You are on page 1of 1

Pangalan:_______________________________Taon/Pangkat: ________________________Iskor:________

Paaralan:_________________Guro:_______________Asignatura:Filipino sa Piling Larang (Akademik)11/12


Manunulat ng LAS: F-SHAYNE F. DONAIRE Tagasuri ng Nilalaman: JERIEL B. CARACOL HERMIE M. JARRA
Paksa: Katitikan ng Pulong Quarter 4 Week 1 LAS 2
Mga Layunin: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis
sa napag-usapan(CS_FA11/12PN-0j-I-92)
a) Naiisa-isa ang mga dapat gawin ng taong naatasang kumuha ng katitikan ng pulong.
b) Natutukoy ang pagkakaiba ng tatlong uri o estilo ng katitikan ng pulong sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling kahulugan nito.
Sanggunian:
 Ailene, B. et.al., 2016. Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan(Akademik). Phoenix
Publishing. Quezon City. p.78
________________________________________________________________________________________
Nilalaman
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Sa pagsulat ng katitikan ng pulong mahalagang alam ng taong kukuha ng impormasyon ang mga dapat
gawin. Madaling maisakatuparan ang isang gawain kapag alam ng taong gumawa ang mga hakbangin nito.

Narito ang sumusunod na mga gawin ng taong naatasang kumuha ng katitikan ng pulong.
1. Hangga’t maaari ay hindi kalahok sa nasabing pulong.
2. Umupo sa tabi ng tagapanguna ng pulong.
3. Dapat may kopya ng mga pangalan ng bawat kalahok.
4. Ihanda ang mga kopya ng agenda at katitikan ng pulong mula sa nakaraang pagpupulong..
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking tama at kumpleto ang pamagat ng katitikan ng pulong.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng mga paksa at paksang napagkasunduan ng samahan.
10. Isulat o ayusin ang katitikan ng pulong pagkatapos ng pagpupulong.

Tatlong Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Mahalagang malaman natin ang estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong lalo’t tayo ang naatasan na
gumawa nito. Narito ang tatlong uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong.

Ulat ng katitikan – Ito ang uri ng katitikan na kasama ang lahat ng mga detalyeng tinatakay sa panahon ng
pagpupulong. itinatala rito kung sino sino ang mga nagsasalita at nagbibigay ng mga presentasyon ng
pagpupulong.
Salaysay ng katitikan - Mga mahalagang detalye lamang ng pagpupulong ang itinatala nito. Ang ganitong
uri ng dokumento ay maaaring maituring na isang ligal.
Resolusyon ng katitikan- Nakalakip lamang sa mga talaang ito ang isyung naaprubahan ng inyong
samahan. hindi na itinatala pangalan ng taong kinakausap o sinasang-ayunan sa pagpupulong. Ang mga
salitang ito ay tinutukoy din bilang "napagkasunduan na.." o "napagtibay na..."

Gawain

Panuto: Tukuyin ang pagkakaiba ng tatlong uri ng katitikan ng pulong batay sa sariling pagpapakahulugan.

Ulat ng katitikan ng pulong Salaysay ng katitikan ng pulong Resolusyon ng katitikan

Pamantayan sa pagmamarka.
Nailahad sa sariling pagpapakahulugan ng orihinal at mahusay ang pagkakaiba ng katitikan ng 10 puntos
pulong.
Nailahad sa sariling pagpapakahulugan ngunit hindi gaanong natukoy ang pagkakaiba. 7 puntos
Nailahad ang pagkakaiba ngunit hindi sa orihinal na pagpapakahulugan. 5 puntos

You might also like