You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
LOS BAŇOS NATIONAL HIGH SCHOOL
LOS BAŇOS, LAGUNA

TABLE OF SPECIFICATIONS
Subject: ARALING PANLIPUNAN Grading Period: THIRD QUARTER
Grade: 9 School Year: 2022-2023

Topic/MELCs Time DOMAINS Total Number


Spent/ Of Test Items
Frequency Rememberi Understandi Applying Analyzing Evaluating Creating Actual Adjusted
ng ng
1.Naipaliliwanag
ang bahaging
ginagampanan ng 4 1,2,3,4 5,6 7 6.66 7
mga bumubuo sa
paikot na daloy ng
ekonomiya
2.Nasusuri ang
pamamaraan at
kahalagahan ng 4 8,9 10,11,12 13,14 6.66 7
pagsukat ng
pambansang kita
3.Natatalakay ang
konsepto, dahilan, 15,16,17,
epekto at 6 18, 20 21,22,23 19, 24 10 10
pagtugon sa
implasyon
4.Nasusuri ang 25, 26, 27,
layunin at 6 28, 29, 30, 33, 34 10 10
pamamaraan ng 31, 32
patakarang piskal
5.Nasusuri ang
layunin at 35,37, 36,38,40,41, 39
pamamaraan ng 7 42,43 44,45 11.66 11
patakarang
pananalapi
6.
Napahahalagahan
ang pag-iimpok at 3 46,47 48,49 50 5 5
pamumuhunan
bilang isang salik
ng ekonomiya.
TOTAL 30 25 16 9 49.98 50
50

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAGUNA
LOS BAŇOS NATIONAL HIGH SCHOOL
LOS BAŇOS, LAGUNA

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9
Pangalan:______________________________________________ Petsa:__________________
Baitang at Pangkat:_____________________________________ Iskor:__________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Piliin ang tamang titik at isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. kita at gastusin ng sambahayan
b. ugnayan ng bawat sektor
c. kalakalan sa loob ng bahay kalakal
d. gastusin at proyekto ng pamahalaan

2. Saang sektor nagmumula ang mga suplay ng salik ng produksiyon?


a. sambahayan c. bahay-kalakal
b. prodyuser d. konsyumer

3. Ano ang tawag sa kita mula sa buwis?


a. Private revenue c. Market revenue
b. Public revenue d. Financial revenue

4. Ano ang tawag sa pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan sa


hinaharap?
a. Sahod c. pag-iimpok
b. Insentibo d. allowance

5. Paano inilalarawan ang unang modelo?


a. Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
b. Ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa.
c. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
d. May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay-kalakal.

6. Bakit mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa?


a. Upang lumago ang ekonomiya ng bansa
b. upang hindi na mangutang
c. Upang maging kasapi ng mayayamang bansa
d. Upang makasama sa pandaigdigang pamilihan

7. Sinasabing ang buwis ay napakalaking tulong sa bansa. Sa paanong pamamaraan ka


makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
a. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
b. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
c. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
d. Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
8. Ano ang tawag sa pamamaraan ng pagsukat ng halaga ng mga kalakal at serbisyo na ginawa sa loob ng
isang bansa sa isang partikular na panahon?
a. Gross National Income c. Net National Product
b. Gross Domestic Product d. National Income

9. Paano malalaman kung may narating na pagsulong at pag-unlad ang ekonomiya ng isang bansa?
a. Sa pagsukat ng Gross National Income
b. Sa pagsusuri ng economic performance
c. Sa paggamit ng mga economic indicators
d. Sa pag-alam sa National Income Accounting

10. Bakit ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyo lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng
GNP/GNI?
a. Upang maiwasan ang dalawang beses na pagbibilang
b. Upang malaman ang tunay na presyo ng tapos na produkto
c. Upang malaman kung ang produkto at serbisyo ay nabibilang sa tapos na produkto at serbisyo
d. Upang ito ay maging batayan kung ang isang ekonomiya ay may nagagawang produkto at serbisyo

11. Si Mr. Yohan na isang Japanese National, ay mayroong malaking negosyo sa Pilipinas. Saang Gross
Domestic Product isasama ang kaniyang kinita?
a. China at Pilipinas dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita.
b. Pilipinas dahil nandito ang kanyang negosyo at kumikita siya dito.
c. Japan dahil mamamayan siya nito.
d. Wala sa nabanggit.

12. Bakit mahalagang masukat ang performance ng ekonomiya ng bansa?


a. Makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang pamamalakad ng ekonomiya.
b. Magiging malakas ang bansa pagdating sa pakikipagkalakalan.
c. Ito ay repleksyon ng magandang pamumuno sa bansa.
d. Lahat ay tamang sagot

13 & 14. Ipagpalagay na ang mga datos sa ibaba ay batay sa pambansang kita ng isang bansa. Sagutin
ang mga tanong sa ibaba.

Pambansang Kita
(Sa milyong piso, presyo sa kasalukuyang panahon)
Personal Consumption Expenditure (C) P50M
Government Consumption (G) P60M
Capital Formation (I) P40M
Exports P200M
Imports P150M
Statistical Discrepancy 0
Net Factor Income From Abroad (NFIFA) P 4M

13. Ilan ang GNI ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
a. ₱200 M c. ₱548 M
b. ₱204 M d. ₱550 M
14. Ilan ang GDP ng sinusuring bansa batay sa ibinigay na mga datos?
a. ₱200 M c. ₱501 M
b. ₱530 M d. ₱450 M

15. Ano ang tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng produkto at serbisyo sa pamilihan?
a. Hyperinflation c. implasyon
b. Depression d. deplasyon

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
16. Ano ang pangunahing dahilan ng implasyon?
a. Pagtaas ng production cost
b. Pagbaba ng demand
c. Pagtaas ng suplay
d. Pagtaas ng demand

17. Ano ang tawag sa uri ng inflation na dulot ng pagtaas ng production costs tulad ng pagtaas ng sweldo
at presyo ng raw materials?
a. Cost-push inflation c. Hyperinflation
b. Demand-pull inflation d. Stagflation

18. Uri ito ng inflation na dulot ng pagtaas ng demand na mas mataas kaysa sa suplay ng kalakal at
serbisyo.
a. Cost-push inflation c. Hyperinflation
b. Demand-pull inflation d. Stagflation

19. Si Jaime ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili ng isang kilong isda sa kalukuyan. Kung 5%
ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong isda?
a. ₱110 c. ₱105
b. ₱95 d. ₱100

20. Ang mga sumusunod na tao ay nakararanas ng pagkalugi dulot ng implasyon maliban sa isa.
a. Nag-iimpok c. taong may tiyak na kita
b. Nagpapautang d. taong hindi tiyak ang kita

21. Ano ang epekto ng inflation sa ekonomiya ng isang bansa?


a. Tumataas ang productivity
b. Nagkakaroon ng mas maraming trabaho
c. Nababawasan ang purchasing power ng tao
d. Nababawasan ang demand para sa mga kalakal at serbisyo

22. Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?


a. Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
b. Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
c. Pagpapautang ng may mababang interes upang makaengganyo ng mga mangangalakal na
magnegosyo.
d. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya

23. Bilang bahagi ng pamilya, paano ka makatutulong sa ating bansa upang mabawasan ang problema sa
implasyon ngayong panahon ng pandemya?
a. Pagtutuunan ng pansin na pagkagastusan lamang ang mahahalagang bagay
b. Tutulong sa mga gawaing bahay upang makatipid sa gastusin
c. Hindi na lang lalabas ng bahay upang mabigyan ng ayuda
d. Maging mapanuring mamimili lalo sa online shopping

24. Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding, ano ang iyong gagawin?
a. Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong tumataasang presyo ng mga
produkto.
b. Hindi na makikialam at baka mapahamak pa.
c. Magkikibit-balikat na lang.
d. Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
25. Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
a. Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis.
b. Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan.
c. Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang supply ng salapi
d. Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.

26. Ano ang tawag sa pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at pagbaba ng singil sa buwis upang tumaas
ang kabuuang demand na magiging daan upang sumigla ang ekonomiya?
a. Contractionary fiscal policy c. Monetary policy
b. Expansionary fiscal policy d. Deflationary policy

27. Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
a. Contractionary fiscal policy c. Monetary policy
b. Expansionary fiscal policy d. Deflationary policy

28. Alin sa mga sumusunod ang hindi paraan ng pagpapatupad ng contractionary fiscal policy?
a. Pagtaas ng singil ng buwis c. pagbawas ng suplay ng salapi
b. Pagbaba ng singil ng pamahalaan d. pagtaas ng kabuuang demand

29. Ito ay nagaganap kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito
a. budget surplus c. fiscal surplus
b. budget deficit d. fiscal deficit

30. Sa pamamagitan nito ay nakalilikom ng pondo ang pamahalaan para magamit sa mga programa at
proyekto nito.
a. sales tax at income tax c. witholding tax
b. taripa d. value-added Tax

31. Alin sa mga sumusunod ang hindi pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan?
a. Buwis
b. Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
c. Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
d. Mula sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan

32. Ito ay ang masusing paghahati-hati ng kita ng isang bansa para sa kapakinabangan ng mamamayan. Ito
rin ay masusing inaaral upang maisaayos ang tamang pagdedesisyon sa paggasta. Ano ang tinutukoy
dito?
a. Savings c. budget
b. Buwis d. ekonomiya

33. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin o gampanin ng pamahalaan sa mga patakarang ipinapatupad
nito?
I. Siguraduhin ang katatagan ng ekonomiya
II. bigyang laya ang mga negosyante
III. magkakaloob ng mga serbisyong panlipunan
IV. gumastos at bawasan ang badyet ng bansa
V. paggawa ng mga pampublikong produkto, ang pamahalaan ang lumilikha at bumibili ng mga
produkto at serbisyo

a. I, IV at III c. I, III at V
b. III, I at II d. II, I at V

34. Ang pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa upang agaran na makabili ng vaccine para
sa Covid-19 upang masigurado ang
Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
tiyak na kaligtasan ng bayang Pilipino kaya’t masusing inaaral ng pamahalaan ang bawat proseso mula
sa pagbabadyet hanggang sa kapakinabangan ng mga ito. Anong uri ng tungkulin ng pamahalaan ang
tinutukoy sa pangungusap?

a. Tungkulin na makipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa


b. Tungkulin na magkaloob ng mga serbisyong panlipunan
c. Tungkulin na gumastos at bawasan ang badyet ng bansa
d. Tungkulin na maglingkod sa mamamayan

35. Alin sa mga sumusunod ang dalawang uri ng patakaran sa pananalapi?


a. Tight Fiscal Policy at Expansionary Fiscal Policy
b. Open market at rediscounting
c. Contractionary monetary policy at Expansionary monetary policy
d. Outsourcing leads to sustainability

36. Ano ang layunin ng patakarang pananalapi?


a. Mapanatili ang presyo ng mga kalakal at serbisyo
b. Mapataas ang purchasing power ng mga tao
c. Mapasigla ang ekonomiya
d. Mapababa ang interes sa pautang

37. Ano ang tawag sa pagtaas ng mga interest rates upang mapababa ang inflation?
a. Contractionary Monetary Policy
b. Expansionary Monetary Policy
c. Fiscal Policy
d. Inflationary Policy

38. Ang PDIC ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. Ano ang
ibig sabihin ng PDIC?
a. Philippine Deposit Insurance Company
b. Philippine Deposit Insurance Corporation
c. Philippine Deposit Investment Company
d. Philippine Deposit Investment Corporation

39. Paano nakatutulong ang mga bangko sa ekonomiya ng bansa lalo na ang Bangko Sentral?
a. Nag- iisip kung paano makatutulong upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na
kinakaharap ng bansa.
b. Gumagawa ng paraan na palaguin ang ekonomiya ng bansa.
c. Nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matulungan ang pamahalaan.
d. Nagpapautang sa pamahalaan ng may mababang interes upang mapalago ang ekonomiya ng ating
bansa.

40. Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang ______?
a. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
b. hindi magwelga ang mga manggagawa
c. dumami ang pera ng bansa
d. maiwasan ang pagtaas ng implasyon

41. Mahalagang gumamit ng salapi bilang batayan ng palitan upang________.


a. mapadali ang pagbili ng produkto
b. hindi maging kumplikado ang pagkumpara ng halaga ng produkto
c. maikling oras ang maguguol sa pamimili
d. Lahat ng nabanggit

42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa halimbawa ng pribadong bangko?

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
a. Bangkong Komersyal c. International Monetary Fund
b. Savings Bank d. Rural Bank

43. Sino-sino ang pwedeng maging miyembro o kasapi at binibigyang tulong ng PAG-IBIG?
a. Mga manggagawa sa pribadong sektor lamang
b. Mga manggagawa sa pamahalaan
c. Mga OFW
d. Lahat ng nabanggit

44. May iba pang institusyong Pananalapi maliban sa mga bangko. Ano ang tulong nito sa mga
mamamayan?
a. Nagkakaroon ng dagdag ahensya ang maaaring utangan.
b. Nagkakaroon ng seguro sa anumang mangyayaring aksidente o pinsala sa katawan dulot ng
trabaho.
c. Makapagpalit ng dayuhang salapi sa pera na ginagamit sa ating bansa.
d. Lahat ng nabanggit.

45. Kapag ang mababang antas ng ekonomiya ay nagtuluy-tuloy ng higit sa dalawang quarter (anim na
buwan), ito ay maituturing ng recession. Ang pahayag na ito ay ________.
a. Tama c. hindi sigurado
b. Mali d. walang sagot

46. Ano ang tawag sa bahagi ng kita na hindi ginagastos ng isang indibidwal at iniipon upang magamit sa
hinaharap?
a. konsumo c. impok
b. investment d. kita

47. Ano ang tawag sa paglalagak ng salapi sa mga instrument tulad ng bangko, stock market o mutual funds
upang magkamit ng kita?
a. impok c. investment
b. konsumo d. paglalaan ng badyet

48. Kung ang kabuuang kita ni Nicole ay 20,000 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay 17,000,
magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag-iimpok?
a. 2,000 c. 4,000
b. 3,000 d. 1,000

49. Si Alvin ay isang matalino at matipid na guro kaya naman, buwan-buwan siyang nagdedeposito ng limang
libong piso (P 5,000.00) sa LANDBANK. Ginagawa niya ito upang_____________.
a. makapag-impok ng salapi para sa hinaharap
b. magkaroon ng pangbayad sa utang
c. may panggastos sa kasalukuyan
d. may maipautang sa kapit-bahay

50. Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga ng isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
a. Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko
b. Bibili ako ng bago at magarang kotse
c. Magpapatayo ako ng negosyo, mamumuhunan at mag-iimbak ng pera sa bangko
d. Ibibili ko ng mga alahas, bag, damit at pagkain

SUSI SA PAGWAWASTO

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph
1. B 26. B
2. A 27. A
3. B 28. D
4. C 29. B
5. B 30. A
6. A 31. D
7. D 32. C
8. B 33. C
9. A 34. B
10. A 35. C
11. B 36. A
12. A 37. A
13. B 38. B
14. A 39. A
15. C 40. D
16. D 41. D
17. A 42. C
18. B 43. D
19. C 44. D
20. D 45. A
21. C 46. D
22. D 47. C
23. A 48. B
24. A 49. A
25. D 50. C

Pearl St. Los Baños Subdivision, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna
Tel. Nos. 049 - 536-1286/ 536 - 1667/ 536 - 4410
Email address: 301247@deped.gov.ph

You might also like