You are on page 1of 5

DAHAT NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Dahat, Lagonoy, Camarines Sur PERSONAL NA


S/Y 2021 - 2022 KOPYA
(Ang pahinang ito ay
Pangalan: para sa mag-aaral at
hindi ipapasa)
Antas/Seksyon:

MODYUL 1.5 PAGSUSURI SA DOKYU-FILM

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan (F7PD-Id-e4)
PAUNANG PAGSUBOK
Isulat ang WOW kung ang larawan ay nagpapakita ng isang halimbawang dokyumentaryong
pantelebisyon at PANES naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

1._______________ 2.________________ 3.______________ 4._______________

ARALIN
ANO NGA BA ANG DOKUMENTARYO?
Ang DOKUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga
katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, political o historical. Nilalayon
ng dokumetaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa
ng isang pangrekord ng kasaysayan.

KATANGIAN NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON


1. PAKSA- Tumatalakay sa nilalaman ng dokumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao
sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar,
at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.
2. LAYUNIN- Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokumentaryo. Layunin nitong
irekord ang panlipunang kaganapan na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan.
3. ANYO- Ang anyo ng dokumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga
diskusyon ay orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat ditto.
4. ESTILO AT/O TEKNIK- Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng camera at sa panahong
ng pag-eedit nito. Ang isa sa mga mahalagang sangkap ay ang mga non-actors o ang mga
totoong tao sa paligid na walang ginagampanang anumang karakter.
5. URI NG KARANASAN- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang apekto nito sa tao
na maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasa likod ng
dokumentaryo sa mga makakapanood nito ay hindi magpokus sa mga artista kundi sa
pinapaksa nito.

PAGSASANAY
Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Ilagay ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______________1. May dalawang bahagi ito: aestetiko at ang epekto sa tao na maaaring magtulak sa kanya
para gumawa ng aksyon. Anong katangian ito?
______________2. Anong anyo ng dokumentaryo ang nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang
mga diskusiyon ay orihinal at ang tunog at tanawin ay pinipilikung akma o karapat-dapat
ito?
______________3. Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod na paksa sa dokumentaryong pantelebisyon.
______________4. Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pag-eedit nito.
______________5. Ito ang pokus ng dokumentaryong pantelebisyon kung saan tinatalakay ito sa kabuuan

SALUNGGUHITAN ANG MAHAHALAGANG KAALAMAN NA IYONG NABASA.


HALIMBAWA NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
Tapatan ni Tunying: Sama-Bajau
Sayawan at walang tigil na pistahan. Ganito magdiwang ang mga katutubong Sama-Bajau
tuwing buwan ng Enero. Ang kasalan ng mga miyembro ng kanilang komunidad ay itinataon
din sa buwang ito. Tatlong araw at tatlong gabi nang ingay ang maririnig sa kanilang
komunidad sa Dalahican, Lucena Quezon.
Sa unang araw ng selebrasyon, ipinakikilala ang mga ikakasal sa buong tribo at
ipinapaalam ang kanilang pagpapakasal. Pero hindi karaniwang pag-iibigan ang
pangunahing nagdadala sa mga katutubong Sama-Bajau sa kasalan kundi ang kanilang
mga edad.

Paniniwala nila mas mainam na habang bata ay maikasal sila. Paliwanag ng kanilang
pinuno na si Alas Jalmaani, ang edad ng dalaga ay may katumbas na halaga.

“Pag tumanda mababawasan, bumababa ang presyo pero pag dalaga at bata mas lalong
tumataas”. Tulad ni Alsima hindi niya alam kung ilang taon na siya ngunit sa itsura niya at ng
mapapangasawang si Alman, hindi sila hihigit sa kinse.

Ayon kay Abdulani Lakibul ng National Commission of Indigenous People na eksperto sa kultura
ng mga katutubong Sama-Bajau, malaki na rin ang impluwensiya ng kapaligiran sa kanilang
desisyon para mag-asawa ng maaga. “Naging curious sila at ang ibang hindi masyadong
nakapag-aral, gusto ng i-settle ang buhay nila para magkaroon ng sariling pamilya at
makapagplano na para sa sarili nila.

Walang proseso ng pormal na ligawan ang mga katutubong Sama-Bajau sa halip ay nag-uumpisa raw ito sa
pagkakaibigan tulad ng nangyari kina Alman ay Alsima. Kapag nagkapalagayan na ng loob ang mga bata dito na
papasok ang papel ng mga magulang.
Ang dowry o dote ay halaga ng pera na ibinibigay ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng
mapapangasawang babae. Hindi baba sa labing limang libong piso ang bigay- kaya o
dowry pero ayon kay Abdulani Lakibul may mas malalim itong kahulugan sa kultura ng
mga katutubong Sama-Bajau.
“May mga konsepto kasi na maririnig, Ano ba ‘yan? Bakit kailangang may dowry? May lumalabas na binibili ang
puri ng babae. Hindi po iyon, sa halip ito ay pagpupugay at respeto sa pamilya. Kaya kapag itinatanan ng lalaki
ang babae masakit para sa magulang ng babae at nangangahulugan ng kawalan ng respeto. Pero
nakadepende rin ito sa katayuan ng mga ikakasal.
Kung sakaling magtanan sila at kapwa mayroong karanasan at walang anak, pwede rin maitayo ang batas na
labing limang libong piso pero kung may anak na, bumababa na ang halaga, kapag may isang anak magiging
walong libo at limang daang piso na lamang ang dowry at kapag may anak na higit sa isa ay mas lalo itong
bumababa.
PAGSASANAY
Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kaugalian/paniniwala ng pagpapakasal ng mga Muslim
(Sama-Bajau) at Kristiyano. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

A. pamamanhikan
B. paninilbihan ng lalaki
C. pagbibigay dote o dowry
D. nagpapakasal na sa
murang edad
E. dalawa o tatlong araw na
pagdiriwang ng kasal
F. nagsisimula sa pagiging
matalik na
magkaibigan
G. namamagitan ang mga
magulang sa dalawang
taong nagmamahalan

SALUNGGUHITAN ANG MAHAHALAGANG KAALAMAN NA IYONG NABASA.


DAHAT NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL
Dahat, Lagonoy, Camarines Sur
S/Y 2021 - 2022
Pangalan:
Antas/Seksyon: ISKOR
WRITTEN WORK

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay naglalayong magbigay ng tiyak at totoong impormasyong


gigising sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu. Sa pamamagitan ng pagbuo ng
ginulong letra mabubuo ang isang akrostik na nagpapakita ng katangian sa paggawa ng dokyu-film.

D–SOTA =____________________________

O – G I N A R I I L D A D =____________________________

K–LTUARU =____________________________

Y–NAMA =____________________________

U–NAYGAN =____________________________

F–INOLIIP =____________________________

I–YSU =____________________________

L–NINAYU =____________________________

M–SIANING =____________________________
PERFORMANCE TASK

Panuto: Suriin ang dokyu-film na binasa ayon sa pamantayan na ibinigay.

PAGSUSURI SA DOKYU-FILM

Tapatan ni Tunying: Sama-Bajau

STAR RATING
(Maglagay ng isa
hanggang limang
PAG-UUGNAY SA DANAS
bituin sa
NG LIPUNAN
bahaging ito
DAHILAN (Gamit ang karanasan,
TUNTUNIN SA depende sa
(Ilagay ang paliwanag sa obserbasyon, nabasa at
PAGSUSURI nakitang bisa sa
ibinigay na star rating) narinig. Anong sitwasyon
akda gamit ang
ang maaari mong iugnay sa
mga tuntunin.)
dokyu.)

Naipakita ang
kulturismo,
buhay at
pamumuhay ng
mga Pilipino sa
likhang
dokumentaryo

Masining at
malikhain:
Naipakita ang
estetika/
kagandahan sa
paglikha ng
dokyu

Pagkakagamit
ng wika bilang
diskurso.

( Ang sagutang papel na ito lamang ang ibabalik o ipapasa sa titser para sa pagmamarka.)

You might also like