You are on page 1of 7

TALAHANAYAN NG

ISPESIPIKASYON
FILIPINO 10 KWARTER 2
KOMPETENSI Bilan Bilang Bilang Kaa- Apli Sentesis/ Lokasyon
g ng Bahagdan ng laman kasyon/ Ebalwa ng Aytem
ng Aytem at Pag Analysis syon
Araw unawa 30% 10%
60%

Pagsusuring 3 6% 3 3 1 5 1,2,3
Pampanitikan:
1.Nakauunawa at
nabibigyang kahulugan ang
mga sangay ng panitikan.
(talumpati,maikling
kuwento/ dagli soneto at
haiku) ( F10PB-Iii-j-71) 3 6% 3 3 35,36,37

2. Nagagamit at nasusuri sa
mga pangungusap ang mga
matatalinghagang salita o 2
mga tayutay . (F10WG-IIc-
d-65) 5 12% 6 6 4,5,6,7,8,9

3. Nailalahad ng mga
pangunahing paksa at
ideya batay sa nabasang
akda. 3 6% 3 3 32,33,34
( F10PB-Iii-j-71)

4.Nabibigyang kahulugan ang


mahihirap na salita, kabilang 3 6% 3 3 42, 43, 44
ang mga terminong ginagamit
sa panunuring pampanitikan.
(F10PT-IIf-74)

5. Nabibigyang reaksyon
ang pagiging
makatotohanan/ di 4 7.7% 4 4 28,29,
makatotohanan sa mga 30,31
pagyayari sa kwento.
(F10PB-IIe-76)
5 12% 6 4 22,23,24,
6. Nagagamit at nabibigyan 25,26,27
ng kasingkahulugan ang
matalinghagang pananalita
sa pangungusap.(F10PT-
IIc-d-70)

7. Nasusuri at nagagamit
ang mga salitang
nagpapahayag ng mga mga
pangyayari at
damdamin. (F10WG-IIf-31)

Pagsusuring Panggramatika: 4 8% 4 4 8 18,19,20,


1.Nagagamit ng wasto ang 21
pokus ng pandiwa: tagaganap,
layon,
pinaglaanan at kagamitan sa
pagsulat ng paghahambing. 5 16% 8 10,11,12,
(F10Wg-IIa-b-66) 4 13,14,15
16,17
2. .Nasusuri at nagagamit ang
ingklitik, komplemento ng
pandiwa at pang-abay.sa
pagpapalawak sa pangungusap. 4 8% 4 38,39,40,
( F10WG-IIa-b-67) 41

3.Nagagamit ang angkop at


mabisang pagpapahayag ng
damdamin sa mga 3 6% 3 45, 46, 47
pangungusap. (F10WG-IIf-
69)

4. Nagagamit at nasususri ang


mga pahayag na pagsang-ayon
3 6% 3 48, 49, 50
at
pagtutol na nagbibigay puna
o panunuring pampanitikan
sa mga pangungusap. (F10EP-
IIf-31)

5. Nasusuri at nagagamit ang


kasanayan at kaisahan sa
diwang ipinapahayag ng
bawat
pangungusap.( F10WG-IIg-h-64)
Kabuuan 45 100% 50 30 15 5

Kagawaran ng Edukasyon
SANGAY NG LUNGSOD NG
SURIGAO
DIVISION UNIFIED TEST
IKALAWANG MARKAHANG
PAGSUSULIT sa FILIPINO 10

Pangalan: Baitang/Pangkat: Iskor: Paaralan: Guro: Petsa:

Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang titik na may tamang sagot.

1. Isang sangay ng panitikan na nakasulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Editoryal C. Talambuhay
B. Sanaysay D. Talumpati

2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang
tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang. A. Dagli
C. Kuwentong bayan
B. Komiks D. Maikling kwento

3. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat
taludtod.
A. Alegorya C. Soneto
B. Haiku D. Tanaga

4. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della. Hindi ba
gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?”
A. pagkainis C. pagtataka
B. pagpaalala D. pagtatampo
5. “Hindi ako titigil hangga’t may Brazilian na walang pagkain sa hapag, hanggang may desperadong
pamilya sa lansangan, hangga’t may mahirap na mga bata na pinapabayaan ang kanilang sariling
pamilya.”
Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay .
A. mapagmalasakit C. may determinasyon
B. mapagmahal D. malakas ang loob

6. “Huwag kayong makikilahok sa anumang pagkilos laban sa ating mamamayan, manapa ay makabilang
sa mga kamay na matatag ang buong lipunan. ”
Ano ang nais sabihin ng huling bahagi ng pahayag ang panawagan sa . A. Pagbuo
ng bansa C. pagkakaroon ng matatag na bansa
B. Paglikha ng pagbabago D. paghubog ng bagong mamamayan

7. “Ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay pagsasaayos din ng paggastos ng gobyerno.”


Anong prinsipyo ang nakapaloob sa pangungusap?
A. Ang pera ng bayan, gamitin para sa bayan.
B. Gamitin ng tama ang pondo para sa publiko.
C. Paunlarin ang serbisyo sa bayan ng lumago ang pondo ng gobyerno
D. Ang mahusay na paggastos ng gobyerno kapalit ay maraming serbisyo.

Kailangngang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating bansa.
Nais ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan bagaman ito’y nangangailangan ng
masusing bagamanpag-aaral, Tayong mga mamamayan ay dapat na magsumikap upang
umunlad ang bayan. Libu-libong mamamayan ang nangangailangan ng tulong at kalinga ng
pamahalaan kaya’t hindi natin dapat balisanhi ang namumuno nito. Buksan natin ang ating
isipan sa mga bagay na makabuluhan sa atin.

8. Ang tekstong binasa ay may layuning .


A. manghikayat C. marangal
B. manuligsa D. magbigay ng impormasyon

1
Cont. Filiipino 10 – Ikalawang Markahan
9. “Tayong mga mamamayan ay dapat magsumikap upang umunlad ang bayan.” Ibig ipahiwatig ng
pahayag ay .
A. Nakadepende ang kinabukasan ng bayan sa kanyang pamahalaan.
B. Kailangan tumulong ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran.
C. Dapat magkaisa ang namumuno at ang pinamumunuan upang umunlad ang bayan. D. Kailangan
hindi mag-isip, kumilos at makisangkot ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan.
10. Tinutulan ng karamihan ang kanyang mga mungkahi sapagkat marami raw ang salaping
kakailanganin. Anong ingklitik ang dapat ilagay sa patlang?
A. daw C. raw
B. din D. rin
11. Si Dilma Rousseff ang pangulo ng Brazil? Anong ingklitik ang dapat isulat sa patlang? A.
ba C. naman
B. kasi D. sana
12. Umalis sila ay panatag ang kanyang kalooban. Anong ingklitik ang dapat isulat sa patlang? A.
din C. man
B. kaya D. tuloy
13. Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis, kape para sa mga matatanda at gatas
naman para sa mga bata. Anong komplemento/pokus kaganapan ng pandiwa ang mga
salitang nakasalungguhit?
A. Direksyunal C. Tagaganap
B. Kagamitan D. Tagatanggap
14. Pinaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga panukat.
Anong komplemento/pokus ng pandiwa ang salitang nakasalungguhit?
A. Ganapan C. Layon
B. Kagamitan D. Tagatanggap
15. Sa pangungusap na ito, “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok. ”Anong pokus
ng pandiwa ang salitang may salungguhit?
A. Direksiyonal C. Layon
B. Ganapan D. Pinaglaanan
16. (Langoy) naming ang malinis na batis sa kanluran. Anong pandiwa ang dapat gamitin upang
mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus ganapan?
A, Kalalangoy C. Nilanguyan
B. Nilangoy D. Pinaglanguyan
17. Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa
sa pangungusap ay
A. Direksyunal C. Sanhi
B. Layon D. Tagaganap
18. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?
A. Naghanda si Thor ng masaganang hapunan.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
19. Sa pangungusap na, “Ipinapanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere
at El Filibusterismo, ‘ano ang pokus ng pandiwang ipinanggising?
A. Pilipino C. El Filibusterismo
B. Rizal D. Noli Me Tangere
20. Nakita ko ang hinahanap mo sa likod ng kabinet. Anong uri ng pang-abay ang salitang
nakasalungguhit.
A. Pang-abay na Kundisyunal C.Pang-abay na Pananggi
B. Pang-abay na Pamaraan D. Pang-abay na Panlunan

2
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating,
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay,


ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Ang Aking Pag-ibig

Para sa bilang 21-22.

21. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi, taglay ng persona sa tula?


A. mapagkumbaba C. mapagtiis
B. mapagmalasakit D. msayahin
22. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa
pamamagitan ng .
A. Pagpapahiwatig ng nararamdaman.
B. Paghahambing nito sa iba’t ibang bagay.
C. Pagsasalarawan ng tunay na pagmamahal.
D. Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila.
Para sa bilang 23-25

Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa na ito
nila Rizal at Bonifacio, ng mga katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat
silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa
kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo
ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isangdaan at labinlimang taon na nating
ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.
Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan, mulat ang
pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kaya naman naninindigan tayo
para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang bayaning nagbuwis
nang buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling bandila na kapantay ng lahi.
- Pang. Benigno C. Aquino III, Pagdiriwang ng Anibersaryo ng Araw ng Kalyaan

23. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang .


A. Pagtuligsa sa mga mananakop.
B. Pagbibigay-pugay sa mga bayani.
C. Paghikayat sa madlang magkaisa
D. Pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan.
24. Sinabi ng pangulo sa ikalawang talata na .
A. Pahalagahan ang ating kalayaan.
B. Magbuwis ng buhay para sa kalayaan.
C.Tungkulin ng estado na pangalagaan ang kalyaan.
D.Manindigan sa mga karapatan bilang bansang Malaya.

25. Layunin ng talumpating nabasa na bigyan ng pagpapahalaga ang / ang mga . A.


bandila C. bayani
B. bansa D. kalayaan

26. “Pagkat hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan. Pagkat ikaw o ina ko, ika’y wala pang
kapantay.” Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng .
A. kabaitan ng anak sa ina C. pagsisisi ng anak sa ina
B. pagkaawa ng anak sa ina D. pagmamahal ng anak sa ina
3
Para sa bilang 27-30
Bahala na! Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong wala nang magawa o
mapagpipilian sa isang pangyayari. May maganda at di magandang naidudulot ang ugaling ito. Isa sa
hindi magandang idinudulot nito ay ang pagiging palaasa ng isang tao kaya madalas ay ipinapapasa
Diyos na lamang niya ang mga pangyayari sa kaniyang buhay.
Samantala, ang magndang idinudulot nito ay hindi nagiging aburido ang isang tao na may
matinding problema sa buhay. Isa itong matapang na pagharap sa katotohanan. Sa isang banda ang
hindi mahusay na pagpapasya ay nangingibabaw dahil sa masamang ugali.
-Hango mula sa Manwal ng GUro ( Wika at Panitikan IV)

27. Batay sa binasang teksto, ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na “Bahala
na?” A. alaswerte C. kawalan ng pag-asa
B. lakas ng loob D. walang tiyak na patutunguhan
28. Ano ang masamang naidudulot ang ugaling nakapaloob sa teksto?
A. Matapang na tao.
B. Pananalig sa Diyos
C. Pagiging palaasa sa ibang tao.
D. Pagkilos agad sa harap ng mga pagsubok.

29. Ang salawikaing angkop iugnay sa ugaling ipapasa-Diyos ng tao ang kanyang mga problema ay . A.
Mahal ng Panginoon.
B. Diyos ang nakakaalam ng lahat.
C. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon.
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
30. Sa pahayag na, “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang
dumarating.” Tinutukoy dito na ang matanda ay may isipang .
A. alipin C. negatibo
B. kolonyal D. positibo
Para sa bilang 31-33
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobela.
Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ipinapakita nito sa mga
mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkakasulat,
wala kang magagagwa kundi harapin at tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo-libong Julio at Ligayang ipinapadpad
ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay sa probinsiya patungo sa
buhay na hindi nila akalain na mas mahirap pa.
Mula sa suring basa ng Sa Mga Kuko ng Liwanag

31. Ano ang layunin ng panunuring pampanitikan batay sa bahaging nabasa?


A. Mabigyan ng puna ang kabuuan ng akda.
B. Mailahad ang mga kainaman o kahinaan ng akda.
C. Mabigyan ng pokus ang mga elemento na ginamit sa akda.
D. Makita ang kaanyuang nilikha ng may-akda sa kanyang obra.
32. Batay sa binasang akda, ano ang nais ipahiwatig nito sa mga mambabasa?
A. Makuntento kung anong meron ka ngayon.
B. Ipasa Diyos na lang ang iyong mga suliranin.
C. Kailangan umasa ka na lang sa iba para sa ikabubuhay mo.
D. Huwag maging masyadong maambisyon na hindi nalalaman ang kahihinatnan nito.
33. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit sa pagpapakilala ng pahayag na nagbibigay ng
opinyon o reaksyon mula sa suring- basa?
A. bagkus C. tunay na
B. subalit D. sa makatotohanan
34. “Ang mga mata niya ay tila nagniningning sa tuwa. ”Nasa anong uri ng tayutay ang
pahayag? A. pagtutulad o simile C. pagtatao o personipikasyon
B. pagwawangis o metapora D. pagmamalabis o hyperbole

4
35. “Sa kagubatan ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.” Anong uri ng tayutay ang
pahayag? A. pagtutulad o simile C. pagtatao o personipikasyon B. pagwawangis o metapora D.
pagmamalabis o hyperbole
36. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista dahil bumabaha ang kanilang mga
alindog. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag?
A. pagtutulad o simile C. pagtatao o personipikasyon B. pagwawangis o
metapora D. pagmamalabis o hyperbole
Para sa bilang 37-40
Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. Maaaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na
ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso at may
kakayahan at malakas at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob
loob niya. Suguro mas armado lang ako.

37. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “ Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya
magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na .
A. Dapat magpatalo ang tao sa hamon ng buhay.
B. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. Nilikha tayo upang lumaban at hindi para masaktan lamang.
D. May pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong hahahrapin ng tao.
38. Batay sa tekstong binasa, anong katangian ng pangunahing tauhan ang nakikita sa naturang
pahayag?
A. mabait C. maalalahanin
B. mabuti D. mapagpahalaga
39. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “Nilinlang si Thor ng Hari ng mga higante upang hindi sila
mapasakop sa kapangyarihan nito.”
A. Matalino man ang matsing napaglalamangan din.
B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiran sa masamang paraan.
40. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan
na .
A. Siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos.
B. Sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong.
C. Sa Diyos pa rin siya kumukuha ng lakas.
D. Kinikilala niya ang kapangyarihan ng Diyos.

Para sa bilang 41-43


Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito.
Napatayo si Skrymir, kinamot ang kanyang pisngi at nagwika kung may mga ibon ba sa taas ng
mga puno. Nang siya ay nagising tila may mga nahulog na dahon sa kanyang ulo. “ Gising ka na
ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ng
Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kwentang higante. Kung
makakarating kay Utgaro, makikita ninyo ang malaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting
payo. Huwag kayong magpakita ng pagmamataas kay Utgaro, Loki. “sabi pa nito.

41. Ang pagtatanong ni Skymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi
niya .
A. nalalaman ang sikreto ni Thor
B. alam niya na tinaga siya ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon
D. alam niya na naunang nagising si Thor.

42. Ang pagbibigay ng payo ng Higante kay Thor ay nangangahulugan ng . A.


pagmamahal C. pagmamalasakit
B. pagpapaalala D. pagtanaw ng utang na loob 5
43. Nilinlang ni Utrago –Loki si Thor upang hindi .
A. sila magapi at masakop
B. na makabalik sa pinagmulan
C. manaig ang kapangyarihan nito
D. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas
44. Ano ang kahinaang ipinakita ni Thor sa kwento na hindi dapat pamarisan?
A. iresponsable C. mapagmalaki
B. malupit D. matapang

45. mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula.


Anong pahayag na pagsang-ayon ang dapat gamitin sa pangungusap?
A. Ewan C. Kasi
B. Hindi D. Talaga
46. Totoo naman ang sinabi niya, nagpapakita pa rin ng kahusayan ang ibang dalagang Pilipina sa
pagganap sa entablado. Anong uri ng pahayag ng hindi pagsang-ayon na dapat gamitin sa
pangungusap?
A. dapat C. subalit
B. ewan D. talaga
47. Napanganga ang mundo sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan dahil napakahusay nila umarte.
Anong uri ng salitang pagsang-ayon ang dapat gamitin sa pangungusap? A. hindi C. pero
B. kawangis D. sadyang
48. ni Romeo ang matamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet. Ano ang angkop na pandiwa ang
ilagay sa patlang?
A. Ginawaran C. Ipinang-akit
B. Inalayan D. Tumanggap
49. ni Tybalt kay Romeo ang banta ng kamatayan ang kapalit ng pag-ibig sa prinsesa. Ang
angkop na pandiwa ilagay sa patlang na nagpapahayag ng damdamin ay . A. Ginawaran
C. Ipinang-akit
B. Ipinagbili D. ipinantakot
50. ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan. A.
Ginawaran C. Ipinatakot
B. Ipinagbili D. Tumanggap

6
DIVISION UNIFIED TEST
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa FILIPINO 10

SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 11. A 21. D 31. A 41. A 2. D 12. C 22. C 32. A 42. B 3. C 13. D 23. B 33. B 43. A 4. B 14.
B 24. C 34. A 44. C 5. A 15. B 25. C 35. C 45. D 6. C 16. B 26. D 36. D 46. C 7. D 17. D 27. D
37. D 47. D 8. A 18. D 28. C 38. D 48. C 9. C 19. B 29. D 39. D 49. D 10. A 20. D 30. C 40. A
50. D

You might also like