You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino

c 2012 Pia Noche, www.samutsamot.wordpress.com

Pangalan Petsa Marka


20

Mga sagot sa Pagkilala sa pang-abay


Panuto: Sa bawat bilang, isulat sa patlang ang salitang pang-uri kung ang salitang may
salungguhit ay ginagamit sa pangungusap bilang pang-uri. Isulat ang salitang pang-abay
kung ito ay ginagamit bilang pang-abay.
1. pang-uri Magaling ang mang-aawit.
pang-abay Magaling siyang umawit.

2. pang-abay Natulog nang matagal ang sanggol.


pang-uri Matagal ang tulog ng sanggol.

3. pang-abay Matabang siya magtimpla ng kape.


pang-uri Ang kapeng tinimpla niya ay matabang.

4. pang-abay Lumipad nang mataas ang ibon.


pang-uri Mataas ang lipad ng ibon.

5. pang-uri Mahusay ang trabaho ni Daniel.


pang-abay Mahusay magtrabaho si Daniel.

6. pang-uri Maingat si Joaquin habang nagmamaneho.


pang-abay Si Joaquin ay maingat magmaneho.

7. pang-abay Masayang naglalaro ang magkakapatid.


pang-uri Masaya ang laro ng magkakapatid.

8. pang-abay Madaling natutong maglangoy si Mike.


pang-uri Ang paglalangoy ay madali para kay Mike.

9. pang-uri Malakas ang sigaw ng pulis.


pang-abay Sumigaw nang malakas ang pulis.

10. pang-abay Tumakbo nang mabilis ang itim na aso.


pang-uri Mabilis ang itim na aso.

You might also like