You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF CITY SCHOOLS
ZAMBOANGA DEL NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL
Dipolog City 7100

ARALING PANLIPUNAN 9
Assessment 3
Quarter 2, Module 5 and 6

Pangalan: ___________________________ Grado/Seksiyon:________ Iskor: ______


I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

1. Anong kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo
ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto o serbisyo ng mga
prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan?
a. Disekwilibriyo b. Ekwilibriyo c. Shortage d. Surplus
2. Anong konseptong pang-ekonomiya ang isinasaad sa pahayag sa ibaba?
Nangangailangan ng 50 PPEs (Personal Protective Equipment) ang barangay Sta.
Filomena ngunit 45 PPEs lamang ang natira mula sa supplier ng kanilang lugar.
a. Surplus b. Disekwilibriyo c. Ekwilibriyo d. Shortage
3. Ipagpalagay na ang demand at supply functions ay: Qd= 100 – P
Presyo (P)= 40 Qs = - 50 – 2P
Ano ang magiging quantity demanded o dami ng demand?
a. 50 b. 40 c. 60 d. 55
4. Ano ang magiging quantity supplied o dami ng supply?
a. 30 b. 20 c. 40 d. 25
5. Ano ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser?
a. Ekwilibriyong Dami b. Dami ng Supply c. Dami ng Demand d. Ekwilibriyong Presyo
6. Tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
a. Ekwilibriyo sa Pamilihan b. Ekwilibriyong Presyo c. Ekwilibriyong Dami d. Ekwilibriyo
7. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa dami
ng demand.
a. Shortage b. Surplus c. Ekwilibriyo d. Disekwilibriyo
8. Anong lugar o mekanismo kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng
transaksiyon upang magkaroon ng bentahan?
a. Talipapa b. Karinderya c. Electronic Store d. Pamilihan
9. Bakit mahalagang instrumento o bahagi ng pamilihan ang presyo ng mga produkto nito?
a. Dahil dito kumikita ng malaki ang mga prodyuser.
b. Dahil ito ang batayan ng mga mamimili sa pagbili ng mga produkto.
c. Dahil magiging libre ang mga produkto kung walang nakatakdang presyo.
d. Dahil ito ang gumagabay ng konsyumer at prodyuser sa pamilihan upang maging ganap
ang palitan nito.
10. Tinatawag na ______________ ni Adam Smith ang presyo bilang gabay sa ugnayan ng
dalawang aktor sa pamilihan.
a. invisible man b. invisible hand c. invisible guest c. invisible book
II. Performance Task
Panuto: Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba. Isulat sa loob ng
ikalawang kahon ang mga tauhan o dalawang aktor ng pamilihan at isulat
ang gampanin ng bawat tauhan sa loob ng ikatlong kahon. Pagkatapos ay
sagutin ang tanong na susukat sa iyong kaalaman tungkol sa konsepto ng
pamilihan.

Tanong: Bilang isang konsyumer, ano ang maitutulong mo upang magkaroon ng ekwilibriyo
sa pamilihan ng iyong komunidad?
___________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Rubrik ng Pagmamarka
Iskor Deskripsiyon
8-10 puntos Nasagot ang lahat ng hinihingi sa graphic organizer
at malinaw na naipapahayag ang sagot sa tanong.
5-7 puntos Nasagot ang lahat ng hinihingi sa graphic organizer
ngunit hindi gaanong malinaw na naipapahayag
ang sagot sa tanong.
1-4 Puntos Hindi nasagot ang lahat ng hinihingi sa graphic
organizer at hindi rin malinaw na naipapahayag ang
sagot sa tanong.

You might also like