You are on page 1of 33

FILIPINO 7

QUARTER 2:WEEK 2
BALIK-
ARAL:
Kasanayang dapat mong
matutuhan:
✓Nasusuri ang antas ng wika
batay sa pormalidad na
ginamit sa pagsulat ng
awiting-bayan (balbal,
kolokyal, lalawiganin,
pormal)
WIKA?
Ang wika sa simpleng
pagpapaliwanag ay ang
kalipunan ng mga salita na
ginagamit ng isang
lipunan.
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang
kategorya sa antas na ginagamit ng tao
batay sa kaniyang pagkatao, sa
lipunang kaniyang ginagalawan, lugar
na tinitirhan, panahon, katayuan, at
okasyong dinadaluhan. Ang mga wikang
ito ay nahahati sa dalawang kategorya
at bawat kategorya ay may tinatawag
na antas ng wika.
UNANG KATEGORYA
I.Impormal o Di- Pormal
Ito ay antas ng wika na karaniwan,
palasak, pang-araw-araw, at madalas
gamitin sa pakikipag-usap o
pakikipagtalastasan. Ang tatlong antas
nito ay:
A. Balbal

Mga salitang karaniwang ginagamit sa


mga kalye kaya’t madalas na tinatawag
ding salitang kanto o salitang kalye.
Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal

a. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng


pagkuha sa huling dalawang pantig ng
salita.
Halimbawa: Amerikano-Kano
Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal

b. Pagbaliktad sa mga titik ng isang


salita.
Halimbawa: tigas-astig
Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal

c. Pagkuha ng salitang Ingles at


pagbibigay rito ng ibang kahulugan
Halimbawa: toxic-ang ibig sabihin ay
busy o maraming trabaho
Paraan Upang Makabuo Ng Salitang Balbal

d. Pagbibigay kahulugan mula sa


katunog na pangalan
Halimbawa: Carmi Martin na ang
kahulugan ay karma
Halimbawa:
1. Mahirap kumita ng datung (pera) sa
panahon na ito dahil sa pandemya.
2. Arat (tara) sa bukid, mamitas tayo ng
gulay na maganda sa ating kalusugan.
3. Ipinagbabawal na lumabas ang mga
bagets (kabataan) dahil sa COVID-19.
Iba pang halimbawa:
1. Yosi-sigarilyo
2. Ermat-nanay, ina
3. Erpat-tatay, ama
4. Utol-kapatid
B. Kolokyal

Pang-araw-araw na salita. Maaaring may


kagaspangan nang kaunti. Maaari itong maging
kagalang-galang ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa
salita ang karaniwang halimbawa nito.
Halimbawa:
1. Hindi natin alam kung kelan (kailan)
matatapos ang pandemyang ito.
2. Maraming pinoy (Pilipino) ang
nahihirapan sa kasalukuyang
panahon dala ng virus.
3. Bawat isa sa atin ay merong
(mayroong) mabuting puso.
Iba pang halimbawa:
1. Pa’no mula sa paano
2. kelan mula sa kalian
3. P’re mula sa pare
4. meron mula sa mayroon
5. Te’na mula sa tara na
6. nasan mula sa nasaan
❖ Paraan o bahagi pa rin ng barayting
ito ang dalawang wika tulad ng
tagalog at Ingles o Taglish o Tagalog-
Espanyol .
Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Lina?
(TAglish)
Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan.
(Tag-Espanyol)
C. Lalawiganin

Ito ay gamitin ng mga tao sa


partikular na pook o lalawigan.
Makikilala ito sa kakakaibang
tono o punto.
Halimbawa:
1. Manang Biday, ilukat mo man ta bintana. (Manang
Biday buksan mo ang binatana)
*Halaw mula sa awiting- bayan ng mga Ilocano
2. . Ili-ili,tulog anay, Wala diri imong nanay
(Batang munti, matulog ka na, wala rito ang iyong
ina)
* Halaw mula sa awiting-bayan ng mga Ilonggo.
3. Atin cu pung singsing, metung yang timpukan
(Ako ay may singsing, may batong kay inam)
*Halaw mula sa awiting-bayan ng mga
Kapampangan.
Iba pang halimbawa:
1. ambot mula sa salitang Bisaya na ang
ibig sabihin ay “ewan”
2. kaon mula sa salitang Bisaya na ang
ibig sabihin ay “kain”
3. biag mula sa salitang Ilocano na ang
ibig sabihin ay “buhay”
4. ngarud mula sa salitang Ilocano na
katumbas ng katagang “nga”
IKALAWANG KATEGORYA
II. Pormal
Ito ay antas ng wika na pamantayan at
kinikilala o ginagamit ng nakararami. Ito ang
mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga
panayam, seminar, mga aklat o maging sa
mga ulat. Ito ay nauuri sa dalawang antas:
A. Pambansa

Ito ay ginagamit ng karaniwang


manunulat ng aklat at pambalarila
para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa:
1. Malaki ang kinakaharap na problema
ng ating bayan.
2. Sa kabila ng pandemya, hindi kami
pinababayaan ng aming ama at ina.
3. Kahit mahirap ang sitwasyon natin
ngayon, pinagbubutihan pa rin naming
ng aking kapatid ang aming pag-
aaral.
B. Pampanitikan
o panretorika

Ito ay ginagamit ng mga malikhaing


manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at
masining.
Halimbawa:
1. Sa panahon ng kalamidad,
marami pa rin ang mga taong
may ginintuang puso.
2. Tunay na mapagmahal ang
lahat ng ilaw ng tahanan.
Tukuyin MO!

Suriin ang antas ng wika na


ginamit sa usapan.
Nanay: Tila ako ay nakalutang
sa langit dahil sa kasama ko
ang aking pamilyang matagal
kong hindi nakapiling.
Ate: Kako na nga ba eh,
matutuwa ka sa inihanda
namin at masaya kami na ikaw
ay aming napasaya.
Kuya: Oh! Tama na ang drama
at baka magkaiyakan pa.
Nakahanda na ang chibog!
Tatay: Ang bagong balay na
ito ay pupunuin natin ng
tawanan at pagmamahalan.
Nanay: Tama yan mahal ko.
Lalo pa tayong magsumikap
para sa ating mga anak. Sila
ang ating tunay na yaman.

You might also like