You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ____
School Division of ________
Libmanan North District
____________ ELEMENTARY SCHOOL
LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
COMPETENCIES NO. PERCENT NO. OF ITEM
OF AGE ITEM PLACEMENT
DAYS
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang
2 5% 2 1,2
pabula, kuwento, at tekstong pang-inpormasyon at usapan
2. Nasasagot ang tanong na bakit at paano 2 5% 2 3,4
3. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-
2 5% 2 7,8
usap sa ibat-ibang sitwasyon.
4. Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan sa
2 5% 2 5,6
napakinggang pabula
5. Nabibigyang kahulugan ang sawikain 2 5% 2 9,10
6. Napagsu-sunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
3 7.5% 2 11,12
nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong.
7. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago,
3 7.5% 2 13,14
habang at matapos ang pagbasa.
8. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa ibat-ibang sitwasyon 3 7.5% 2 15-16
9. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, paari, pananong,
3 75% 2 17-18
pamatlig, pamaklaw sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon
10. Nasusuri ang mga kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan/ at
3 7.5% 2 19,20
pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na maikling pelikula
11. Nakapagbibigay ng sarili at maaaring solusyon sa isang suliraning
3 7.5% 3 27-29
naobserbahan sa paligid
12. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang/napakinggang
3 7.5% 3 24,25, 26
talata
13. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang
3 7.5% 3 30-32
balita, isyu o usapan
14. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik 3 7.5% 3 21,22, 23
15. Nakasusulat ng kuwento;talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay 3 7.5% 3 33-35
TOTAL 40 100% 35
Table of Specification

Prepared by:

Reviewed by:

Teacher Chairman
School Evaluation Monitoring Team

Noted:

School Principal
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
1st Grading Period

Pangalan:_______________________________________________________________ Score:__________

1-6. Panuto: Makinig nang maayos sa kuwentong babasahin ng guro at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod
na tanong.
1. Anong uri ng panahon nang magkita kita ang magkakaibigan sa tabing sapa?
a. Isang maulang umaga
b. Isang umagang maganda ang panahon
c. Isang mahangin at maulan na umaga
d. Isang maulan na hapon
2. Paano nakasama si Pagong Daldal kina Abuhing Gansa at Puting Gansa?
a. Sumakay si Pagong Daldal sa likod ni Abuhing Gansa
b. Naglakad si Pagong Daldal patungo sa kabilang ilog
c. Lumangoy si Pagong Daldal sa ilog.
d. Kumagat si Pagong Daldal sa isang patpat
3. Bakit hindi nasunod ni Pagong Daldal ang ipinangako niya sa dalawang Gansa?
a. Naaliw si Pagong Daldal sa kanyang nakita sa paligid kung kaya’t hindi niya napigilang magsalita
b. Nag away ang magkapatid na gansa kaya natakot c Pagong Daldal.
c. Nagalit si Pagong Daldal sa sinabi ng mga bata at hindi niya naiwasang magsalita
d. Nagbago ang isip ni Pagong at hindi na sumama sa magkapatid na gansa.
4. Paano nagwakas ang kuwento?
a. Masayang nakarating si Pagong Daldal sa kabilang ilog.
b. Ibinaba ng dalawang gansa si Pagong at hinayaan itong umalis
c. Bumagsak si Pagong sa lupa
d. Nahulog si Pagong sa ilog
5. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na pahayag: ““Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad! Ha! Ha!
Ha! Ha! Ha! Ha!”
a. Naawa ang mga bata sa Pagong
b. Masaya ang mga bata nang makita ang pagong na lumilipad
c. Tinukso ng mga bata si PAgong Daldal
d. Humanga ang mga bata kay Pagong dahil ito ay lumilipad
6. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na pahayag: “Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang
ilog”
a. Pakikiusap
b. Pagmamayabang
c. Nagbibigay ng utos
d. Nagpapaliwanag

Panuto: Biligan ang titik ng tamang sagot.

7. Maniniwala lamang ako kapag nakita ___ na talaga ito.


a. Ako
b. Ko
c. Siya
d. Mo
8. Halika na. Pumunta tayo sa kabilang baryo. Manonood _____ ng basketball tournament doon.
a. Tayo
b. Sila
c. Kami
d. Ako
9. Walang ibang magawa ang kapitbahay naming makati ang dila kaya maraming hindi naniniwala sa kanya.
a. Nakagat ang dila
b. Tsismoso o tsismosa
c. May singaw
d. May sakit ang dila
10. Ilang beses na siyang pinagsabihan ng kanyang amo ngunit di pa rin siya nagbago. Palibhasa siya ay balat
kalabaw.
a. Mahina ang pakiramdam
b. Matigas ang balat
c. Walang hiya
d. Nasisiyahan
Panuto:Basahin at unawain ang maikling talata at sagutin ang mga sumusunod ng mga pangyayari

Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pagdating ng Bagyo


Unang-una ay subaybayan sa radio o telebisyon ang mahahalagang balita sa pagsama ng panahon. Pangalawa
ay mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong- lalo na iyong mga de lata upang hindi magutom. Pagkatapos
ay mag-imbak din ngposporo, kandila, flashlight, at baterya na maaaring magamit kung kinakailanagn.
Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na sakuna.
At panghuli, kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng panahon.
11. Sa Paghahanda sa pagdating ng bagyo ano-ano ang mga dapat gawin?
Una: _____________________________________________________________
Pangalawa: ______________________________________________________
Pangatlo:_________________________________________________________
Pang-apat: _______________________________________________________
Panglima: ________________________________________________________
12. Ano- ano ang mga ginamit na salitang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa binasang talata?
a.Una: _______
b.Pangalawa: _______
c.Pangatlo: _______
d. Pang-apat: _______
e. Panlima: ________
13. Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang ang panganay. Palaging
malungkot ang kanilang Itay. Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa ito. Ano ang mahihinuha mong
nararamdaman ng magkakapatid sa kanilang ama?
a. Natutuwa ang magkakapatid
b. Magtatampo at sasama ang loob ng magkakapatid
c. Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan
d. Naisipan nila na umalis na lang ng kanilang bahay.
14. Bagong lipat sina Mildred sa Maynila. Dala nila ang kaunting naiipong pera. Nagsimula sila sa pagtitinda
ng pagkain sa harapan ng kanilang bahay. Dumarami ang bumibili nito araw- araw. Ano ang mahihinuha
mo sa pangyayaring ito?
a. Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda
b. Masama ang ugali ng nagtitinda.
c. Nagustuhan ng bumibili ang kanilang pagkain.
d. Kailangan na nilang bumalik sa probinsya.

15-16. Bilugan ang titik ng mga pangungusap na nagpapakita ng magalang na pananalita.Pumili ng dalawa.

A. Hindi ko po sinasadya na mahulog ang plorera sa ibabaw ng mesa.


B. Panawagan ng pamahalaan kung maaari po bang itigil na ang pagtapon ng mga basura sa ilog.
C. Magandang umaga po! Sino po sila?
D. Talagang sumasang-ayon po ako sa ipinapatupad na lockdown sa bansa upang hindi na kumalat pa ang corona
virus.
E. Maraming salamat po sa ibinigay na oras sa amin upang makapaghatid ng butil ng kaalaman tungkol sa
COVID-19.

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin ang angkop na panghalip.

17.________________ hindi kita pababayaan lalong lalo na ng ay on g panahon ng krisis.

a. Kailanman
b. Anuman
c. Saan man
d. Sino man

18. Handang magtiis ang mga magulang ______ sa aming nayon para lang mabuhay ang
kanilang mga anak.

a. dito
b. doo
c. sa
d. namin

19. Tinuturuan ng teleseryeng “One Hundred Days to Heaven” ang manonood na gumawa
ng kabutihan habang nabubuhay pa upang hindi maging huli ang lahat. Anong
sangkap o elemento ito ng pelikula?
a. Tema
b. Layunin
c. Kaisipan
d. Tagpuan

20. Sa isang masukal na bundok nagkaroon ng ingkuwentro sa pagitan ng grupo ng Pulang


Araw at mga sundalo. (Ang Probinsyano)
a. Layunin
b. Kaisipan
c. Tauhan
d. Tagpuan
21. Ang aklat na ito ay nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto
ng kawilihan, mga pangyayari sa ibang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika, at iba pa.
a. Almanac
b. Atlas
c. Diksyunaryo
d. Ensayklopedia
22. Ito ay pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling at pagpapantig ng salita: bahagi
ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng salita; at nakaayos ito nang
paalpabeto.
a. Atlas
b. Diksyunaryo
c. Ensayklopedia
d. Almanac

23. isang aklat na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa. Makikita
rin dito ang mga artikulo tungkol sa mga katotohanan sa isang bagay, tao, pook, o
pangyayari.
a. Almanac
b. Diksyunaryo
c. Atlas
d. Ensayklopedia

24. Ano ang angkop na pamagat ng talata na nasa loob ng kahon?


Matalino at masipag mag-aral si Chine. Lahat ng mga gawain sa paaralan ay kaniyang ginagawa
nang buong husay. Tuwing may takdang- aralin ang kanilang
guro hindi siya natutulog hanggat hindi niya ito natatapos. Ang mga proyektong ipinapagawa sa
kanila ay mabilis niyang ginagawa. Kinagigiliwan siya ng kaniyang
mga magulang dahil sa kaniyang kasipagan pati ang kaniyang mga guro at mga kaklase ay
nasisiyahan sa angkin niyang ugali at talino.

a. Si Chine
b. Ang Batang Kinagigiliwan
c. Ang Gawainsa Paaralan
d. Ang Batang Matalino
25. Ano ang angkop na pamagat ng talata na nasa loob ng kahon?
Takot ang mga taong lumabas ng bahay. Kung napipilitan namang lumabas ay nakasuot ng face
mask at may baong alcohol o sanitizer. Ang lahat ay tuliro sa tuwing lalabas sa takot na mahawa ng
sakit na COVID-19. Kahit ang pagbili ng mga pangangailangan sa tahanan ay naging mahirap din sa
bawat isa. Ang pagsisimba ay di na rin magawa ng mga tao. Maging ang pagpupulong ay hindi na
pinayagan dahil sa takot na magkahawaan sakaling may mag positibo.
a. Ang Resulta ng Covid
b. Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan ang Covid
c. Pangambang Dulot ng Covid
d. Ano ang Covid?
26. Ano ang angkop na pamagat ng talata na nasa loob ng kahon?
Marumi ang paligid ng bahay nina Hilda. Masangsang din ang amoy na nanggagaling sa mga
basurang nagkalat. Marami na rin ang nagkakasakit sa kanila dahil sa kapabayaan ng kanyang
pamilya. Kalat dito kalat doon na hindi pinapansin ang masamang epekto nito sa katawan at
kalusugan ng tao.
a. Dulot ng Walang Pagpapahalaga sa Kalinisan
b. Ang Kapaligiran
c. Ang Epekto ng Pulusyon
d. Pangangalaga sa Kapaligiran

27-29 ( 3 Puntos ) Ipaliwanag.


Ano ang maaaring idulot kung wala nang magtatanim ng mga punongkahoy at
patuloy na itatayo ang mga gusali sa isang lugar?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
30-32 ( 3 Puntos ) Ipaliwanag.
Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong maiambag para maiwasan
ang pagkalat ng basura?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
33-35 (3 Puntos) Ipaliwanag

Sumulat ng maikling talatan nagsasalaysay tungkol sa larawan sa ibaba.

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Prepared by:

Reviewed by:

Teacher Chairman
School Evaluation Monitoring Team
Noted:

School Principal

Para sa bilang 5-6.

Ang Madaldal na Pagong

Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita sa tabing-sapa ang magkakaibigan. Sila ay si Pagong Daldal,
si Abuhing Gansa at si Puting Gansa. Nagkuwentuhan sila at ‘di nagtagal ay nagpaalam ang magkapatid na gansa.

“Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”, pakiusap ni Pagong Daldal.

“E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka makakalipad?” wika ni Abuhing Gansa.

“Oo nga ano”, wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.

“Teka, may naisip ako”, wika ni Puting Gansa. “Maisasama ka namin kung susunod ka sa aking sasabihin.”

“Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”, wika ni Pagong Daldal.

“Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo
lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo. Huwag na huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at
lalagpak sa lupa.

O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong”, wika ni Puting Gansa.

“Tandaan mo, huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag nakabitaw ka, tiyak na lalagpak ka sa lupa.”

“Hindi ako magsasalita”, pangakong muli ni Pagong Daldal.

Kinagat ni Abuhing Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagat naman ni Puting Gansa. At sila
ay lumipad na. Tuwang tuwa si Pagong Daldal nang nasa ibabaw na sila ng mga punongkahoy! Waring nakaakyat
sa langit ang pakiramdam ni Pagong Daldal.

Nakita ng mga batang nagsisipaglaro sa parang ang lumilipad na pagong. Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nila
ang pagong na kagat kagat ang patpat!

“Tingnan ninyo ang Pagong Daldal! Lumilipad! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Nagalit si Pagong Daldal. “Mga batang_______” Hindi natapos ang iba pang sasabihin ni Pagong Daldal. Tuloy
tuloy siyang bumagsak sa lupa. “Kaawa awang Pagong!” nawika na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa.

Key to correction:

1. B
2. D
3. C
4. C
5. C
6. A
7. B
8. A
9. B
10. C
11. Una: Subaybayan sa radio o telebisyon ang mahahalagang balita sa pagsama ng panahon
Pangalawa: Mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong- lalo na iyong mga de lata upang hindi magutom
______________________________________________________
Pangatlo: Mag-imbak din ngposporo, kandila, flashlight, at baterya na maaaring magamit kung kinakailanagn.
Pang-apat: Manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na sakuna
Panglima: Kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago ng panahon.
12. a.Una:Unang-una
b.Pangalawa:Pangalawa
c.Pangatlo: Pagkatapos
d. Pang-apat: Pinakamahalaga sa lahat
e. Panlima: Panghuli
13. b
14. c
15. a/c/d or e
16. a/c/d or e
17. a
18. a
19. a
20. d
21. a
22. b
23. d
24. b
25. c
26. a.
27. – 35. Essay ( answers may vary)

You might also like