You are on page 1of 8

9 Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LIGAO CITY
Binatagan, Ligao City
 

Gawaing Pagkatuto
 
ARALING PANLIPUNAN 9
Kwarter 1 - Linggo 3

SDO LIGAO CITY LAS_2021

 
LAS DEVELOPMENT TEAM
Schools Division Superintendent: Nelson S. Morales, Jr.
Assistant Schools Division Superintendent: Maylani L. Galicia
Chief Education Supervisor, CID: Tita V. Agir
EPS, LRMDS: Nestor B. Bobier
EPS, AP: Jose R. Nobela
 
Writers: Chona Murillo Ligao NHS
Aliza Arnesto DPPMHS
Angelo Neric Ligao NHS
 
Editor: Fermin Curaming Ligao NHS
 
Illustrator/Lay-out Artist: Daryl S. Prepotente DPPMHS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


 
Schools Division Office of Ligao City—CID, Learning Resources
Management Section
Binatagan, Ligao City
 
Telefax: (052) 485-24-96
 
Email Address: ligao.city@deped.gov.ph
 
 

GAWAING PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 9


KWARTER 1, LINGGO 3
Pangalan: ___________________________ Antas/Seksyon: ______________

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

I. MGA KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya.

II. PANIMULANG KONSEPTO

Ang Sistemang Pang-ekonomiya


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na
kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko
ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang
lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung episyenteng magagamit ang mga
pinag-kukunang-yaman ng bansa.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo. Ang Alokasyon ay isang paraan o mekanismo upang maayos
na maipamahagi at magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.
Maaalala na ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto at serbisyo?Pangalawa,
papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Pangatlo, para kanino
gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Panghuli, gaano karami ang gagawing
produkto at serbisyo?
Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Tradisyonal na Ekonomiya
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na
ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiya ay
nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing
produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot
lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Sa
tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may
maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito.
Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay ginagampanan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong
Sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang market
economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang
pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Ang
presyo din ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at prodyuser
sa loob ng pamilihan.
Ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa
kapakanan ng mga pang-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na
mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga
pribadong indibidwal.
Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya sa pingangasiwaan mismo ng sentralisadong
ahensiya (central planning agencies). Ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing
pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang.
Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng mixed
economy at command economy. Ito rin ay magkaugnay na katangian ng dalawang
sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na
pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit
maaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa
pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan at pagmamay-ari ng estado.

III. MGA GAWAIN


A. PAGSASANAY 1
Panuto: Punan ng impormasyon ang tsart ayon sa iyong mga natutuhan sa
panimulang konsepto.

SISTEMANG PANG- KATANGIAN KABUTIHAN KAHINAAN


EKONOMIYA

Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-


aaral, ph.54-56

Tradisyonal na
Ekonomiya

ps://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F
%2Fvenngage.net%2Fp%2F155396%2Fcommand

Command Economy

10,2021economy&psig=AOvVaw23SWw_xReXdJJrrOzP3e
L2&ust=1628665714314000&source=images&cd=vfe&ve
d=0CAsQjRxqFwoTCOjiheXypfICFQAAAAAdAAAAABAD

Market Economy

https://sites.google.com/site/
kahuluganngekonomiks/services/alokasyon-at-
mga-sistemang-pang-ekonomiya

Mixed Economy

B. PAGSASANAY 2: DIALOGUE BOX


Panuto: Batay sa iyong natutunan sa naunang Gawain.Punan ng tamang
sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.

Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, ph. 58

C. PAGSASANAY 3
Performance Task:
Gamit ang isang buong bond paper, gumawa ng isang POSTER o di kaya
DOODLE ART na naglalarawan sa APAT NA SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA. Gumamit din ng pangkulay para sa mas presentableng awtput.

IV. RUBRIC SA PAGMAMARKA


Rubrik ng pagmamarka sa paggawa ng Doodle Art o Poster.

Batayan ng pagmamarka 5 4 3 2 1

Ang Doodle art o Poster na ginawa ay


nagpapahiwatig ng mensahe o ideya
patungkol sa mga sistemang pang-
ekonomiya
Ang output ay nagpapamalas ng malalim na
pagkaunawa sa paksa
Ang output ay bunga ng pagkamalikhain ng
mag- aaral, orihinal at hindi kinopya sa mga
dati nggawa.
Malinis, organisado at lohikal ang
pagkakalapat ng mga elementong ginamit
sa doodle art
Naipasa sa itinakdang panahon ang output
Kabuuan puntos

V. MGA SANGGUNIAN

Farmer. Retrieved August 10,2021 from


http://vuuzletvph.com/wp-content/uploads/2019/09/Alamin-paano-makatutulong-Pilipinong-
magsasaka.jpg
Command Economy. Retrieved August 10, 2021 from
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fvenngage.net%2Fp
%2F155396%2Fcommand-
economy&psig=AOvVaw3w5nGVjixXztPFSHZcicjr&ust=1628907107410000&source=image
s&cd=vfe&ved=0CAsQjRxqFwoTCNCo44L2rPICFQAAAAAdAAAAABAE

Market Economy. Retrieved August 10,2021 from


https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/_/rsrc/1471785942287/services/alokasyon-
at-mga-sistemang-pang-ekonomiya/traditional.jpg?height=209&width=320

Mixed Economy. Retrieved August 10,2021 from


https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/alokasyon-at-mga-sistemang-
pang-ekonomiya
Ekonomiks-Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, ph.54-56
Volante Junroy (2019) -EKONOMIKS Unang Markahan-Mga Salik ng Produksiyon
VI. REPLEKSIYON/SUHESTIYON/KOMENTO

Kung ikaw ay lider ng isang organisasyon at kailangan mong gumamit ng


isang sistema upang maipatupad ang iyong mga plano, aling uri ng ideya sa
sistemang pang-ekonomiya ang iyong gagamitin? Patunayan?

________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________.

Inihanda nina:
Chona Murillo Ligao NHS
Aliza Arnesto DPPMHS
Angelo Neric Ligao NHS

You might also like