Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region IVB - MIMAROPA
School Division of Romblon
Concepcion District
CALABASAHAN ELEMENTARY SCHOOL
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa FILIPNO 6
Table of Specification
Prepared by:
Noted
JEREME F. MANITO
School Principal
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 6
I. Panuto: Makinig nang Mabuti sa tekstong babasahin ng guro.Isulat sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
1._____ 2. _____ 3. ____ 4. ____ 5. ____ 6. ____ 7. ____ 8. ____ 9. ____ 10. _____
Punan ng angkop na pang-uri ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat
pangungusap.
a. Mayaman c. matiyaga
b. Maganda d. malinis
12. _________ na ang mga alagang manok ni Mang Tonyo, kaya maaari na itong
ipagbili sa palengke.
a. Maliit-liit c. Mapapayat
b. Malaki-laki D. Mapupula
13. Upang walang masayang na pagkain, nagluluto lamang sila nang __________
para sa kanila.
a. sapat c. kulang
b. kaunti d. sobra-sobra
26. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na
gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa
mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Daisy sa bata kaya
binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan ng pagbibigay niya ng pagkain
sa bata.
a. Pumusta sina Daisy sa palaruan
b. Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
c. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
d. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom
Ano-ano ang mga protective measures o mga pamamaraan ng pag-iwas sa sakit na dulot ng
coronavirus?
27._______________________________________________________________________________
28._______________________________________________________________________________
29._______________________________________________________________________________
30. ______________________________________________________________________________
31-34. Ipahayag ang iyong sariling ideya sa sumusunod na paksa. Salungguhitan ang mga pang-
uri at pang-abay na iyong ginamit.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
38-40. Bigyan ng sariling wakas ang kuwento.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
41-45. Ibigay ang iyong dating kaalaman, natuklasan o natutuhan, at ang nabago sa dating
mong kaalaman batay sa sumusunod na talata.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
46-50. Sumulat ng pormal na liham sa pangangalakal (coupon bond)
Key to correction:
1. A
2. B
3. D
4. D
5. D
6. C
7. D
8. A
9. D
10. A
11. A
12. B
13. A
14. A
15. A
16. C
17. B
18. D
19. B
20. A
21. A
22. D
23. D
24. D
25. C
26. C
27. – 50. Teacher’s Perspective ( Answers may vary)
Panuto: Makinig sa tekstong babasahin ng guro at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Isang nagmamadaling umaga nanaman para sa akin dahil lunes ngayon at higt sa lahat, may flag ceremony
kaya hindi ako pwedeng mahuli. Ngunit pagdating ko sa aming paaralan ay nag-uumpisa na ito at kumpulan
na ang mga mag-aaral sa labas dahil hindi rin sila nakapasok gaya ko. Pati nga ang ilan sa mga officer ng
SSG. Pero may naging apila naman kami dito dahil napaka-aga nilang nagsimula kaysa sa oras na napag-
usapan kaya naman humingi na lamang ng paumanhin ang kanilang pangulo na si Ate Claudette.
Pag-akyat naman namin sa aming silid ay sarado na ang pintuan ngunit di nagtagal ay pinapasok din kami
dahil nga sa nasabing dahilan. Sa bawat asignatura ay wala kaming ginawa kung di ang mag-balik aral dahil
sa darating na huwebes na nga ang aming markahang pagsusulit.
Sa aming asignaturang Filpino naman ay pahapyaw kaming nagbalik aral at tinalakay na rin namin ang
tungkol sa aming proyekto na blog. At doon na nga nagtapos ang aming klase sa asignaturang ito. Hanggang
sa pagtatapos ng klase ay masayang-masaya ako dahil muli ko nanamang nakasama ang aking mga kaibigan.
Nang makauwi na ako ay wala ang aking ina sapagkat ito ay umalis at nagtungo sa opisina na pinapasukan
ng aking ama. Habang naiwan naman sa aking pangangalaga ang aking mga nakababatang kapatid kaya
hindi ko na nagawang mag-update pa ng aking blog.
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang
binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito
sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na
nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang
edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics,
Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito,
at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na
maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan,
damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang
pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga
sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay
na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga
layunin nito.
Ang Inapi
Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa kanyang tiyahin sa Metro Manila.
Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing
bahay: paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke at kung anu-
ano pa.
Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito mula nang pumisan sa
kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn, gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-
kili at likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang naglalaba. Ang tatlong lalaki naman,
maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona
ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa
harapan ng nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang
ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at pasigaw na “O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!
Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat pa mandin ng mga
pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga ito. Si Rona ay hindi itinuring na kamag-
anak. Kapag may mga dumadalaw na kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.
Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong mahaba naman
ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay
tinapang isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging itinitira sa
kanya ng tiyahin.
Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin ay hindi niya
inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig High School. Lagi
niyang nilalakad pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo. Wala siyang pocket-money,
walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang
maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog na
lang siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.
Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng high school ay kinuha siya ng
kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-aaral si Rona, naging academic scholar at nagtapos ng
edukasyon nang may karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos niya at
naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang abogado.
Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa na siyang milyonarya at maligaya
sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na kabiyak.
Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang
mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi
umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.