You are on page 1of 4

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
S.Y. 2018-2019

TEACHER’S LEARNING PLAN NG GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 5 (2nd Quarter)


Paksa: Konsepto at Istruktura ng Pamilihan
Layunin : Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
5. napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing
pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga

5.1. pagpapaliwanag ang kahulugan ng pamilihan


5.2. pagtutukoy ang mga katangian ng iba’t ibang istraktura ng pamilihan
5.3. pagpapahalaga sa ugnayan ng pamilihan at pamahalaan
Sanggunian: Pambansang ekonomiya at Pag-unlad Kto12, ph. 167-171
Pagpapahalaga: paggawa ng tamang desisyon sa pagpipili
E.P#4: Ang Lahat ay nagbabago

I. Mga Pangunahing Kaisipan

Ang pamilihan ay isang kaayusan na nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at nagbebenta ng
produkto at serbisyo upang magpalitan ng iba’t ibang bagay.

2 Istruktura ng Pamilihan
1. ganap na kompetisyon
2. di-ganap na kompetisyon
Kabilang sa pamilihang may di-ganap na kompetisyon ang monopoly, monopsony, oligopoly, at
monopolistic competition.
Ang pamahalaan ay isang institusyon sa ating bansa alinsunod sa Artikulo II ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas. Pangunahing layunin nito ay pangalagaan ang sambahayan.
Ilan dito ay ang price stabilization program na nauuri sa price ceiling at price floor. Ito ay upang
maiwasan ang inflation.

II. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Pagwawasto sa Natutuhan
A. Panuto: Basahin ang batayang aklat sa pahina 167-171. Tukuyin ang bawat salita ayon sa iba’t ibang
istruktura ng pamilihan. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
a. Monopoly c. Oligopoly
b. Monopsony d. Monopolistic

b______1. Armed Forces of the Philippines d_______6. Palmolive shampoo


b______2. Bumbero a_______7. ZAMCELCO
a______3. Vibal Publishing Compay b_______8. MMDA
c______4. Petron d_______9. Colgate
d______5. Cellphone c_______10. Shell
B. Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pamilihan sa sariling mong pagkakaintindi?
2. Paano nakakaapekto ang mga istruktura ng pamilihan sa ugnayan ng presyo, demand, supply tungo sa
pagtugon sa pangangailangan ng tao?
3. Paano nagkakaroon ng bahagi ang pamahalaan sa pamilihan?

C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Punan ang 3-2-1 ng mga mahahalagang sagot na natutunan mo.

2-Kahalagahan nito
3 - Konsepto ng
sa iyo? 1- Tanong mo?
Pamilihan paksa?

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Sagutin ang ipinapahayag sa ibaba.

Paano mo mapangatwiranan ang katatagan ng


pamilihan ay nakabatay sa pagkakaroon ng
matalinong konsyumer at mapanagutang
negosyante?

Ano ang maaari mong iugnay na naaayon sa Bible


verse ang paksa tungkol sa konsepto ng
pamilihan?

Facilitator’s Signature Inihanda ni: Miss Annie S. Barrera


___________________ ArPan Teacher
___________________ Nirevisa ni: Gng Lorna M. Sayson
___________________
___________________

Iniwasto ni: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni: Mrs. Daisy B. Natividad
ArPan Subject Coordinator High School Principal
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junio High School
S.Y. 2018-2019

GAWAING PAGPAPAYAMAN NG GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 5b
Uri ng Gawain: Dula Namin! Hulaan Nyo
Paksa: Istruktura ng Pamilihan
Layunin : Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naipapakita ang kahusayan sa pagsasadula ng napiling istruktura ng pamilihan


2. Napahahalagahan ang bawat istruktura ng pamilihan sa pang-ararw-araw na pamumuhay.

Sanggunian: (refer to act.5)


Pagpapahalaga: pagiging bukas sap ag-iisip

I. Gawaing Pagkatuto
A. Pagwawasto sa Natutuhan

Panuto: Bumuo ng mga pangkat. Magsasagawa ng pagsasadula tungkol sa mga istruktura ng pamilihan. Pipili
ang bawat lider ng pangkat ng isang pamilihan na isasadula. Ang nabunot na pamilihan ay hindi dapat
malaman ng ibang pangkat dahil ito ay kanilang huhulaan. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng puntos
sa bawat tamang sagot.

Rubric
Pamantayan/Indikator Puntos Nakuhang
Puntod
A. Mahusay na naipakita sa pamamagitan ng pagganap ang mga konsepto 5
ukol sa uri ng istruktura ng pamilihan

B. Ang ginawang presentasyon ay naipakita ng pagkamalikhain at naangkop 5


sa tema para maihatid sa manonood ang konsepto ng pamilihan

C. Ang mga ginamit na props, script, o kagamitan sa pagganap ay nakatulong 5


upang mas maging malinaw sa manood ang pamilihan

B. Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang mga pangunahing katangian ng istruktura ng pamilihanna inyong naipakita?

2. Paano ninyo bibigyang buhay ang mensahe o katangian ng istruktura ng pamilihan?

3. Mula sa gawain, anong pangkalahatang inpresyon ang iyong nabuo ukol sa pamilihan?

Inihanda ni : Mrs. Lorna M. Sayson


ArPan Teacher

Iniwasto nina: Mrs. Lorna M. Sayson Ipinagtibay ni : Mrs. Daisy B. Natividad


ArPan Subject Coordinator High School Principal

You might also like