You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na aytem.


1. Ang Ekonomiks ay may dalawang sangay, and Maykroekonomiks at Makroekonomiks. Ang
Makroekonomiks ay nag – aaral sa:
a. Maliit na yunit ng ekononomiya c. Pagpapalago ng Negosyo ng pamahalaan
b. Kabuuang ekonomiya ng bansa d. Pagkakaloob ng serbisyong pampubliko
2. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Kita at gastusin ng pamahalaan, c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
b. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya d. Transakson ng mga bangko
3. Ano ang gampanin ng sambahayan sa ekonomiya ng bansa?
a. Nagmamay – ari ng mga salik ng produksiyon
b. Nagkakaloob ng mga tapos na produkto at serbisyo
c. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
d. Nagtatayo ng mga Negosyo
4. May iba’t ibang actor ng paikot na daloy ng ekonomiya. Alin sa sumusunod ang nagkakaloob ng mga yari o
tapos na produkto?
a. Bangko c. Pamahalaan
b. Sambahayan d. Bahay – Kalakal
5. Lumalahok sa sistema ng pamilihan ang pamahalaan ng pangongolekta ng buwis. Sa paanong paraan
ginagamit ng pamahalaan ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan?
a. Pagpapautang c. Paglalagak ng pera sa Negosyo
b. Paggawa ng mga produkto d. Pagbibigay ng pampublikong serbisyo
6. Ang sambahayan ay walang kakayahang lumikha ng produkto samantalang ang bahay kalakal ay bumibili o
umuupa ng mga salik ng produksiyon sa sambahayan. Ano ang tawag sa kabayarang tinatanggap sa paggamit
ng paggawa bilang salik ng produkysiyon?
a. Sahod c. Tubo
b. Upa o Renta d. Interes
7. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, sa papaanong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang sambahayan at bahay –
kalakal sa isa’t isa?
a. Sa sambahayan nagmumula ang salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay kalakal
b. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makapagkaloob ng mga produkto sa bahay
kalakal
c. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang may tarabaho para sa bahay kalakal
d. Pinapautang ng bahay kalakal ang sambahayan ng mga tapos ng produkto

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
8. Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang makatulong sa pamahalaan sa wastong
pangongolekta ng buwis?
a. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi tamang nagbabayad ng buwis.
b. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store
c. Paalalahanan ang mga magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis
d. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader
9. Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa
_______.
a. Sambahayan dahil sa kanya nagmumula ang mga salik ng produksiyon.
b. Sa bahay – kalakal sahali siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat
c. Sa pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alintutuning pang – ekonomiya.
d. Sa lahat ng sector dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay ng gampanin sa isa’t isa
10. Ito ay isa sa ginagamit na pagsukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa.
a. Consumer Price Index c. Gross Domestic Product
b. Gross National Income d. Net Factor Income
11. Alin sa mga sumusunod ang pormula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraang batay sa
Gastos o Final Expenditure Approach?
a. GNI = C+I+G+(X-M)+SD+NFIA
b. GNI = KEA+KG+KEM+KK+CCA+IBT
c. GNI = Price Index (base year) x Current GNI
Price Index (current year)
d. GNI = Agrikultura+Industriya+Serbisyo+NFIA

Para sa bilang 12 -13.


GROSS NATIONAL PRODUCT AT GROSS DOMESTIC PRODUCT AYON SA MGA GASTUSIN
SA MILYONG PISO
Mga Gastusin Taon 2016

1. Personal P270M
2. Pamahalaan P180M
3. Capital Formation P120M
4. Export P20M
5. Import P22M
6. Statistical Discrepancy P3M
7. Net Factor Income from Abroad P105M

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
12. Ano ang GDP sa taong 2016?
a. 450 Milyon b. 500 Milyon c. 571 Milyon d. 600 Milyon
13. Ano ang GNP sa taong 2016?
a. 500 Milyon b. 550 Milyon c. 600 Milyon d. 676 Milyon
14. Bagamat may mga economic indicators na ginagamit ang pamahalaan sa pagsukat ng paglago ng ekonomiya
hindi pa rin ito perpektong batayan dahil may mga gawaing hindi naibibilang. Alin sa sumusunod ang HINDI
KABILANG sa mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita sa:
a. Impormal na Sektor c. Kalidad ng Buhay
b. Sektor ng Paglilingkod d. Hindi pampamilihang Gawain
15. Anong pormula ang ginagamit sa pagkompyut ng Real GNI?
a. Real GNI = Price Index (base year) x Current/Nominal GNI
Price Index (current year)
b. Real GNI = Price Index (current year) x Current/Nominal GNI
Price Index (base year)
c. Real GNI = Current GNI x Current/Nominal GNI
Price Index (base year)
d. Real GNI = Current GNI x Current/Nominal GNI
Price Index (current year)
Para sa bilang 16 at 17. Kompyutin ang Real GNI gamit ang basehang taon 2012 (Price Index = 100).
TAON NOMINAL GNI PRICE INDEX REAL GNI
2013 8,600,000 137 6,277,372
2014 9,500,000 140 6,785,714
2015 10,000,000 145
2016 11,000,000 150
16. Ano ang Real GNI ng taong 2015?
a. 5,585,000 c. 7,000,000
b. 6,896,551 d. 8,000,053
17. Ano ang Real GNI ng taong 2016?
a. 6,656,200 c. 7,333,333
b. 6,700,000 d. 8,000,054
18. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat
bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
a. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
c. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
Para sa bilang 19 – 20.
Basehang taon 2015

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
TAON TOTAL WEIGHTED PRICE CPI
2014 1500 -
2015 1600
2016 1800

19. Kompyutin ang CPI ng taong 2015.


a. 106.7 c. 112.10
b. 110.10 d. 115.50
20. Kompyutin ang CPI ng taong 2016.
a. 100 c. 120
b. 112.5 d. 150
21. Kung ang CPI ng 2015 ay 251.20 at ang CPI ng 2016 ay 310.55. Ilan ang antas ng implasyon?
a. 20.20% b. 23.62% c. 21.20% d. 24.20%
22. Magkano ang purchasing power of peso (PPP) kung gagamitin ang CPI ng 2015 na 251.20?
a. .45 b. .50 c. .40 d. .55
23. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
a. Bumili lang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
b. Bumili lamang sa supermarket at grocery upang matiyak ang presyo
c. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
d. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
24. Alin sa sumusunod ang HINDI sanhi ng implasyon?
a. paglaki ng demand kaysa sa produksyon c. pagtaas ng kapasidad sa produksyon
b. kakulangan sa enerhiya d. pagtaas ng halaga ng pamumuhay
25. Alin sa mga sumusunod ang posibleng solusyon upang malutas ang problema sa implasyon?
a. Bumili lang ng mga naka-sale na produkto.
b. Iasa sa mga mambabatas ang pagbibigay ng wastong solusyon sa implasyon.
c. Gumawa ng mga polisiya na magbibigay ng sapat na kaalaman sa patakarang pananalapi at pagnenegosyo.
d. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang masiguro na mapangasiwaan ang
pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
26. Alin sa sumusunod na pangungusap at TAMA?
a. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumataas ang implasyon.
b. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon.
c. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan ng implasyon.
d. Ang halaga ng piso ay maaaring tumaas o bumaba depende kung ang implasyon ay demand-pull o cost-
push.
27. Isa sa dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Ano ang bunga ng sitwasyong ito?
a. Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
b. Nagbubunga ito ng pagtaas ng GNI ng bansa

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
c. Nagbubunga ito ng malawakang pagbaba ng presyo
d. Nagbubunga ito ng pagdami ng suplay ng mga produkto.
28. Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan. Alin sa mga
sumusunod ang hindi hakbang ng paghahanda ng Pambansang Badyet?
a. Nagpapalabas ng buget call ang Department of Budget and Management (DBM) sa lahat
ng ahensiya ng pamahalaang pambansa.
b. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society organization at iba pang stakeholder sa pagbuo
ng badyet ng mga ahensiya ng pambansang pamahalaan.
c. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
d. Ipagtanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang badyet sa DBM
29. Ito ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa polisiya sa pagbabadyet.
a. Expansionary Fiscal Policy c. Net Lending
b. Contractionary Fiscal Policy d. Patakarang Piskal
30. Ayusin ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang proseso ng paghahanda sa pambansang budget.
1. Titipunin ng DBM ang mga dokumento upang aprubahan bilang isang ganap na batas.
2. Nagpapalabas ng Budget Call ang Department of Budget and Management sa lahat ng ahensiya ng
pamahalaan pambansa.
3. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga Civil Society Organization at iba pang mga stakeholder sa pagbuo ng
badyet ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan.
4. Pagtatanggol ng bawat ahensya ang kanilang badyet sa DBM.
5. Rekomendasyon ng DBM sa Executive Review Board.
6. Bubuuin ng DBM ang (NEP) bilang panukalang pambansang badyet ayon sa napagkasunduan sa Executive
Review Board.
7. Iharap sa Pangulo ng bansa ang NEP upang linangin.
a. 7, 6,5,4,3,2,1 c. 1,3,5,7,2,4,6
b. 2,3,4,5,6,7,1 d. 2,4,6,7,5,3,1
31. Sinasabing ang buwis ay napakamalaking tulong sa bansa, sa paanong pamamaraan ka makatutulong sa
pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
a. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
b. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
c. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
d. Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis.
32. Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
a. Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis.
b. Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan.
c. Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang supply ng salapi
d. Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.
33. Ang mga sumusunod ay pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan, alin ang HINDI kabilang?

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
a. Buwis
b. Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
c. Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
d. Mula sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan
34. Nakakalikom ng salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng __________.
a. sales tax at income tax c. witholding tax
b. taripa d. value-added Tax
35. Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagdaragdag sa asset ng pamahalaan
tulad ng Government-owned and Controlled Corporation (GOCC).
a. Current Operating Expenditures c. Net Lending
b. Capital Outlays d. Budget Allocation
36. Paano matutukoy kung nararapat na bang magpatupad ng Expansionary Fiscal Policy ang pamahalaan? Ang
mga sumusunod ay palatandaan nito MALIBAN sa:
a. Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources
b. Mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan
c. Walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksyon
d. May mataas na pangkalahatang output at employment
37. Paano nakatutulong ang mga bangko sa ekonomiya ng bansa lalo na ang Bangko Sentral?
a. Nag- iisip kung paano makatutulong upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na
kinakaharap ng bansa.
b. Gumagawa ng paraan na palaguin ang ekonomiya ng bansa.
c. Nagsasagawa ng mga pag-aaral upang matulungan ang pamahalaan.
d. Nagpapautang sa pamahalaan ng may mababang interes upang mapalago ang ekonomiya ng ating
bansa.
38. Kinakailangang higpitan ang suplay ng salapi sa ekonomiya ng bansa upang_________?
a. maiwasan ang pagkakaroon ng mga utang
b. hindi magwelga ang mga manggagawa
c. dumami ang pera ng bansa
d. maiwasan ang pagtaas ng implasyon
39. Mahalagang gumamit ng salapi bilang batayan ng palitan upang ______________.
a. mapadali ang pagbili ng produkto
b. hindi maging kumplikado ang pagkumpara ng halaga ng produkto
c. maikling oras ang maguguol sa pamimili
d. Lahat ng nabanggit
40. May iba pang institusyong Pananalapi maliban sa mga bangko. Ano ang tulong nito sa mga mamamayan?
a. Nagkakaroon ng dagdag ahensya ang maaaring utangan.
b. Nagkakaroon ng seguro sa anumang mangyayaring aksidente o pinsala sa katawan dulot ng trabaho.
c. Makapagpalit ng dayuhang salapi sa pera na ginagamit sa ating bansa.

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
d. Lahat ng nabanggit.
41. 1.Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya naming kabuuang gastusin ay
Php21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
a. Php1,000.00 c. Php3,000.00
b. Php2,000.00 d. Php4,000.00
42. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
a. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
b. Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
c. Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
d. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
43. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat
bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
a. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
c. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
44. Nanalo sa lotto ang iyong ina ng kalahating milyon at binigyan ka ng isandaang libong piso. Paano mo ito
pamamahalaan?
a. Ibabangko ito at ang ilan ay ipang-nenegosyo.
b. Ibibili lahat ang salapi hanggang maubos.
c. Itatago sa piggy bank o alkansya para di – maubos
d. Magiging impulsive buyer at bilhin ang kagustuhan.
45. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay
ng iyong magulang?
a. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
b. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
c. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
d. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
46. Ang mga sumusunod ay kabilang sa “7 Habits of a Wise Saver” maliban sa:
a. Kilalanin ang bankong napili para paglagakan ng inyong pera.
b. Alamin ang serbisyo at layunin ng iyong bangko.
c. Makipagtransaksyon sa mga taong bago pa lang nakilala.
d. Maging maingat.
47. Ano ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan?
a. Ang pag-iimpok ay tumutukoy sa bahaging kita na hindi ginagasta at ang pamumuhunan ay
ang kapital na ginagamit ng mga bahay-kalakal upang makalikha ng kita.
b. Ang pag-iimpok ay tumutukoy sa kapital na ginagamit upang makalikha ng kita, ang
pamumuhunan ay ang bahagi ng kita na hindi ginagastos.

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
c. Ang pag-iimpok ay tumutukoy sa kapital ng isang negosyo, ang pamumuhunan ay ang
paglagak ng pera sa bangko.
d. Ang pamumuhunan ay ang paglaan ng pera para sa hinaharap, ang pag-iimpok ay ang
paglagak ng pera sa bangko.
48. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tama ukol sa pag-iimpok?
a. Ang pag-iimpok ay hadlang sa pag-unlad.
b. Ang pag-iimpok ay ang paglaan ng kita o pera sa isang matatag na bangko.
c. Ang pag-iimpok ay ang pagtatago ng pera o kita nang matagal sa isang alkansya.
d. Ang pag-iimpok ay ang paggamit ng pera sa maluhong paraan.
49. Batay sa kahalagahan, ayusin ang mga sumusunod: kumita, gumastos, mag-ipon
a. gumastos, mag-ipon, kumita
b. mag-ipon, gumastos, kumita
c. kumita, mag-ipon, gumastos
d. gumastos, kumita, mag-ipon
50. Ang sumusunod ay mangyayari kung itatago lang ang pera sa alkansiya maliban sa isa.
a. Hindi ito lalago.
b. Maari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon.
c. Maaring magdulot ng kakulangan ng suplay sa pamilihan.
d. Ito ay magkakaroon ng tubo.

Prepared by:

DEBIE JANE B. MANEJA


Subject Teacher

Quality Assurance Team:

JOEMARK M. COLOBONG MERCEDES FELY S. SIGABU


Master Teacher I Designated Guidance Counselor, T-III

MICHAEL A. VILLANUEVA MARCELINA C. ANDRES


Head Teacher I School Principal II

“NABALO a EDUKASYON, NAIPAKDAW isu ti HUSTO a SERBISYO”


(Good Education is our True Service)
NUEVA ERA NATIONAL HIGH SCHOOL “Ragsak ken Rag-o mi ti
Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte Napudno nga Agserbi”
09173077332

You might also like