You are on page 1of 7

SHEPHERDVILLE COLLEGE

(Formerly: Jesus the Loving Shepherd Christian College)


Talojongon, Tigaon, Camarines Sur
College of Education Department
Second Semester, Academic Year 2020 – 2021
TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON
PINAL NA EKSAMINASYON SA KULTURANG POPULAR 3D

Kinalalagyan ng aytem
Bilang Bilang Pag- Pag- Paglinang Panon Pagsa Pagsulat Wika
LAYUNIN PAKSA ng Bahag ng unawa unawa ng ood salita (PU) at
araw dan aytem sa sa Talasalitaa (PD) (PS) Grama
na (%)
Napaki Binasa n tika
itinuro nggan (PB) (PT)
(PN)
1.Nakikilala ang mga Pahayagan/Newspaper
binabasang pahayagan ng mga 7.5 50% 25 16 4 5
Pilipino sa kasalukuyan ng
pahayagan. (10-25) (6-9) (46-50)

1. Naiisa-isa ang mga sikat na Musikang Pilipino


Awiting Pilipino 7.5 50% 25 10 5 10
2. Nakapagpapaliwanag ng
epekto ng musika sa mgaPilipino (26-35) ( 1-5) (36-45)
3. Naiuugnay ang kulturang
Pilipino sa mga awiting Pilipino.
Kabuuhan 15.0 100% 50

Prepared by: Verified by: Approved:

DR. EMILY J.
NELLY CORRE-MAGHOPOY, MAED DR. EMILY J. BERJA
BERJA
Program/Area
Instructor Dean
Chair
SHEPHERDVILLE COLLEGE
(Formerly: Jesus the Loving Shepherd Christian College)
Talojongon, Tigaon, Camarines Sur
College of Education Department
Second Semester, Academic Year 2020 – 2021

FINAL EXAMINATION
KULTURANG POPULAR 3D

Pangalan: __________________________________________________________ Kurso/Taon/Seksiyon: ___________________


Iskor:__________________
Instructor: Gng. Nelly Corre-Maghopoy,MAED Petsa: _________________

I TALASALITAAN:
A.Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1.Ang iyak ng isang sanggol ay musika sa pandinig ng isang ina. Wala siyang maihahambing dito sa anumang tugtugin na kanyang naririnig.
2.Ang mga Pilipinong mang-aawit ay hindi lamang sila sikat sa ating bansa, bagkus sila’y popular din sa kahit saan mang sulok ng mundo.
3Magaling sumayaw sa saliw ng musika si Ronela, napapahiyaw ang mga manonood kapag umindak ang katawan niya.
4. Napakagaling umawit ng kundiman ni Lolo. Lubos na nagagalak si lola kapag naririnig niyang binibgkas ni lolo ang mga awit ng pag-ibig.
5. Bago pa man dumating ang mga dayuhan mayroon ng katutubong awitin ang mga Pilipino. Napakahilig ng mga ninuno natin na gumawa ng mga
sinaunang awitin na hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin.
6. Malaking tulong sa pang-araw-araw na buahy ang pagbabasa ng pahayagan Ibat’ibang impormasyon ang makukuha mo sa dyaryo.
7.Sa balitang sports matatagpuan ang balitang pampalakasan.
8.Ang pahayagan ay nagbibigay ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa nito,, higit na nakakatulong ang impormasyong nakapaloob dito.
9. Ang pag unlad ng pahayagan sa Pilipinas ay parang kabuting umusbong sa kabukiran
B.Punan ang patlang:
Ibigay ang kasagutang hinihingi sa mga sumusunod na pahayag

10_______________ pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw
ng sirkulasyon nito.
11.______________ Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan.
12.______________-Ito ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan.

C. PAG-IISA-ISA
Panuto: Magbigay ng tatlong pahayagan sa Pilipinas
13.
14.
15.

II PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat.

16.Ito ang pinakaunang bahagi ng pahayagan. ___________

a.Mukha ng pahayagan b. balitang pandaigdigan c.Editoryal o Pangulong-Tudling d.obitwaryo

17.Nakapaloob sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa

a.Mukha ng pahayagan b. balitang pandaigdigan c.balitang Panlalawigan d.obitwaryo


18.Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng
ating planeta.

a.Mukha ng pahayagan b. balitang pandaigdigan c.balitang Panlalawigan d.obitwaryo

19 Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.

a.Mukha ng pahayagan b. balitang pandaigdigan c.Editoryal o Pangulong-Tudling d.obitwaryo

20..Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang
kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.

a..Anunsyo Klasipikado b. Balitang Komersyo c.Editoryal o Pangulong-Tudling d. Libangan

21 Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa
mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-arian.

a.Anunsyo Klasipikado b. Balitang Komersyo c.Editoryal o Pangulong-Tudling d. Libangan

22..Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga
namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.

a.. Obitwaryo b. Balitang Komersyo c.Editoryal o Pangulong-Tudling d.. Anunsyo Klasipikado

23. Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan
sa showbiz, mga tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa sining. Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes
ng mga mambabasa, tulad ng sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.

a.Anunsyo Klasipikado b. Balitang Komersyo c.Editoryal o Pangulong-Tudling d. Libangan


24 Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.

a.Anunsyo Klasipikado b. Balitang Komersyo c.lifestyle d. Libangan

25.Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at
labas ng bansa.

a.Anunsyo Klasipikado b. Isport o Palakasan c.lifestyle d. Libangan

26.
Ang grupo ito ay binuo ng mga hayskul na estudyante ng Pamantasang Ateneo de Manila noong taong 1993. Sila ay nakilala dahil sa naiiba nilang mga
komposisyon na kadalasan ay may kasamang panunudyo. Nabibilang sila sa mga grupo na tumutugtog ng mga awiting pop.

A.Parokya ni Edgar• b. Bamboo c Kamikazee d.Callalily

27. isa sa mga grupo ng mang-aawit na nagkamit na ng maraming parangal. Ang grupong ito ay binuo ni Francis “Bamboo” Mañalac kasama sina Ira
Cruz, Vic Mercado at Nathan Azarcon. .

A.Parokya ni Edgar• b. Bamboo c Kamikazee d.Callalily

28. isang Pinoy rock band. Nakagawa at nakapagpalabas na sila ng ilang mga plaka at may mga sumikat na tugtugin tulad ng “Girlfriend”, “Ung
Tagalog” at “Tsinelas”. Noong 2006, gumawa sila ng plaka na may pamagat na Maharot kung saan ang pinakapangunahing awitin ay ang “Narda” na
labis na sumikat at naging opisyal na awitin ng pang-gabing palabas sa GMA-7 na “Darna” na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

• A.Parokya ni Edgar• b. Bamboo c Kamikazee d.Callalily
29. Ang grupo ay may limang miyembro na tumutugtog sa saliw ng musika ng pop rock. Sila rin ay nagkamit na ng maraming mga pagkilala simula
noong unang pagsabak nila sa larangan ng pagtugtog noong nagdaang 2006

• A.Parokya ni Edgar• b. Bamboo c Kamikazee d.Callalily

30.. Ayon sa kanila, ang mga banyagang grupo ng Popsicle, Oasis at Radiohead ang nagsilbing mga inspirasyon nila sa paggawa ng kanilang musika.
Ang kanilang estilo sa paggawa ng musika ay tinatawag na pop alternative Rock Awards 2009.

A. Itchyworms b. Sugarfree c.Sandwich d.Imago

31Nakagawa na ng limang orihinal na koleksyon ng mga awitin, ilang revival na mga awitin at music videos. Sumikat ang kanilang mga awit lalo na sa
industriya ng kumersyal nang maging opisyal na tugtog at awit ito ng ilan sa mga kilalang produkto para sa patalastas sa telebisyon. Kinuha rin sila ng
ilang mga matataas at kilalang mga kumpanya upang magsulat ng mga kanta para sa kanilang mga patalastas.

A. Itchyworms b. Sugarfree c.Sandwich d.Imago

32.Ang banda ay binubuo ng limang miyembro at nakagawa na ng limang orihinal na plaka ng mga awitin simula noong 1998. Ang ilan sa kanilang mga
sikat na awitin ay ginamit bilang opisyal na tugtog o awitin ng mga sikat na palabas sa telebisyon tuwing gabi at ng mga patalastas ng mga kilalang
produkto. Nagtamo rin sila ng ilan sa mga pangunahing parangal mula sa NU Rock Awards, Awit Awards at MYX Music Awards.

A. Itchyworms b. Sugarfree c.Sandwich d.Imago

33. Nakagpalabas na sila ng ilang nga orihinal na koleksyon ng komposisyon at nakipagtulungan din sila sa ilang mga tanyag na mga banda. Ang ilan sa
kanilang mga awitin ay napili bilang mga opisyal na musika o awit ng mga
A. Itchyworms b. Sugarfree c.Sandwich d.Imago
34. Maituturing na isa sa pinakamaimpluwensiyang grupo ng musikang rock sa Pilipinas. Nagkamit na rin sila ng hindi mabilang-bilang na karangalan at
pagkilala. Una silang naitampok at nakilala noong 1993. Ang mapanlikhang bandang ito ay nakagawa na ng ilang mga koleksiyon ng komposisyon dito
sa Pilipinas at sa Asya.
A. Rivermaya b. Sugarfree c.Sandwich d. Hale

35. Katulad ng mga naunag nabanggit na mga banda sila rin ay nagtamo na nang napakaraming parangal. Sila ay lumagda ng kontrata sa ilalim ng EMI
Philippines, na ngayon ay kilala bilang PolyEast Records.

A. Rivermaya b. Sugarfree c.Sandwich d. Hale


PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang inyong sagot batay sainyong sariling pananaw o opinion sa mga sumusunod na katanungan ( 10puntos)
36-45
Sa mga sikat ng awitin sa Pilipinas, ano sa tingin mo ang sumasalamin sa ating panahon ngayaong nakikipagsapalaran tayo sa pandemya?
Bakit?
46-50 (5puntos)

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng pahayagan sa isang komunidad o bansa? Bakit? Ipaliwanag.

Verified by: Approved:


Prepared by:

NELLY CORRE-MAGHOPOY, MAED DR. EMILY J. BERJA DR. EMILY J. BERJA


Instructor Program/Area Chair Dean

You might also like