You are on page 1of 5

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas - Gamit ngWika sa Internet at

Social Media
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
•nabibigyang kahulugan mo ang internet at social media ;
•natutukoy mo ang iba’t ibang paggamit ng wika sa internet at social media ; at
•nakikilala mo ang mga katangian ng wika ng internet at social media.
•Ano ang internet at social media?
•Ano-ano ang gamit ng wika sa internet at social media?
•Ano-ano ang pangunahing katangian ng wika ng Internet at social media?
Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Gamit ng Wika sa Internet at Social Media


Kasabay nang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng komunikasyon ay ang
pagbabago ng ugnayang pantao. Kasama sa pag-usad na ito ay ang bagong usbong na gamit
ng wika para sa internet at social media.

Ang Internet at Social Media

•Ang internet ay network o daluyan ng pandaigdigang komunikasyon na dumadaloy sa


mga computer sa buong mundo upang makapag-ugnayan sa isa’t isa ang mga tao at
makapagpalitan ng mga impormasyon.

•Ang social media ay mga website at application na kailangan


ng internet at computer o anumang gadget gaya ng tablet, cellphone, at iba pa.

• Ang social media ang nagiging daan upang ang mga tao ay makalikha, magpamahagi, at
makipagpalitan sa mga virtual community ng impormasyon, ideya, at mga interes sa
pamamagitan ng mga teksto, larawan, at video.

Halimbawa: Facebook, Twitter, Instagram, LinkedIn, at Youtube

Ang Wika sa Internet at Social Media


Maraming maaaring gawin sa internet at social media na makapagpapaunlad ng wika.

1. Nakapagdodokumento ng mga alaala


•Paglalagay ng mga litrato sa Facebook na may maiikling caption at naka-tag sa mga taong nasa
larawan.
2. Nagtuturo ng mga bagong bagay
•Panonood ng cooking show sa Youtube upang matutong magluto ng bagong putahe
3. Naipakikilala ang sarili
•Paglalagay ng mga mga credentials sa LinkedIn upang makita ng mga naghahanap ng empleyado.
4. Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
•Sa tulong ng Facebook, nalalaman kung sino ang mga “friends” ng iyong mga
kaibigan na maaari mo ring maging kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot
sa icon na add friend
5. Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa
at tagapakinig
•Pagsusulat sa Facebook at Twitter ng mga opinyon ukol sa kung sino ang
pinakadapat na maging pangulo ng bansa
•Pagsusulat sa Twitter ng mga kuwento at tula na may habang 140 characters.
6. Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
•Paggamit ng mga acronym tulad ng lol (laugh out loud)
•Paggamit ng emojis gaya ng smiley upang magpahayag ng damdamin.

Katangian ng Wika ng Internet at Social Media


A. Impormal at personal
•Pinapaboran ang kaswal na wika sa mga video sa Youtube upang mas makahikayat ng mga
manonood.
B. Mas maikli
•Sa Twitter ay maaaring magsulat ng hanggang sa 140 na characters lamang.
C. Dinamiko o pabago-bago
•Maraming sumusulpot na emojis na mayroong iba’t ibang kulay ayon sa kulay ng
lahi ng gagamit nito. Magagamit ang emojis hindi lamang sa pakikipagchat sa Facebook, Messenger,
gayundin sa mga post ng Facebook, Twitter at Instagram.

Mga Paalala
•Sikaping mapanatili pa rin ang paggamit ng pormal na antas ng wikang gamit sa pormal na mga
pag-uusap.
•Maging matalino sa paggamit ng Internet at social media.
•Hindi lahat ng mga mababasa at mapapanood sa Internet at social media ay totoo kaya iwasang
magbigay ng agarang komento.

Mahahalagang Kaalaman
•Gamit ang internet at social media, nagkakaroon ng mga panibagong paraan ng
pagpapahayag ang tao.
• Nagkakaroon ng ugnayan ang mga magkakalayo.
• Nababalik-balikan ang mga naging usapan.
•Naipahahayag ang pagsuporta o pagsang-ayon sa isang pahayag sa social
media hindi lamang sa paraang pasulat gayundin sa pagbigay ng “like”, “heart”,
“smile”, at iba pa, o kaya naman ay sa pag-“share” nito.
1. Ano ang social media?
a. Ito ay makinarya para sa pakikipag-ugnayan ng tao
b. Ito ay kasangkapang teknolohikal
c. Ito ay mga website at application
d. Ito ay koneksyong dumadaloy sa mga computer
Ang social media ay mga website at application na nagiging daan upang ang mga tao
ay makalikha, magpamahagi, at makipagpalitan sa mga virtual community ng
impormasyon, ideya, at mga interes sa pamamagitan ng mga teksto, larawan, at
video.
2. Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng gamit ng wika sa Internet at social media?
a. Nagtuturo ng mga bagong bagay b. Nakapag-aabot ng utos
c. Nakapagdodokumento ng mga alaala d. Naipakikilala ang sarili
Maaaring maglaman ng may bahid pag-uutos ang kahit na
anong post gaya ng larawan o anumang sulatin ngunit tandaan na hindi ito ang
pangunahing gamit ng wika sa Internet at social media.

3. Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng mga katangian ng wika sa internet at social media?
a. Pormal b. Pabago-bago c. Maikli d. Personal
Ang wika sa Internet lalo sa social media ay tila nakikipag-usap lamang, maikli,
tiyak, at impormal.

4. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon.
Pagkakaroon ng mga “meme” o mga litratong may caption na naglalarawan ng senaryo para sa
taong nasa litrato.

a. Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag


b. Nagtuturo ng mga bagong bagay
c. Nakapagdodokumento ng mga alaala
d. Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
Ang mga katulad ng meme ay kasama sa mga pagbabagong dulot ng palitan ng
impormasyon sa social media. Kung gayon, masasabing ang pagkakaroon ng mga
meme ay paggamit ng wika upang makabuo ng mga bagong paraan ng
pagpapahayag.
5. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon.
Nagiging curator ang sinumang mahilig magpost ng mga litrato sa kanilang Instagram account sa
pamamagitan ng kanilang pagpili ng mga
larawan para sa bawat temang nais nila at pagsulat ng mga angkop na caption.
a. Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
b. Naipakikilala ang sarili
c. Nagtuturo ng mga bagong bagay
d. Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig.

Ang pagbabahagi ng mga kinuhang litrato ay paggamit ng wika


ng Internet at social media upang makalikha ng bagong content na maibabahagi sa mga
mambabasa maging sa tagapakinig.
6. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa Internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon.

Ginagamit ng mga internet users ang mga forums upang makakilala ng mga magkakatulad ng
interes at doon ay makapag-usap.

a. Nakapagdodokumento ng mga alaala


b. Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
c. Nakapagdudulot ng mga bagong paraan ng pagpapahayag
d. Nakalilikha ng bagong content na maibabahagi sa mga mambabasa at tagapakinig.

Ang pagsali sa mga forum ay daluyan ng paggamit ng wika upang makabuo at


magpanatili ng mga ugnayan.

7. Tukuyin kung anong gamit ng wika sa internet at social media ang tinutukoy sa sitwasyon.
Sa mga vines ay makahahanap ng mga video na nagbabahagi ng mga paraan kung paano
magsagawa ng calligraphy.
a. Nagtuturo ng mga bagong bagay b. Bumubuo at nagpapanatili ng mga ugnayan
c. Naipakikilala ang sarili d. Nakapagdodokumento ng mga alaala
Sa tulong ng social media, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na magpakita
ng kanilang talento at ibahagi ito sa paraan ng pagtuturo kung kaya’t masasabing ito
ay isang halimbawa ng paggamit ng wika ng social media upang matuto ng mga
bagong bagay.
8. Tukuyin kung alin ang pinakaakmang halimbawang senaryo para sa gamit ng wika
sa internet at social media na nakapagdodokumento ng mga alaala.

a. Nakikipag-usap ang iyong kapatid gamit ang messanger na pawang mga emoticons ang
kaniyang ipinapadala sa kausap.
b. Nanonood sa Youtube ang iyong ama ng kung paano linisin ang makina ng kotse.
c. Hinahanap ng iyong ina sa facebook ang kaniyang kaklaseng matagal nang hindi
nakakausap.
d. Nais ipagmalaki ng iyong kapatid ang kaniyang pagkapasa sa bar exam.

Ang pagpasa sa bar exam ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang


umaasang magingabogado. Sa pagkakataong mangyari ito ay tiyak ang pagnanais na
ipagmalaki ito gamit ang social mediaupang marami ang agad na makaalam. Ang sitwasyong
ito ay paggamit ng social media sa pagdokumento ng alaala.
9. Ang iyong kaibigan ay sumusubok ng isang uri ng anyo ng pagmensahe at ng
iba’t ibang filter upang siya ay makapagpahayag ng saloobin sa pamamagitan ng pag-iibang-
anyo ng kaniyang mukha.

a. Dinamiko ang gamit ng wika sa Internet at social media


b. May kinikilingan ang gamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga
mapang-api na paraan ng pagpapahayag
c. Mahal ang paggamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga
hindi makapagpahayag ng sariling saloobin
d. Limitado ang gamit ng wika sa Internet at social media kung kaya’t may mga mapagpipilian
lamang na mga paraan ng pagpapahayag
Dahil ang wika sa Internet ay mula sa iba’t ibang antas ng karunungan, kultura, at
teknolohiya, may mga katulad ng gayong pangyayari na nagpapayabong sa mga
kalakaran ng social media. Patunay na ang wika ng Internet at social media ay
dinamiko dahil sa mga nag-aambag ng karunungan.

10. Nagpost ang iyong kaibigan sa kaniyang blog ng mga dahilan kung bakit ayaw niyang bumoto sa
darating na eleksyon sa wikang Taglish. Nang hingan siya ng pagninilay-nilay na papel ng
inyong guro tungkol sa kaniyang tindig sa isyu ng pagboto, ipinasa niya ang kaniyang sinulat sa
kaniyang blog. Ibinalik ng inyong guro ang kaniyang papel at hiningi sa kaniyang isulat muli.
Mula sa sitwasyon, ano ang maaaring dahilan kung bakit hindi tinanggap ang kaniyang blog
post?

a. Kung hinihingi ng guro na may mga pansuportang datos ang mga pahayag ay hindi
tatanggapin ang blog post
b. Para sa isang sulatin ang hinihingi ng guro kaya hindi puwede ang blog post
c. Ang wika sa Internet at social media ay nasa kaswal o kaya ay impormal na antas
ng wikang gamit
d. Hinihingi ng guro na may kaayusan ang pagkakasulat kaya kailangan ng muling pagsulat.

Ang wika ng social media ay tuwirang impormal na tila kaswal lamang na pakikipag-
usap ang nagaganap kapag iyong binabasa. Maaari namang maging pormal kung
may kahilingang pormalidad.

You might also like