You are on page 1of 3

KABUUANG BLG.

NG
LAYUNIN PAGTUKLAS PROSESO PAG-UNAWA
AYTEM

1. Naipaliliwanag ang kaisipang nais


9,10,11,12,13 5
iparating ng awiting- bayan

2. Nakabubuo ng sariling paghatol o


pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa
44,45 2
awit na sumasailalim sa tradisyon ng mga
taga-Bisaya

3. Nasusuri ang antas ng wika batay sa


14,15,16,17,18,19,20
pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng 10
,21,22,23
awiting-bayan

4. Naibibigay ang sariling interpretasyon


sa mga salitang paulit- ulit na ginamit sa 46,47 2
akda.

5. Naihahayag ang nakikitang mensahe ng


48,49,50 3
alamat

6. Naihahambing ang binasang alamat sa


1,2,3,4,5,6,7 7
isa pang alamat ayon sa mga element nito

7. Nahihinuha ang kaligirang


pangkasaysayan ng binasang alamat sa 8 1
kabisayaan

8. Nagagamit nang maayos ang mga 24,25,26,27,28,29,30


10
pahayag sa paghahambing ,31,32,33

9. Nagagamit nang wasto ang angkop na


34,35,36,37,38,39,40
mga pang-ugnay sa pagbuo ng editorial na 10
,41,42,43
nanghihikayat

Kabuuang bilang ng aytem 8 35 7 50

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
Division of City Schools – City of San Jose del Monte
CITRUS NATIONAL HIGH SCHOOL
RC-11 CITRUS, Sapang Palay City of San Jose del Monte, Bulacan

Talahanayan ng Ispesipikasiyon para sa Filipino 7


Ikalawang Markahan

Taong-Panuruan 2019-2020

Inihanda ni: CATHERINE G. CAGAT


Guro sa Filipino 7

Binigyang- pansin ni: JOEL JONATHAN O. CAMERO


Punong- Guro 1

Ipinasa kay: FRANCO M. GUEVARRA


Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
Division of City Schools – City of San Jose del Monte
CITRUS NATIONAL HIGH SCHOOL
RC-11 CITRUS, Sapang Palay City of San Jose del Monte, Bulacan
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

I. PAGTUKLAS
A. Piliin sa kahon ang mga titik ng tamang sagot para sa bilang 1 hanggang 8.
1. Tinutukoy dito ang panahon at lugar kung saan naganap ang kwento.
2. Ito ay nagbibigay- daan sa nalalapit na pagtatapos ng kwento.
3. Sila ang mga nagbibigay-buhay sa kwento; maaaring mabuti o masama.
4. Ito ang kinahinatnan o resolusyon ng kwento na maaaring masaya o malungkot
5. Dito ipinakikilala ang tauhan at tagpuang iikutan ng kwento.
6. Ito ang pinakainaabangang bahagi ng kwento sapagkat ito ang pinakamataas at pinakamaaksiyong
pangyayari.
7. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang haharapin.
8. Tumutukoy ito sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a. tagpuan b. kasukdulan c. wakas d. tunggalian
e. simula f. tauhan g. kakalasan h. alamat
II. PROSESO
A. Ipaliwanag ang mas mainam na kaisipang nais iparating ng awiting- bayan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
9. Batang munti, batang munti, matulog ka na… (Ili- Ili Tulog Anay)
a. Ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya.
b. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para maging mahusay na mang-aawit
10. Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba (Si Filemon, Si Filemon)
a. Ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba
b. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba
11. Dandansoy, iiwan na kita..babalik ako sa payaw..Kung sakaling ika’y mangulila..sa payaw ikaw ay tumanaw
(Dandansoy)
a. Pinaglalapit ng isang awit ang dalawang magkalayong nagmamahalan
b. Napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang nagmamahalan
12. Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan.. nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan
a. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda
b. Libangan lang ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda
13. Ay, ay kalisud! Kalisud sang binayaan.. adlaw- gab-i firmi guina tangisan..( Ay, Ay Kalisud)
a. Masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig
b. Ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao
B. Kilalanin ang mga salitang nakadiin ang sulat. Isulat ang B kung balbal, K kung kolokyal, L kung
lalawiganin, at P kung pormal.
14. Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan.
15. Uy, si Lola, emote na emote…
16. Hayaan mo na nga siya, Jean. Moment niya ito eh.
17. O sige, kaon na mga bata. Tayo’y magdasal na muna.
18. Wow! Ito ang chibog! Ang daming putahe.
19. Oh, so dami. Sira na naman may diet here.
20. Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa paghahanda.
21. Ipakikilala ko sa inyo ang syota kong Kano.Dumating siya para makilala kayong lahat.
22. Naku! Nag-aamoy- bawang na. Kailan ba ang pag-iisang dibdib?
23. Basta laging tatandaan mga apo, ang pag-aasawa’y hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa
kapag napaso.
C. Tukuyin kung anong antas ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap. Isulat ang L kung lantay, PL kung
pahambing na palamang, PT kung pahambing na patulad, at P kung pasukdol.
24. Ang dalisay na pagmamahal ng magulang ay kailangan ng mga anak.
25. Higit na makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa palikihin sila sa layaw.
26. Magsinghalaga ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.
27. Maraming libangan ang nagtuturo sa maling pagpapahalag sa kabataan.
28. Napakahirap sa parte ng mga magulang ang magkaroon ng mga anak na suwail.
29. Ang mabuting anak ay marunong sumunod sa payo ng magulang.
30. Sa ngayon, mas maraming kabataan na ang nalululong sa paglalaro ng video games kaysa sap ag-aaral nila.
31. Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
32. Ang telebisyon at internet ay parehong masama kapag nasobrahan.
33. Ang labis na pakikipagbarkada ay di gaanong mabuti kumpara sa pakikinig natin sa ating mga magulang.

D. Isulat ang mga salita o mga pahayag na ginamit sa panghihikayat.


34. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang matulungan ang mga kapatid nating katutubo.
35. Tama! Lahat tayo’y pwedeng tumulong kung gugustuhin natin.
36. Tara! Tulong na.
37. Ngayon na! Kung ipagpapabukas pa natin ang pagtulong ay ay baka huli na.
38. Kaya natin ito basta tayo’y sama- sama.
39. Tunay na mahalaga ang ating pagkakaisa para magtagumpay sa ating mga hangarin.
40. Tama ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging sa pinakamalayong lugar.
41. Siguradong ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
42. Naniniwala akong magagamit ng mga katutubo ang anumang matututuhan nila para sa pagbuti ng kanilang
kalagayan.
43. Ito na ang simula ng pagbuti ng kanilang kalagayan.
III. PAG-UNAWA
A. Ibigay ang pinakatamang paghatol o pagmamatuwid kaugnay ng mga ideyang nakapaloob sa awit (mula sa
awiting Lawiswis Kawayan). Isulat ang titik ng tamang sagot.
44. Ipinakita sa awit ang kaugaliang pagpapaalam muna ng isang dalaga sa kanyang ina bago siya sumama o
pumayag sa paanyaya ng kasintahan.
a. Hindi na kailangang magpaalam pa sapagkat mayroon na siyang tamang pag-iisip kung kanino siya
sasama.
b. Dapat na magpaalam pa rin sa magulang dahil ito ay tanda ng respeto sa kanila.
c. Tayo ay nasa bagong henerasyon na kaya ayos lang na huwag nang umayon sa makalumang
kaugalian.
d. Sumama pa rin sa kasintahan kahit hindi pinayagan ng magulang lalo na kung hindi pa ito
mapagkakatiwalaan.
45. Naging mabilis ang paghingi ng tawad ng binata sa kasintahang nasaktan sa kaniyang ginawa o nasabi.
a. Ang kasintahang lalaki ay uto-uto.
b. Humingi ng tawad ang lalaki para lang huwag nang magalit sa kaniya ang kasintahang babae
c. Hindi kailangang humingi ng tawad ang mga lalaki.
d. Isa sa mga katangian ng mga maginoong lalaki ay ang kakayahang humingi ng tawad kung sila’y
nagkamali o nakasakit ng damdamin.
B. Ibigay ang tamang interpretasyon sa mga sumusunod na salita o pahayag:
46. Mapagmahal na ama
a. Mapanakit sa anak
b. Maaruga sa anak
c. Laging sa trabaho ang tutok ng isipan
d. Ibinibigay ang lahat ng luho ng anak
47. Suwail na anak
a. Walang pakialam sa payo ng magulang
b. Nakikinig sa pangaral
c. Ayaw sumunod sa disiplina ng magulang
d. Mas inaatupag ang pagsama sa mga barkada kaysa tulungan ang magulang sa bahay
C. Para sa bilang 48, 49, at 50, isulat ang mga mensaheng nakapaloob sa alamat na kapupulutan ng aral (Isla ng
Pitong Makasalanan).
__Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak.
__Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
__Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang nasa isipan ng ama kahit pa naging suwail ang mga ito sa kanya
__Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa kanilang magulang
__Nagsisi at muling nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak.

You might also like