You are on page 1of 14

5

ARTS
Kuwarter 2 – Modyul 6:
Pagpinta- Ilusyon ng Espasyo sa
3 – Dimensyonal na Guhit

Department of Education • Republic of the Philippines


Arts – Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 – Modyul 6: Pagpinta- Ilusyon ng Espasyo sa 3 – Dimensyonal na Guhit

Unang Edisyon, 2019

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi .Isinasaad ng Seksyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, Kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaam o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royal bilang kondisyon.

Ang mga akda/ materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyo. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor M. Briones
Pangalawang Kalihim: Atty. Nepomuceno A. Malaluan
Assistant Secretary: Atty.Salvador C. Malana III

Mga bumubuo ng Kagamitang ng Mag-aaral


Manunulat: Erickson T. Gutierrez
Konsultant: Erickson T. Gutierrez
Tagasuri:
Tagasalin:
Tagaguhit:
Tagapamahala:

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________

Department of Education • Republic of the Philippines


5
ARTS
Kuwarter 2 – Modyul 5:
Pagpinta- Ilusyon ng Espasyo sa
3 – Dimensyonal na Guhit

Ang kagamitang ito sa pagtuturo ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, kolehiyo at
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga
puna at mungkahi.

Department of Education • Republic of the Philippines


Panimulang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay isang instrumento upang matugunan ang


pangangailangan ng isang tao upang makapag-aral sa ano mang pagkakataon.
Bilang isang tagapagdaloy, tiyaking maging malinaw sa mag-aaral kung paano
gagamitin ito at sasagutan ang mga gawain sa bawat bahagi. Ipaalala sa mag-aaral
na hindi sila magsusulat sa modyul dahil magkakaron sila ng hiwalay na sagutang
papel.

Para sa mag-aaral:

 Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo muna ang


panimulang pagtataya na inihanda ko para sa iyo. Isulat ang titik sa
iyong sagutang papel.
 Basahin at unawain ang panuto ng mga gagawin sa bawat bahagi ng
modyul.
 May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at pagkatapos ng aralin.
 Bawat bahagi ay may nakatakdang icon o karakter bilang
representasyon.
 Iwasto ang sagot ng mga piling gawain sa dulong bahagi ng modyul.
 Maging matapat sa pagsagot sa modyul.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa Ilusyon ng espasyo sa 3-
dimensyonal na guhit. Ang sakop ng modyu ay magamit sa anomang kalagayan ng
mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng
mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


 Nagagamit ang kakayahan at kaalaman tungkol sa foreground,
middleground at background upang ipakita ng lalim ng pagpipinta ng isang
landscape. (A5PRL-llf)

Layunin:

 Magamit ang kaalaman sa foreground, middle ground, at background


upang bigyan diin ang larawang ipininta.
 Makaguhit at makapinta ng makasaysayang lugar sa bansa na may
tamang proporsyon at espasyo.
 Napapahalagahan ang mayaman na kultura ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagmumulat ng kamalayan sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga likhang-sining.
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang ______________ ay isang likhang sining na nagpapakita ng likas


na tanawin.
A. Landscape B. Espasyo C. Painting D. Portrait

2. Ang ___________ na bahagi ng isang landscape painting ay tinatawag


na foreground.
A. pinakalikot B. pinakagitna C. pinakaharap D. pinakatabi

3. Ang ___________ bandang gitnang bahagi ng isang painting.


A. foreground B.middle ground C. background D. playground

4. Ang pinakalikurang bahagi ng landscape painting ay ang ____________.


A. foreground B.middle ground C. background D. playground

5. Ang distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang


sining.
A. Landscape B. Espasyo C. Painting D. Portrait
Aralin
Ilusyon ng Espasyo sa 3-
6 Dimensyonal na Guhit
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang
Ilusyon ng espasyo sa 3-Dimensyonal na guhit. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay
sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ibigay ang ka-komplementrayong kulay ng mga sumusunod:

a. Asul:__________ b. Pula:_________ c. Berde:_________ d. Dilaw:_______

2. Sa likhang sining na iyong nagawa kahapon, ano ang iyong


naramdaman matapos mo itong magawa?
3. Paano mo mapahahalagahan ang inyong nagawang obra ng sining?

Tiyaking malinaw ang pagbibigay ng panuto at nasusunod ito ng


maayos. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa pagsagot.
Tuklasin

Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Pagmasdan ang bawat lawaran.


 Sa unang larawan, aling parte ng larawan ang malapit sa iyong paningin?
 Alin naman ang malayo o nasa likod na bahagi?
 Alina ng nasa bandang gitnang bahagi?

 Sa ikalawang larawan, aling parte ng larawan ang malapit sa iyong


paningin?
 Alin naman ang malayo o nasa likod na bahagi?
 Alina ng nasa bandang gitnang bahagi?

Suriin

Sa pagguhit o pagpinta ng mga likhang sining nagagawa na mapalapit


o mapalayo ang isang bahagi ng larawan sa pamamagitan ng espasyo. Ang
espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwat sa pagitan ng
bawat bagay sa isang likhang sining upang magmukhang makatotohanan ito.
Ang mga likhang sining ay nahahati sa tatlong bahagi ng espasyo na
naipapakita sa larawan. Ang foreground o ang pinakaharapang bahagi ,
middle ground o ang bandang gitnang bahagi ng larawan at background o ang
pinakalikurang bahagi ng larawan. Kalimitang pinakamadilim ang kulay ng
foreground, pinakamatingkad naman ang kulay ng middle ground,
samantalang mapusyang ang kulay ng background.

Background

Middle Ground

Foreground
Pagyamanin

Pag-unawa sa Ilusyon ng Espasyo sa 3-Dimensyonal na Guhit

Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi ng Gawain. Gawin ito sa iyong
sketch pad

Gawain 1.1: Umisip ng makasaysayang tanawin sa bansa. Iguhit at ipinta ito


gamit ang ilusyon ng espasyo sa 3-dimensyonal na guhit para
maging makatotohanan ang gagawing likhang sining.

Gawain 1.2: Pumili ng isa sa mga makasaysayang lugar sa sariling bayan na maari
momng iguhit at pintahan. Gamitan ito ilusyon ng espasyo sa 3-
dimensyonal na guhit upang bigyang lalim at malagyan ng biswal na
pandama ang likhang sining.

Gawain 1.3: Gumuhit at puminta ng isang magandang tanawing iyong naiisip


Gamitan ito ng ilusyon ng espasyo sa 3-dimensyonal na guhit upang
magkaroon ng biswal na pandama ang likhang sining na ginawa.

Isaisip

Naipapakita sa pagguhit at pagpipinta ng makasaysayang tanawin sa ating


bansa ang tamang espasyo ng mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng
paggamit ng foreground, middle ground at background. Sa paggamit ng mga
espayo na ito sa 3-dimensyonal na guhit ay nagmumukhang makatotohanan
ang bawat likhang sining.
Isagawa

PINTA-hanan ang plastik


Maraming makasaysayang tahanan at lugar dito sa ating bansa na
talagang kamangha-mangha gaya na lamang ng malacañang, Rizal Shrine
sa Dapitan, Fort Santiago at marami pang iba na may malaking parte sa
kasaysayan ng ating bansa.

Lumikha ng isang likhang sining ng isang makasaysayang tahanan gamit


ang ilusyon ng espasyo na 3-dimensyonal na guhit na maipagmamalaki
mo sa iba.

Mga Dapat Ihanda: plastic cover, water color, pintura, brush, basahan,
lumang dyaryo at pushpin.

Hakbang sa Paggawa:
1. Kumuha ng isang plastic cover na may sukat na 10*8 pulgada.

2. Itusok ang lahat ng sulok sa lumang dyaryo gamit ang pushpin para
hindi gumalaw o umibo ang pagpipintahan.

3. Iguhit at ipinta ang napiling makasaysayang tahanan. Gamitan ito ng


ilusyon ng espasyo sa 3-dimensyonal na guhit upang maging
makatotohanan ang kalalabasang likhang sining.

4. Gamitin ng maayos ang watercolor para sa background at pintura


naman para sa foreground upang lumabas ang lalim at kapal ng
likhang sining.

5. Gamit ang basahan, punasan ang labit-labit na kulay upang mas


maging malinis ang gawang likhang sining.

6. Isabit at patuyuin ang ginawa. Ipakita ang likhang sining na iyong


nagawa gamit ang ilusyong ng espasyo sa 3-dimensyonal na guhit.

7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.


Tayahin

Suriin ang likhang sining na iyong ginawa at lapatan ng kaakibat na


puntos gamit ang rubriks.

Hindi gaanong
Sukatan Napakahusay Mahusay
mahusay
1. Nakabuo ng
orihinal ma
disenyo sa
pagpipinta.
2. Nasunod mo
ba ang mga
pamamaraans
a paggawa
3. Naipakita ang
kahusayan sa
paggawa.
4. Ang likhang
sining ay
natapos sa
takdang oras.

Karagdagang Gawain

I. Aralin muli ang paggamit ng cross-hatching sa pagguhit at


makatutulong ito sa pagbibigay buhay at pagiging
makatotohanan ng pagpinta ng isang likhang sining.

II. Subukang magpinta ng isang makasaysayang lugar na


makikita sa bansa gamit ang ilusyon ng espasyo na 3-
dimensyonal na guhit sa ilalim na bahagi ng plato o tasa.
Answer Key

Balikasn Subukin
a. Orange 1. A
b. Green 2. C
3. B
c. Red
4. C
d. violet 5. B
References

LRMDS, Lesson Exemplar Grade 5: ARTS


LRMDS, Teacher’s Guide Grade V
https://discoveringphilippines.com
https://letsgettravel.net/trip/sagada-banaue-bagiuo-tour-sharing-room/
https://medium.com/@zambradley/mga-magagandang-tanawin-sa-pilipinas-
f3a031988366
https://vdocuments.mx/mabuhay-ang-lia-ng-mga-barangay-sa-pilipinas-hon-
enrico-recom-echiverri.html
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like