You are on page 1of 19

ATHENEUM SCHOOL ARALING PANLIPUNAN 9

Noveleta, Cavite Ika-apat na Markahang Pagsusulit


Junior High School Department Ekonomiks

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
ISKOR: /80
Guro: Alvin D. Ramos™ Lagda ng Magulang:

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Ito ay 80 aytem na pagsusulit na susukat sa iyong pag-unawa tungkol sa mga aralin natin sa: Sektor ng
Paglilingkod, Impormal na Sektor at Kalakalang Panlabas.
 Basahin nang mabuti at sumunod sa panuto.
 Ang hindi pagsunod sa panuto ay mabibigyan ng kaukulang kabawasan sa puntos.
 Ilagay ang LAHAT ng iyong sagot sa Sagutang Papel.
 Mahigpit na ipinagbabawal ang pamimigay at pagpapahiram ng mga kagamitan sa pagsusulit.
 Kung may katanungan, huwag mag-atubiling magtanong sa gurong namamahala ng pagsusulit.

MAGSIMULA RITO:

I. MARAMIHANG PAGPILI. Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
(20 puntos)

1. Ang sektor na ito ay bahagi ng ekonomiya na ang pangunahing gawain ay malinang ang buong kakayahan at
kasanayan sa isang partikular na gawain upang makapagbigay ng paglilingkod.
A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor

2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa inclusive growth ng sektor ng paglilingkod?


A. makalikha ng maraming trabaho
B. mapalakas ang human capital sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalidad sa edukasyon
C. mahusay na estratehiya sa pagpaplano
D. maging pasibo sa mga gawaing paglilingkod

3. Ang sektor ng paglilingkod na ito ay nagbibigay ng mataas na bahagdan na kita ng GDP mula noong dekada ’90
hanggang sa kasalukuyan. Lumago ang sektor ng paglilingkod dahil sa tatlong oportunidad may malaking ambag
sa kaunlaran ng bansa maliban sa isa, ano ito?
A. may kaugnayan sa information technology
B. paglinang sa kakayahan at kaalaman sa teknikal, managerial, at entrepreneurial
C. paglago ng turismo
D. paglilingkod ng pamahalaan

4. Sa isang maunlad na ekonomiya, nagtutulungan ang pamahalaan at ang pribadong sektor sa pagpapanatili ng
kaayusan sa daloy nito. Anong gampanin ang pamahalaan lamang ang gumagawa?
A. pagtatayo ng negosyo C. pagtatakada ng minimum wage
B. pag-aangkat at pagluluwas D. pagtulong sa mga mahihirap

5. Ang sektor ng paglilingkod ang nagtataguyod ng malaking pangkat ng lakas-paggawa. Maraming dayuhang
namumuhunan ang may negosyo sa Pilipinas na nagbibigay ng maraming trabaho sa larangan ng paglilingkod.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama rito?
A. business process outsourcing C. technical assistance
B. manufacturing D. online tutorials

6. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin sa


contractualization. Maraming kompanya ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho
sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy
pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawa?
A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga
benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
B. Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng
mga kompanya.
C. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na
sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas.
D. Lahat ng nabanggit
7. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan
ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng
paglilingkod?
A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang matugunan ang
mithiin ng pangangailangan.
B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa.
D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.

8. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa
kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng underground economy?


A. nagbebenta ng Avon o Tupperware C. nagtitinda ng mga kontrabando
B. naglalako ng isda, gulay, atbp. D. nagpapalit ng dolyar sa black market

10. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka.” Ano naman ang
positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
B. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa
kabila ng krisis sa buhay.

11. Ano ang HINDI magandang epekto ng pagdami ng kasali sa underground economy sa pambansang ekonomiya?
A. Nakatutulong ito sa pormal na sektor sa pagsuplay ng kinakailangang produkto at serbisyo.
B. Nabibigyan ng trabaho ang mga Pilipinong walang trabaho.
C. Malaki ang nawawalang kita ng gobyerno galing sa buwis.
D. Maraming pagpipiliang produkto at serbisyo ang mga mamimili.

12. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng
pamimirata. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na
paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod maliban sa isa, ano ito?
A. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang
bunga nito.
B. Kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata.
C. Kakulangan ng mapapasukang trabaho.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal na pamamaraan.

13. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na
paraan sila makikinabang?
A. trade embargo at quota C. espesalisasyon at kalakalan
B. kasunduang multilateral D. sabwatan at kartel

14. Hindi lahat ng produkto at sebisyo ay kayang iprodyus ng isang ekonomiya. Ano ang dapat gawin ng isang lider
kung may mga produktong kailangan ang kanyang ekonomiya?
A. Huwag pagtuunan ng pansin ang pangangailangang iyon.
B. Sikaping maiprodyus ang produktong ito sa kanyang bansa.
C. Humanap ng alternatibong mapagkukunan ng nasabing pangangailangan.
D. Makipagkalakalan sa bansang kayang magprodyus nito sa mas mababang gastos.

15. Ang bansa A ay nagpoprodyus ng goma dahil maraming puno ng goma roon ngunit dahil ito ay isang isla,
kailangan pang tumawid ng dagat bago makarating sa pagbebentahang mga bansa. Ang bansa B ay
nagpoprodyus din ng goma at mas mura niyang naibebenta ito sa mga karatig-bansa dahil sa lupa lamang ang
biyahe papunta sa ibang bansa. Anong uri ng kalamangan mayroon ang bansa B sa produksiyong goma?
A. absolute advantage C. sustainable development
B. comparative advantage D. foreign exchange

16. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabuti ang naidudulot ng kalakalang panlabas? Alin sa mga sumusunod ang
HINDI mabuting epekto ng kalakalang panlabas?
A. Napabibilis ang paglipat ng teknolohiya.
B. Nabubuksan ang pagkakataong makapagtrabaho sa ibang bansa.
C. Nakikihati sa mga produktong dayuhan kung kaya’t hindi na pinapansin ang mga produktong lokal.
D. Nagsisilbing pamilihan ng mga labis na produktong nalikha ng ating ekonomiya.
17. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa panahon ng globalisasyon. Alin
sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na
sa larangan ng pakikipagkalakalan?
A. Madaragdagan ang pantugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya.
B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
C. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin
D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.

18. Tuwang-tuwa ang mga taong may magulang o kamag-anak na nagtatrabaho sa ibang bansa kapag mataas ang
palitan ng dolyar. Ano ang pangmalawakang epekto ng mataas na palitan ng piso sa dolyar?
A. humihina ang ekonomiya C. tatambak ang mga imported na produkto
B. lumalakas ang ekonomiya D. dadami ang mamimili ng mga produkto

19. Tinatawag na mga bagong bayani ang overseas Filipino workers (OFWs). Ang mga sumusunod ay dahilan kung
bakit sila mga bagong bayani maliban sa isa, ano ito?
A. Naibibigay nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
B. Nagbabayad sila ng buwis sa Pilipinas at sa bansang pinagtatrabahuhan.
C. Nakapagpapapasok sila ng dolyar sa ekonomiya na ginagamit upang reserba.
D. Nagsisilbi sila sa mga dayuhan sa halip na sa kanilang sariling kababayan.

20. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan at panig ng daigidig. Bagama’t
hinihikayat nito ang paguugnayan ng mga bansa lalo na sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang
papaunlad pa lamang ang nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?
A. Ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal.
B. Ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan.
C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa.
D. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan.

II. PAGBUO NG CONCEPT MAP. Kompletuhin ang mga concept map sa ibaba. (10 puntos)

PAGLILINGKOD AGRIKULTURA
(Tersaryang Industriya) (Primaryang Industriya)

INDUSTRIYA
(Sekondaryang Industriya)

Binubuo ng mga sektor na

1. 2. 3. 4. 5.

IMPORMAL NA SEKTOR

binubuo ng

Impormal na Negosyo Impormal na Hanapbuhay

binubuo ng

6. 7. 8. 9. 10.
III. SERBISYONG TOTOO. Tukuyin kung Totoo ang ipinahayayag ng bawat bilang hinggil sa mga serbisyong
ipinagkakaloob ng sektor ng paglilingkod. Kung mali, iwasto ang pahayag sa pamamagitan ng pagbabago sa salita o mga
salitang may salungguhit. (10 puntos)

1. Ang BPO ay tumutukoy sa pag-upa ng isang kompanya upang tumupad ng ilang gawaing pangnegosyo nito.

2. Ang sektor ng paglilingkod ay itinuturing na sekondaryang industriya.

3. Kabilang sa subsektor ng pribadong paglilingkod ang mga bangko at iba pang institusyong pinansiyal tulad ng
sa insurance, pautang, at pawnshop.

4. Tumutukoy ang skills gap sa paglisan ng mga edukado o propesyonal na manggagawa mula sa isang bansa,
sektor ng ekonomiya, o larangan.

5. Ang underemployment ay tumutukoy sa kawalan ng hanapbuhay.

6. Ang information technology ay ang kolektibong kataga para sa iba’t ibang kasanayan sa pagpoproseso at
pagpapadala ng impormasyon.

7. Layunin ng programang Balik Probinsiya na ilipat ang indigenous people mula sa mataong Kamaynilaan patungo
sa mga lalawigan.

8. Ang Financial Sector Assessment Program ay ang pinagsanib na programa ng Bangko Sentral at World Bank.

9. Layunin ng Filipinnovation na paghusayin ang kasanayan ng mga Pilipino sa pagprodyus ng mga produkto at
paglilingkod na knowledge-based.

10. Ang Philippines Basic Urban Services Sector Project ay ang programang pang-edukasyon na may layuning
ilapit ang de-kalidad na edukasyon sa indigenous people at mga Muslim.

IV. PAG-UURI. Isulat sa patlang ang P kung pormal na sektor at IM kung tumutukoy sa impormal na sektor.
(10 puntos)

1. convenient store
2. pedicab drayber
3. mall
4. food cart
5. tiangge
6. street vendor
7. laundry shop
8. Bumbay
9. drugstore
10. sapatero

V. PAGSUSURI. Isulat ang D kung dahilan at E kung epekto ng impormal na sektor ang mga sumusunod na
pangyayari. (10 puntos)

1. Matinding kahirapan at kawalan ng trabaho

2. Pagbebenta ng mga pekeng produkto at pagtatrabaho sa lansangan

3. Kamahalan ng singil ng buwis at lisensiya

4. Hindi nirerepesto ang mga karapatan ng mga manggagawang walang kontrata sa kanilang pagtatrabaho.

5. Walang insurance at iba pang benepisyong tinatanggap

6. Palagiang nahaharap sa panganib

7. Posibleng makulong o makumpiska ang mga paninda

8. Hindi makautang ang mga maliliit na tindahan sa mga institusyong nagpapautang

9. Walang pormal na pagsasanay at kaalaman sa pagnenegosyo

10. Hindi nagbabayad ng buwis na ipinatutupad ng pamahalaan


VI. TAMA o MALI. Isulat ang T kung ang ipinahahayag ay tumutukoy sa globalisasyon at M kung hindi. (10 puntos)

1. Ang paglagak ng pamumuhunang kapital ay isang pamamaraan ng globalisasyon.

2. Hakbangin ng globalisasyon ang matamo ang pagiging industriyalisado ng mga bansa.

3. Pinag-iigting ng globalisasyon ang pagpigil sa malayang kalakalan.

4. Itinataguyod ang paggamit ng makabagong teknolohiya.

5. Regulasyon ng ilang piling industriya

6. Pagpapairal ng deregulasyon o pag-alis ng kontrol ng pamahalaan sa ilang industriya

7. Malayang palitan ng export at import

8. Pagbabawal ng importasyon sa ilang piling kalakal

9. Paglahok ng mga dayuhan sa kalakalang pagtitingi

10. Paglikha ng mga trade zone na walang buwis o may mababang taripa lamang

VII. MAG-EXPLAIN KA! Ipaliwang sa 3-4 na pangungusap ang mga sumusunod na katanungan. (10 puntos)

1. Paano nakakatulong ang sektor ng paglilingkod sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas? (3 puntos)

2. Paano nakaaapekto ang impormal na sektor sa ekonomiya ng Pilipinas? (3 puntos)

3. Bakit nakikipagkalakalan ang Pilipinas sa ibang mga bansa? Gaano kahalaga ito sa ekonomiya ng bansa?
(4 puntos)
ATHENEUM SCHOOL ARALING PANLIPUNAN 8
Noveleta, Cavite Ika-apat na Markahang Pagsusulit
Junior High School Department Kasaysayan ng Daigdig

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
ISKOR: /85
Guro: Alvin D. Ramos™ Lagda ng Magulang:

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Ito ay 85 aytem na pagsusulit na susukat sa iyong pag-unawa tungkol sa mga aralin natin sa: Unang Digmaang
Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Basahin nang mabuti at sumunod sa panuto.
 Ang hindi pagsunod sa panuto ay mabibigyan ng kaukulang kabawasan sa puntos.
 Ilagay ang LAHAT ng iyong sagot sa Sagutang Papel.
 Mahigpit na ipinagbabawal ang pamimigay at pagpapahiram ng mga kagamitan sa pagsusulit.
 Kung may katanungan, huwag mag-atubiling magtanong sa gurong namamahala ng pagsusulit.

MAGSIMULA RITO:

I. MARAMIHANG PAGPILI. Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
(20 puntos)

1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
B. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa Morocco.
C. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
D. pagtatatag ng United Nations.

2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria-Hungary, Russia, at Ottoman

3. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamaiinit na labanan sa panahon ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Paglusob ng Russia sa Germany
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland

4. Ang kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa:
A. pag-angkin ng Russia sa Constantinople upang magkaroon ng magandang daungan.
B. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga bansang magkaka-alyado.
C. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente.
D. paglaban ng Germany sa kapangyarihang pandagat ng Great Britain.

5. Ang marahas na kondisyon na itinalaga ng kasunduan sa Versailles pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
ay naging pundasyon sa:
A. paglakas ng Pasismo sa Germany C. pagkahati ng Korea sa 38th parallel
B. pag-aalsa sa panahon ng Rebolusyong Pranses D. ang rebolusyong Bolshevik sa Russia

6. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa daigdig. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamabigat na idinulot nito?
A. Hinagpis at lungkot sa mga nakaligtas
B. Pagkawala ng buhay at ari-arian
C. Pagbagsak ng apat na imperyo sa daigdig
D. Pinatigil nito ang pandaigdigang ekonomiya dahil sa pinsala sa agrikultura at industriya

7. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking epekto at kinahitnan ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pag-alis ng Allied mula sa mga Turkish peninsula ng Gallipoli.
B. Pagwawagi ng Britanya sa Sinai peninsula na nakapagtaas ng seguridad sa Suez Canal.
C. Panghihimasok ng Amerikanong militar at pinansyal sa giyera.
D. Paglipat ng Italy mula sa Central Powers patungong Allies.
8. Ang Italian Fascists at German Nazis ay parehong nagkamit ng kapangyarihan dahil sila ay:
A. gumamit ng dahas laban sa mga katunggali sa pulitika.
B. maingat na sumunod at tumanggap sa kalakarang demokratiko.
C. nagkaroon ng suportang elektoral mula sa mayorya sa kanilang bansa.
D. kumatawan sa mga ideya ng kompromiso at masinop na pamahalaan.

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan kay Hitler ng Germany, Mussolini ng Italy at Stalin ng
Russia?
A. Lahat sila ay nagpatupad ng pamahalaang totalitaryan.
B. Ang kanilang mga kalaban sa pulitika ay kapwa nila ipinapatay.
C. Lahat sila ay naghangad na mapalawak ang nasasakupan.
D. Lahat ng kanilang gawaing pang-ekonomiya ay sumunod sa prinsipyo ni Karl Marx.

10. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles?
A. Ginawang mandated territory ang lahat ng kolonya ng Germany.
B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyo.
C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng Big Four.
D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito.

11. Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:


A. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Great Britain.
B. paglusob ng mga Germans sa Poland noong 1939.
C. pagpapadala ng United States ng mga armas sa Great Britain.
D. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europa.

12. Bakit lumagda si Hitler ng “Non-Aggression Treaty” kay Stalin sa gabi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Upang pigilan ang League of Nations na animo’y tatapusin ang digmaan.
B. Upang ipakita na nagbago ng pananaw si Hitler tungkol sa komunismo.
C. Payagan ang Germany na salakayin ang Poland kahit ayaw ng Russia.
D. Upang maseguro na magkakaroon ng pagkakataon ang Great Britain sa Baltic Sea.

13. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa tunay na interes ng Hapon sa kanyang pag-atake sa
Pearl Harbor:
A. maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan United Nations.
B. mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Germans at Italyano sa Pasipiko.
C. mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para sa mga Asyano.
D. mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses, Olandes at Amerikano.

14. Alin sa mga sumusunod ang ipinapakita ng chain of events sa ibaba.

A. Mga salik na nagbigay daan sa World War I


B. Mga salik na nagbigay daan sa World War II
C. Mga pangyayaring naganap sa World War I
D. Mga pangyayaring naganap sa World War II

15. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod, maliban sa:
A. pagbagsak ng totalitaryan ng Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
B. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga industriya, transportasyon, komunikasyon, at
pananalapi.
C. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonya o decolonization.
D. pag-abswelto sa Germany ng League of Nations at pagpayag na lumikha ng mga armas pandigma.

16. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao sa Europa ang nakatanggap ng pinakamatinding pinsala sa buhay
noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig?
A. Germans B. Amerikano C. Jews D. Pranses
17. Bakit isinagawa ng mga Nazi ang maramihang pagpatay sa mga Hudyo o Jews?
A. Naging marahas ang mga Hudyo sa mga Germans bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
B. Mataas ang pagtingin ng mga Nazi sa kanilang lahi at mababa naman sa mga Hudyo o Jews.
C. Nais ipaghiganti ng mga Nazi ang kanilang lider na si Hitler dahil sa masasamang karanasan nito sa
mga Hudyo o Jews.
D. Nais bumuo ng isang hiwalay na estado ng mga Hudyo o Jews sa Banal na Lupain.

18. Ang D-Day sa Normandy noong June 6, 1944 ay inaalala bilang:


A. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa.
B. matagumpay na pagdaong dito ng mga Allied Powers.
C. pagsuko ng mga Germans sa Great Britain.
D. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.

19. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan?

A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan.


B. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan.
C. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay apektado.
D. Lahat ng nabanggit

20. Ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day
2. Pagdeklara ng United States ng digmaan laban sa Hapon
3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria
4. Pagsalakay ng Germany sa Poland
Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay:
A. 2 - 4 - 3 - 1 C. 3 - 4 - 2 - 1
B. 4 - 1 - 3 - 2 D. 1 - 2 - 4 – 3

II. WW1 or WW2? Tukuyin kung saang world war naganap ang mga sumusunod na pangyayari. Isulat ang 1 kung ito
ay patungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig at 2 kung sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman. (10 puntos)

1. Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand

2. Rebolusyong Russian ng mga Bolsheviks

3. Pagsalakay ng mga Germans sa Poland

4. Pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor

5. Labanan sa Golpo ng Leyte

6. Paglagda sa Treaty of Versailles

7. Pagbagsak ng Bataan at Corregidor

8. Pagsagawa ng kampanya sa Gallipoli

9. Pagbagsak ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki

10. Paglalaban sa mga trench


III. COMPARISON CHART. Paghambingin si Adolf Hitler at Benito Mussolini. (10 puntos)

Paghahambing

Adolf Hitler Benito Mussolini


1. Bansa
2. Sinunod na Ideolohiya
3. Pribadong Hukbo
4. Partidong Kinabibilangan
5. Titulong Ginamit

IV. ALIN ANG NAIIBA? Piliin ang HINDI kabilang sa pangkat. Isulat ang titik ng tamang sagot. (10 puntos)

1. Mga kasunduang isinagawa noong Unang Digmaang Pandaigdig


A. Treaty of Brest-Litovsk B. Treaty of Paris C. Treaty of Versailles

2. Mga bansang nabuo o naitatag pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig


A. Denmark B. Czechoslovakia C. Finland D. Poland

3. Mga dinastiyang nagwakas pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig


A. Bourbon B. Habsburg C. Romanov D. Hohenzollern

4. Mga pinunong kasama sa Big Four


A. David Lloyd George C. Vittorio Orlando
B. Georges Clemenceau D. Vladimir Lenin

5. Mga kasapi ng Central Powers


A. Austria-Hungary B. Germany C. Italy D. Turkey

6. Mga tanyag na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig


A. Battle of Verdun C. Battle of Tannenburg
B. Battle of Somme D. Battle of Stalingrad

7. Mga probisyon ng Fourteen Points


A. Wala nang sikretong kasunduan C. Pagtatatag ng United Nations
B. Pagbabalik ng Alsace-Lorraine sa France D. Pagpapalaya sa Belgium

8. Mga Diktador sa Europe


A. Adolf Hitler B. Benito Mussolini C. Joseph Stalin D. Hideki Tojo

9. Mga bagong sandata noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig


A. penicillin B. bazooka C. atomic bomb D. amphibious tank

10. Mga labanan sa Pacific Phase ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


A. Battle of Leyte Gulf C. Battle of Coral Sea
B. Battle of Normandy D. Battle of Midway

V. KOMPLETUHIN MO! Punan ng impormasyon ang talaan tungkol sa pagkakaiba ng Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. (10 puntos)

Unang Digmaang Pandaigdig Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Taon ng Pagsiklab at Pagwawakas

Mga Pangunahing Kadahilanan ng


Pagsiklab
(Magbigay ng tatlo)
Dalawang Puwersang Naglaban at
mga Pangunahing Bansang Sangkot
Pangyayaring Nagpawakas

Organisasyong Pangkapayapaang
Nabuo
VI. SAKA ANO? Tukuyin ang salitang bubuo sa dalawang tambalan ng konsepto. Isulat ang wastong sagot sa patlang.
(10 puntos)

1. United States: demokrasya / Germany: _____________

2. Triple Alliance: Central Powers / Triple Entente: _____________

3. Second Battle of Ypres: poison gas / Battle of the Somme: __________

4. Benito Mussolini: Clara Petracci (asawa) / Adolf Hitler: _______________

5. Paglusob sa Russia: Operation Barbarossa / Paglusob sa Great Britain: ______________________

6. World War II: amphibious assault / World War I: _________________

7. Sitting War: Sitzkrieg / Lightning War: _____________

8. Germany: Siegfried Line / France: ______________

9. German army: Wehrmacht / German air force: _____________

10. Hiroshima: “Little Boy” (pangalan ng atomic bomb) / Nagasaki: _______________

VII. MAG-EXPLAIN KA! Ipaliwang sa 3-4 na pangungusap ang mga sumusunod na katanungan. (3 puntos bawat isa)

1. Bakit sinasabing ang pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga ibinunga
ng Unang Digmaang Pandaigdig?

2. Kung ikaw ay pinuno ng isang bansa, sa panahon kung kailan naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
isasali mo ba ang bansa mo sa digmaan? Bakit?

3. May tunay na nagwawagi ba sa isang digmaan? Bakit mo nasabi?

4. Bakit hindi katanggap-tanggap ang racial discrimination at holocaust na pinairal ni Adolf Hitler sa Germany?

5. Paano ka makikibahagi sa pagpapatatag ng pandaigdigang kaunlaran at kapayapaan?


ATHENEUM SCHOOL Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Noveleta, Cavite Tungo sa Pananaliksik
Senior High School Department Ikalawang Markahang Pagsusulit

Pangalan:
Baitang at Strand:
ISKOR: /85
Guro: Alvin D. Ramos™ Lagda ng Magulang:

PANGKALAHATANG PANUTO:
 Ito ay 85 aytem na pagsusulit na susukat sa inyong kaalaman tungkol sa mga aralin natin sa: Batayang
Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa, Iba’t Ibang Uri ng Teksto, at Mga Batayang Kaalaman sa
Pananaliksik.
 Basahin nang mabuti at sumunod sa panuto.
 Ilagay ang LAHAT ng iyong sagot sa Sagutang Papel.
 Ang hindi pagsunod sa panuto ay mabibigyan ng kaukulang kabawasan sa puntos.
 Mahigpit na ipinagbabawal ang pamimigay at pagpapahiram ng mga kagamitan sa pagsusulit.
 Kung may katanungan, huwag mag-atubiling magtanong sa gurong namamahala ng pagsusulit.

MAGSIMULA RITO:

I. Basahin ang isang halimbawa ng tekstong naratibo (maikling kuwento) sa ibaba. Pagkatapos, suriin ang katangian at
kalikasan ng binasang tekstong naratibo. Sagutin ang mga tanong. (15 puntos)

Walang Panginoon
Deogracias A. Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-
12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik ang
kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang tunog ng kampana. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa
malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik,
kahit na saan siya magtungo, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa
kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala na siyang
nauulinigang ano mang taginting ng kampana.

“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinugon ng kanyang ina paniwalang-paniwala hindi nga naririnig
ang malungkot na tunog ng kampana.

“Ngunit Marcos..” ang baling uli na matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa
kaluluwa?” Iya’y pagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa
kabilang buhay. Lalo ka na Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Unang-una’y ang iyong ama, ikalawa’y ang kapatid
mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang huling pangalan ay binigkas na marahan ng
matandang babae.

Si Marcos ay di kumibo. Samantalang pinangangaralan siya ng kaniyang ina, ang mga mata niyang galing sa
pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahang siniputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang
kaluluwa ay may nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang
sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata sa ina ang pagkukuyom ng
kanyang damdamin.

Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda’y nabasa niya sa mga
mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagkat hindi pa natatagalang
namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, ang mayamang may-ari ng lupa nilang sinasaka. Nalalaman ng ina
ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat
ng pag-iimpok na ginawa upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Nararamdaman
din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging
malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kanyang ibig libangin. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maari sana’y mabunutan
ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.
“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may pagdiriwang sila, o, baka kailanganin ng mabuting
mang-aawit at manunugtog ng gitara.” “Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang
nasabi nang malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait para sa
kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay
nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya
ang kanyang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “disi’y
hindi ako itataboy sa kasiyahan.

Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagay
ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa munisipyo ang dumating na taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaalis sa
kanilang lupang kinatatayuan , at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa ina matapos matunghayan ang utos ng
hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panangis ng matandang babae sabay kapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip ng
gayon, tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong kasakiman
ng may-ari ng lupang kanilang sinasaka, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang
lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil ng buwis
at walang sino mang nakikialam sa ano mang bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging ano
man sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang
maibayad sa abogado, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang kahirapan upang tangkilin ang kanilang
ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang makisaka nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang
sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa may lupa dahil sa mga
kasunduang ipinapasok sa paglipas ng panahon.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob ng kay Don Teong. Ang kapatid niya’y
namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito at higit sa lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagkat
nalaman ng amang nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang sinasaka?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa
kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagkaroon na ng malaking
pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikim sa
kanilang isda sa ilog.

Si Marcos ay nagtapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa silong ng kumbento sa kanilang bayan at


natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa
liwanag ng kabihasnan at pagka-unlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagkat sa pag-anib niya sa mga
samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang
pahayagan at peryodikal sa sarilng wika na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang
ibili. Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na nang magtapat siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalala sa kanyang buhay kundi ang balang araw
ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa
naniniwala siya sa kasabihan, “Ang lahat ng tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay,” tinatanggap
din niya ang palasak na kawikaang “Ang katapat ng langit ay pusalian.” Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay hindi siya
nag-atubili ng panliligaw kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang
ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nagmamasid at lihim niyang sinusundan ang bakas
sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sinagip si Anita.

“Marcos, matagal na rin naman kitang iniibig,” ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang
buwan buhat nang siya’y mailigtas.
Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno
ay sinasakahan na nila at sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot
sa gayung kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang bagang. Kinagat niya ang kanyang labi upang
huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mag
kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na tunog ng kampana.
Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga.
Maliit lamang ang kanilang bayan upang mailihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalamang may
sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatuklas sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng
nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita nang tangkain niyang
dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit
nagdalawang-isip siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa magiging
kalungkutan sa kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng
mayamang may-ari ng lupa nilang sinasaka. Pang-aagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang nang patung-patong.
Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka noo’y pagtatangka sa kanyang buhay. Pinakahuli
nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka
nitong huli, ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos ay isang manggagawang batak sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa
pagtanggap ng pang-aapi ng panginoong may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maaari pa
siyang makalunok ng bagong pag-aalipusta ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwat nang tanggapin niya ang utos ng
hukuman na pinaalis siya roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang
kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Panginoon sa mga maliliit. Magtiis
tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang
kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat
ng limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang malawak na bukiring animo ay isang
karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang puso. Gaanong pawis
ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang bukid? Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y
magbungang mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay?

Hindi mapakali si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man niyang pagdimlan ng isip kung nagugunita
ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang
unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako niyang
hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago namayapa ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili. “Tutungo tayo sa hilaga at
kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, di kailangan magkaroon din ako
ng gayak na paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa ay nababatid niyang sa dibdib bf
binate ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim,
kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid.
May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ang
matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang
pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag po kayong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalalaglag po ang dahon sa kanyang
kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang
malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?” Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal sa lahat ni
Marcos. Maaaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng
kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon.
Nagunita niya ang sinabi Rizal na “walang mang-aalipin kung walang nagpapaalipin”. Napailing siya sa gayong
masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pananamantala sa kanya ni Don Teong, na talagang dapat
nang tapusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si
Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na
maubos na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapabuwis
pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng bagong pantalon, bota, tsaleko at latigo,anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos,
isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung
tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakatali sa hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung
takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang biniling kasuotan at saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don
Teong. Pagdating niya sa pook na kinatatalian ng kalabaw ay saka panay hampas at palo sa kalabaw hanggang sa ito’y
umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang
lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi
na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y dinaratnan niya ang kaniyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng
maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kaniyang lupa. Ang ikinatatakot ng ina ni
Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon, at hindi makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din
ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat ng magkaroon ng alitan
dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalala ang pag-alis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok
ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga
nakakita na pagkakita kay Don Teong ay tila nag-aalimpuyos sa galit sapagkat bigla na lamang sinuwag ang mayamng
matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay
tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang tsaleko sa katawan at
mukhang hindi makilala. Kumilos agad ang mga pulis upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng
matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang
napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang
poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi.
Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang kampana. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga
namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

Mga Tanong:
1. Alin ang ginawa ni Marcos upang maging karapat-dapat sa pagmamahal ng dalagang nagugustuhan?
A. nag-impok C. higit na nagsikap
B. nagbasa nang nagbasa D. lahat ng nabanggit

2. Ayon kay Marcos, alin ang mabuting paaralan sa tulad niya?


A. paaralan ng mga pari C. pampublikong paaralan
B. paaralan ng mga madre D. pahayagan at iba pang babasahin

3. Alin ang HINDI kasali sa binalak ni Marcos kung aalis sa lupang minana sa ninuno?
A. kukuha ng homestead C. kukuha ng bagong magsasaka
B. gagayahin ang buhay ng Don D. magsasarili sa hilaga

4. Gaano katagal ang ibinigay ng Don sa mga nagsasaka sa kanya upang lumisan ang mga ito sa kanyang lupang
pag-aari?
A. dalawang lingo C. isang buwan
B. tatlong lingo D. dalawang buwan
5. Sino ang walang panginoon?
A. Marcos B. kalabaw C. Anita D. magsasaka

6. Alin ang kasukdulan sa maikling kuwento?


A. Nakatanggap sina Marcos ng utos ng hukuman na nagpapaalis sa kanila sa lupaing kanilang sinasaka sa
loob ng tatlumpung araw.
B. Gustong sugurin ni Marcos si Don Teong.
C. Namatay si Anita.
D. Bumuo si Marcos ng isang plano ng paghihiganti.

7. Bakit sinuwag ng kalabaw si Don Teong?


A. Sapagkat madalas na nilalatigo siya nito
B. Sapagkat akala niya ito ang lumalatigo sa kanya araw-araw
C. Sapagkat inaapi nito ang kanyang amo
D. Sapagkat inutusan siya ng kanyang amo

8. Aling kaisipan ang maiuugnay sa kuwento?


A. Kapag puno na ang salop, kailangan na itong kalusin.
B. Kapag may isinuksok, may madudukot.
C. Kapag may itinanim, may aanihin.
D. Kapag nagpunyagi, tiyak na magwawagi.

9. Hindi mapakali si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man niyang pagdimlan ng isip kung nagugunita
ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa
nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina;
ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago namayapa ang kanyang ama.

Ano ang larawang-diwa ang ipinapakita sa talata?


A. panginoong nagmamay-ari ng kalabaw C. lalaking nagmamalaki
B. anak na mapagmahal sa ina D. amang malapit nang mamatay

10. “Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang
pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag po kayong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalalaglag po ang dahon sa kanyang
kapanahunan.”

Ipinahihiwatig ng matalinghagang sagot ni Marcos sa kanyang ina na ___________.


A. Kusang nangyayari ang pakikipagtuos C. may tamang panahon ang lahat ng bagay
B. Walang utang na hindi pinagbabayaran D. hindi na kailangang kausapin pa ang matataas na tao

Para sa bilang 11-15, piliin ang titik ng tamang hinuha ayon sa pangyayari.

11. Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-
12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik
ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.
A. Nababaliw na si Marcos sa dami ng problemang nangyayari sa kanyang buhay.
B. Ayaw niyang mabingi sa malakas na tunog ng kampana tuwing ikawalo ng gabi.
C. Nawawalan na ng pag-asa sa buhay si Marcos habang umiikot ang panahon.
D. Iniiwasan niya ang katotohanang hatid ng kahulugan ng pagtunog ng kampana sa oras na ‘yon.

12. “Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa ina matapos matunghayan ang utos ng
hukuman.
A. Nagpaplanong gamitin ang dahas sa masamang Don.
B. Nagpaplanong maglinis ng bukid at di pansin ang utos ng hukuman.
C. Nagtatanong kung nasunod ang utos sa inang hasain ang kanyang itak.
D. Gusto niyang laging matalim ang itak kapag ginamit niya ito sa bukid.

13. “Marcos, matagal na rin naman kitang iniibig,” ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang
buwan buhat nang siya’y mailigtas.
A. Madaling mapaibig sa lalaki si Anita dahil liberated ito.
B. Matagal na siyang umiibig sa binata di pa man siya nakikita nito.
C. Nakilala ng dalaga ang tunay na katauhan ng binate at napaibig ito.
D. Tumatanaw ng utang na loob ang dalaga sa pagliligtas ni Marcos ng kanyang buhay.
14. “Bakit ka bumili ng bagong pantalon, bota, tsaleko at latigo, anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos,
isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung
tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.
A. Malaki ang pangarap ni Marcos na matulad kay Don Teong.
B. Nasisiraan na ng isip si Marcos kaya nanggagaya sa Don.
C. Umaasa siyang maibabalik ang lupang ninakaw sa kanila ng Don.
D. May maingat na plano si Marcos kung paano makapaghihiganti sa Don.

15. Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi.
Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.
A. Natulala at di nakagalaw si Marcos sa katuparan ng paghihiganti.
B. Hindi makapaniwala si Marcos na di niya mapapansin ang bilis ng oras ng pagkamatay ng Don.
C. Panatag na ang kalooban ni Marcos dahil wala na ang taong ugat ng kanilang kalungkutan.
D. Wala siyang pakialam sa kaluluwa ng namatay na Don na ihuhudyat ng kampana.

II. Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. (20 puntos)

1. Si Mohandas Karamchand Gandhi, mas kilala bilang si Mahatma Gandhi, ay nanguna sa kilusan sa pagpapalaya
sa India mula sa pananakop ng Britanya.

Sa anong katanungan sumasagot ang impormasyong ito?


A. sino B. saan C. paano D. kailan

2. Anong teksto ang may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, at pangyayari?
A. ekspositori B. naratibo C. deskriptibo D. argumentatibo

3. Alin sa sumusunod ang layunin ng tekstong persuweysib?


A. maglahad ng bagong kaalaman C. magkuwento ng mga pangyayari
B. manghikayat o mangumbinse D. mangatwiran tungkol sa isang isyu

4. Ano ang katangian ng isang tekstong naratibo?


A. Ito ay nagsasaad ng tiyak na emosyon ng manunulat.
B. Ito ay naghahatid ng kalinawan sa bagay-bagay o pangyayari.
C. Ito ay nagpapahiwatig ng mga kaisipan ng mambabasa o tagapakinig.
D. Ito ay nagpapahayag ng tiyak na impormasyon patungkol sa isang pangyayari.

5. Ano ang katangian ng isang tekstong argumentatibo?


A. Ito ay naglalahad ng mga katwiran.
B. Ito ay nagbibigay-aliw at kasiyahan sa mambabasa.
C. Ito ay nagpapakita ng mga tunggalian, simbolismo, at pahiwatig.
D. Ito ay nagpapahayag ng mabisa at kongkretong kongklusyon patungkol sa isang isyu.

6. Ito ay tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing magkakaugnay sa isa’t isa.
A. sekwensyal B. kronolohikal C. prosidyural D. sistematikal

7. Ito ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa isipan ng tao.


A. iskema B. mambabasa C. teksto D. pagsusuri

8. Ano ang interaktibong pagbasa?


A. ugnayan sa pagitan ng mambabasa at teksto C. pagbabasa nang malakas
B. tanging mambabasa lamang ang mahalaga D. nadadagdagan ang mga binabasa

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa katangian ng metakognitibong pagbasa?


A. Ito ay isang pamamaraan upang lubusang maunawaan ang teksto.
B. Ito ay isang hakbangin upang maging mabilis ang pagbasa sa teksto.
C. Ang mga ito ay suliraning kinakaharap sa pag-unawa sa binabasa.
D. Ang mga ito ay interaktibong gawain na nagpapakita kung paano isulat ang isang teksto.

10. Ano ang mahalaga munang matutuhan bago magsagawa ng pagsusuri ng teksto?
A. pagtukoy sa mahahalagang kaisipan C. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
B. pagkilala sa mga tauhan D. pagtatala ng mahahalagang detalye

11. Ano ang kahulugan ng pananaliksik?


A. pagsusuri ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng linaw, patunay, o pasubali
B. pagsusuri lamang ng mga balita upang magbigay ng sariling opinyon
C. pagsusuri lamang ng mga konsepto, bagay, tao, at mga isyu upang bigyan ito ng katanyagan
D. pagsusuri ng usapin upang makalikha lamang ng isyung pag-uusapan ng iilan
12. Ano ang datos empirikal?
A. Impormasyong nakalap batay sa mga obserbasyon C. Impormasyong nakalap mula sa mga aklat
B. Impormasyong nakalap mula sa kapanayam D. Impormasyong nakalap mula sa survey

13. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa tuwirang pangongopya ng impormasyong hindi kinikilala ang may akda ng
pinagkuhanang teksto?
A. copyright B. plagiarism C.translation D. paraphrasing

14. Ano sa kabuuan ang tinatalakay ng panimula o unang bahagi ng pananaliksik?


A. Paglalarawan sa pagsasagawa ng pananaliksik
B. Pagtutuos ng mga datos na nakalap para sa pananaliksik
C. Paglalagom ng mga ideyang tinalakay sa pananaliksik
D. Pagpapakita ng mga datos na ginamit sa pananaliksik

15. Kung nagtatala pa lamang ang mananaliksik ng mga datos buhat sa kaniyang mga panayam, pagbasa ng mga
aklat, at pag-survey, siya ay nasa hakbang na _______________.
A. pangangalap ng datos C. presentasyon ng datos
B. pagbasa ng kaugnay na literatura D. pagsulat ng unang burador

16. Ang _____________ pananaliksik ay nagsasagawa ng mga pagtatala, paglalarawan, pagpapakahulugan,


pagsusuri, at paghahambing.
A. deskriptibo B. historikal C. eksperimental D. metodo

17. Ito ang bahagi ng pananaliksik na kinapapalooban ng presentasyon at pagsusuri ng datos.


A. Kaligiran ng Pananaliksik C. Metodolohiya at Pamamaraan
B. Konseptuwal na Balangkas D. Resulta at Diskusyon

18. Bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang presentasyon, pagsusuri at interpretasyon
ng datos?
A. Dahil pinakamahaba ito.
B. Dahil dito ipapakita ng mga talahanayan at dayagram.
C. Dahi ito ang nagpapakita ng mga bagong impormasyon at pagsusuri na ambag ng mananaliksik sa
pagbuo ng kaalaman.
D. Dahil dito makikita kung gaano kahusay ginampanan ng mananaliksik ang mga tungkulin niya.

19. Ano sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa pagsusuri ng datos?


A. Ang mga talahanayan, graph o anomang uri ng presentasyon ng datos ang pinagmumulan ng talakayan.
B. Ang opinyon at pananaw ng mananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan.
C. Ang impormasyon galing sa ibang pag-aaral at literature ang pinagmumulan ng talakayan.
D. Ang metodolohiya ng pananaliksik ang pinagmumulan ng talakayan.

20. Ano ang kahulugan ng APA sa sistema ng dokumentasyon?


A. Asia Pacific Association C. American Psychological Association
B. Administrative Procedures Act D. American Payroll Association

III. Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa pamantayan ng etikal na pananaliksik at H
naman kung hindi. (10 puntos)

1. Kung ang pamamaraan ay survey, hindi na kailangang ipaliwanag sa tagasagot ang layunin ng pag-aaral.

2. Makakabuti kung magbibigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng pananaliksik.

3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya kung nakuha naman ito sa hindi kilalang
blogsite sa Internet.

4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isinalin naman ito sa ibang wika.

5. Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral.

6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-tanggap na hindi na balikan ang mga taong naging
kalahok sa pananaliksik.

7. Kailangang mulat na sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik.

8. Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang magmukhang malalim ang pananaliksik.

9. Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa dalawang refereed journal upang tiyak na
matanggap ito.

10. Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang resulta ng pananaliksik.
IV. Tukuyin kung saang bahagi ng pinal na sulating pananaliksik ang inilalarawan ng sumusunod na mga pangungusap.
Isulat ang A kung ito matatagpuan sa introduksyon, B kung sa katawan, at C kung sa kongklusyon. (10 puntos)

1. Ito ay nagtatampok ng kaligiran ng paksa.


2. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa layunin ng mananaliksik.
3. Sa bahaging ito ng papel makikita ang resulta ng pananaliksik.
4. Sa bahaging ito ng papel nilalagom ay idinidiin ang mga ideya.
5. Naglalaman ang bahaging ito ng buod ng nilinang na pangunahing ideya.
6. May mga pagkakataong sa bahaging ito ipinaliliwanag ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
7. Makikita sa bahaging ito ang kahalagahan ng paksa ng pananaliksik o ang kahalagahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik.
8. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga impormasyong sumusuporta o kumokontra sa pahayag
ng tesis o thesis statement.
9. Importante sa bahaging ito ang lohikal na organisasyon ng mga ideya na maaaring i-grupo sa pamamagitan ng
mga heading.
10. Sa bahaging ito ng papel, ang manunulat ay gumagamit ng isa o higit pang prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel
upang maipaliwanag nang maayos at lohikal ang kanyang mga puntos.

V. Pagsunod-sunurin ang mga paraan o tamang proseso sa pagbuo ng papel pananaliksik. Lagyan ng 1 ang rationale, 2
ang layunin, 3 ang metodolohiya, at 4 ang inaasahang output o resulta. (20 puntos)
A.
May mga epekto ang paglalaro ng video games sa mga batang nasa preschool.
Tutukuyin ang mga epekto ng paglalaro ng video games sa mga batang nasa preschool.
Bubuo ng 20 pahinang sulating pananaliksik tungkol sa mga epekto ng paglalaro ng video games sa batang nasa
preschool.
Mag-iinterbyu at magpapasagot ng questionnaire sa magulang ng mga batang ito na madalas maglaro ng video
games. Kakapanayamin din ang mga bata tungkol sa video games at oobserbahan sila sa loob ng isang buwan.
B.
Mangangalap ng tala sa Internet, aklat, at journal at makikipanayan sa mga doktor.
Ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa ilang sakit ay ipinapanukala ng ilang eksperto.
Susubuking alamin ang benepisyo at panganib sa paggamit ng marijuana bilang gamot o medisina.
Bubuo ng isang pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo
at panganib ng paggamit ng marijuana bilang gamot o medisina.
C.
Aalamin ang pinagmumulan ng spam messages.
Magsasaliksik ukol sa pinagmumulan ng spam messages.
Nayayamot ang maraming tao sa tuwing makakikita ng spam messages na pumupuno sa kanilang inbox.
Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang artikulo tungkol sa spam
messages.
D.
Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa indie films na maaaring maging basehan sa paggawa ng isang
maikling indie film gamit ang camera at editing apps ng isang smartphone.
Makikipanayam sa mga direktor ng indie films at mag-oobserba sa proseso ng paggawa ng ganitong pelikula.
Sa pamamagitan ng camera at editing app ng smartphone ay makagagawa ng isang maikling indie film.
Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling indie film gamit lang ang camera at editing app ng
smartphone.
E.
Aalamin ang mga ingredient o sahog sa paggawa ng hotdog.
Ang hotdog ay isa sa mga paboritong almusal ng mga kabataan, subalit, ano-ano nga ba ang mga ingredient o
sahog sa paggawa nito?
Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa hotdog na maaaring maging basehan ng isang artikulo na
tumatalakay sa pagkaing ito.
Mananaliksik sa Internet, gagawa ng survey tungkol sa paboritong pagkain ng mga bata at kapanayamin ang
ilan sa mga nasarbey na bata kung bakit nila paboritong pagkain ang hotdog. Kapanayamin din ang ilang
manufacturer ng hotdog.
VI. Isulat sa tamang format ng bibliyograpiya ang mga sangguniang nasa mga kahon gamit ang estilong APA.
(2 puntos bawat isa)

1. Pangalan ng awtor o mga awtor: Paz, Consuelo J. et al.


Pamagat ng aklat: Ang Pag-aaral ng Wika
Taon ng pagkakalathala: 2003
Ang tagapaglathala: University of the Philippines Press
Lugar kung saan inilimbag: Diliman, Quezon City

2. Pangalan ng awtor o mga awtor: Ma. Gemma C. Dela Fuente


Pamagat ng artikulo: Kahalagahan ng Pagsasaling-Wika
Petsa ng Publikasyon: Oktubre 23, 2014
Pamagat ng Publikasyon: Udyong Bataan Official Website
Petsa kung kailan sinipi o ginamit: Agosto 30, 2015
Buong web address: http://udyong.gov.ph/teachers-corner/5650-kahalagahan-ng-pagsasaling-wika

3. Pangalan ng awtor o mga awtor: Richelle Sy-Kho


Pamagat ng artikulo: K to 12: Lessons to be Taught in Mother Toungue to Help
Students Learn Better and Stay in School
Petsa ng Publikasyon: June 18, 2012
Pamagat ng Publikasyon: GMA News Online
Petsa kung kailan sinipi o ginamit: Agosto 7, 2015
Buong web address: http://www.gmanetwork.com/news/story/260658/news/specialreports

4. Nagmula sa: Agence France-Presse


Petsa ng Paglilimbag: Agosto 7, 2015
Pamagat ng Artikulo: To Create a World Without Nuke
Pamagat ng Publikasyon: Philippine Daily Inquirer
Paglilimbag #: 36
Isyu #:279
Pahina #: 1

5. Pangalan ng awtor o mga awtor: Virgilio S. Almario


Pamagat ng aklat: Filipino ng mga Filipino
Taon ng pagkakalathala: 2009
Ang tagapaglathala: Anvil Publishing, Inc.
Lugar kung saan inilimbag: Pasig City

You might also like