You are on page 1of 9

SMILE

(Simplified Module Intended for Learning Encounters)


ARALING PANLIPUNAN 9
Learner’s Packet #8

ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN

Kasanayang Pampagkatuto
mula sa MELCs

AP Kasanayan sa Pagkatuto: : Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng

pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan.


Mga Tiyak na layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang Price Ceiling at Price Floor na siyang mekanismong
ginagamit ng pamahalaan sa pagkontrol sa presyo sa pamilihan.
2. Nasusuri ang epekto ng price ceiling at price floor sa konsyumer at prodyuser; at
3. Nailalapat ang konsepto ng price ceiling at price floor sa ilang napapanahong isyung
pang-ekonomiya sa kasalukuyan.

Pangkalahatang Ideya Review/

“Ma, magkano ba ang karne ng


baboy ngayon?” Tiyak
mapapakamot sa ulo ang
magulang mo sa tanong na ito.
Nakakagulat kasi ang pagtaas ng presyo
ng baboy sa mga nakalipas na buwan at
hindi pa ito bumabalik sa normal. Kung
titingnan ang talahanayan sa kanan,
halos nadoble ang presyo nito sa loob Pork lamang

ng isang taon mula February 2020 hanggang


February 2021.
Bagama’t maaaring isisi sa ASF o African
Swine Flu (ang virus na pumatay sa Beef
maraming baboy dahilan para lumiit ang
suplay ng karne sa bansa) ang ganitong

pagtaas sa presyo, hindi maiwasang


magtanong ng mga konsyumer at Chicken prodyuser -
ano ba ang ginagawa ng pamahalaan ukol sa problemang
ito?
Tilapia
Sa learner’s packet na ito, iyong mauunawaan
ang tungkol sa ugnayan ng
Pinagkunan: https://tinyurl.com/t5h7n2jd pamilihan at pamahalaan. Inaasahan na 1Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
iyong masusuri ang mga hakbangin na ginagawa ng pamahalaan upang maproteksiyunan
ang dalawang pangunahing aktor sa pamilihan – ang konsyumer at prodyuser.

Mga Gawain

Bago tayo magpatuloy, i-check muna natin ang iyong natutunan sa nakaraang
araling tungkol sa iba’t-ibang estruktura ng pamilihan.

Pabili o Patawad?
Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon
sa mga salitang nakasalungguhit. Lagyan ng salitang PABILI kung TAMA ang mensahe

at PATAWAD kung ito ay MALI.


1. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at
prodyuser.
2. Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan, ang konsyumer, prodyuser at
ang produkto.
3. Ayon kay Adam Smith, ang presyo ay maituturing na invisible hand na siyang
gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor sa pamilihan.
4. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, walang sinoman sa prodyuser at
konsyumer ang may kontrol sa takbo ng pamilihan partikular ang presyo.
5. Hinihikayat ang pagkakaroon ng maraming kompanya ng kuryente sa isang lugar
upang maiwasan ang monopolyo at maging maayos ang serbisyo nito.
6. Sa ilalim ng monopsonyo, pamahalaan ang nag-iisang mamimili ng serbisyo ng
mga pulis, sundalo, bumbero at iba pa, kaya’t naitatakda niya ang presyo sa mga
serbisyong ito.
7. Ang mga kompanya ng langis tulad ng Caltex, Petron at Shell ay halimbawa ng
pamilihang oligopolyo.
8. Ang mga produktong madalas na kinukonsumo tulad ng shampoo, toothpaste at
sabon ay nabibilang sa Monopolistic competition.
9. Hindi lahat ng pinapalabas sa advertisement tungkol sa isang produkto ay totoo
kaya’t kailangan maging mapanuri sa pagpili ng mga ito.
10. Upang mapangalagaan ang mga prodyuser, ipinapahintulot sa ating bansa ang
kartel o ang pagsasabwatan ng mga negosyante upang kontrolin ang presyo.

Gawain 1. I-Venn Diagram Mo!

Ayon sa Artikulo 2, Seksyon 4 ng 1987 Philippine Constitution, ang


pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa bansa na may
pangunahing tungkulin na paglingkuran at pangalangaan ang
sambayanan. Maliban sa pagpataw ng buwis ay ipinapatupad rin ng
pamahalaan ang Price Stabilization Program. Ang programang ito ay
inisyatibo ng pamahalaan upang protektahan ang mga prodyuser at
konsyumer sa pamamagitan ng pagkontrol ng presyo sa pamilihan.
Mayroong mga paraan ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo sa
pamilihan.
Ang Price Ceiling o tinatawag ring Maximum Price Policy ay ang pinakamataas na presyo
na itinakda ng batas na maaaring ipagbili ng isang prodyuser sa kanyang produkto o 2Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
serbisyo. Itinatakda ang Price ceiling na mas mababa sa equilibrium price upang
mapanatiling abotkaya para sa mga mamimili ang mga produktong kabilang sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao o tinatawag ring Prime Commodities tulad ng bigas,
tinapay, asukal, kape, itlog, harina, instant noodles at iba pa. Mahigpit na binabantayan ng
pamahalaan ang presyo ng mga ito at minamarkahan ng tinatawag na SRP o suggested
retail price.
Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ang
pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng Price Freeze o pagbabawal sa pagtataas ng
presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala
ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga
produkto.

Sa kabilang dako, ang Price Floor naman o tinatawag ring Minimum Price Policy ay
ang pinakamababang presyo ng isang produkto na itinakda ng batas na maaaring ipagbili
ng isang prodyuser sa mga konsyumer. Itinatakda naman ito ng mataas kaysa equilibrium
price upang mabigyang proteksiyon naman ang mga prodyuser. Halimbawa, kung
masyadong magiging mababa ang presyo ng palay sa pamilihan, ang mga magsasaka ay
mawawalan ng interes na magtanim dahil maliit na lamang ang kanilan kikitain mula dito at
magdudulot ito ng kakulangan sa suplay ng palay. Kung kaya’t magpapatupad ang
pamahalaan ng price floor na siyang pinakamababang presyo kung saan maaaring bilhin
ang ani ng mga magsasaka. Kaugnay rito, ang pamahalaan ay nagpapatupad ng Price
Support tulad ng subsidiya, tax exemption o tax deduction, discount at bonus bilang tulong
sa mga prodyuser upang maiwasan ang pagkalugi o pagbawas ng kanilang kita. Layunin ng
patakarang ito na mapanatiling mababa ang halaga ng produksyon upang maiwasan ang
pagtaas ng presyo ng bilihin.

3Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
Batay sa tekstong binasa
, punan ng mahahalagang impormasyonVenn ang
Diagram upang maipakita pagkakaiba
ang at pagkakatulad ng price ceiling at price
floor.Pagkatapos ay sagutin ang pagbubuod na tanong ukol dito.

Price Ceiling PriceFloor

Pagkak
atulad

Pagkakaiba

Sa paanong paraan, makatutulong ang price ceiling at price


mga floor sa
konsyumer at prodyuser? Ipaliwanag.
______________________________________________________________
______
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 2. Consequences of actions

CHECKPOINT!
Price ceiling – Para ito sa kapakanan ng mga konsyumer at itinakda ng mas
mababa sa equilibrium price o kasalukuyang presyo.
Price Floor – Para ito sa kapakanan ng mga prodyuser at itinakda ng mas
mataas sa equilibrium price o kasalukuyang presyo.

Suriin ang dalawang graph sa ibaba. Alamin kung ano ang magiging epekto ng
pagpapatupad ng price ceiling at price floor sa Quantity Demanded (Qd) at Quantity
Supplied (Qs) at kung ano ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mabalanse ito.
Equilibrium 350

Demand Supply
500

400 4Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
Price 1. Ilan ang gustong bilhin ng
300 Price konsyumer (Qd) at gustong
Ceiling 250 isuplay ng prodyuser (Qs) sa
200
PRESYO equilibrium price at price ceiling?
Equilibrium Price Price Ceiling
(350) (250)
100
Qd: ______ Qd: _____
Qs: ______ Qs: _____
2. Anong sitwasyon ang
0 10 20 30 40 50 60 maaaring kahantungan kapag
DAMI ipinatupad ang price ceiling na
250, Shortage o Surplus?
Graph blg 1. PRICE CEILING
3. Anong hakbang ang
maaaring gawin ng pamahalaan
Pamprosesong tanong: Demand ukol sa sitwasyong ito?
Ipaliwanag. ____
1. Ilan ang gustong bilhin ng 500 konsyumer
__________________________
(Qd) at gustong i suplay ng prodyuser (Qs) sa
__________________________
equilibrium price at price floor? 400
__________________________
Equilibrium Price Price Floor Price Floor 350
(250) (350) 300 Qd: ______
Supply
Qd: _____ Equilibrium
250
Qs: ______ Qs: _____ Price PRESYO
2. Anong sitwasyon ang 200 maaaring
kahantungan kapag ipinatupad ang price floor na
350,
100
Shortage o Surplus?
3. Anong hakbang ang maaaring gawin ng
pamahalaan ukol sa
0
Pamprosesong tanong:
sitwasyong ito? Ipaliwanag. ____
__________________________ 10 20 30 40 50 60
_________________________ DAMI
_ Graph blg 2. PRICE FLOOR
__________________________

5Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
Gawain 3.
Price ceiling o Floor?

Suriin ang editorial cartoon sa ibaba.Batay sa mensaheng hatid nito, anong


nararapat na hakbang ang dapat gawin pamahalaan
ng – Price Ceiling o Price
Floor?Ipaliwanag ang iyong sagot

Editorial cartoon blg. 1

Price ceiling o Price Floor?


Ipaliwanag . _____________

Pinagkunan: https://tinyurl.com/3cp664r8

Editorial cartoon blg.


2

Price ceiling o Price Floor?


Ipaliwanag . _____________

Pinagkunan: https://tinyurl.com/
pcn9m9jk

Rubrik sa
Pagpupuntos

Gabay sa pagpupuntos para sa lahat ng gawain.


1 2 3 4 5
Blangko o Ang ibinigay na Hindi tumpak ang Tumpak ang Tumpak at maayos
walang ibinigay sagot ay walang sagot subali’t sagot bagama’t ang pagkakalahad
na sagot kaugnayan sa maayos na hindi maayos ang ng sagot at
hinihingi ng naipaliwanag ang pagkakalahad at nagpapahiwatig ng
aytem o tanong sinasaloob ukol pagpapaliwanag malalim na
sa paksa ukol dito pagkaunawa sa 6Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
RO_AP_Grade 9_Q2_LP 5
Susi sa Pagwawasto paksa

4. Pabili 5. Patawad
Panimulang Gawain:Pabili o Patawad
1. Pabili 2. Patawad
6. Pabili 7. Pabili 3. Pabili
Gawain 8. Pabili 9. Pabili 10. Patawad
1
Price Ceiling
Price Floor
-maaaring ipagbili ng isang pinakamataas na presyo -pinakamababang presyo na
na maaaring ipagbili ng isang
*angkop at prodyuser sa mga konsyumer
prodyuser sa kanyang produkto tamang
o serbisyo regulasyon ng - matulungan at maprotektahan
pamahalaan sa ang mga prodyuser presyo sa
- matulungan at maprotektahan ang mga
pamilihan - Mas mataas sa equilibrium
mamimili
price
- Mas mababa sa equilibrium - Maaaring magresulta sa
surplus
-price Maa aring magresulta sa

shortage
Gawain 2. Graph blg. 1 PRICE CEILING Graph blg. 2 PRICE FLOOR
Equilibrium Price (350) Price Ceiling (250) Equilibrium Price (250) Price Floor (350)
Qd: 35 Qd: 42 Qd: 30 Qd: 18
Qs: 35 Qs: 25 Qs: 30 Qs: 42
SURPLUS SHORTAGE
Gawain 3.
Editorial cartoon blg 1. – Price ceiling, upang matulungan ang mga konsyumer sa napakataas
na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Editorial cartoon blg 2. – Price Floor, upang maproteksiyunan ang kapakanan ng mga
magsasaka na maaarin malugi dahil sa murang bentahan ng kanilang
ani.

SANGGUNIAN:
2015. "Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral." In Ekonomiks, Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral, by Bernard R. Balitao et.al, 72-79. Pasig City: Vibal Group Inc.

https://tinyurl.com/t5h7n2jd Date retrieved October 20, 2021 https://tinyurl.com/3cp664r8


Date retrieved October 20, 2021 https://tinyurl.com/pcn9m9jk Date retrieved October 20,
2021

Manunulat: JUNROY Z. VOLANTE Tagalapat: KARLA ROSSELLE B. TORRES


MT I, Camarines Sur National High School TI, Camarines Sur National High School

Validator:
JARME D. TAUMATORGO
EPS I – AP, SDO Naga City

NOTE: Ito lang ang ipapasa sa itinakdang araw ng pasahan

7Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
ANSWER
SHEET

ARALING PANLIPUNAN 9
Ikalawang Markahan – Learner’s Packet 8
Ang Pamahalaan at Pamilihan

Pangalan: _______________________________
Seksiyon____________ Iskor

Pagbabalik-aral : Pabili o Patawad?


1. ____________ 2. ____________ 3. ____________ 4. ____________ 5. ____________
6. ____________ 7. ____________ 8. ____________ 9. ____________ 10.____________

GAWAIN 1. I-Venn Diagram mo!

Price Ceiling Price Floor

Gawain 2. Consequences of actions


Graph blg. 1 PRICE CEILING Graph blg. 1 PRICE CEILING Pamprosesong
tanong: Pamprosesong tanong:
1. ___________________________________ 1. ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
2. ___________________________________ 2.
___________________________________
3. ___________________________________ 3.
___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________

8Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8
Gawain 3. Price ceiling o Floor? Editorial cartoon blg, 2 Repleksiyon:
Editorial cartoon blg, 1 _________________________ ____________________
_________________________ _________________________ ____________________
_________________________ ____________________
_________________________
_________________________ ____________________
_________________________ _________________________ ____________________
____________________
_________________________
_________________________

9Page

RO_AP_Grade 9_Q2_LP8

You might also like