You are on page 1of 2

OUR LADY OF CAYSASAY ACADEMY

Taal, Batangas
PAASCU Accredited
Upper Basic Education Department

Pangalan: Petsa : ________________


Baitang at Seksyon:

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


Ikatlong Markahan
I. Maramihang Pagpipilian

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Pagkatapos ay tukuyin kung anong tiyak na
layon ng teksto batay sa mga mensaheng isinasaad ng mga pahayag.Isulat ang tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.(1 puntos sa bawat bilang.)

____________1. Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na maging malinaw sa


isipan ng mga guro na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng impormasyon kundi isang facilitator na
gumagabay at nagsisilbing konsultant ng kaalaman sa klasrum.
a. nagpapabatid c. nagbibigay ng papuri
b. nagpapaalala d. naglalarawan
____________2.Mga kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang internet
ay may positibo at negatibong epekto sa buhay ng mga kabataan.
a.nangangaral c. nagsususri
b. nagbibigay ng babala d.nagtatanong
____________3.Karapat-dapat lamang na bigyang-pugay ang taong nagsulong nito.
a. nagbibigay ng pagkilala c. nagpapaalala
b. nagbibigay ng payo d. nang-uuyam
____________4.Huwag kaligtaang maging responsable at maging ethical sa paggamit ng social media.
Laging isaisip ang mga netiquette na dapat gawin ng bawat netizen.
a. nagtatampo c. nang-uuyam
b. nagbibigay-payo d. nagtatanong
____________5.Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang mga terminolohiya gaya ng
information age, e-class, multimedia at e-mail, online/distance learning education, cybernetics, web page,
hypermedia, at marami pang iba.
a. nagsasalaysay c. nangangatwiran
b. naglalarawan d. nagpapaalala

B. Panuto: Ang mga salitang naksulat nang madiin sa mga pahayag sa hanay A ay mga salitang ginamit sa mundo
ng media . Bigyang – kahulugan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng kahulugan nito sa mga salitang
nakasulat sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa patlang.

HANAY A
________6. Epekto ng social media
________7. Mga gawain ng blogger
________8.Paggamit ng hashtag
________9. Responsableng netizen
________10. Paggamit ng jejemon
________11. Mahalaga ang netiquette sa paggamit ng social media.
________12. Trending

HANAY B
a. Salita o pariralang inuumpisahan gamit ang simbolong nakatutulong upang mapagsama-sama sa isang kategorya
ang mga tweet sa Twitter o maging ang posts sa Facebook
b. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng
impormasyon at ng mga ideya sa isang birtual na komunidad at network
c. Nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, tunog, musika, video, at iba pa gamit ang isang tiyak na website
d. Malawakang nababanggit o napag-uusapan sa internet partikular sa social media websites
e. Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng internet o social media
f. Tumutukoy sa mga tao, lalo na sa mga kabataang mahilig gumamit ng mga simbolo at mga kakaibang karakter
(titik at simbolo) sa pagtetext na kadalasan ay nagdudulot ng kalituhan; isang paraan ng pakikipagtalastasan ng mga
kabataan sa kasalukuyan
g. Isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan
h. Taong aktibong gumagamit ng internet; taong eksperto sa paggamit ng social network
II. Pagtukoy
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba, pagkatapos ay salungguhitan ang impormal na
salita at isulat sa patlang kung anong URI ito.
___________________13. Ang sarap ng nasi ninyo , mabango at masarap isaing at kainin.
___________________14. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.
___________________15. In-na-in talaga ngayon ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya ngayon.
___________________16. Hanep ang saya pala talagang pumunta sa Star City ngayon.
___________________17. Ewan ko ba sa mga taonga yaw tumanggap ng pagbabago.
___________________18. High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.
___________________19. Kilig to the bones ang saya ko nang makatanggap ako ng mataas na grado sa Filipino.
___________________20. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.
___________________21. Kumain tayo habang nanonood ng videotape.
___________________22. Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni Ermat.
IV. Pagsulat ng Sanaysay
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba at isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga
sitwsyong nakatala sa ibaba gamit ang mga impormal na uri ng salitang nasa loob ng panaklong.

Pamantayan sa Pagmamarka
2 Nailalahad ng malinaw at mahusay ang opinyon gamit ang mga impormal na salita

1 Nailalahad ng malinaw ang opinyon at gamit ang mga impormal na salita

0 Hindi naging malinaw ang paglalahad ng opinyo sa paksa.

23- 24 Gusto mong makakwentuhan ang pinsan mong galing sa inyong probinsya. Paano ka magbubukas ng usapan
ninyo? (Panlalawigan)

24- 26. Namasyal kayo ng lola mong galing sa Amerika at may gusto kang ipabili sa kanya. (Banyaga)

27-28. May bago kang kaibigan sa Facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa kanya kaya kinaibigan
mo siya .(Balbal)

29-30. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang naliligaw ka. Paano ka magtatanong sa mga
taong puwede mong hingan ng tulong sa daan? (Kolokyal)

You might also like