Interes B. Renta C. Sahod D. Stock

25. Ano ang maaaring mangyari kung itatago mo lamang sa alkansiya ang inyong pera?

A. Hindi ito magagastos nang basta basta. C. Hindi ito kikita ng interes.
B. Hindi ito masisira ng anumang insekto. D. Hindi ito mananakaw ng sinuman.

26. Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa loob ng isang tanong. Ano ang negatibong
epekto ng implasyon sa ekonomiya?

A. Pagdami ng pera na nasa sirkulasyon C. Pagtaas ng demand sa mga produkto


B. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa D. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan
27. Kung ang implasyon ay may kinalaman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ano naman ang ibig sabihin ng deplasyon?

A. Pagtaas ng sulay ng produkto C. Pagbaba ng demand ng mga mamimili


B. Pagbaba ng presyo ng mga bilihin D. Mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin

28. Alin sa sumusunod ang sanhi ng implasyon?

A. Ang pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar


B. Ang pagbaba ng konsumo ng produkto sa pamilihan
C. Ang kawalan ng panustos sa produkto na kinakailangan ng mga mamimili
D. Ang pagkakaroon ng debalwasyon o pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar sa pandaigdigang pamilihan

29. Kailan nagaganap ang demand pull inflation?

A. Kapag mababa ang demand ng mga konsyumer C. Kapag mataas ang demand ng mga konsyumer
B. Kapag sobrang mataas ang demand ng mga prodyuser D. Kapag wala nang bumibili sa mga produkto at serbisyo

30. Bakit nagaganap ang cost-push inflation?

A. Dahil sa lumalaking demand ng mga tao sa mga panhunahing produkto at serbisyo


B. Dahil sa mas marami ang nalilikhang mga produkto kaysa mga nagnanais na bumili nito
C. Dahil ito sa pagtaas ng gastusing pamproduksyon na naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
D. Dahil ito sa mababang halaga ng mga salik ng produksyon na naging sanhi ng pagbaba rin ng presyo ng mga bilihin

31. Sino sa kanila ang nakikinabang kapag may implasyon?


A. Umuutang B. Nag-iimpok C. Nagpapautang D. May mga tiyak na sahod

32. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga sanhi ng implasyon MALIBAN sa isa
A. Kakulangan sa enerhiya C. Pagtaas ng halaga ng pamumuhay
B. Pagtaas ng kapasidad sa produksyon D. Paglaki ng demand kaysa sa produksyon

33. Alin sa mga ito ang pinakamainam mong gawin upang makatulong sa paglutas sa problema sa implasyon?
A. Pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng mga produkto
B. Bibili lamang ng mga gamit na nagtataglay ng pinakamababang presyo
C. Magiging maayos at masinop sa paggamit ng mga bagay at pasilidad sa bahay at sa paaralan
D. Mapa-bahay o sa paaralan man, kailangang gamitin lahat ang mga bagay o pasilidad sa lahat ng oras para mapakinabangan ang
mga ito.

34. Kung ikaw ang prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang
pagtuunan mo ng pansin?

A. Oo, dahil ito na ang pagkakataon na kumita at tumubo ng malaki.


B. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki.
C. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo na ng mga mahihiarap ang napakataas na presyo.
D. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo.

35. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?

A. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.


B. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

36. Bakit nagkakaroon ng implasyon kapag tumaas ang suplay ng salapi sa bansa?
A. Nahahatak ang presyo ng mga bilihin paitaas kapag mataas ang demand o paggasta ng mga tao dahil sa pagkakaroon nila ng
maraming pera.
B. Nagaganap ang implasyon dahil maliit lamang na bahagi ng pera ang ginagastos ng mga tao kaya tinaasan ang presyo para ilabas
ng mga tao ang kanilang pera.
C. Dahil nakagagawa ng maraming produkto ang mga prodyuser at tataasan nila ang presyo ng mga ito para kumita nang malaki kaya
nagkakaroon ng implasyon.
D. Ang malaking bahagi ng suplay ng pera na ito ay inutang sa bangko kaya nararapat lamang na taasan ng mga prodyuser ang presyo
ng mga produkto upang mabayaran nila ng kanilang utang.

37. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa paggamit ng pagbabadyet at pagbubuwis pamahalaan upang makamit ang isang
matatag na ekonomiya?

A. Budget Deficit B. Budget Surplus C. Patakarang Piskal D. Patakarang Pananalapi

38. Anong patakaran ang ipinapatupad ng pamahalaan upang pabagalin ang sobrang kasiglahan ng ekonomiya ng bansa para
maiwasan ang implasyon?

A. Budget Call B. Contractionary FP C. Expansionary FP D. Fiscal Policy (FP)


39. Kung nakararanas ng katamlayan ang ekonomiya ng bansa, aling patakaran naman ang ipinapatupad ng pamahalaan?

A. Budget Call B. Contractionary FP C. Fiscal Policy (FP) D. Expansionary FP

40. Alin dito ang tumutukoy sa kabuuang plano ng maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon?
A. Budget Call B. Patakarang Piskal C. Pambansang Badyet D. Government Expenditure

41. Aling pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan ang sapilitang ipinapatanaw sa mga may hanapbuhay at may negosyo?
A. Kita sa buwis C. Kita sa pribadong pagnenegosyo
B. Pangungutang D. Pagbebenta ng mga pag-aari ng pamahalaan

42. Mga katangian ng salapi maliban sa ____.


A. naitatago B. natatanggap C. matatag D. nahahati

43. Pinakamalaking problema sa barangay nina Mang Carding ang suplay ng malinis na tubig. Sa mga natutunan mo tungkol
sa paghahanda ng pambansang badyet, paano mo matutulungan sina Mang Carding?

A. Magpapadala sila ng liham kay Pangulong Duterte tungkol sa kanilang problema.


B. Makikiusap sila sa mga mayayaman sa kanilang lugar upang mabigyan sila ng malinis na tubig.
C. Magtanong sila sa kanilang punong-barangay at humingi ng tulong ukol sa proseso ng bottom-up-budgetting.
D. Maghintay na lamang sila kung kailan maibibigay sa kanila ng pamahalaan ang kanilang pangangailangan sa tubig.

44. Bakit kailangang ipapatupad ng pamahalaan ang patakarang piskal?


A. Para magkaroon ng maraming pera ang pamahalaan
B. Para makalikom ng malaking buwis ang pamahalaan
C. Para makahingi ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa ibang bansa
D. Para mapanatiling nitong maayos at matatag ang ekonomiya ng bansa

45. Paano ipinamamahagi ng pamahalaan ang pambansang kita nito sa kanyang mga mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbawas sa mga buwis ng mga tao
B. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng pampublikong utang
C. Sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pampublikong serbisyo
D. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga negosyong mapapakinabangan ng mga tao

46. Mayroong dalawang uri ng buwis batay sa kung sino ang apektado nito, ito ay ang direct at indirect. Alin sa mga
sumusunod na buwis ang direct?

A. Buwis sa value added C. Buwis sa alak at sigarilyo


B. Buwis sahod at negosyo D. Buwis para mga produktong imported

47. Ano ang maaaring mangyari kung tuluyan nang masolusyunan ng pamahalaan ang problema ng kurapsyon sa bansa?

A. Maraming dayuhan ang bibisita sa bansa.


B. Magiging masaya at mapayapa ang ating bansa.
C. Magiging matapat na sa kanilang pagseserbisyo ang mga opisyal ng pamahalaan.
D. Magiging matapat na rin ang mga mamamayan sa pagbabayad ng kanilang buwis at siguradong maipapahatid ng pamahalaan ang
lahat ng serbisyo sa publiko.

48. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang nagsasaayos ng suplay ng salapi sa sirkulasyon. Kailan isinasagawa ng BSP
ang expansionary money policy?
A. Kapag kailangang pababain ang presyo ng mga bilihin
B. Kapag sobra ang paggasta ng sambahayan at mga mamumuhunan
C. Kapag kinakailangang bawasan ang sahod at paggasta ng mga manggagawa
D. Kapag nais na hikayatin ng pamahalaan ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo

49. Ang mga sumusunod ay mga gamit ng salapi, MALIBAN sa isa


A. Pamantayan ng halaga C. Sukatan sa kapasidad na magbayad ng utang
B. Instrumento ng palitan D. Ipagpalibang kabayaran o deferred payments

50. Sa pamamagitan ng salapi, ang bawat produkto ay nagkakaroon ng presyo. Ano ang gamit ng pera rito?
A. Pambayad ng utang C. Instrumento ng palitan
B. Pamantayan ng halaga D. Pagpapatatag sa halaga ng

You might also like