You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING
LARANGAN: AKADEMIK
Bilang 7 Kuwarter 3

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________________________________


Baitang/Seksiyon : _____________________________________ Petsa:____________________

PANIMULANG KONSEPTO

Higit na mainam kung ang bawat mag-aaral ay may kasanayan sa


pagsulat ng isang mahusay na katitikan ng pulong. Hindi lamang iisang
kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangang
pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip. Sa
paglipas ng panahon, maaaring maging mahalagang dokumentong
pangkasaysayan ang katitikan ng pulong.
Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagtukoy sa
mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa
napag-usapan ay susi sa pagkakaroon ng mabisang katitikan ng pulong.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang


makabuo ng sintesis sa napag-usapan. (CS_FA11/12PN-0j-I-92)
MGA GAWAIN

PAGBALIK-ARALAN MO

Napagtagumpayan mo sa nakaraang aralin ang pagsulat ng


talumpati batay sa napakinggan mong halimbawa.

Ang talumpati ay maituturing na sining ng pagpapahayag ng isang


kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng mga
tagapakinig. Ito ay komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa
isang mahalaga at napapanahong paksa.

Maaaring uriin ang talumpati ayon sa layunin nito – impormatibo,


nanghihikayat, nang-aaliw, at okasyonal. Magkaiba ang talumpating impromptu
at extemporaneous: Ang una ay halos walang paghahanda, samantalang ang
huli ay may sapat na paghahanda.

Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay maihahalintulad sa pag-


akyat at pagbaba sa bundok; may paghahanda, pag-unlad, kasukdulan at
pagbaba.

1
PAG-ARALAN MO

Anuman ang layunin o uri ng pulong – tungkol sa mga pagbabago sa


polisiya o sa pagbibigay ng magandang balita, regular o espesyal na pulong,
pormal o impormal – kailangang maitala ang mahahalagang napag-usapan o
nangyari dito.
Katitikan ng Pulong ang tawag sa dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon.
Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa
pulong, nakadalo o di-nakadalo ang mga pangyayari dito:

 Kailan at saan nangyari ang pulong;


 Sino-sino ang mga dumalo;
 Sino-sino ang lumiban at ano ang kanilang dahilan;
 Ano ang pinag-usapan;
 Ano ang mga desisyon, at iba pa.

Sa pamamagitan ng katitikan ng pulong, maaaring magkaroon ng


nahahawakang kopya ng mga nangyaring komunikasyon. Sa paglipas ng
panahon, maaari itong maging mahalagang dokumentong pagkasaysayan.
Nagiging hanguan at sanggunian ito ng mahahalagang impormasyon sa mga
susunod pang pulong.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong:

 Bago ang pulong – Lumikha ng isang template sa pagtatala upang


mapadali ang pagsulat. Basahin na ang inihandang agenda upang
madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong.

 Habang nagpupulong – Hindi kinakailangang itala ang bawat salitang


marinig sa pulong. Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa
pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon
habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos upang maiwasan
ang pagkalimot sa mga detalye.

 Pagkatapos ng pulong – Repasuhin ang isinulat. Mas mainam na


may numero ang bawat linya ng pahina ng katitikan upang madali
itong matukoy sa pagrerepaso o sa pagsusuri sa susunod na pulong.
Tiyaking maayos at wasto ang baybay ng salita, bantas at iba pa.
Magbigay ng pinal na kopya sa mga dumalo ng pulong. Palaging
magtabi ng kopya para sa mga hinaharap na mapaggagamitan nito.

Bisitahin ang sumusunod na link sa ibaba upang higit na magkaroon ng


ideya sa pagsulat ng isang katitikan ng pulong.

-https://www.scribd.com/doc/13975391/Minutes-of-the-SB-Regular-Session-9-March-
2009#scribd.
-https://www.scribd.com/document/429561872/Halimbawa-Ng-Mga-Katitikan-Ng-
Pulong-1

2
PAGSANAYAN MO

Panuto: Tama o Mali: Suriing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang
salitang TAMA kung wasto ang inilalahad nito at MALI kung hindi
wasto batay sa napag-aralan mo.

______1. Sa pagsusulat ng Katitikan ng Pulong, kinakailangang pairalin ang talas ng


pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip.

______2. Sa paglipas ng panahon, maaaring maging mahalagang dokumentong


pangkasaysayan ang katitikan ng pulong.

______3. Sa pagsusulat ng katitikan ng pulong, hindi na gaanong binibigyang-pansin ang


mga baybay ng salita at wastong gamit ng bantas sapagkat mabilisan lamang ang
paggawa nito.

______4. Bawat salitang maririnig sa pulong ay kinakailangang itala upang higit na maging
detalyado ang ibabahaging katitikan ng pulong.

______5. Anuman ang layunin o uri ng pulong, kailangang maitala ang mahahalagang
napag-usapan o nangyari dito.

TANDAAN MO!

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong.


Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng pag-iisip.

Sa paglipas ng panahon, maaaring maging mahalagang dokumentong


pangkasaysayan ang katitikan ng pulong.

PAGTATAYA

Panuto: Panuorin ang pulong na isinagawa ni Pangulong Duterte sa link na


https://www.youtube.com/watch?v=C6AADC2T9R0. Itala ang
mahahalagang impormasyon na iyong makukuha sa nasabing pulong
upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan. Gawing gabay ang
inihandang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Punto
s

Natukoy nang maayos ang mahahalagang impormasyon sa pinanood 10


na pulong.

3
Malinaw ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya at detalye sa
nabuong sintesis ng napag-usapan sa pinanood na pulong. 5
Nasunod nang maayos ang mga gabay sa pagsulat ng mabisang
katitikan ng pulong. 5
Wasto ang pagkakabuo ng mga pangungusap. Maayos ang paggamit
ng gramatika, baybay at bantas. 5
Kabuoang puntos 25

SANGGUNIAN

Dela Cruz, MA.(2016) Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:


Akademik.Lungsod ng Makati.Diwa learning Systems Inc.

https://www.scribd.com/doc/13975391/Minutes-of-the-SB-Regular-Session-9-
March-2009#scribd.

https://www.scribd.com/document/429561872/Halimbawa-Ng-Mga-Katitikan-
Ng-Pulong-1

https://www.youtube.com/watch?v=C6AADC2T9R0

Inihanda ni :

IVY J. PRESTADO Guro II


Pambansang Mataas na Paaralan ng Bula
Bula, Camarines Sur

Tiniyak ang kalidad ni:

LORENZ C. ALMENDRAS
Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua
Nabua East District

You might also like