You are on page 1of 12

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)

HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.


ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.1


CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral au may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: KAHULUGAN NG EKONOMIKS
LEARNING COMPETENCIES: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-arawaraw na
pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang Ekonomiks Bilang Isang Agham

Exploration

“Bilang mag-aaral, naitatanong mo ba kung bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks? Ano ang kaugnayan nito sa
pag-araw-araw na pamumuhay mo? Ano ba ang matututuhan mo sa ekonomiks?”

CONCEPT NOTES:

Ano ba ang Ekonomiks?

 Ito ay isang agham panlipunan na mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap ng mga tao at
mga paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa buhay.

 May tinatawag na economic goods kung saan ang lahat ng bagay ay may halaga o presyo at free goods naman ay
mga bagay na nakakamit ng tao nang walang bayad.

Pag-aaral ng Ekonomiks

 Matututuhan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan, at konsepto na nagpapaliwanag kung
bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay,
maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya.

Talasalitaan:

Ekonomiks Teorya Agham

Gawain:

1. Mahalaga bang pag-aralan ang ekonomiks? Patunayan ang sagot.

2. Saan natin palaging ginagamit ang ekonomiks?

3. Ano ang pinagkaiba ng economic goods sa free goods?

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga
Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.2

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral au may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: KAHULUGAN NG EKONOMIKS
LEARNING COMPETENCIES: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-arawaraw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay

Ekonomiks Bilang Agham

 Sentral na pinag-aaralan ang mga kilos, gawi, at lahat ng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay
 Pagsasaayos ng pamahalan sa ekonomiya na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao at lipunan
 Isinasagawa ang siyentipikong pamamaraan upang suriin ang mga suliranin at kaganapan sa
ekonomiya
Kaugnayan ng Ekonomiks at Ibang Asignatura
 Ekonomiks at Agham Pampolitika – pag-aaral ng mga balangkas o estruktura ng pamahalaan, mga
tungkulin, responsibilidad, at mga batas na itinakda ng pamahalaan.
 Ekonomiks at Kasaysayan – magkaugnay ang ekonomiks at kasaysayan sapagkat ang gagawing
desisyon ngayon sa pamumuhay ay ibabatay sa nangyari sa nakaraan.
 Ekonomiks at Sosyolohiya – pag-aaral ng pinagmulan at estruktura n gating lipunan.
 Ekonomiks at Etika – may kinalaman sa moralidad at paggawa ng tama o mali sa buhay.
 Ekonoiks at Heograpiya – tumutuukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng bansa, ang klima,
pinagkukunang yaman, at iba pang aspektong pisikal ng mga tao.
 Ekonomiks at Natural Sciences – nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran at maginng sa
kalikasan ay nakaaapekto sa kabuhayan ng mamamayan at ng bansa na pinagtutuunan ng ekonomiks.
 Ekonomiks at Biyolohiya – pag-aaral sa mga bagay na may nuhay tulad ng tao, halaman, hayop, at
iba pa.
 Ekonomiks at Kemistri – pag-aaral ng iba’t ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng isang bagay.
 Ekonomiks at Pisika – pag-aaral ng mga bagay at enerhiya
 Ekonomiks at Matematika – sa tulong ng matematika ay madaling mauunnawan ang mga
ekonomikong kaganapan.
Mga salitang may kaugnayan sa ekonomiks
 Social choice – pagpapasiyang ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng lipunan
 Economic choice – may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong
pinagkukunang yaman
 Opportunity cost – tumutukoy sa isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit
na mas makabuluhang paggagamitan nito.
 Trade off – isinasakripisyo ang pagbili ng isang bagay upang makabili ng ibang produkto.

Talasalitaan
Produkto Asignatura Makabuluhan

Gawain
1. Paano mo mailalapat ang ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain?
2. Magbigay ng sitwasyon na nagpapakita na ito ay ginagamitan ng trade off.
3. Ano ang maitutulong ng ekonomiks sa mga asignatura gaya ng mga nabanggit?

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.3

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Kakapusan
LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na pamumuhay
Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay
Nakakabuo ang konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan
Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Konsepto ng Kakapusan

Exploration
“Paano mo maipakikita ang epekto ng kakapusan sa iyong pang-araw-araw na buhay?”
Concept Notes
Ang bahaging Ginagampanan ng Kakapusan (Scarcity)
 Ang kakapusan ay isang katotohanan na naglilimita sa pagtugon sa ating pangangailangan sa
buhay
 Ang kakapusan ay isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang yaman ay limitado
upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
 Ang kakapusan at kakulangan ay magkaiba. Ang kakapusan ay laging umiiral sa isang
ekonomiya, ang kakulangan ay pansamantala lamang maaaring sa maikli o mahabang
panahon.
Kakapusan o Kakulangan
 Ang kakapusan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga pinagkukunang yaman na
ginagamit sa paglikha ng mga produkto.
 Ang kakulangan ay isang kalagayan na panandalian lamang. Sinasabi ang kalagayang ito ay maaaring
gawa o likha ng tao.
o Hoarding – ay pagtatago ng mga supply na ginagawa ng mga kasapi ng rice cartel na nagiging
dahilan ng pagkukulang ng supply ng isang produkto
o Kartel – pangkat ng malalaking negosyante na kumokontrol at nagmamanipula ng distribusyon,
pagbili, at pagpepresyo ng mga produkto
Suliraning Pang-ekonomiya
1. Ano ang gagawin? Production possibilities – ito ay paglikha ng iba’t ibang produkto mula sa tiyak na
dami ng pinagkukunang yaman sa isang takdang panahon.
2. Paano ito gagawin? Sa paglikha ng mga produkto may proseso na sinusunod. Isinasaalang-alang ang
mga bagay na gagamitin sa pagbuo ng mga produkto.
3. Gaano karami ang gagawin? Ang dami ng produkto na gagawin ay pagsasaalang-alang ng yaman ng
bansa at bilang ng mga mamamayan na makikinabang sa produktong gagawin.
4. Para kanino ang gagawin? Isinasaalang-alang ang mga mamamayan na gagamit at makikinabang sa
mga lilikhaong produkto upang maging epektibo ang pamamahagi ng mga nasabing produkto.
5. Paano maipamamahagi ang produkto? Ang kalakalang local at mga pamilihan ay mga mekanismo na
nakatutulong sa pamamahagi ng mga produkto

Talasalitaan
Kartel Kakapusan Kakulangan
Gawain
1. Bakit kailangang pag-ukulan nang pansin ang mga suliraning pang-ekonomiya?
2. Ano ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan?

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.4

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Pangangailangan at kagustuhan
LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na pamumuhay
Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay
Nakakabuo ang konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan
Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Pangangailan at Kagustuhan ng Tao

“Ano-ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang maisaayos ang takbo ng pamumuhay ng kaniyang
nasasakupan? Anu-ano ang mga importanteng pangangailangan at kagustuhan ng mga tao ?”
Concept Notes:
Pagkakaiba ng Pangangailangan at Kagustuhan ng Tao
 Ang pangangailangan ay mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay
 Ang kagustuhan ay ang mga bagay na tinatawag na luho, ito ay hindi kailangan upang mabuhay ang
tao.
Hirarkiya ng mga pangangailangan
Ayon kay Abraham Harold Maslow, isang sikologo, ang pangangailangan ng tao ay may iba’t ibang
digri, ayon sa kakayahan ng tao na makamit at matugunan ang mga ito at magkaroon ng kasiyahan.
Maipatupad ang kaganapan ng pagkatao
Pagpapahalaga mula sa ibang tao
Magmahal, makisapi, makipagkaibigan
Pangangailangang panseguridad, Pangangailangang pisyolohikal

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Pangangailangan ng Tao


1. Edad – ang pangangailangan natin ay nagbabago base sa edad
2. Hanapbuhay – ang uri ng hanapbuhay ng tao ay nagtatakda ng kanyang pangangailangan. Lahat ay
nagkakaiba ayon sa estado sa buhay.
3. Panlasa – ang bawat tao ay bumibili ng mga produkto ayon sa kanyang panlasa.
4. Edukasyon – ang antas ng edukasyonn ay nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan ng tao.
5. Kita – Ang kita ay salaping tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo

Talasalitaan
Pisyolohikal Kita Hirarkiya Pangangailangan Kagustuhan

Gawain
1. Sang-ayon ka ba sa pagbibigay-tulong ng pamahalaan sa mga tao upang matugunan ang kanilang
pangangailangan? Ipaliwanag ang sagot
2. Ano ang maituturing mong pinakamahalagang pangangailangan mo sa buhay? Bakit?
3. Sa iyong palagay, lahat ban g tao ay dapat maabot ang pinakamataas na baiting ng pangangailangan
ng tao? Bakit?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.5

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Alokasyon
LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw- araw na pamumuhay
Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay
Nakakabuo ang konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan
Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang Alokasyon

Exploration:
“Paano ka makatutulong upang maipatupad ang alokasyon ng mga pinagkukunang yaman bilang
sagot sa kakapusan?”
Concept Notes:
Alokasyon ng Pinagkukunang Yaman
 Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba’t
ibang paggagamitan nito. Sa tulong ng pamilihan ay nakikita kung paano ginagawa ang alokasyon
 Ang alokasyon ang nagsisilbing sagot sa kakapusan,
 Magiging malawak ang paggamit ng mga pinagkukunang yaman sa tatlong paraan:1, ang epektibo,
maayos, at matalinong paggamit 2. Pamumuhunan 3. Paggamit ng makabagong teknolohiya
o 1. Ang epektibo, maayos, at matalinong paggamit ng mga pinagkukuna ng yaman. Ang
konserbasyon ay kailangan gawin upang maiwasan ang pagkaubos ng ating likas na yaman. Ito
ay isang matalinong paggamit ng mga likas nsa yaman.ang wastong paggamit ng likas na
yaman ay makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa
o 2. Ang pamumuhunan ay isinasagawa upang higit na mapaunlad at mapakinabangan ang mga
ito. Ito ay pagdaragdag ng kapital upang maisagawa ang Gawain.
o 3. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ang magpapabilis at magpapadali ng
produksiyon. Ito ay magbubunga ng mataas na produksiyon na magbibigay ng pagkakataon sa
mataas na pagkonsumo ng bansa.
 Ang alokasyon ng mga pinagkukunang yaman ay dapat bigyang-pansin ng mga bansa upang masiguro
na ang mga pangangailangan ng bansa ay matugunan kahit nahaharap sa suliranin ng kakapusan
Talasalitaan
 Alokasyon
 Teknolohiya
 Produksiyon

Gawain
1. Ano ang nagsisilbing sagot sa kakapusan?
2. Ito ay isang matalinong paggamit ng mga likas na yaman.
3. Ito ay isinasagawa upang higit na pakinabangan ang mga pinagkukunang yaman.
4. Ito ang ibinubunga ng paggamit ng makabagong teknolohiya
5. Ito ang nagpapakita kung paano isinasagawa ang alokasyon

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga
Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.6

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Alokasyon
LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Sistemang Pang-ekonomiya

Mga sistemang Pang-ekonomiya


 Ito ay sumasaklaw sa mga estruktura, institusyon, at mekanismo na batayan sa pagsasagawa ng mga
gawaing pamproduksiyon upang sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Ito ay
may apat na uri: 1. Tradisyonal na ekonomiya 2. Market na ekonomiya 3. Command na ekonomiya 4.
Pinaghalong ekonomiya
1. Tradisyonal na Ekonomiya – sinasagot ang mga suliraning pang-ekonomiya sa pamamagitan ng
mga tradisyon, paniniwala, kagawian, at patakaran sa lipunan. Ang lipunan ang nagdedesisyon sa
mga produkto at serbisyo na gagawin at ipamamahagi batay sa kanilang tradisyon at kinagawian.
2. Market na Ekonomiya – ang pagdedesisyon sa pagsagot sa mga suliraning ano, paano at para
kanino ang gagawin ay isinasagawa ng indibidwal at pribadong sector. Ang market o pamilihan ay
nagpapakita ng organisadong transaksiyon ng mamimili at nagbibili.
 Piyudalismo – may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa.
 Feudal Lord – tawag sa nagmamay-ari ng lupa
 Vassals – tawag sa mga taong nagkakaloob ng serbisyon at nagbibigay ng proteksiyon sa mga
feudal lord
 Fief – lupang kabayaran na ipinagkaloob sakanila
 Manor – sentro ng agrikulturang gawain noong panahon ng sistemang manoryal.
 Serf – mga magsasaka at alipin na nagsasagawa ng pagbubungkal ng lupa
 Merkantilismo – ang batayan ng kapangyarihan ng bansa ay ang dami ng supply ng ginto at
pilak. Ito ay bahagi na lamang ng uri ng pangangalakal sa loob ng bansa.
 Kapitalismo – isang sistemang pang-ekonomiya na ang pagmamay-ari ng yaman at produksiyon
ay nasa kamay ng mga indibidwal at pribadong sector.
3. Command na Ekonomiya – ang estado ang may responsibilidad sa pagsagot sa mga suliraning
pang-ekonomiya. Ang mamamayan ay inaasahan na susunod sa mga nagging desisyon.
 Komunismo – sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang nagmamay-ari at
kumokontrol sa yaman ng bansa at produksiyon
 Pasismo – ang mga yaman at industriya ay kontrolado at pagmamay-ari ng estado na
pinamumunuan ng isang diktador.
4. Pinaghalong Ekonomiya – binabalanse ang pagkontrol at kalayaan ng pamahalaan at
mamamayan.
 Sosyalismo – sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang humahawak at kumokontrol
sa mga pangunahing industriya at ang mga mamamayan ay pinapayagan na magmay-ari ng maliit
na negosyo na maaaring pakialaman ng estado.
Talasalitaan
 Command  Market  Tradisyonal
Gawain
1. Bakit may mga bansa na ipinatutupad ang pinaghalong ekonomiya?
2. Bakit sinasabing walang perpektong sistemang pang-ekonomiya?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.7


Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher
CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Pagkonsumo
LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang Kahalagahan ng Pagkonsumo

Exploration
“Bakit apektado ng pagkonsumo ang iyong pang-araw-araw na buhay?”
Concept Notes
Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang
ating mga pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo
1. Pag-aanunsiyo – pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang
produkto at serbisyo
a. Bandwagon – pagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa isang produkto
b. Testimonial – paggamit ng personalidad upang hikayatin at akitin ang mga tao na gamitin at
bilhin ang isang produkto
c. Brand name – pagpapakilala ng mga produkto batay sa katangian at kabuthan dulot ng
paggamit at pagbilli nito
2. Pagpapahalaga ng Tao – ang tao na nagpapahalaga sa pagtitipid ay nagtitimbang-timbang muna ng
mga bagay bago ito bilhin.
3. Panggagaya –sinasabing ang mga Pilipino at great imitators, ito ang dahilan kung bakit ang
kinukonsumong mga produkto ay magkakatulad.
4. Kita – malaking prsiyento ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain.
5. Okasyon – dumarami ang mga produktong binili ng mga tao kapag dumarating ang mga okasyon.
6. Presyo – ito ang unang inaalam ng tao kung gusting bilhin ang produkto at serbisyo. Ang pagkakaroon
ng sale at discount ay nagpapasigla sa pagkonsumo.
Mga Kaugalian at Kulturang Pilipino na Nakaimpluwensiya sa Pagkonsumo
1. Rehiyonalismo – tinatangkilik ang mga produktong gawa sa ating bansa
2. Kaisipang Kolonyal – higit na tinatangkilik ng mga Pilipno ang mga produkto na galing sa ibang
bansa. Imported ang tawag sa mga produktong galling ibang bansa. Ang import liberalization ay ang
malayang pagpasok ng dayuhang produkto sa local na pamilihan.
3. Pakikisama – ang pagkakaroon ng suki ay isang dahilan kung bakit madalas na tinatangkilik natin ang
kanyang mga produkto.
4. Pagtanaw ng Utang na Loob – kaugalian nating mga Pilipino ay tumanaw ng utang na loob kahit an
gating pagkonsumo ay naiimpluwensiyahan nito.
TALASALITAAN

Pagkonsumo Kolonyal Bandwagon

GAWAIN
1.Ano ang pagkonsumo?
2.Paano nakaaapekto ang mga salik sa pagkonsumo?
3.Paano nakaiimpluwensiya ang kultura ng Pilipino sa pagkonsumo nito sa pang-araw-araw na buhay?

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.8

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Pagkonsumo
LEARNING COMPETENCIES: Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang Kahalagahan ng Pagkonsumo

Mga Uri ng Pagkonsumo


 Produktibo – pagbili ng produkto upang makagawa ng ibang produkto.
 Tuwiran – nagtatamo ng kasiyahan ang tao sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo
 Mapanganib – pagbili at paggamit ng produkto na nakakapinsala sa kalusugan ng tao
 Maaksaya – pagbili ng produkto na hindi naman kinakailangan
Mga Batas ng Pagkonsumo
 Law of Variety – paggamit ng iba’t ibang produkto kaysa sa paggamit ng iisang uri ng produkto
 Law of Harmony – kumukonsumo ng magkakomplementaryong produkto
 Law of Imitation – nanggagaya ng ibang tao upang matamo ang kanilang kasiyahan
 Law of Economic Order – inuuna ang pangunahing pangangailangan kaysa sa mga luho
 Law of Diminishing Marginal Utility – bumababa ang kasiyahan ng tao sa pagkonsumo ng sunod-
sunod na iisang produkto. Utility ay ang kasiyahan na natatamo ng tao sa pagkonsumo, total utility ay
ang kabuuang kasiyahan ng tao, marginal utility ay ang karagdagang kasiyahan na natatamo ng tao.
Klasipikasyong ng Standard of Living
1. Poverty Standard – mga tao na umaasa sa mga tulong, donasyon, at limos mula sa iba’t ibang
institusyon upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.
2. Bare Living Standard – ang kita ng tao ay sapat lang para matugunan ang mga pangangailangan.
3. Decency Standard – may sapat na kita para sakanilang kagustuhan at pangangailangan
4. Comfort Standard – labis ang kinikita para matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan
5. Luxury Standard – hindi hadlang ang presyo ng isang produkto sa kanilang kinikita.
Poverty Line – tumutukoy sa kita na kailangan upan matustusan ang mga pangangailangan ng pamilyang
may limang kasapi.
Poverty Incidence – nagpapakita ng porsiyento ng mga Pilipino na hindi makatugon sa pangangailangan
tulad ng pagkain dahil sa mababang kita.

Talasalitaan
 Pagkonsumo  Law  Kolonyal

Gawain
1. Bilang isang consumer alin sa mga nabanggit ang klasipikasyon mo? Ipaliwanag.

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.9

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Pagkonsumo
LEARNING COMPETENCIES: Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng
pamantayan sa pamimili
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang mga mamimili o konsyumer

Concept Notes
Ang Gampanin ng mga Mamimili/Konsyumer
 Ang mamimili o konsyumer ay mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang kanilang pangangailangan at magtamo ng kasiyahan
 Malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamimili sa ating ekonomiya lalo sa pag-unlad ng
produksiyon
 Ang pwersa ng mga mamimili ang dahilan kung bakit pinagbubuti ng mga prodyuser ang pagpoprodyus
ng mga de-kalidad na produkto
Mga Katangian ng Matalinong Mamimili
 Makatwiran  May alternatibo
 Hindi nagpa-panic buying  Hindi nagpapadala sa anunsiyo
 Mapanuri  Sumusunod sa badyet
 Hindi nagpapadaya
Mga Tungkulin ng Mamimili
1. Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto
2. Pagkilos at pagbabantay
3. Pagkakaisa
4. Pagtangkilik sa sariling produkto
5. Pangangalaga sa kapaligiran
Mga Karapatan ng Mamimili
1. Karapatan sa Pagpili
2. Karapatang magtatag ng organisasyon
3. Karapatan sa tamang impormasyon
4. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan
5. Karapatang magkaroon ng edukasyon
6. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran
7. Karapatan na magtamo ng kaligtasan
TALASALITAAN

Mamimili Organisasyon Karapatan

GAWAIN

1.Mahalaga bang maisakatuparan ang karapatan ng isang mamili? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

2.Paano mo maipapakita ang pagiging isang matalinong mamimili? Mag bigay ng halimbawa.

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher


ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)

HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.


ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.10

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Pagkonsumo
LEARNING COMPETENCIES: Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng
pamantayan sa pamimili
Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang mga mamimili o konsyumer

Mga Batas na Nagproprotekta sa mga Mamimili


 Batas Republika Blg 7394 – Consumer Act of the Philippines
 Batas Rep. Blg. 7581 – Price Act
 Batas Rep. Blg. 71 – Batas sa Price Tag
 Batas Rep. Blg. 3740 – Batas sa Pag-aanunsiyo
 Atas ng Pangulo Blg. 4 – Batas na Nagtatag ng National Grains Authority
 Batas Rep. Blg. 6675 – Generics Act of 1988
 Artikulo 1546 – Kodigol Sibil ng Pilipinas – Batas sa Pagbebenta
 Artikulo 188 – Binagong Kodigo Penal – Batas sa Trademark
 Artikulo 2187 – Kodigo Sibil ng Pilipinas – Batas sa Extra Contractual Obligations
Mga Ahensiya at Pribadong Sektor na Makatutulong sa mga Mamimili
1. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya 5. Lokal na Munisipyo
2. Kagawaran ng Edukasyon 6. Kagawaran ng Agrikultura
3. Kagawaran ng Enerhiya 7. Print and Broadcasting Companies
4. Kagawaran ng Kalusugan
Talasalitaan
 Kagawaran  Republika  Batas
Gawain
1. Bakit kailangan magkaroon ng batas para sa mga mamimili?
2. Sangayon kaba sa tulong na binibigay ng mga ahensiya at pribadong sektor sa mga mamimili? Bakit?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher
HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.11

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Produksiyon
LEARNING COMPETENCIES: Naibibigay ang kahulugan ng produksyon
Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang- araw- araw na pamumuhay
Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t- ibang organisasyon ng negosyo
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang Produksiyon sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Exploration
“Bakit apektado ng produksiyon ang iyong pang-araw-araw na buhay?”
Concept Notes:
Ang produksiyon ay isang mahalagang Gawain kung saan ang paglikha ng mga produkto ay
isinasagawa upang matugunan ang pangangailangang pangkabuhayan ng bansa.
Ang consumer goods ay direktang ipinagbibili sa mga mamimili upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
Ang producers’ goods ay ginagamit upang makalikha pa ng ibang produkto.
Mga Salik ng Produksiyon
1. Lupa 2. Entreprenyur 3. Paggawa 4. Kapital
Production Function – ito ang nagpapakita ng relasyon ng input at output sa produksiyon. Ang Law of
Variable Proportions ay ipinaliliwanag na ang output ay magbabago sa tuwing binabago ang input,
samantalang ang ibang input ay hindi nagbabago.
Ang input ay inuuri bilang fixed input at variable input. Ang dalawang uri ng input ay sabay na ginagamit
sa isang short-run market, ito ay tumatagal sa loob ng ilang buwan o taon mula sa simula ng operasyon ng
negosyo. Sa long-run market period naman ang ginagamit ay variable input sapagkat lahat ng salik ng
produksiyon ay nagbabago bunga ng pagkakaroon ng mahabang panahon sa paglikha ng produkto
Ang fixed input ay tumutukoy sa salik ng produksiyon na hindi nagbabago o hindi kayang baguhin sa
ikli ng panahon, ang variable input naman ay mga bagay na magbabago o madaling baguhin.
Ang variable input ay mga bagay na magbabago o madaling baguhin, tulad ng bilang manggagawa,
makinarya, at iba pang kagamitan at mga hilaw na materyales.
Mga Paraan sa Produksiyon
 Mechanization – ang paglikha ng mga produkto ay isinasagawa ng mga makina kaysa sa tao
 Production Line – paraan sa produksiyon na ginagamitan ng makinarya. Ang isang conveyor belt ay
ginagamit sa paglikas ng produkto.
 Division of Labor – ang division of labor at production line ay magkakaugnay. Ang pagsasagawa ng
Gawain ng mga manggagawa ay naaayon sa espesyalisasyon nila.
 Automation – ang mga mangagawa ay magiging tagamasid at tagasuri ng mga trabaho ng
awtomatikong makinarya.
 Robotics – ang panahon ng computer ay may malaking impluwensiya sa paggamit ng mga makinarya
sa mga pabrika at industriya. Ang Japan ay isa sa mga gumagamit ng robots sa production line.
Talasalitaan
 Produksiyon  Market  Labor
Gawain
1. Ano ang kahulugan ng produksiyon?
2. Ano ang epekto ng makabagong teknolohiya sa ating produksiyon?

ARCHDIOCESE OF SAN FERNANDO EDUCATIONAL SYSTEM (ASFES)


HOLY TRINITY SCHOOL: CENTER OF CATHOLIC EDUCATION INC.
Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher
ManibaugParalaya, Porac, Pampanga

Q1_G9 ARALING PANLIPUNAN- LEARNING ACTIVITY SHEET No.12

CONTENT STANDARDS: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
CONTENT COVERAGE: Produksiyon
LEARNING COMPETENCIES: Naibibigay ang kahulugan ng produksyon
Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang- araw- araw na pamumuhay
Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t- ibang organisasyon ng negosyo
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ACTIVITY TITLE: Ang Produksiyon sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Concept Notes
Mga Gastusin sa Produksiyon
Production Costs – kabayaran sa mga salik ng produksiyon tulad ng sahod ng mga manggagawa at interes
sa kapital.
1. Total Fixed Cost (TFC) – ito ang mga gastusin sa pagbabayad ng mga salik na hindi nagbabago.
2. Total variable Cost (TVC) – ito ang mga nagbabagong gastusin na umaayon sa lebel ng produksiyon
o sa anumang dami ng produksiyon.
3. Total Cost (TC) – ito ang kabuuang gastusin sa paglikha ng mga produkto o serbisyo.
4. Average Fixed Cost (AFC) – ito ang hindi nagbabagong gastusin sa bawat produkto na nababatay sa
total fixed cost na mayroon sa produksiyon.
5. Average Variable Cost (AVC) – ito ang gastusin ng bawat produkto na nagbabago ayon sa lebel ng
produksiyon.
6. Average Total Cost (ATC) – ito ay ang kabuuang gastusin sa bawat produkto kapag pinagsama ang
average fixed cost at average variable cost.
7. Marginal Cost – ito ang gastusin sa bawat karagdagang produkto na gagawin.
Mga Uri ng Samahang Pangnegosyo
1. Isahang Pagmamay-ari (Sole Proprietorship) – ang namamahala at nagmamay-ari ng kapital ay
isang tao lamang. Siya ang may responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo.
2. Sosyohan (Partnership) – ito ang samahan ng dalawa o higit pang tao na nagkasundo na magbibigay
ng salapi at ari-arian para sa pagtatayo ng isang negosyo at industriya.
3. Pangkat ng Tao na Nagsososyohan – may dalawang uri ng sosyohan ayon sa pananagutan. Isang
sa uri nito ang tinatawag na limitado kung saan ang pagkalugi ay batay sa naiambag sa negosyo. Ang
isa pa ay pangkalahatan na kung saan ang lahat ng obligasyon at utang ay pananagutan ng lahat.
4. Kooperatiba – ito ang samahang pangnegosyo na nais palawakin ng pamahalaan. Ang mga kasapi ay
nagmamayari ng stocks. May limang uri ang kooperatiba 1. Producers 2. Consumers 3. Credit 4.
Serbisyo 5. Multipurpose
5. Korporasyon – ito ay binubuo ng maraming tao na nagkasundo na magbigay ng kapital para sa
negosyo.
a. Stockholder – ang tawag sa nagmamay-ari ng capital na tinatawag na share of stocks
b. Closed corporation – hindi pinagbibili sa publiko, kundi sa ilang tao lamang tulad ng family
corporation.
c. Open corporation – bukas sa lahat ng gusting maging stockholders
d. Multinasyonal – mga samahang pangnegosyo na may iba’t ibang sangay sa buong daigdig.
e. Mergers – pagsama-sama ng mahigit sa dalawang negosyo upang bumuo ng isang negosyo.
f. Conglomerate – kombinasyon ng iba’t ibang bahay-kalakal humigit kumulang apat na negosyo
upang makabuo ng malaking korporasyon.
Talasalitaan
 Costs  Negosyo  Samahan

Gawain
1. Bakit kailangan ng iba’t ibang uri ng samahang pangnegosyo sa ating bansa?
2. Ano ang epekto ng iba’t ibang negosyo sa ating bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, pwede niyo bang pasukin ang pagnenegosyo? Sa paanong paraan?

Inihanda ni: Christian Arby M. Bantan – Araling Panlipunan Teacher

You might also like