You are on page 1of 2

S.Y.

2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK6
LAS No.: 1
Name: _________________________________________________________________ Grade/Score: _____________
Grade and Section: _______________________________________________________ Date: ___________________
Subject: Filipino 9

Type of Activity: Concept Notes

Activity Title: ELEMENTO NG TELESERYE


MELC: Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan. (F9PD-Ic-d-40)
Learning Target: Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan
References: Avena,Lorenza P., Dominguez,Leticia F. Ph.D. at Badua, Zenaida S. Wika at Panitikan Filipino
Ikatlong Taon. Don Pepe cor. Simoun Streets, Sta Mesa Heights Quezon City : JGM & S Corporation

KONSEPTO
Elemento ng Teleserye

1. Pamagat - ito ay naghahatid ng pinakamensahe o tema ng palabas. Ito ay nagsisilbing panghatak sa interes ng
manonood. Nararapat na ito ay angkop sa istorya at may impact sa manonood. Kung ang pamagat ay may
ginamit na simbolo dapat ay makita agad ito upang hindi makakalito sa mga manonood.
2. Tauhan – ito ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay. Dapat maging malinaw ang
karakterisasyon ng tauhan dahil ito ang pangunahing layunin at sentro ng tunggalian ng istorya. Nararapat
lamang na sa pagsusuri ay lumutang ang mga katangian ng tauhan, ito man ay protagonist (bida) o antagonista
(kontrabida). Nararapat ding suriin kung angkop ba ang pagganap ng artista dahil sila ang nagbibigay kulay sa
palabas.
3. Tema / Paksang Diwa – ang paksa ng kuwento. Ito ang diwa at kaisipan ng palabas. Ito ay nararapat na
magkaroon ng epekto sa katauhan ng mga manonood. Dapat ay mayroon itong bisang kaisipan sa diwa at
isipan, at bisang pandamdamin na tatagos sa emosyon ng mga manonood.
4. Sinematograpiya – ang matapat na paglalarawan sa buhay ng palabas. Sa pagsusuri ng sinematograpiya,
bigyang pansin ang kabuuang kulay ng palabas. Nakakatulong ba ang paggamit ng visual at sound effects
upang lumutang ang mga pangyayari sa kuwento.
5. Musika - ito ay paglalapat ng tunog sa palabas. Bigyang pansin kung ang musika ba nito ay nababagay sa
tema at eksenang ipinapakita. Karamihan sa palabas ay may isang pinakatemang awitin na siyang iniikutan ng
kuwento.

Gawain 1: Simulan Natin


Pagkatapos mong mabasa ang mga element ng teleserye, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga
sagot sa nakalaang espasyo. Huwag gumamit ng intermediate, bond paper or notebook bilang sagutang papel.
1. Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusuri sa anumang uri ng panitikan?
Upang mas higit na mapag aralan at malaman pa ito ng susunod na mga henerasyon
2. Bakit kinakailangang maging maingat sa pagpili ng panonoorin?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Paano nakakatulong ang pagsusuri ng anumang anyo ng panitikan bilang isang mag-aaral?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. Sa anong paraan nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalaganap ng panitikang Asyano?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 1 of 2


S.Y. 2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q1
303421 JHS LEARNING ACTIVITY SHEET WK3

LANGSOCTECH Department - LAS No. 1 - Page 2 of 2

You might also like