You are on page 1of 33

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

DEVELOPMENT OF MULTIPLE CHOICE QUESTIONS


BLOOM’S TAXONOMY
ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS
THIRD QUARTER

MELC
Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya
WEEKS 1-2

Remembering

1. Anong mahalagang institusyon ang kabilang sa ika-apat na modelo ng paikot na daloy ng


ekonomiya na nagpapatupad ng sistema ng pagbubuwis sa bahay-kalakal at sambahayan?
A. Pamahalaan
B. Panlabas na sektor
C. Pamilihan ng kalakal
D. Pamilihang Pinansiyal

Understanding

2. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay- kalakal?


A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-
kalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng bahay-kalakal.
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang
trabaho para sa mga bahay-kalakal.
D. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim ng
pagproseso ng mga bahay-kalakal.

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyan ng solusyon ang problema sa pagtaaas ng


presyo ng mga bilihin gamit ang kaalaman sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Pagpapababa ng halaga ng serbisyo ng sambahayan
B. Pagtangkilik ng sambahayan sa mga lokal na pamilihan
C. Pagpataw ng price freeze ng pamahalaan sa mga pamilihan
D. Patuloy na pag-aangkat ng mga bilihin para sumigla ang kalakalang panlabas

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Analyzing

4. Gamit ang dayagram sa paikot na daloy ng ekonomiya sa ibaba. Alin ang angkop na
paglalarawan sa katuturan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

A. Nagpapakita ng kita at gastusin ng pamahalaan


B. Nagpapakita ng kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. Nagpapakita ng ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
D. Nagpapakita ng mga transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Evaluating

5. Bakit mahalaga ang kaalaman sa paikot na daloy ng ekonomiya sa pagpapatakbo ng isang


bansa?
A. Para masuri ang iba’t-ibang mga modelo ng ekonomiya ng ating bansa
B. Para maunawaan ang iba’t-ibang mga gawaing pang-ekonomiya ng bansa
C. Para malaman kung paano nabubuo ang sistema ng ating pananalapi sa bansa
D. Para mapahalagahan ang iba’t-ibang mga sektor na bumubuo sa ating ekonomiya

MELC
Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya
WEEKS 1-2

Remembering

6. Anong modelo ng pambansang ekonomiya ang itinuturing na pinakasimple kung saan ang
sambahayan at bahay-kalakal ay iisa?
A. Una
B. Ikalawa
C. Ikatlo
D. Ika-apat

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Understanding

7. Paano nagkakaugnay ang pamilihang pinansiyal at sambahayan sa paikot na daloy ng


ekonomiya?
A. Ang sambahayan ay nagbibigay ng mga salik ng produksiyon
B. Ang sambahayan ay nagpapautang sa pamilihang pinansiyal
C. Ang pamilihang pinansiyal ay tagapagtustos sa sambahayan
D. Ang pamilihang pinansiyal ay pinag-iimpukan ng sambahayan

Applying

8. Kung ikaw ang pamahalaan, paano mo mapatatag ang ugnayan sa pamilihang panlabas?
A. Panghihikayat na magtrabaho sa ibang bansa
B. Pagtangkilik sa mga imported na mga produkto
C. Pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa
D. Pagpapatatag ng mga ugnayan at samahan sa ibang bansa

Analyzing

9. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalaman ng limang mga modelo ng pambansang


ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan ukol sa ugnayan ng
mga sektor ng ekonomiya?
A. Ang bahay-kalakal ay nagbibigay ng mga lakas paggawa sa mga pamilihan
B. Ang pamilihang pinansiyal ay nagbibigay ng mga salik ng produksiyon
C. Ang kalakalang-panlabas ay binubuo ng mga pandaigdigang samahan
D. Ang sambahayan ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Evaluating

10. Bakit mahalaga ang mga pamilihang pinansiyal para sa mga bahay-kalakal?
A. Ito ang tagapagbigay ng kapital sa bahay-kalakal
B. Ito ang nagpapautang ng pera sa bahay-kalakal
C. Ito ang pinag-iimpukan ng mga bahay-kalakal
D. Ito ang tagapagtaguyod ng mga programa

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita


WEEK 3

Remembering

11. Anong paraan sa pagsukat ng Gross National Income ang tumutukoy sa pagkuha ng
kabuuang nagastos ng mga apat na sektor ng pambansang ekonomiya?
A. Income Approach
B. Expenditure Approach
C. Industry-Origin Approach
D. Value-Added Approach

Understanding

12. Paano nakakatulong ang pagsukat sa pambansang kita sa pamamahala ng isang bansa?
A. Magsisilbing gabay sa pagplano sa pagbuo ng mga patakarang pang-ekonomiya
B. Masusukat ang estado ng bansa kumpara sa iba pang mga bansa
C. Para malaman ang antas ng produksiyon ng ekonomiya
D. Para may maipakita na mga makatotohanang datos

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

13. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic
performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig
B. Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
C. Hindi, dahil hindi ito ang tanging paraan para malaman ang estado ng bansa
D. Hindi, dahil ang economic performance ng bansa ay hindi sumasalamin sa tunay na
kalagayang pang-ekonomiya ng bansa

Analyzing

14. Si Mr. Tan, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan
dapat isinasama ang kanyang kinita?
A. Sa Gross Domestic Income ng China dahil mamamayan siya nito
B. Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
C. Sa Gross Domestic Income ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
D. Sa Gross Domestic Income ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita

Evaluating

15. Paano makikilala ng isang indibidwal na positibo ang economic performance ng bansa?
A. Gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
B. Mataas na Credit Rating ng bansa sa mga pandaigdigang banko
C. May pag-angat sa Gross Domestic Income ng ating bansa
D. Malaking bilang ng lakas-paggawa ang walang trabaho

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon


WEEKS 4-5

Remembering

16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo ng mga
kalakal, produkto at serbisyo?
A. Deplasyon
B. Depresyon
C. Implasyon
D. Resesyon

Understanding

17. Bakit nangyayari ang implasyon sa ekonomiya ng bansa?


A. Kapag tumaas ang gastos ng produksiyon
B. Kapag bumaba ang gastos ng pamahalaan
C. Kapag bumaba ang presyo sa pandaigdigang pamilihan
D. Kapag tumaas ang demand at tumaas din ang produksiyon

Applying

18. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?


A. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan
B. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin
C. Bumili lamang kung kakilala ang nagtitinda sa pamilihan
D. Bumili lamang sa mga supermarket upang matiyak ang presyo

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Analyzing

19. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na negatibong epekto ng implasyon sa


ekonomiya?
A. Pagtaas ng halaga ng salapi sa pamilihan
B. Pagdami ng perang nasa sirkulasyon
C. Pagbagsak ng suplay ng mga produkto
D. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa

Evaluating

20. Bakit malaking suliranin ang dulot ng implasyon sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa?
A. Bababa ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan
B. Bababa ang bilang ng mamumuhunan sa bansa
C. Bababa ang halaga ng piso kontra dolyar
D. Bababa ang presyo ng mga bilihin

Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon


WEEKS 4-5

Remembering

21. Ang implasyon ay may maraming mga kadahilanan. Alin sa mga sumusunod na mga
kadahilanan ang tumutukoy sa pagtaas ng demand dulot ng labis na paggastos ng mga
pribadong indibdwal at ng gobyerno habang hindi tumataas ang bilang ng supply?
A. Cost-push
B. Demand- pull
C. Hyperinflation
D. Implasyon

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Understanding

22. Kailan nangyayari ang cost-push inflation?


A. Tumataas ang presyo ng salik ng produksiyon
B. Pagbaba ng mga suplay ng mga produkto
C. Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
D. Kakulangan sa mga hilaw na sangkap

Applying

23. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagtugon sa suliraninng dulot ng


implasyon?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
B. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari sa kinabukasan

Analyzing

24. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na sanhi ng implasyon?


A. Ang pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar
B. Ang pagbaba ng konsumo ng produkto
C. Ang kawalan ng panustos sa produkto
D. Ang pagbaba ng halaga ng piso

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Evaluating

25. Paano makakaapekto ang mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao na


makakaimpluwensiya sa implasyon?
A. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap
B. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo
C. Mahihikayat ang mga tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa
D. Mahihikayat ang mga tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal


WEEK 6

Remembering

26. Tumutukoy sa paraan na ginagamit ng pamahalaan kung saan nagpapatupad ito ng mga
desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
A. Contractionary Fiscal Policy
B. Expansionary Fiscal Policy
C. Contractionary Money Policy
D. Expansionary Money Policy

Understanding

27. Ang pagbabawas ng sahod ang mga mangagawa para bumaba ang demand sa pamilihan
ay gawaing pang-ekonomiya na kabilang sa anong patakarang piskal?
A. Contractionary Fiscal Policy
B. Contractionary Money Policy
C. Expansionary Fiscal Policy
D. Expansionary Money Policy

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

28. Kung ikaw ang namumuno sa bansa, paano mo maipapatupad ang isang expansionary
fiscal policy sa bansa?
A. Pagpapalawig ng mga repormang pang-agraryo
B. Pagpapababa ng buwis sa mga mamumuhunan
C. Pagbabawas ng suplay ng salapi sa sirkulasyon
D. Pagpapataas ng mga kwalipikasyon sa pamahalaan

Analyzing

29. Ang buwis ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pama halaan. Kung walang
pagbubuwis, mahihirapan ang pamahalaan na ipatupad ang layunin. Alin sa mga layuning
nabanggit ang HINDI kabilang nito?
A. Distribusyon ng kita
B. Pagpapatatag ng ekonomiya
C. Makalikom ng malaking pondo
D. Pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya

Evaluating

30. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng epekto ng expansionary fiscal
policy sa ekononomiya ng bansa?
A. Nakapagbaba sa mga presyo ng mga bilihin at prudukto
B. Nagkakaroon ng maraming trabaho kaya tataas ang demand
C. Nababawasan ang paggasta ng sambahayan kaya bumaba ang demand
D. Nakababawas sa kakayahang ng mga tao na bumili kaya bumaba ang demand

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi


WEEK 7

Remembering

31. Ang institusyong ito ay tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon, at
pamahalaan bilang deposito. Anong ang tawag sa institusyong ito?
A. Bangko
B. Hospital
C. Paaralan
D. Simbahan

Understanding

32. Bakit mahalaga ang pangungulekta ng buwis?


A. Ito ay tungkulin ng bawat mamamayan
B. Ito ay pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan
C. Ito ang nagbibigay ng produkto at serbisyo sa mga mamamayan
D. Ito ang tumutugon sa pagpapatupad ng mga batas na ginagawa ng pamahalaan

Applying

33. Kung ikaw ay may dinepositong Php 100,000.00 sa bangko. Ano ang nararapat gawin
upang pumasok muli ang salapi sa paikot na daloy?
A. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao.
B. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko
C. Ipautang ng bangko ang dineposito upang magamit na panibagong kapital
D. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Analyzing

34. Ang krisis ng pandemyang COVID-19 ay hindi lamang krisis sa kalusugan ang naidulot kundi
krisis din sa ekonomiya ng ating bansa, maraming nagsarang mga negosyo at marami ring
nawalan ng trabaho lalo na ang mga nagsiuwiang OFW. Alin sa mga sumusunod na mga
patakarang pananalapi ang nararapat na ipatupad?
A. Contractionary Money Policy
B. Expansionary Money Policy
C. Fiscal Policy
D. Money Policy

Evaluating

35. Maliban sa paggamit ng salapi sa pagbili, ito rin ay maaring gamitin bilang unit of account.
Paano ginagamit ang salapi bilang unit of account?
A. Paggamit ng salapi bilang instrumento sa pagbili ng produkto o serbisyo.
B. Paggamit sa salapi bilang panukat sa presyo ng isang produkto.
C. Paggasta sa salapi upang hindi maabutan ng pagtataas ng presyo.
D. Pagtatabi ng salapi upang magamit sa ibang pagkakataon

Napahahalagahan ang pag -iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya


WEEK 8

Remembering

36. Tumutukoy sa pangunahing institusiyong naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga


ng ating pananalapi at nagsilbi rin itong opisyal na bangko ng pamahalaan.
A. Bangko Sentral ng Pilipinas
B. Development of Finance
C. Securities and Exchange Commission
D. Philippine Deposit Insurance Corporation
Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental
Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Understanding

37. Bakit naitatag ang Land Bank of the Philippines?


A. Magpautang sa mga miyembro ng may mababang interes
B. Maglalaan ng pondo para sa mga nasalanta ng mga bagyo
C. Magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan
D. Magbibigay ng kaseguruhan sa mga empleyado

Applying

38. Si Anna ay isang guro sa pampublikong paaralan, at isa sa mga daan- daang Pilipino na
naapektuhan ng bagyong Odette . Nasira ang kanilang bahay at kasalukuyang nasa evacuation
center. Naisipan niyang umutang para sa isang bagong bahay para may matirhan. Kung ikaw
ang magmumungkahi kay Anna alin sa mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ang dapat
na puntahan niya upang makakuha ng housing loan?
A. Government Service Insurance System.
B. Social Security System
C. Kooperatiba
D. Pag-IBIG

Analyzing

39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang commercial bank?


A. Development Bank of the Philippines
B. Al-Amanah Islamic Investment Bank
C. Perpetual Help Credit Cooperative
D. Bank of the Philippine Islands

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Evaluating

40. Bakit mahalaga ang Insurance Commission na itinatag sa ilalim ng pamamahala ng


Department of Finance?
A. Para sa katatagan ng mga kompanyang negseseguro ng buhay ng tao, kalusugan
atbp.
B. Matugunan ang mga pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa panirang
digmaan.
C. Tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang
kanilang kabuhayan.
D. Tulungan ang mga magsasaka, maliliit na negosyante sa kanayunan sa pamamagitan
ng pagpapautang ng puhunan.

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

DEVELOPMENT OF MULTIPLE CHOICE QUESTIONS


BLOOM’S TAXONOMY
ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS
FOURTH QUARTER

MELC
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
WEEK 1

Remembering

1. Anong sukatan ng pambansang kaunlaran ang sumusukat ng kakayahan ng isang bansa na


matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao?
A. Gender Development Index
B. Human Development Index
C. Human Democracy Index
D. Human Poverty Index

Understanding

2. Ang konsepto ng pag-unlad ng isang bansa ay may malawak na saklaw. Paano lubos na
masasabi na may kaunlaran na nagaganap sa isang bansa?
A. Tumaas ang bilang ng may hanapbuhay
B. Dumadami ang mga imprastraktura
C. Natutugunan ang serbisyo-medikal
D. Tumaas ang GDI at GNI

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

3. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong dapat gawin upang
makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral gamit ang iyong sariling
kapasidad, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa kaunlaran ng bansa?
A. Maging aktibo sa social media
B. Makipag-ugnayan sa ibang bansa
C. Tangkilikin ang lokal na produkto
D. Magsiyasat ng mga makabagong teknolohiya

Analyzing

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?


A. Sa mga OFWs nabubuhay ang ekonomiya ng bansa
B. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang gamit na panukat gaya ng GDP
C. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa
D. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay ang pagtaas ng kalidad ng pamumuhay

Evaluating

5. Bakit mahalaga ang yamang-tao sa pagsukat ng pambansang kaunlaran?


A. Sila ang lumilinang ng mga likas na yaman
B. Silay ang naglalagay ng puhunan sa pamilihan
C. Sila ang tagapagtaguyod ng mga pamilihan sa bansa
D. Sila ang nagsusulong ng mga programa ng pamahalaan

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

MELC
Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran
WEEK 2

Remembering

6. Tumutukoy sa gawain ng pagtatabi ng mga ilang bahagi ng kita para sa hinaharap


A. Pamumuhunan
B. Pagbabadyet
C. Pagkonsumo
D. Pag-iimpok

Understanding

7. Bakit mahalaga ang pagbabayad ng buwis para sa ating bansa?


A. Pondo para sa bayan
B. Obligasyon sa pamahalaan
C. Bayad ng tao sa mga serbisyong panlipunan
D. Pagpapahirap ng pamahalaan sa taong bayan

Applying

8. Isa ang korapsyon sa itinuturong dahilan ng kawalan ng kaunlaran ng bansa. Bilang isang
Pilipino, paano tayo dapat kumilos upang labanan ang suliraning ito?
A. Hinahayaan ang mga tiwaling opisyal na usigin ng hukuman
B. Idinadaan sa mga protesta sa mga kalye at kalsada
C. Ipinagsawalang-kibo na lamang ang mga nagaganap
D. Sinusumbong sa tamang ahensiya ng pamahalaan

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Analyzing

9. Ang mga sumusunod ay mga kilos na nagpapakita ng pagiging isang mabuting


mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran MALIBAN SA ISA. Ano ito?
A. Mapanagutan
B. Nepotismo
C. Makabansa
D. Maalam

Evaluating

10. Bakit mahalaga ang sama-samang pagkilos ng bawat mamamayan?


A. Para malaman ang pananagutan ng bawat isa
B. Para mas marami ang makikinabang
C. Para sa kaunlaran ng bayan
D. Para sa maayos na serbisyo

MELC
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya
WEEK 3

Remembering

11. Tumutukoy sa mga karaniwang mga produkto na matatagpuan sa sektor ng agrikultura


A. Sekundarya
B. Hilaw na produkto
B. Nilikhang produkto
D. Dumaan na sa pagpoproseso

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Understanding

12. Paano tinustusan ng sektor ng agrikultura ang malawakang pagkonsumo ng Pilipinas?


A. Pinapadali nito ang produksiyon
B. Tinitiyak nito na moderno ang mga teknolohiya
C. Tinitiyak na may sapat na suplay para sa populasyon
D. May malawakang kakulangan sa mga hilaw na materyales

Applying

13. Sa paanong paraan nakakatulong ang sektor ng agrikultura sa ibang sektor ng ekonomiya?
A. Pinanggagalingan ng mga hilaw na mga sangkap
B. Nagbibigay hanapbuhay sa mga mamamayan
C. Nagmamanupaktura ng mga produkto
D. Kumikita ang bayan mula sa export

Analyzing

14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dapat gawin para mas mapaunlad pa ang sektor
ng agrikultura?
A. Magluluwas ng maraming produktong agrikultural
B. Bigyan ng mas malaking pondo ang sektor ng agrikultura
C. Bigyan ng maraming kalabaw at fertilizers ang mga magsasaka
D. Magtaguyod ng mga dagdag programa para sa mga magsasaka

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Evaluating

15. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura?


A. Dahil pangunahin itong pinagmulan ng GDI ng bansa.
B. Dahil ditto, nakabayad ang Pilipinas sa mga utang nito
C. Dahil dito lumaki ang antas ng export ng mga pagkain galing Pilipinas
D. Dahil dito natugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mga Pilipino

MELC
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat
WEEK 4

Remembering

16. Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo at industriya ay


nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Ano ang tawag sa pagpapalit
ng mga lupaing sakahan para maging komersiyal na mga lugar?
A. Land Alteration
B. Land Conversion
C. Land Relocation
D. Land Revision

Understanding
17. Paano nakakaapekto ang kakulangan ng angkop na teknolohiya o kagamitan sa pagsasaka
sa sektor ng agrikultura ?
A. Nawawalan ng gana ang mga magsasaka
B. Bumabagal ang produksiyon ng mga ani
C. Nauungusan tayo ng ibang mga bansa
D. Bumababa ang kalidad ng mga produkto
Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental
Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

18. Paano tinitiyak ng pamahalaan na nabibigyan ng solusyon ang mga suliraning kinakaharap
ng sektor ng pangisdaan ng bansa?
A. Pagpayag sa mga mangingisda na maglayag kahit saan para makarami ng huli
B. Pagbibigay ng kalayaan sa mga mangingisda na manghuli na walang limitasyon
C. Paglunsad ng mga pag-uusap para malaman ang hinaing ng mga mangingisda
D. Pagbibigay ng mga sapat na tulong pinansiyal sa mga mangingisda

Analyzing

19. Ang sub-sektor ng pangisdaan ay humaharap sa isang malaking problema na dulot ng mga
dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim at mga
kemikal na mula sa mga pabrika na pumapatay sa mga anyong-tubig. Alin sa mga sumusunod
ang pinakapangunahing dahilan nito?
A. Epekto ng polusyon
B. Lumalaking populasyon
C. Komersyal na operayon na mapanira
D. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisd

Evaluating

20. Bakit madaling nasisira ang mga produktong agrikultural na isa sa pangunahing suliranin
ng sektor ng agrikultura?
A. Kawalan ng mga konsyumer sa pamilihan
B. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan
D. Hindi maayos ang kalidad ng mga produktong agrikultural

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

MELC
Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiya nakatutulong sa sektor ng
agrikultura (industriya ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat)
WEEK 5

Remembering

21. Ano ang tawag sa pamamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng
kagubatan?
A. Philippine Fisheries Code of 1998
B. National Integrated Protected Areas System
C. Community Livelihood Assistance Program
D. Sustainable Forest Management Strategy

Understanding

22. Paano nakapagbibigay ng proteksyon ang Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 sa mga
Pilipinong mga magsasaka?
A. Naglalaman ng paglilimita sa lawak ng lupang sakahan
B. Nagbibigay ng tulong pinansiyal sa lahat ng mga magsasaka na kwalipikado
C. Proteksyon laban sa mga pagsasamantala at pandaraya ng mga may-ari ng lupa
D. Nagbibigay ng karampatang mga parusa sa mga mapagsamantalang mga negosyante

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

23. Si Nicko ay anak ng isang magsasaka at nangangarap na makatuntong sa kolehiyo. May


plano siya na kumuha ng eksaminasyon para siya ay maging isang iskolar. Anong programang
pangkabuhayan sa sektor ng agrikultura ang makakatulong kay Nicko?
A. CARP
B. CLASP
C. KALAHI
D. NIPAS

Analyzing

24. Alin sa mga sumsunod na mga batas ang nagsasabing ang mga nagbubungkal ng lupa ang
itinuturing na tunay na may-ari nito?
A. Atas ng Pangulo Blg. 27
B. Agricultural Land Reform Code
C. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
D. Land Registration Act ng 1902

Evaluating

25. Paano nakakatulong ang pagkakatatag ng fishery research sa bansa?


A. Maging angkop sa demand sa pandaigidigang pamilihan
B. Masiguro ang pagpapayaman sa mga yamang-tubig
C. Makakuha ng mas malaking pondo sa pangingisda
D. Magkaroon ng maraming binhi sa pangingisda

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

MELC
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang
pang- ekonomiyang nakatutulong dito
WEEK 6

Remembering

26. Alin sa sumusunod na sektor ng ekonomiya ang namamahala sa pagproseso ng mga hilaw
na materyales upang ito ay maging isang produkto?
A. Impormal na sektor
B. Paglilingkod
C. Agrikultura
D. Industriya

Understanding

27. Paano nagdudulot ng masamang epekto ang industriyalisasyon?


A. Lumalaki ang utang panlabas ng bansa bunga ng paggasta dahil sa ng
industriyalisasyon
B. Nababawasan ang mga produktong ating inilalabas bunga ng industriyalisasyon
C. Lalong lumalawak ang mga lupaing nasasakop ng mga industriya
D. Tumataas ang bilang ng mga mangagawa sa bansa

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

28. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na malaki ang pakinabang sa paggamit ng
kompyuter at internet. Sa kasalukuyan, anong uri ng industriya sa bansa ang namamayagpag
at nagbibigay ng hanapbuhay sa mga mamamayang Pilipino?
A. Industriya ng transportasyon at komunikasyon
B. Industriyang Business Process at OutSourcing
C. Industriya ng Export at Import
D. Industriya ng pagkain

Analyzing

29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng limitasyon ng industriyalisasyon?


A. Ang malawakang paggamit ng inobasyon katulad ng makinarya ay nakakaapekto sa
pagkakaroon ng hanapbuhay para sa mga manggagawa
B. Ang mga makabagong teknoliniya ay nakakatulong sa paggawa ng mas maraming
produkto at serbisyo
C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga ng mataas na
pambansang kita
D. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na
industriyalisasyon

Evaluating

30. Bakit mahalaga ang sektor ng industriya?


A. Lumikha ng mga tapos na produkto na tumutugon sa pangangailangan
B. Pinagkukunan ng pagkain at gamit material sa industriya
C. Pangunahing pinagkukunan ng kitang panlabas
D. Pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

MELC
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang
pang- ekonomiyang nakatutulong dito
WEEK 6

Remembering

31. Tumutukoy sa sub-sektor ng paglilingkod na may kinalaman sa mga bangko, bahay-


sanglaan, remittance agency:
A. Pananalapi
B. Paglilingkod na pribado
C. Paglilingkod na pampubliko
D. Transportasyon at komunikasyon

Understanding

32. Bakit mahalaga ang mga batas para sa mga manggagawa na bumubuo ng sektor sa
paglilingkod?
A. Para matulungan ang mga empleyado
B. Nagkakaroon ng seguridad ang mga empleyado
C. Napangangalagaan ang mga kapakanan ng mga empleyado
D. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing mga empleyado

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Applying

33. Kung ikaw ang pamahalaan, paano mo mapapangalagaan ang kapakanan ng mga
nagtatrabaho dito?
A. Bigyan ng teknikal na tulong
B. Bibigyan ng sapat na mga kagamitan
C. Dagdagan ang mga benipisyo na natatanggap
D. Pangangalaga sa mga kapakanan ng mga manggagawa

Analyzing

34. Alin sa sumusunod na pangungusap ang dahilan kung bakit patuloy pa ring problema ang
kontraktuwalisasayon sa bansa?
A. Kawalan ng implementasyon ng batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga
manggagawa
B. Maliit lamang ang gastusin ng mga kompanya sa mga manggagawang maituturing na
kontraktuwal
C. Hindi maaaring tumanggi ang mga manggagawang kontraktuwal sa mga overtime na
trabaho lalo na sa mga peak season
D. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal
dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth

Evaluating

35. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?


A. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal
B. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa
C. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo
D. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa
isang bansa

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

MELC
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang
pangekonomiyang nakatutulong dito
Week 7

Remembering

36. Tumutukoy sa sektor na kinabibilangan ng mga taong nagtitinda sa mga bangketa o kalye:
A. Impormal
B. Industriya
C. Agrikultura
D. Paglilingkod

Understanding

37. Bakit itinuturing na banta sa kapakanan ng mga mamimili ang impormal na sektor?
A. Hindi ito nagbabayad ng buwis sa pamahalaan
B. Dahil ang mga gawain dito ay ipinagbabawal ng batas
C. Maaaring mapahamak, maabuso/mapagsamantalahan ang mga tao
D. Malaking kabawasan sila sa koleksiyon sa pananalapi ng ating bansa

Applying

38. Sa kabila ng mga negatibong ipinapahiwatig ng pagdagsa ng mga impormal na sektor,


bilang isang mamamayan na batid ang sitwasyong ito, ano ang posibleng mabuting pahiwatig
nito sa lipunan?
A. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa
B. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan
D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Analyzing

39. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga illegal
na gawain gaya ng pamimirata. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng
palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring
bunga ng sumusunod MALIBAN SA ISA. Ano ito?
A. Kakulangan ng mapapasukang trabaho
B. Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas laban sa pamimirata
C. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan
D. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao
ukol sa masasamang bunga nito

Evaluating

40. Bakit marami ang pumapasok sa impormal na sektor?


A. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis
B. Makaiwas sa masyadong masalimuot na proseso
C. Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan o bureaucratic
D. Kawalan ng pormal na mapapasukan na mga trabaho

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

MELC
Nasusuri ang pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na nakakatulong sa Pilipinas
Week 8

Remembering

41. Tumutukoy pandaigdigang samahan na namamahala sa pandaigdigang patakaran ng


sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member
states.
A. APEC
B. ASEAN
C. NATO
D.WTO

Understanding

42. Paano nakapagdudulot ng masamang epekto ang kalakalang panlabas?


A. Napapadali ang buhay
B. Napaunlad ang pagkakaisa
C. Nalinang ang pagkamalikhain
D. Nalilinang ang kaisipang kolonyal

Applying

43. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ano sa tingin mo ang pinakadahilan kung bakit
patuloy ang ating bansa sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga samahang pandaigdigan?
A. Masulong ang globalisasyon
B. Mapanatili ang pagkakaisa
C. May pagtutulungan
D. May pagbibigayan

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF DUMAGUETE CITY

Analyzing

44. Ang pakikipagkalakalan ay kasabay ng pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan sa iba’t-


ibang dako ng daigdig. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa kabutihang dulot ng
kalakalang panlabas?
A. Humihina ang lokal na produkto
B. Napapalawak nito ang pamilihan ng bansa
C. Natutugunan nito ang iba pangangailangan ng bansa
D. Nagkakaoon ng magandang relasyon ang iba’t-ibang bansa

Evaluating

45. Bakit mahalaga ang pagiging bahagi ng Pilipinas sa World Trade Organization?
A. Mapatatag ang ekonomiya
B. Mapanatili ang pakikiisa sa ibang bansa
C. Mabenta ang mga produkto sa labas ng bansa
D. Para masulong ng maayos ang malayang talakayan

INIHANDA NI:

ROSFIL P. GASIONG
SST-III
DepEd-Dumaguete City Division

Address: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental


Telephone Nos.: (035) 522-7673
Email Address: 303166@deped.gov.ph

You might also like