AP9 Q3 Test

You might also like

You are on page 1of 9

Araling Panlipunan 9

Ikatlong Markahang Pagsusulit


SY 2023-2024

MULTIPLE CHOICE – Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Para sa blg. 1-6

Ang paggamit ng mga modelo o dayagram


ay isang paraan upang maunawaan ang galaw ng
mga bumubuo ng pambansang ekonomiya.
Ipinapakita sa paikot na daloy ng ekonomiya ang
ugnayan at kung paano gumagana ang isang
ekonomiya sa pamamagitan ng pagtanggap ng kita
at paggasta ng bawat sektor na bahagi nito.
Sa kaliwang bahagi ay ang dayagram ng
ikaapat na modelo na binubuo ng tatlong sektor at
tatlong pamilihan.

1. Ano ang inilalarawan sa paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Ang pagtanggap ng kita at paggasta lamang ng bahay-kalakal
B. Ang ugnayan ng bahay-kalakal sa pamilihan ng salik ng produksyon
C. Ang ugnayan ng mga sektor at pamilihan na bumubuo sa ekonomiya
D. Ang ugnayan ng sambahayan at pamilihan ng kalakal at paglilingkod
2. Ano ano ang mga gampanin ng pamilihang pinansyal sa paikot na daloy ng ekonomiya?
I. Tumatanggap ng pag-iimpok ng sambahayan
II. Nangongolekta ng buwis kasama ang pamahlaan
III. Nagbebenta ng mga salik ng produksyon sa bahay-kalakal
IV. Nagpapautang sa bahay-kalakal para sa dagdag na pamumuhunan
A. I at II B. I at IV C. II at III D. II at IV
3. Alin sa mga pahayag na ito ang nagpapakita ng ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal ayon sa
paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ang kita ng sambahayan ay ginagamit ng bahay-kalakal sa pagpapatayo ng mga pabrika.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis sa pagbuo ng produkto na gagamitin ng
bahay-kalakal.
C. Isinasagawa ng sambahayan ang pamumuhunan upang masiguro na matutugunan ang mga
pangangailangan ng bahay-kalakal.
D. Ang mga salik ng produksyon na pagmamay-ari ng sambahayan ay pinoproseso ng bahay-
kalakal para makalikha ng mga produkto at serbisyo.
4. Ano ang mangyayari kung hindi isasagawa ng bahay-kalakal ang gampanin nito sa ekonomiya?
A. Walang magagamit na mga produkto at serbisyo ang sambahayan
B. Hindi makakolekta ng buwis ang pamahalaan
C. Malulugi ang pamilihang pinansyal
D. Hindi aasenso ang bahay-kalakal
5. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng ating pambansang ekonomiya, ano ang maaari mong gawin
upang magpapatuloy ang maayos na ugnayan ng mga sektor ng ating ekonomiya?
A. Bibili ako ng maraming produkto at serbisyo sa bahay-kalakal.
B. Hihikayatin ko ang lahat ng mga tao sa aming lugar na mag-impok at magbayad ng buwis.
C. Magiging matalino ako sa pagdedesisyon sa mga bagay na aking bibilhin at ugaliing makapag-
ipon kahit konti.
D. Maghahanap ako ng mapagkikitaan upang magkaroon ako ng pera upang makabili ng
maraming produkto para matulungan ko ang bahay-kalakal.
6. Ang pamahalaan, katulad ng ibang mga sektor ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
ekonomiya. Ano ang maaaring ibubunga kung ang sambahayan at bahay-kalakal ay magiging
matapat sa pagbabayad ng kanilang buwis?
A. Mas lalong aangat ang ekonomiya ng bansa dahil sa mataas ang koleksyon ng pamahalaan
B. Makapagbibigay ng mas maraming pampublikong serbisyo ang pamahalaan sa sambahayan at
subsidy sa bahay-kalakal
C. Magiging mas maayos ang pamumuhay ng sambahayan at bahay-kalakal sa bansa dahil sa
tulong na ibinigay ng pamahalaan.
D. Maraming mga bahay-kalakal ang magtatayo ng mga bagong negosyo sa bansa na maging
daan sa maginhawa nilang pamumuhay.

Para sa blg. 7-10


Ang ikalamang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagtataglay ng isang bukas na
ekonomiya at may kalakalang panlabas. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at
salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Ang pangangailangan sa pinagkukunang-
yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan. May mga pinagkukunang-yaman na ginagamit bilang
sangkap ng produksiyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa.
7. Ano ang tawag sa pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa?
A. Kalakalang panloob C. Dayuhang pamilihan
B. Kalakalang panlabas D. Pamilihang internasyonal
8. Sa ikalimang modelo ng pambansang ekonomiya, bakit tinagurian ito bilang isang bukas na
ekonomiya?
A. Dahil mayroon na itong ugnayan sa ekonomiya ng mga dayuhang bansa
B. Dahil nagpapasok na ito ng mga dayuhang mamumuhunan sa loob ng bansa
C. Dahil sa lumalawak na ang saklaw ng mga sektor at mga pamilihang bumubuo nito
D. Dahil naging masalimuot o komplikado na ang ugnayan sa pagitan ng mga sektor nito
9. Bakit kailangan ng Pilipinas na makipagkalakalan sa ibang mga bansa?
A. Dahil hindi pwede na isarado natin ang ating ekonomiya sa kalakalang pandaigdig
B. Dahil walang kakayahan ang bansa na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan nito
C. Dahil sa malaking pagkakautang ng bansa, may pananagutan tayo na bumili sa mga bansang
pinagkautangan natin
D. May mga pagkakataon na kinukulang ang bansa ng supply ng mga mahahalagang produkto at
may mga sangkap na sa ibang bansa lamang mabibili.
10. Sa patuloy na pag-aangkat natin ng bigas sa ibang bansa, nalalagay sa alanganin ang mga lokal na
magsasaka, sa palagay mo, nararapat bang ipagpatuloy natin ang pag-import ng bigas?
A. Oo, pero dapat sapat lang ang dami dahil kulang din ang produksyon ng mga lokal na
magsasaka para sa lumalaking demand ng bigas sa bansa.
B. Oo, para mayroong mapagpipilian na magandang kalidad ng bigas ang mga mamimili.
C. Hindi, dahil mataas naman ang produksyon ng bigas sa ating bansa at kaya nitong tugunan ang
demand ng mga mamimili.
D. Hindi, dahil hindi nakatutulong sa ating mga magsasaka kung palagi tayong umaangkat ng
bigas sa ibang bansa.

Para sa blg. 11-13

11. Batay sa Venn Diagram, alin sa mga pahayag na ito ang nagpapakita ng pagkakatulad ng GNP o
Gross National Product at GDP o Gross Domestic Product?
1. Kapwa ginagamit ang final goods sa pagkwenta ng pambansang kita
2. Kapwa ginagamit ang dalawa bilang panukat ng pambansang ekonomiya.
3. Ang kabuuang presyo o halaga ang pinagsasama-sama sa pagkwenta ng pambansang kita
4. Kapwa kasama sa pagkwenta ng GNP at GDP ang kita ng mga mamamayan sa loob at
labas ng bansa.
A. 1, 2 at 3 C. 1 at 3 lamang
B. 1 at 2 lamang D. 3 at 4 lamang
12. Si Aling Inday ay matagal nang nagtatrabaho sa Saudi Arabia bilang isang domestic helper. Ayon sa
impormasyong inilahad sa Venn Diagram, saan mabibilang ang pagkwenta ng kita ni Aling Inday?
A. Sa GDP ng Pilipinas C. Sa GNP ng Saudi Arabia
B. Sa GNP ng Pilipinas D. Kapwa sa GNP at GDP ng Pilipinas
13. Batay sa mga impormasyong napapaloob sa Venn Diagram, alin sa mga pahayag na ito ang
nagbibigay ng tamang kaisipan?
A. Mas mainam na panukat ng pambansang ekonomiya ang GNP kaysa GDP.
B. Mas mainam na panukat ng pambansang ekonomiya ang GDP kaysa GNP.
C. Kasama sa pagkwenta ng GDP ang kita ng mga OFW at mga namumuhunang Pinoy sa ibang
bansa.
D. Ang GNP at GDP ay mga economic indicator na ginagamit sa pagsukat sa kalagayan ng
pambansang ekonomiya.

Para sa blg. 14-16

Sa pagkwenta ng GNP/GNI ay hindi naisasama ang mga produkto at serbisyo na walang


katumbas na presyo o halaga, kagaya ng serbisyo ng maybahay. Ang presyo ng intermediate goods ay
hindi isinasama upang maiwasan ang paglobo ng GNP, at higit sa lahat, ang mga negosyo at kita na mula
sa underground economy ay hindi isinasama sa pagkukuwenta ng GNP. Ang undergound economy ay
mga negosyo o produktong nilikha na hindi naitatala ng pamahalaan.

14. Alin sa mga pahayag na ito ang tama tungkol sa GNP batay sa nilalaman ng teksto sa itaas?
A. Lahat ng mga produkto at serbisyo na nabuo sa bansa ay kasama sa GNP.
B. Kapwa ang intermediate goods at final goods ay kasama sa pagkwenta sa GNP.
C. Ang mga produkto at serbisyo na walang kaukulang kita ay hindi naisasama sa GNP.
D. Ang kumikita ng malaki sa underground economy ang mapapasama sa pagkwenta ng GNP.
15. Batay sa nabanggit sa teksto, alin sa mga gawaing ito ang hindi kasama sa pagkwenta ng GNP?
I. Tinutulungan ni Aling Beshy ang kanyang asawa sa kanyang paglalabada.
II. Ang ama ni Mario ay isang manager ng isang malaking bangko sa siyudad.
III. Nag-aalaga ng mga baboy at manok si Bernard para kanilang pangangailangan.
IV. Malaki ang naging ani ng pamilyang Nemesis sa kanilang tubo na sangkap sa paggawa
ng asukal.
A. I, II & III B. I, III & IV C. I & III D. III & IV
16. Kung magkaroon ng mekanismo ang pamahalaan na maitala ang mga kinita ng nasa underground
economy, ano sa palagay mo ang maging epekto nito sa ating GNP?
A. Magiging daan ito upang lalo pang lumago ang ekonomiya ng Pilipinas.
B. Walang magbabago sa resulta ng GNP dahil kaunti lang din ang kanilang kita.
C. Kahit papaano, makakadagdag ang kabuuang kita ng underground economy sa GNP ng bansa.
D. Magiging mas mataas ang ating GNP at dadami pa ang mga dayuhang negosyante na
mamumuhunan sa ating bansa.

Para sa blg. 17-19

Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng growth rate.
Ang growth rate ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon. Kapag positibo ang growth rate masasabi na may pag-angat sa ekonomiya ng bansa.
Samantala, kapag negatibo ang growth rate, ay masasabing walang naganap na pag-angat sa
ekonomiya ng bansa at maipalalagay na naging matamlay ito.

17. Alin sa mga ito ang ginagamit sa pag-alam kung ilang porsyento ang itinaas ng ekonomiya ng
bansa?
A. Per capita income C. Growth Rate
B. Gross National Income D. Gross Domestic Product
18. Alin sa mga ito ang magiging bunga kung positibo ang growth rate ng isang bansa?
A. Pagbaba ng bilang ng walang trabaho at ang pag-angat sa antas ng pamumuhay ng mga tao
B. Pagkakaroon ng malaking produksyon at pagliit ng kita ng mga manggagawa
C. Pagtaas ng antas ng implasyon at pagdami ng mga namumuhunan sa bansa
D. Pagtatanggal ng ilang manggagawa at pagsasara ng mga negosyo
19. Paano mapapakinabangan ng pamahalaan ang mga datos sa economic growth rate ng bansa?
A. Makatutulong ito upang maikompara nila ang kanilang performance sa mga nagdaang opisyal
ng bansa.
B. Makatutulong ito sa paglikha ng pamahalaan ng mga patakaran at programa sa pagpapabuti ng
economic performance ng bansa.
C. Magagamit nila ang mga datos bilang batayan para makahingi ng loan sa ibang bansa para
magamit sa pagsalba ng ekonomiya ng bansa.
D. Magsisilbi itong buhay na paalaala sa mga opisyal ng pamahalaan na kailangan nilang iangat
ang kanilang performance para sa ikagaganda ng ekonomiya ng bansa.
Para sa blg. 20-22

Ang tao ay nagdedesisyon kung ano ang nararapat gawin sa tinanggap na kita --- gamitin lahat sa
pagkonsumo o maglaan para sa pag-iimpok. Anuman ang gawin ng tao, ito ay kailangan ng bansa. Ang
mahalaga sa bawat kinita ng tao ay may inilalaan siya sa pag-iimpok at pagkonsumo upang makatulong
sa ekonomiya.

20. Ang kita ng tao ay kabayaran kapalit ang ginawang produkto o serbisyo. Batay sa teksto sa itaas,
saan ginagamit ng tao ang kanyang kita?
A. Sa pagkonsumo at pag-iimpok
B. Sa pag-iimpok at pagpapautang
C. Ipapautang sa kanyang kamag-anak o kaibigan
D. Sa pagbili lamang ng kanyang mga pangangailangan at kagustuhan
21. Aling sitwasyon ang nagpapakita sa ugnayan ng kita at pagkonsumo?
A. Ang lahat ng kinita ni Allan sa pagbebenta ng ulam ay inilagay niya sa alkansya.
B. Ang perang napagbentahan ng motorsiklo ni Mang Ben ay pinautang niya sa kanyang kapatid.
C. Sa kabutihang palad, naubos lahat ang isdang inilako ni Sara at makabibili na siya ng bigas
para sa kanilang hapunan.
D. Dahil sa mabait at mapagkakatiwalaan si Aling Magda, hindi nagdadalawang-isip ang kanyang
amo na pautangin siya ng malaking halaga.
22. Ang pag-iimpok ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Ano ang pakinabang ng gawaing
ito sa ating ekonomiya?
A. Maraming bangko ang maipatatayo kung may malaking bilang ng mga tao ang mag-iimpok
B. Malaking tulong ang may ipon dahil kung may biglaang pangangailangan ay may magagamit ka
kaagad.
C. Ang pagkakaroon ng malaking bilang ng mga nag-iimpok ay nagpapakita na maunlad ang
ekonomiya ng bansa.
D. Makatutulong ito sa pagpapalawak ng pamumuhunan na makapagbibigay ng karagdagang
trabaho sa mga tao sa bansa.

Para sa blg. 23-25


Ang implasyon ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan. Ang
pagtaas ng presyo at serbisyo ay isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng ekonomiya. Ito ay
nakaaapekto sa mga desisyong pang-ekonomiya ng sambahayan, bahay-kalakal at maging ng
pamahalaan. Ang uri at dami ng produkto at serbisyo ay naaapektuhan ng pagtaas ng presyo. Bunga nito,
maraming mamamayan ang naghihirap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at
serbisyo.
23. Ano ang nagaganap sa ekonomiya kapag may implasyon?
A. Tumataas ang bilang ng mga mamimili C. Tumataas ang bilang ng mga bahay-kalakal
B. Patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin D. Dumadami ang mga produkto at serbisyo
24. Alin sa mga pahayag na ito ang nagpapakita na apektado ng implasyon ang desisyong pang-
ekonomiya ng sambahayan?
A. Babawasan ng pamahalaan ang buwis para may pandagdag sa gastusin ang sambahayan.
B. Magpapalit ng bagong produktong lilikhain ang bahay-kalakal na abot-kaya para sa
sambahayan.
C. Magbabawas at maghahanap ng ibang alternatibong produkto at serbisyo ang sambahayan na
abot-kaya ng kanilang badyet.
D. Ang pamahalaan na ang magsilbing prodyuser para makontrol nito ang presyo ng mga produkto
at serbisyo sa mga pamilihan.
25. Bilang kasapi ng pamilya, paano ka makatutulong upang hindi kayo gaanong maghirap nang dahil
sa patuloy ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin?
A. Babawasan ko na lamang ang aking kakainin at hindi na rin hihingi ng pang-snacks.
B. Hindi pagiging maaksaya sa pagkain, sa kuryente at tubig at magtatanim na rin ako ng gulay sa
bakuran.
C. Hindi na ako hihingi ng pera sa aking mga magulang para sa internet at iba pang gastusin sa
paaralan.
D. Hihinto ako sa pag-aaral at maghahanap na lamang ng trabaho para may pandagdag sa
gastusin sa bahay.
Para sa blg. 26-29
Sinasabi ng mga negosyante na ang mataas na sahod ng mga manggagawa ang dahilan ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang iba pang nagdudulot ng implasyon ay ang mataas na suplay ng
salapi sa sirkulasyon, ang mataas na gastos sa produksyon bunga ng mataas na halaga ng mga
materyales na ang iba ay galing pa sa ibang bansa, pagtatakda ng mataas na presyo ng mga
negosyante, lalo na ang mga kartel at monopolyo upang magkaroon ng malaking tubo. Ang pagbabayad
ng mataas na buwis ay nagdudulot din ng implasyon.

26. Ayon sa teksto, alin sa mga gawain na ito ng pamahalaan ang naging dahilan din ng pagkaroon ng
implasyon?
A. Pagbibigay ng subsidy C. Pagbibigay ng libreng edukasyon
B. Pagbibigay ng mga ayuda D. Paniningil ng mataas na buwis
27. Kung ikaw ay isang prodyuser, ano ang gagawin mo kung ang presyo ng mga hilaw na sangkap at
makinarya ay nagtaas ng presyo?
A. Lilikha ako ng mga bagong produkto gamit ang mga bagong hilaw na sangkap.
B. Dadamihan ko pa rin ang produksyon kahit na mataas ang presyo ng mga sangkap nito.
C. Ipagpapatuloy ko pa rin ang produksyon ngunit babawasan ko ang kabuuang bilang nito.
D. Ipapahinto ko pansamantala ang produksyon hanggang hindi bumaba ang presyo ng mga
sangkap na aking kailangan.
28. Bakit nagkakaroon ng implasyon kapag tumaas ang suplay ng salapi sa bansa?
A. Nahahatak ang presyo ng mga bilihin paitaas kapag mataas ang demand o paggasta ng mga
tao dahil sa pagkakaroon nila ng maraming pera.
B. Nagaganap ang implasyon dahil maliit lamang na bahagi ng pera ang ginagastos ng mga tao
kaya tinaasan ng mga negosyante ang presyo para ilabas ng mga tao ang kanilang pera.
C. Dahil nakagawa ng maraming produkto ang mga prodyuser, tataasan nila ang presyo ng mga
ito para kumita nang malaki kaya nagkakaroon ng implasyon.
D. Ang malaking bahagi ng suplay ng pera na ito ay inutang sa bangko kaya nararapat lamang na
taasan ng mga prodyuser ang presyo ng mga produkto upang mabayaran nila ng kanilang
utang.
29. Kamakailan ay naghain ng panukalang batas ang Senado hinggil sa pagbibigay ng dagdag na 100
pesos sa sahod ng mga manggagawa. Ano sa palagay mo ang negatibong maidudulot nito sa ating
ekonomiya?
A. Maging mapanatag ang mga manggagawa dahil madadagdagan na ang kanilang pagkonsumo.
B. Mag-oorganisa ng mga demonstrasyon ang mga manggagawa dahil hindi sasapat ang 100
pesos sa araw araw nilang gastusin.
C. Mapipilitan ang mga malalaking prodyuser na isara ang kanilang mga pagawaan dahil sa malaki
ang mababawas sa kanilang tubo.
D. Mapipilitan ang mga negosyante na taasan ang presyo ng kanilang mga produkto at serbisyo
para sa dagdag sahod na ito ng mga manggagawa.
Para sa blg. 30-
Ang patakarang piskal ay may kinalaman sa paggastos ng pamahalaan at pangongolekta ng
buwis na nakaiimpluwesya sa gawaing pang-ekonomiya ng bansa. Ito ay nauukol sa mga hakbangin,
pamamaraan, at pagdedesisyon ng pamahalaan upang maisagawa at maipatupad ang isang gawaing
pang-ekonomiya. Ito rin ang pangunahing inaasahan ng pamahalaan upang makapaghatid ng
pampublikong paglilingkod tulad ng sa edukasyon, kalusugan, depensa at iba pang serbisyong
panlipunan.
30. Ano ang tawag sa gawain ng pamahalaan na may kinalaman sa paggasta at pagbubuwis?
A. Pampublikong paglilingkod C. Patakarang Pananalapi
B. Patakarang Piskal D. Patakarang Pagbubuwis
31. Bakit kailangang ipapatupad ng pamahalaan ang patakarang piskal?
A. Para magkaroon ng maraming pera ang pamahalaan
B. Para makalikom ng malaking buwis ang pamahalaan
C. Para makahingi ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa ibang bansa
D. Para maisakatuparan nito ang mga pampublikong serbisyo at sa pagpapatatag ng ekonomiya
32. Napakahalaga para sa pamahalaan ang nakokolektang buwis para sa pagbibigay ng pampublikong
serbisyo. Ngunit bakit may mga mamamayan ang hindi naging tapat o kaya’y nadidismaya sa
pagbabayad ng kanilang buwis?
A. Dahil sa marami silang pinagkagastusan
B. Dahil sa malawakang korapsyon sa pamahalaan
C. Dahil ayaw nilang mabawasan pa ang kanilang kita
D. Dahil hindi sila nakikinabang sa mga serbisyo ng pamahalaan

Para sa blg. 33-35

May dalawang uri ang patakarang piskal, una ang expansionary fiscal policy na ginagamit ng
pamahalaan upang isulong ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag sa gastos nito o
pagbabawas sa ibinabayad na buwis na nagreresulta ng pagtaas ng aggregate demand. Ang pangalawa
ay ang contractionary fiscal policy na naglalayong pabagalin ang pagsulong ng ekonomiya sa
pamamagitan ng pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan at pagpapataas ng singil ng buwis na
magbubunga ng pagababa ng aggregate demand.

33. Ano ang ipinapatupad ng pamahalaan kapag nais nitong isulong ang ekonomiya ng bansa?
A. Fiscal Policy C. Contractionary Fiscal Policy
B. Aggregate Demand D. Expansionary Fiscal Policy
34. Alin sa mga hakbang na ito ang magpapasigla sa ekonomiya ng bansa alinsunod sa expansionary
fiscal policy?
A. Pagbabawas ng gastusin ng pamahalaan lalo na sa mga proyekto nito
B. Magpapautang ang pamahalaan sa bahay-kalakal na may mataas na interes
C. Pagpapatupad ng mga programa at proyekto tulad ng Build, Build, Build Program ng dating
Pangulong Duterte
D. Sisingil ng mataas na buwis ang pamahalaan upang makalikom ito ng malaking pondo para sa
mga pampublikong paglilingkod nito.
35. Para maiwasan ang pagkakaroon ng isang overheated economy na magreresulta sa implasyon,
ang mga hakbang na ito ang ipinapatupad na pamahalaan, maliban sa isa, ano ito?
A. Taasan ng pamahalaan ang singil ng buwis
B. Bawasan ng pamahalaan ang paggastos nito
C. Papatawan ng mataas na interes ang pagpapautang ng pamahalaan
D. Magbibigay ng subsidy sa bahay-kalakal at pagbabawas sa kanilang buwis

Para sa blg. 36-38

36. Batay sa graph ng Pambansang Badyet, alin sa mga ito ang


mas higit na pinaglalaanan ng pinakamalaking badyet?
A. Defense C. Social Services
B. Economic Services D. General Public Services
37. Alin sa mga pahayag na ito ang nagpapahayag sa graph ng
pambansang badyet?
A. Halos pantay-pantay ang pondong inilaan sa lahat ng
serbisyo
B. Mas higit na malaki ang pondong inilaan para sa Social
Services
C. Mas higit na maliit ang pondo para pambayad ng utang ng
bansa
D. Mas higit na pinagtutuunan at pinaglalaanan ng pondo ang
Economic Services

38. Bakit kaya pinaglalaanan ng pamahalaan ng mas malaking badyet ang serbisyong panlipunan?
A. Dito nagmumula ang malaking bahagdan ng mga serbisyong pampubliko
B. Dito nagmumula ang mga mahuhusay na empleyado ng gobyerno
C. Maraming ahensya ng pamahalaan ang nakapaloob dito
D. Mas kailangan ito ng mga mamamayan ng bansa

Para sa blg. 39-41


Ang pagmamanipula at pamamahala ng supply ng salapi sa ekonomiya ay tinatawag na patakaran
sa pananalapi o monetary policy. Pangunahing layunin nito ay kontrolin ang implasyon. Ito ay ginagawa
upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa para sa katatagan ng buong ekonomiya.
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang siyang nagtatakda ng mga
pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit ang pangkalahatang presyo.

39. Ano ang kinokontrol ng pamahalaan sa pagmamanipula nito sa supply ng salapi sa bansa?
A. Implasyon C. Monetary Policy
B. Ekonomiya D. Patakaran sa pananalapi
40. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang maging matatag ang ating
ekonomiya lalo na para sa mga pangkaraniwang mamamayan nito. Alin sa mga pangungusap ang
sumusuporta sa pahayag na ito?
A. Pagbibigay ng malawakang oportunidad sa bahay-kalakal na makapagpatayo ng maraming
pagawaan
B. Pagkakaroon ng maraming negosyo at oportunidad ng mga mayayaman na lalong magpataas
ang kanilang estado sa buhay
C. Pagkakaroon ng oportunidad ng mga mamamayan na makapagbakasyon sa ibang bansa at
matugunan ang kanilang kagustuhan
D. Pagkakaroon ng mga mamamayan ng kakayahan na makabili at matugunan ang kanilang
pangangailangan mula sa kita sa pagtatrabaho
41. Para magkaroon ang mga tao ng kakayahan na makabili at matugunan ang kanilang mga
pangangailangan, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)?
A. Gumawa ng mas maraming pera C. Pababaan ang presyo ng mga bilihin
B. Dagdagan ang mga ayudang ibinibigay D. Gawing matatag ang presyo ng mga bilihin

Para sa blg. 42-44


Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya. Kapag maraming
mamamayan ay natutong mag-impok, maraming bansa ang mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil
saligan ng isang matatag na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok. Samantala, ang pamumuhunan
ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala
at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas
maraming negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming mamamayan ang magkakaroon ng
kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

42. Anong gawain ang itinuring na saligan ng isang matatag na bansa?


A. Pag-iimpok C. Pagtatayo ng maraming negosyo
B. Pamumuhunan D. Pagtugon sa mga pangangailangan
43. Alin sa mga ito ang magiging bunga ng pagkakaroon ng maraming pamumuhunan sa bansa?
I. Pagkakaroon ng maraming oportunidad sa trabaho
II. Marami ang magtatayo ng negosyo at liliit ang bilang ng mga manggagawa
III. Nabibili ng mga tao ang kanilang mga pangangailangan at maging kagustuhan
IV. Nakapagbubukas ng karagdagang sangay ng negosyo at pagawaan ang bahay-kalakal
A. I, II & III B. I, III & IV C. II, III & IV D. I, II & IV
44. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay mga mahahalagang gawaing pang-ekomiya. Ang sumusunod
na pahayag ay nagpapakita ng kahalagahan ng mga nasabing gawain sa ating ekonomiya maliban
sa isa, ano ito?
A. Nang dahil sa mga hiniram na pera, ang mga negosyante ay makabibili ng karagdagang
kagamitan, sangkap sa produksyon at kabayaran sa mga manggagawa.
B. Kung mataas ang pag-iimpok sa bansa, maraming turista ang dadagsa rito at manghiram ng
pera para magamit nilang puhunan sa sariling bansa.
C. Sa pamamagitan ng pamumuhunan, mas maraming negosyo ang maitatayo na nagbibigay ng
karagdagang trabaho.
D. Kapag mataas ang pag-iimpok sa bansa, maraming dayuhan ang mahihikayat na mamuhunan
dito.
Para sa blg. 45-47

Binubuo ang sektor ng pananalapi ng iba’t ibang institusyong ang gawain ay nakasentro sa
anumang transaksyong may kaugnayan sa pagdaloy ng salapi. Ilan sa mga institusyong ito ay
kinabibilangan ng mga bangko at mga hindi bangkong institusyong tulad ng kooperatiba, bahay-sanglaan
at pension funds tulad ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG Fund. Bahagi rin ng sektor na ito ang mga regulator o
ang mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan at kompanya sa
mga panganib.

45. Alin sa mga bumubuo ng sektor ng pananalapi ang nagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan
at kompanya mula sa anumang pandaraya o panganib sa kanilang deposito o investments?
A. Mga Regulator C. Institusyong Di-Bangko
B. Institusyong Bangko D. GSIS at SSS
46. Hinihiram ng mga negosyante at bahay-kalakal ang inilalagak ng mga tao sa mga bangko. Paano
nakatutulong ang panghihiram na ito sa ating ekonomiya?
A. Lalong gumaganda ang bansa dahil sa maraming gusali na kanilang ipinapatayo
B. Lalong giginhawa ang buhay ng mga negosyante na naging dahilan din ng pag-unlad ng bansa
C. Ang paglago ng kanilang negosyo ay nakapagbibigay ng maraming trabaho na nagdudulot ng
pag-unlad ng ekonomiya
D. Kumikita ng malaking interest ang mga depositor na nakatutulong sa pag-angat ng kanilang
kabuhayan at ng ekonomiya ng bansa
47. Paano mahihikayat ang mga tao na maglagak ng kanilang salapi sa mga hindi bangkong
institusyon?
A. Mas lalo pang paigtingin ang kanilang kampanya upang makumbinsi ang mga kasapi nila na
magbayad ng malaking kontribusyon
B. Ipakita at iparanas ng mga institusyong ito na sila ay matapat at natatanggap ng mga kasapi
nito ang mga karampatang benepisyo.
C. Tatanggap lamang sila ng mga kasapi na may maibibigay na malaking halaga para sa kanilang
kontribusyon
D. Babawasan ng mga istitusyong ito ang binabayarang kontribusyon ng kanilang mga kasapi

Para sa blg. 48-50.

Ang kredito ay ang pagtatamo ng mga bagay na kailangan kapalit ng pangakong pagbabayad sa
takdang panahon. Maraming mamamayan ang nakikinabang sa kredito, nangungutang o nagpapautang
man. Maraming negosyo na ang naitayo na may kinalaman sa pagbibigay ng kredito. Kapansin-pansin
din ang maraming mamimili na gumagamit na ngayon ng credit card sa kanilang pamimili.

48. Para iwas abala at proteksyon na rin sa mga mamimili, ano ang kadalasang ginagamit ng marami
ngayon sa kanilang pamimili?
A. Credit card B. Pangungutang C. Perang papel D. Online shopping
49. Maraming mamamayan ang nakikinabang sa kredito, nangungutang o nagpapautang man. Alin sa
mga ito ang sumusuporta sa nasabing pahayag?
A. Marami sa mga nangungutang ngayon ang hindi marunong magbayad sa kanilang
pinagkakautangan.
B. Maraming mga negosyante ang nagsara ng kanilang negosyo dahil hindi nila kaya ang mataas
na interes kung sila ay mangungutang.
C. Nakapagdagdag ang bahay-kalakal ng kanilang produksyon sa tulong ng kredito at ang
natutugunan ng mga tao ang kanilang ibang pangangailangan.
D. Nahihikayat ang maraming negosyante at bahay-kalakal na magpatayo ng sariling mga bangko
para sa kanilang pansariling gamit at kaligtasan ng kanilang salapi.
50. Batay sa teksto, ang pangungutang ay mahalaga sa tao at sa bansa ngunit kailan natin masasabi
na ang pangungutang ay masama?
A. Kapag hindi ka nagbayad sa tamang panahon
B. Kapag hindi mo binayaran nang buo ang iyong inutang
C. Kapag hindi ka pinautang ng iyong kamag-anak o mga kaibigan
D. Kapag ginamit mo ang hiniram na salapi sa pagtugon sa iyong kagustuhan bago ang
pangangailangan

You might also like