You are on page 1of 17

PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.

“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

Catering Alternative Resources


for Education Sustainability

Araling Panlipunan 9
Unang Markahan

PAKSA NG YUNIT: MGA


PANGUNAHING KONSEPTO NG
EKONOMIKS
Kimuel S. Robles
Guro sa Araling Panlipunan 9

Pangkalahatang Panuto:

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
1. Basahing mabuti ang mga panuto.
2. Sa mga sagutang may pamimilian, isulat ang titik ng tamang sagot. Samantalang, sa mga sagutang ang
sagot ay nasa anyo ng pangungusap o talata ay kopyahin ang katanungan bago ang kasagutan, at
limitahan ang sagot sa inilaang bilang ng pangungusap o talata.
3. Isulat ang mga kasagutan sa “intermediate paper” o sa isang short bond paper kung hinihingi ng
pagkakataon sa bawat aktibiti. Isulat ang pangalan sa itaas at ang seksyon, gayundin ang pangalan ng guro
at asignatura nito.
4. Siguraduhing maipasa sa tamang oras ang mga gawain sa bawat linggo. Narito ang mga petsa ng
pagpapasa at mga gawaing dapat ipasa kada linggo.
Activites to Accomplish Date of Submission
Aralin 1: Ang Agham ng Ekonomiks at Kakapusan
Aralin 1.2 :Kakapusan Kahulugan Ng Ekonomiks.
PAGPAPAYAMAN:
August 9, 2021
Gawain 1: Think Pair Share
Gawain 2: Tukuyin Natin! Makro o Maykro
Gawain 3 : Sitwasyon at Aplikasyon
Aralin 2: Pangangailangan at Kagustuhan
PAGPAPAYAMAN:
Gawain1: Gusto Ko/ Kailangan Ko! August 16, 2021
PAGTATAYA:
Paggawa ng Open Letter
Aralin 3: Alokasyon at ang Sistemang Pang-ekonomiya
PAGPAPAYAMAN:
August 31, 2021
Gawain 1 at Gawain 2
PAGTATAYA:
Aralin 4: Produksyon at Pagkonsumo
PAGPAPAYAMAN September 6, 2021
PAGTATAYA
5. Ilagay ang pangalan ng gawain at lagyan ng tamang label ito sa sagutang papel.
6. Kung ikaw ay may internet connection, maari mong panoorin ang mga lecture video na aking inihanda.
Ang link nito ay nakalagay sa ating designated group chat. Tandaan: ito ay opsyonal lamang.
7. Kung may mga katanungan hinggil sa aralin, maaring gamitin an gating group chat upang magtanong.
Itatak sa isipan na ang guro ay “Person of Authority”, maging magalang sa pagpapadala at sa pagsagot ng
mga mensahe sa guro.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaaring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sino mang kasamahan mo sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Unang Linggo (Agosto 2-6, 2021)
Aralin 1: Agham ng Ekonomiks at Kakapusan

PAGTUKLAS:

Bawat tao ay humaharap sa iba’t ibang sitwasyon sa araw-araw. Kalimitan, magkakaiba ang
kanilang mga karanasan ayon sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan. Ang kanilang pagtugon ay
batay sa kanilang interes at preperensiya o pinipili.
Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan
ay nahaharap sila sa suliranin na dulot ng kakapusan ng pinagkukunang-yaman.
Ang modyul na ito ay naglalayong maipamalas mo bilang mag-aaral ang iyong pag-unawa sa mga
pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay. Layunin din nitong maisabuhay mo ang mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Handa ka na ba? Halika na! Sabay tayong maglakbay patungo sa isang makabuluhang pag-aaral sa
ekonomiks.

Layon ng Pagkatuto:
1. Nasusuri ang mahalagang konsepto ng ekonomiks
2. Naiuugnay ang konsepto ng ekonomiks sa araw – araw na pamumuhay
3. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang araw – araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi
ng pamilya at lipunan

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
4. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
5. Naisasabuhay ang kahalagahan ng ekonomiks
6. Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pangaraw-araw na pamumuhay.
7. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
8. Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan.
9. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan.

PAGPAPALIWANAG
Aralin 1: Ang Agham ng Ekonomiks at Kakapusan
Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks
Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag- aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Ito ay nagmula sa
salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos ay pamamahala. Ang ekonomiya at
sambahayan ay maraming pagkakatulad .
Pagkakatulad ng Ekonomiya at Sambahayan
Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan
sa pamilya. Ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay
kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at
gaano karami ang gagawin.
Ang ekonomiks ay unang nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng mga pilosopo at may iba’t ibang
kaisipan ang lumitaw mula sa mga pilosopo na nag-uugnay sa politika at ekonomiks
Ang Paglaganap ng KaisipangEkonomics
Xenophon – Mabuting pamamahala at pamumuno -> Oiconomicus
Plato – Espesyalisasyon at division of labor -> The Republic
Aristotle – Pribadong pagmamay-ari -> Topics and Rhretoric
Mercantilist – Paglikom na yaman sa paggamit ng likas na yaman tulad ng lupa, ginto, at pilak Francois Quesnay at
Physiocrats – pagbibigay halaga sa kalikasan at paggamit ng wasto sa mga yamang likas

Tableu Economique – nagpapakita ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo sa ekonomiya Magkaibang


Paniniwala ng mga Sinaunang Pilosopo at Grupo ng mga Ekonomista
Nagbigay –daan sa kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa ekonomiks. Ekonomista – ay ang nag-aaral batay sa
pagpili at pagpapasya ng mga tao sa lipunan, at amg epekto nito sa buong ekonomiya. Ang kaisipan ng ekonomiks ay
nahiwalay sa kaisipan ng ekonomiyang political 
 Binigyan diin ng ekonomiks ang mga gawain ng tao na nakatuon sa pangkabuhayan at gawi ng
pamumuhay.
 Patuloy na pinag-aaralan sa ekonomiks ang mga bagay na nakakaapekto sa ekonomiyang pamumuhay
ng mga tao sa buong bansa.
Ama ng Makabagong Ekonomiks
 Adam Smith
 Doktrinang Laissez- faire o let alone policy – hindi dapat nakikialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo
ng ekonomiya ng mga pribadong sektor, dapat pinagtutuunang pansin ang pananatili ng kapayapaan at
kaayusan ng bansa
 Ang espesyalisasyon ay paghahati ng mga gawain sa produksyon ayon sa kapasidad at kakayahan sa
paggawa
 May akda ng aklat na “ An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”
 David Ricardo
 Law of Diminishing Marginal Returns – ang patuloy na paggamit ng tao sa likas na yaman ay nagiging
dahilan ng pagliit ng nakukuha mula sa mga ito.
 Law of Comparative Advantage – prinsipyo na nagsasaad na higit na kapakipakinabang sa isang bansa na
lumikha ng mga produkto na higit na mura ang gastos sa paggawa ( production cost ) kaysa sa ibang
bansa.
 Thomas Robert Malthus
 Binigyang pansin ang mga epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon.
 Malthusian Theory – ang populasyon ay mas mabilis na lumalaki kaysa sa suplay ng pagkain na
nagdudulot ng labis na kagutuman sa bansa
 John Maynard Keynes
 Father of Modern Theory of Employment.
 Ang pamahalaan ay mas malaking papel na ginagampanan sa pananatili ng balanseng ekonomiya sa
pamamagitan ng paggastos ng pamahalaan.
 May Akda ng Aklat “ General Theory of Employment, Interest, and Money”

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
 Karl Marx Ama ng Komunismo
 Naniniwala sa pagkakaroon ng pagkakapantay ng tao sa lipunan.
 Naniniwala na ang dapat na magmay-ari ng mga salik ng produksyon at gumawa ng desisyon ukol sa
produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa.
 Isinulong na ang rebolusyon ng mga proletariat ang magpapatalsik sa mga kapitalista
 May Akda ng Aklat “ Das Kapital” – aral ng komunismo Kasamang may akda ni Friedrich Engels “
Communist Manifesto”
Pag-aaral ng Ekonomiks
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nalilinang ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ng
mga tao.
Ekonomiks Bilang Agham
Ang ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan kung saan ang tuon ay pag- aralan ang mga kilos, gawi, at
lahatng pagpupunyagi ng tao na maghanapbuhay at ang pagsisikap ng pamahalaan na ayusin ang ekonomiya na
nakakaapekto sa pamumuhay ng tao. Isinasagawa ang Siyentipikong Pamamaraan upang suriin ang mga suliranin at
kaganapan na may kaugnayan at epekto sa ekonomiya. ( polusyon, korapsyon, trapiko)
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Siyentipikong Pamamaraan
Pagtukoy ng Suliranin -> Pagbibigay ng Hypothesis -> Pangangalap ng mga Datos at Impormasyon -> Pagsusuri
ng Datos at Impormasyon -> Pagbibigay Konglusyon at Rekomendasyon
Kaugnayan ng Ekonomiks sa Iba Pang Pag-aaral
 Ekonomiks at Kasaysayan
 Ang kasaysayan ay ang nagawang pagpupunyagi upang labanan ang kasalukuyangsitwasyon na ginawa
ng tao sa iba’t ibang panahon.
 Ang ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay dahil ang gagawing desisyon ngayon sa pamumuhay ay
ibabatay sa nakaraan. Ang kasaysayan ay bahagi ng anumang pangyayari ng ekonomiya. ( Hal. Panahon
ng Pananakop )
 Ekonomiks at Sosyolohiya
 Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng pinagmulan at estraktura ng lipunan. Ang kilos ng tao bunga ng mga
batas, gawi, paniniwala, at kultura na umiiral sa lipunan ay nakakaapekto sa uri ng hanapbuhay ng tao. ( Hal.
Estado ng lalaki at babae bilang mag-asawa )
 Ekonomiks at Ethics
 Ang etika ay may kinalaman sa moralidad at pagawa ng tama o mali sa buhay. Ang disiplina at wastong
moralidad ng tao ay mahalagang elemento na kaylangang taglayin ng mamamayan bilang kabalikat ng
pamahalaan sa wastong hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya. ( Hal. Kaasalan ng Tao )
 Ekonomiks at Heograpiya
 Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng bansa, klima, pinagkukunang yaman,
at iba pang aspetong pisikal ng tao.( Hal. Kalamidad )
 Ekonomiks at Sikolohiya
 Sikolohiya ay ang pag-aaral sa isip, diwa , asal at suliranin ng tao. Ang pagnanais ng tao sa isang bagay ay
isang kalagayang sikolohiya na may relasyon sa ekonomiks kapag ito ay tumugon sa kanyang pagnanais. ( Hal.
Luho sa sarili )
 Ekonomiks at Antropolohiya
 Antropolohiya - ito ay isang sistematikong pag-aaral ng pinagmulan, ebolusyon at kultura ng tao. Tulad ng isang
siyentista ang mga antrologo ay nagsisiyasat sa mga pangkalahatang ugnayan sa gawi ng tao.Nagiging batayan
din ng pag-aaral ang mga materyal at di materyal na bagay tulad ng kasuotan, tirahan , paniniwala at
pagpapahalaga.
 Ekonomiks at Agham Pampulitika
 Agham Pampulitika – Ito ay isang sistematikong pag-aaral ng buhay pulitikal. Ang mga political Scientists ay
sinisikap sagutin ang mga katanungang tulad ng ano ang dahilan ng pagpapatibay ng aksyon ng pamahalaan,
kaninong kapakanan ang binibigyang pansin ng pamahalaan.
 Ekonomiks at Natural Sciences
 Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating kapaligiran ay matutuhan sa iba't ibang sangay ng pag-aaral ng
natural science. At ang mga nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran at maging sa kalikasan ay
nakakaapekto sa kabuhayan ng mamamayan at ng bansa na pinagtutuunan ng ekonomiks.
 Ekonomiks at Pisika
 Ang pisika ay tungkol sa pag-aaral ng mga bagay, enerhiya at mga teknolohiya na ginagamit upang mapaunlad
ang enerhiya. Ang ekonomiks ay may kaugnayan sa pisika dahil lahat ng pagbabagoat pagpapau sa mga bagay
at enerhiya ay nakaaapekto sa paggawa at supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao.
 Ekonomiks at Kemistri
 Ang kemistri ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba't ibang kemikal na kailangan sa paglikha ng mga bagay. Ang
uri ng kemikal na ginagamit sa mga patanim bilang pataba at pamatay peste ay bahagi ng gastusin sa
produksiyon. Sa pagbibigay ng presyo ng mga produkto ay binabase sa gastusin, kaya dito makikita ang
ugnayan ng kemistri at ekonomiks.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
 Ekonomiks at Biyolohiya
 Biyolohiya ay pag-aaral sa mga bagay na may buhay. Ito ay may kaugnayan sa ekonomiks dahil ang tao,
hayop, at halaman ay kailangan sa ekonomiya.
 Ekonomiks at Matematika
 Ang pag-aaral ng matematika ang teorya ng numero, tsart, graph, at pagbuo ng matemathical formula o
mathematical equations. sa tulong tsart, graph, at equations ay madaling mauunawaan ang mga
ekononimiyang kaganapan tulad ng pagtaas ng presyo, paglaki ng produksyon, tamang pagbabadyet at iba pa.
Mga Mahalagang Konsepto sa Pagpili at Pagdedesisyon
 Ang pagpili nat padedesisyon ay magkaugnay. Ang tao na nakapili ng isang bagay na bibilhin o gagawin
ay tanda na siya ay nakagawa ng pagdedesisyon.
Individual Choice ang pagawa ng pagpili at pasya ng indibidwal upang matugunan ang kanyang
pangangailangan dahil sa limitadong pinagkukunang yaman.
Social Choice Ang pagpapasyang ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
Economic Choice ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba’t ibang gamit ng limitadong pinagkukunang
yaman.
 Ang ating ginawang pagpili at pagpapasya ukol sa ating gustong makamit ay matumbas na Opportunity
cost at Benefit.
Opportunity cost ay ang isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang paggagamitan nito.
Trade Off ang pagpili batay sa mga alternatibong kapalit ng mga bagay na isinakripisyo o pagpapaliban ng
pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay. Benefit ito ay may kinalaman sa pakinabang na natamo sa
nagawang pagpili.
DAPAT TANDAAN!
Kahulugan ng Ekonomiks
 Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
 Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na
pamamahala.
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.
 Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito
kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa
maraming pangangailangan at kagustuhan.
 Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa
pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.

Aralin 1.2 :Kakapusan Kahulugan Ng Ekonomiks.


Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan.
Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Buhay Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang
isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at
serbisyo na gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ayon sa kaniya ay isang pamilya na hindi kayang ibigay sa bawat
miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat
ng pangangailangan ng lahat ng tao.
Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng gagawing desisyon.
Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito? Alin ang higit na kailangan? Paano ito
lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili? Saang alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga
ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang oportunidad? Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng
bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).
Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag-aaral kung
saan higit na makikinabang. Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong produkto o serbisyo at timbangin ang
kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magiging episyente ang plano ng produksiyon at ilalagay ito
sa graph, maaaring makalikha ng isang kurba katulad ng inilalarawan sa Production Possibilities Frontier (PPF). Ito ang
paraan upang mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng pinagkukunang-yaman.
Kakapusan sa Pang araw-araw na Buhay.
Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Buhay Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang
isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at
serbisyo na gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ayon sa kaniya ay isang pamilya na hindi kayang ibigay sa bawat
miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat
ng pangangailangan ng lahat ng tao.
Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng gagawing desisyon.
Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito? Alin ang higit na kailangan? Paano ito
lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili? Saang alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga
ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang oportunidad? Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng
bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag-aaral kung saan higit
na makikinabang. Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong produkto o serbisyo at timbangin ang kahalagahan nito sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magiging episyente ang plano ng produksiyon at ilalagay ito sa graph, maaaring
makalikha ng isang kurba katulad ng inilalarawan sa Production Possibilities Frontier (PPF). Ito ang paraan upang
mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng pinagkukunang-yaman
Palatandaan Ng Kakapusan.
Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks. May limitasyon ang pinagkukunang-yaman at walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito, nararanasan ang kakapusan sa mga
pinagkukunang- yaman. Ang kagubatan, na isang halimbawa ng likas na yaman, ay maaaring maubos at magdulot ng
pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop, at pagkasira ng
biodiversity. Bagaman maaaring magsagawa ng reforestation, ang patuloy na paglaki ng populasyon na umaasa sa
produkto ng kagubatan ay mabilis ding lumalaki.
Samantala, bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang- dagat dahilan sa pagkasira ng mga
coral reefs. Ang produktong agrikultural na nakukuha mula sa lupa ay maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bagong
panahon at umiinit na klima.
Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay
naluluma, maaaring masira, at may limitasyon din ang maaaring malikha.
Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa loob ng oras na ito,
hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan mong magpahinga, matulog, at kumain. Ang
panahong lumipas ay hindi na muling maibabalik. Ang gamit ng pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili
ang lahat ng bagay.
Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at patuloy na paglaki ng umaasang populasyon ay
palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan.

PAGPAPAYAMAN:
Gawain 1: Think Pair Share
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A
at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Limitahan
ang sagot sa tatlong pangungusap lamang.
Option A Option B Desisyon Dahilan
1. Pagpapatuloy ng pagaaral sa kolehiyo Pagtatrabaho pagkatapos ng high school

2. Paglalakad papunta sa paaralan Pagsakay ng jeep o tricycle papunta sa


paaralan
3. Paglalaro sa parke Pagpasok sa klase
4. Pananaliksik sa aklatan Pamamasyal sa parke
5. Pakikipagkwentuhan sa kapitbahay Paggawa ng takdang aralin
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?

Gawain 2: Tukuyin Natin! Makro o Maykro


Tukuyin at alamin ang mga sumusunod na halibawa sa ibaba. Isulat ang Maykro kung ito ay makyroekonomiks at
Makro kung makroekonomiks.
Makroekonomiks – isang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng kabuuang ekonomiya at mga kaugnay na
pangkalahatang Gawain, pag-uugaling pang-ekonomiko ng sambahayan, at pag-aaral ng panlipunang pagpapasya.
Maykroekonomiks – isang sangay ng ekonomiks na tumutukoy sa galaw ng maliit na bahagi o yunit ng kabuhayan ay
__________1.
mag kaugnayan saKilos at gawi
pag-aaral ng konsyumer
ng indibidwal na pagpili. __________6. Sari-sari Store
__________2. Kalakalang Panlabas __________7. Palitan ng piso sa dolyar
__________3. Kita ng isang manggagawa __________8. Utang na Panlabas
__________4. Pambansang Kita __________9. Pamilihan
__________5. Presyo sa pamilihan __________10. Negosyo

Gawain 3 : Sitwasyon at Aplikasyon


Panuto: Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon:
Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan
at manukan sa inyong komunidad, at si Tam ay isang sikat na basketball player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan
sa kaparehong komunidad. Kung may kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong
itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat o hindi? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng iyong
kaalaman sa mga konsepto, kahulugan, at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-
aaral, kasapi ng pamilya, at lipunan. Limitahan ang sagot sa sampung pagungusap lamang.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
RUBRIK PARA SA SITWASYON AT APLIKASYON
KRAYTERYA 4 3 2 1
Paksa Ang pangunahing Ang mga pangunahing Hindi lahat ng Ang pangunahing
kaalaman ay nailahad at kaalaman ay nailahad pangunahing kaalaman ay hindi
naibigay ang subalit hindi wasto ang kaalaman ay nailahad at natalakay
kahalagahan ilan nailahad

Organisasyon Organisado ang mga Organisado ang paksa Hindi masyadong Hindi organisado ang
paksa at maayos ang subalit hindi maayos ang organisado ang paksa at presentasyon
presentasyon presentasyon paksa at
presentasyon

Tapos na ang Unang Linggo! Maari mo na maipasa ang mga gawaing nakaatang sa iyong Guro ! Binabati
Kita !
Ikalawang Linggo (Agosto 9-13, 2021)
Aralin 2: Pangangailangan at Kagustuhan
PAGTUKLAS:

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang konsepto ng ekonomiks at ang kahulugan ng kakapusan at kung
paano ito nakaaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan. Ang kakapusan ay umiiral dahilan sa limitado ang pinagkukunangyaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Kaya mahalaga ang matalinong pagdedesisyon sapagkat hindi
lahat ng nais at gusto ng tao ay maaaring makamit.
Samantala, pag-aaralan mo sa araling ito ang mga konsepto ng pangangailangan (needs) at
kagustuhan (wants). Inaasahan na masusuri at matataya mo ang iyong mga pamantayan sa pagbuo ng
matalinong desisyon tungkol sa iyong mga kagustuhan at pangangailangan.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makapagsusuri sa kaibahan ng pangangailangan
at kagustuhan bilang batayan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon, maipakita ang ugnayan ng
personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan, makapagsusuri sa herarkiya ng
pangangailangan, makabuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng pangangailangan batay sa herarkiya ng
pangangailangan, at makapagsuri sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan
ng tao.

Layon ng Pagkatuto:
1. Naihahambing ang kagustuhan sa pangangailangan
2. Nasusuri ang kaugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan
3. Naipaliliwanag ang herarkiya ng teorya ng pangangailangan ni Maslow
4. Naitatala ang sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng pangangailangan
5. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan
PAGPAPALIWANAG:
Pangangailangan at Kagustuhan
Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at kagustuhan. Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat
mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kaniyang pang-araw-araw na gawain. Ang pagkain, damit, at tirahan ay
mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito.
Samantala, hindi sapat na may damit, tirahan, at pagkain lang ang tao. Gusto niyang mabuhay nang marangal at
maayos sa lipunan kaya siya ay naghahangad ng mas mataas sa kaniyang mga batayang pangangailangan. Tinatawag na
kagustuhan ang paghahangad na ito ng tao. Ang pagkakaroon ng bahay sa isang sikat na pamayanan, pagkakaroon ng
masasarap na pagkain araw-araw, at pagsusuot ng mamahaling damit ay mga halimbawa ng kagustuhan. Hinahangad ito
ng mga tao sapagkat nagdudulot ito ng higit na kasiyahan.
Ayon kina McConnel, Brue, at Barbiero (2001) sa kanilang aklat na Microeconomics,“ Ang kagustuhan ng tao ay
nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong produkto.” Ang kagustuhan ng tao sa isang
bagay ay magdudulot ng mas mataas na antas ng kagustuhan sa paglipas ng panahon. Subalit sa maraming
pagkakataon, ang kagustuhan ng isang tao ay maaaring pangangailangan ng iba at ang pangangailangan mo ay
kagustuhan lamang para sa iba. Ang pagbili ng cellphone halimbawa, para sa isang negosyante ay isang
pangangailangan. Subalit para sa iba, ang cellphone ay maaaring kagustuhan lamang.
Teorya ng Pangangailangan ni Maslow
Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at kagustuhan. Sa “Theory of Human Motivation” ni Abraham
Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niya ang teorya ng ‘Herarkiya ng Pangangailangan.’ Ayon sa kaniya, habang
patuloy na napupunan ng tao ang kaniyang batayang pangangailangan, umuusbong ang mas mataas na antas ng
pangangailangan (higher needs).

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
1. Pangangailangang Pisyolohikal. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin,
pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mga pangangailangan sa antas na ito ay maaaring
magdulot ng sakit o humantong sa pagkamatay.
2. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan. Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan na
ang naunang pangangailangan. Kabilang dito ang kasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan,
katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan.
3. Pangangailangang Panlipunan. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan,
pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang
kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang pangangailangan na hindi niya kayang tugunan na mag-isa.
Maaaring magdulot ng kalungkutan at pagkaligalig ang sinumang hindi makatutugon sa pangangailangang ito
4. Kaganapan ng Pagkatao. Ito ang pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Sinabi ni Maslow na ang
taong nakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na
katanungan. Hindi siya natatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao. Ang mga taong nasa ganitong
kalagayan ay hindi mapagkunwari at totoo sa kanyang sarili. May kababaang loob at may respeto sa ibang tao
5. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang
halaga sa lahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kanyang dignidad
bilang tao. Ang mga kakulangan sa antas na ito ay maaaring magdulot sa kanya ng mababang moralidad at
tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo.
Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan
1. Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang
kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang
maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan.
2. Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang
taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan.
3. Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa
kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay
maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang
mga obligasyon at gawain.
4. Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo
ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda
5. Kita. Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Kapag maliit
ang kita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,
damit, at pagkakaroon ng bahay. Samantala, naghahangad ng malalaki at modernong bahay ang mga taong may
malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa
mga bagay na itinuturing na kagustuhan.
6. Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa pangangailangan ng tao. Kung malapit sa dagat
ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga tao rito ay pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan sa mga
produktong pangisda. Kung malamig naman ang lugar ay maaaring maghangad ang tao ng mga produktong
makatutulong upang malabanan ang matinding lamig, tulad ng heater. Samantala ang electric fan, aircondition unit,
at iba pang mga kahalintulad nito ang pangangailangan sa lugar na may mainit na klima

PAGPAPAYAMAN:
Gawain 1 : Gusto Ko/ Kailangan Ko
Panuto: Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng. Sagutin ang mga pamprosesong tanong at
limitahan ang kasagutan sa tatlong pangungusap lamang.
1. _________ pumunta sa party
2. _________ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan
3. _________ magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking kinabukasan
4. _________ lumipat sa magandang bahay na may aircon
5. _________ uminom ng tubig pagkatapos kumain
6. _________ mamahaling relo
7. _________ telebisyon
8. _________ kumain ng pizza pie
9. _________ maglaro ng video game
10. _________magsuot ng maayos na damit
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinagkaiba ng pangangailangan sa kagustuhan?
2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?
3. Ano ang pagkakaiba ng iyong sagot at ng iyong kamag-aaral?
4. Maaari bang maging kagustuhan ang isang pangangailangan? Patunayan.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
PAGTATAYA:
Panuto: Gumawa ng isang open letter tungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng iyong lokal na
komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan _________________” bilang panimula ng iyong
open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito. Gawing gabay ang rubrik at format ng
open letter na nasa ibaba.

Petsa
Pamuhatan
Bating Panimula
Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
Lagda

RUBRIK SA PAGSULAT NG OPEN LETTER


PAMANTAYAN 10 9 8 Puntos:
Nilalaman Lubusang naipakita Nagpakita ng 4 Nagpakita ng 1-3
ang hanggang 5 pangangailangan at
pangangailangan at pangangailangan at kagustuhan ng lokal na
kagustuhan ng lokal kagustuhan ng lokal na komunidad
na komunidad komunidad
Paggamit ng Walang mali sa May 1-3 maling bantas May 4 o higit pang
Bantas, malaki at pagkakagamit ng at malaki at maliit na maling bantas at malaki
maliliit na titik maliliit at malalaking titik at maliit na titik
titik. Nagamit ng
wasto ang lahat ng
bantas
Paggamit ng mga Walang mali sa May 1-3 maling May 4 o higit pang
salita paggamit ng salita paggamit ng mga pagkakamali sa
salita paggamit ng mga salita
Kalinisan at Wastong-wasto at May 1-2 bura/dumi sa Hindi mabasa at may 3
Kaayusan napakalinis ng pagkakasulat o higit na bura/ dumi sa
pagkakasulat pagkakasulat

Tapos na ang Ikalawang Linggo! Maari mo na maipasa ang mga gawaing nakaatang sa iyong Guro !
Binabati Kita !
Ikatlong Linggo (Agosto 23-27, 2021)
Aralin 3: Alokasyon at ang Sistemang Pang-ekonomiya

PAGTUKLAS:

Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap
ng kakapusan ng mga pinagkukunangyaman. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang
ekonomiks. Ang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon.
Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit
ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat na ito ay bigyang-pansin dahil sa
katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagsusuri sa kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan,
pangangailangan, at kagustuhan, mapahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang pangangailangan,
at makapagsusuri ng mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan.

Layon ng Pagkatuto:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
1. Nabibigyang kahulugan ang sistemang pang-ekonomiya
2. Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
3. Nakapagpapahayag ng damdamin ukol sa angkop na sistemang pang ekonomiya ng bansa
4. Nakabubuo ng isang repleksyon mula sa natutuhan sa aralin

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

 PAGPAPALIWANAG:
Karagdagang Kaalaman!
Ang Sistemang Pang-ekonomiya
Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos
ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga sulirani ng
kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning
nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Maaalala na ang sistemang pang-ekonomiya ay
sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
Pangalawa, papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Pangatlo, para kanino gagawin ang mga produkto at
serbisyo?
Panghuli, gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:
 Tradisyonal na Ekonomiya
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing
katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing
produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple
lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa
pangkat. Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na
pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa
kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
 Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring
makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng
puwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser
ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing
pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring
pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga
pribadong indibidwal.
 Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang
pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-
ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-
yaman sa paglikha ng mga kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan
ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring
matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito.
Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nananatiling may
ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North Korea.
 Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy.
Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng
dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at
pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang
isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy.
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa
mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. May
pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at mga organisasyon. Ang sistemang mixed
economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal.
Gayumpaman, ito ay hindi nangangahulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga
desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

PAGPAPAYAMAN:

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
Gawain 1 :
Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pang-ekonomiya na nasa kaliwang bahagi ng
tsart. Magbigay ng tatlo hanggang limang bansa at isulat ito sa kanang bahagi ng tsart.
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSA
Tradisyunal na Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Gawain 2:
Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon at sagutin ang mga pamprosesong
tanong. Limitahan ang sagot sa tatlong pangungusap lamang.

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas?
2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-ekonomiya na paiiralin sa ating bansa,
anong sistema ang iyong pipiliin? Bakit?

PAGTATAYA:

Panuto: Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan sa aralin.
Ilagay o isulat sa isang buong papel ang naging kasagutan. Gawing gabay ang format sa ibaba. Limitahan ang kasagutan
sa sampung pangungusap lamang.
ANG AKING NATUTUNAN SA ARALIN
Tapos na ang Ikatlong Linggo! Maari mo na maipasa ang mga gawaing nakaatang sa iyong Guro ! Binabati
Kita !
Ika-apat Linggo (Agosto 30-September 03, 2021)
Aralin 4: Produksyon at Pagkonsumo
Layon ng Pagkatuto:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang produksyon
2. Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang araw-araw na
pamumuhay.
3. Naiuugnay ang kahalagahan ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay
4. Napahahalagahan ang mga salik upang makabuo ng produksyon
5. Naipaliliwanag ang kahulugan ng pagkonsumo

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability
6. Naiisa-isa ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo
7. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo
8. Nabibigyang-halaga ang kahalagahan ng pagkonsumo
9. Natatalakay ang mga pamantayan sa pamimili
10. Nailalahad ang mga karapatan at ang mga tungkulin bilang isang mamimili
11. Nabibigyang halaga ang mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa mga mamimili
12. Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili
PAGTUKLAS:

Sa araling ito ay mauunawaan mo ang konsepto ng produksyon at pagkonsumo. Inaasahang


masusuri at matataya mo kung paano ang gagawing pagtugon bilang isang matalinong konsyumer sa
mga pangangailangan at kagustuhan na mayroon ka. Inaasahang masusuri at matataya mo ang iyong
mga pamantayan sa pagbuo ng matalinong desisyon tungo sa pagiging matalinong konsyumer.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapaliliwanag ng konsepto ng
produksyon at pagkonsumo, makapagsusuri ng mga salik ng produksyon at pagkonsumo, at ang
implikasyon nito sa pang araw-araw na pamumuhay, makapag-uugnay ng kahalagahan ng produksyon
sa pang-araw-araw na pamumuhay, mapahahalagahan ang mga salik upang makabuo ng produksyon,
makapagpapamalas ng talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa
pamimili, makapagtatanggol ng mga karapatan, at magagampanan ang mga tungkulin bilang isang
mamimili.

PAGPAPALIWANAG:

Produksyon

PRODUKSYON

Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (input) upang mabuo ang isang produkto (output).

Salik ng Produksyon (LMKE)



Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal. Hindi mabubuo ang isang kalakal kung wala ang

kahit isa sa mga ito.

Lupa (aka Likas Yaman)



Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan.

Pinakagamit sa lahat ng uri ng pinagkukunang- yaman.

Manggagawa (Labor)

Tumutukoy sa mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa paglikha ng mga kalakal o paglilingkod

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

Sila ang gumagamit at nagpapaunlad ng pinagkukunang yaman upang magkaroon ng kapakinabangan

Mga Uri ng Lakas-Paggawa



Propesyunal – mga nakapagtapos ng kolehiyo

Manggagawa

Skilled – may mataas na antas ng kaalaman, kasanayan at karanasan

Semi-skilled – ang kasanayan, kaalaman at karanasan ay higit na mababa kaysa sanay na manggagawa ( skilled

workers)

Unskilled – mga taong walang kaalaman, kasanayan at karanasan

Kapital

Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga kalakal at paglilingkod.

Uri ng Kapital ayon sa Pagpapalit Anyo



Circulating Capital – kapital na mabilis magpalit-anyo at mabilis maubos (hal. langis, kuryente, asukal).

Fixed Capital – kapital na hindi mabilis magpalit ng anyo at matagal ang gamit (hal. gusali, makinarya,

sasakyan).

Entreprenyur

Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang salik ng produksyon (lupa,paggawa at kapital) upang makalikha

ng kalakal o serbisyo.

Tinatawag din sila bilang mga negosyante.

Mga Antas ng Produksyon



Ang produksyon ng kahit na anong kalakal ay dumadaan sa sa iba’t ibang antas:

Primary stage – pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw materials)

Secondary Stage – pagproproseso ng hilaw na sangkap (refining process)

Final Stage – pagsasa-ayos ng mga tapos na produkto (packaging, labeling and distribution) para

mapakinabangan ng tao.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

Halaga ng produksyon

Tumutukoy sa halagang ginagastos upang makalikha ng kalakal.


Ang halaga ng produksyon ang nagiging batayan sa pagtatakda ng presyo ng isang kalakal

Pagkonsumo

Ano ang Pagkonsumo?



Pagbili at paggamit sa mga kalakal o serbisyo upang tugunan ang kanilang pangangailangan.

Kapag natutugunan ng tao ang kanyang pangangailangan siya ay nakakaranas ng kasiyahan (satisfaction).

Uri ng Pagkonsumo

Tuwiran – kung agad na nararamdaman ang epekto ng paggamit ng kalakal o serbisyo.

Produktibo – kung ang isang kalakal o serbisyo ay nakakalikha ng panibagong produkto na nagbibigay ng higit

na kasiyahan.

Maaksaya – kung ang produkto o serbisyo ay hindi nagdudulot ng kasiyahan o kapakinabangan.

Mapaminsala – kung ang produkto o serbisyo ay nakasasama sa mamimili o sa lipunan.

Pagkonsumo batay sa Marginal Utility



Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay tinatawag na utility. Ito ay nasusukat sa

pamamagitan ng marginal utility.



Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility , ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa isang

kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.

Sino ang mamimili?



Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.



Tinatawag din sila bilang konsyumer.

Mga Katangian ng MATALINONG mamimili

1. Mapanuri

2. Naghahanap ng mga Alternatibo

3. Hindi Nagpapadaya

4. Makatwiran

5. Sumusunod sa Badyet

6. Hindi nagpapadala sa Anunsiyo

1. Mapanuri

Masusing namimili sa mga pagpipilian.

Tinitignan ng mabuti ang mga sangkap, presyo at kalidad.

2. Naghahanap ng mga Alternatibo



Marunong humanap ng kapalit na produkto na makatutugon din sa pangangailangan.

3. Hindi Nagpapadaya

Alerto at laging handang itama ang mga pagkakamali ng nagtitinda.

4. Makatwiran

Pagsasaalang-alang ang presyo at kalidad ng isang bagay. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa

pagbili ng produkto.

Hindi nagbibigay ng presyo nang wala sa katwiran.

5. Sumusunod sa badyet

Hindi nagpapadala sa popolaridad ng produkto.

Tinitimbang kung kinakailangan niya ito o hindi.

6. Hindi nagpapadala sa anunsiyo



Ang kalidad dapat ang tinitignan hindi ang kagandahan ng pagaanunsyo.

Hindi nagpapanic- buying.

Mga Batas na Nagbibigay Proteksyon sa Mamimili

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

Consumer Act of the Philippines - mga karapatan at kaligtasan ng mamimili.

Revised Penal Code - pagbabawal sa pangagaya ng tatak, at itsura ng isang produkto.

Civil Code of the Philippines - pananagutan ng prdodyuser na panatilihin ang kaligtasan ng mamimili.

Batas sa Price Tag - dapat maglagay ng price tag sa mga bilihin.

Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines)



Nagbibigay ng proteksyon sa mga konsyumer laban sa mga panganib na nauukol sa kalusugan at kaligtasan;

Nagbibigay proteksyon sa mg konsyumer laban sa mga mapanlinalang at hindi patas na mga pamamaraan at

gawain;

Nagbibigay ng impormasyon upang mapaghusay ang tamang pagpapasya at mapalaganap ang kaalaman ukol

sa karapatan ng mga konsymer…

8 KARAPATAN NG MAMIMILI

1. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan

2. Karapatan na magtamo ng kaligtasan

3. Karapatan sa Patalastas

4. Karapatan sa Pagpili

5. Karapatang Dinggin

6. Karapatang Mabayaran at Matumbasan sa Anumang Kapinsalaan

7. Karapatan na Maturuan Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili.

8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

5 TUNGKULIN NG MGA MAMIMILI



Mapanuring Kamalayan– maging listo at mapanuri sa gamit, kalidad at halaga ng mga paninda at serbisyo.

Aksyon – kumilos at magpahayag upang matiyak sa makatarungang pakikitungo.

Pagmamalasakit sa Lipunan – Alamin ang epekto ng ating pagkonsumo sa iba pang mamamayan.

Kamalayan sa Kalikasan – Mabatid ang epekto sa kapaligiran ng maling pagkonsumo ng kalakal o paglilingkod.

MGA TUNGKULIN NG MGA MAMIMILI



Pagkakaisa – makiisa sa mga samahan ng mga mamimili upang magkaroon ito ng sapat na lakas at

kapangyarihan na itaguyod ang mga karapatan ng mga mamimili.

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1
PADRE VICENTE GARCIA MEMORIAL ACADEMY, INC.
“Your partner in education since 1946”

PVGMA CARES
Catering Alternative Resources for Education Sustainability

National Consumer Affairs Foundation (NCAF)



Binuo upang mapabuti ang pangangasiwa, ugnayan at bisa ng mga programa at

patakaran ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong samahan patungkol sa

karapatan ng mamimili.

Mga Kasapi ng NCAF

PAGPAPAYAMAN:
Gawain 1 
Panuto: Piliin sa hanay B ang hinihingi ng hanay A.Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
_____1. Tumutukoy sa pangunahing kagamitan sa Produksyon a. lupa
_____2. Ang nalilikhang produkto ng produksyon b. output
_____3. Proseso ng pagpapalit-anyo ng produkto c. input
_____4. Pinakamahalagang salik ng produksyon d. final product
_____5. Ang tinatawag na tapos ng produkto e. produksyon

PAGTATAYA:

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang ahensiya ng pamahalaan na nagsusulong ng kapakanan ng mamimili na


nakalista sa Hanay A. Piliin ang titik ng wastong sagot.
Hanay A Hanay B
_____6. Namamahala sa pangangalaga ng a. Energy Regulatory Commission (ERC)
kapaligiran b. Bureau of Food and Drugs (BFAD)
_____7. Sumusuri sa madayang timbangan c. Department of Trade and Industry (DTI)
at mapanlinlang na pagsukat d. City/Provincial/Municipal Treasurer
_____8. Sumusubaybay sa mga paglabag e. Environmental Management Bureau (DENR-EMB)
sa batas ng kalakalan at industriya,
maling etiketa ng mga produkto
_____9. Tumatanggap ng reklamo laban sa
pagbebenta ng di wastong sukat o
timbang ng mga gasolinahan
_____10. Sumusuri sa gamot, pagkain,
pabango, make-up, hinggil sa
paggamit ng maling etiketa

Tapos na ang Huling Linggo para sa buwang ito! Maari mo na maipasa ang mga gawaing nakaatang sa
iyong Guro ! Binabati Kita !

Address: Y Zuño St., Poblacion B., Rosario, Batangas


Email: pvgmarosbats1946@gmail.com /pvgmarosbats@yahoo.com
Araling Panlipunan 9 Learning Guide
Tel Nos: (043) 311-3927/ (043) 774 3578 Quarter 1 Volume 1

You might also like