You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon

Talaan ng Ispesipikasyon sa FILIPINO V


Ikalawang Markahang Pagsusulit
S.Y. 2023-2024

Kinalalagy
Bahagdan
MGA KASANAYAN

Bilang ng

Bilang ng
Aytem

Aytem
an ng
Araw
Nakasusunod sa hakbang ng isang gawain 2 5% 3 1,2,3
Nagagamit ng wasto ang pandiwa ayon sa panahunan 4,5,6,7,8,
5 12.5% 6
sa pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pangyayari. 9
Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at pagsasalita. 2 5% 2 10,11
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong
2 5% 3 12,13,14
nabasa.
Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano 2 5% 2 15,16
Naibibigay ang paksa mula sa binasang teksto 2 5% 3 17,18,19
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di 20,21,22,
3 3.5% 4
pamilyar sa pamamagitan ng kayarian nito 23
Nasasabi ang sanhi at bunga ng pangyayari 2 5% 2 24,25
Nabibigyang-kahulugan ang mga tambalang salita 2 5% 3 26,27.28
Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang 29,30
2 5% 2
dating karanasan/ kaalaman.
Nasasagot ang mga literal na tanong sa nabasang 31,32
teksto. 2 5% 2

Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng 33,34,35,


5 12.5% 6
pamayanang kinabibilanagan 36,37,38
Nabibigyan kahulugan ang bar graph 2 5% 3 39,40,41
Nabibigyang-kahulugan ang mapa 2 5% 3 42,43,44
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa 45,46,47
pagtatanggi 2 5% 3
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa 3 3.5% 3 48,49,50
pagsasaliksik tungkol sa isang paksa
Total 40 100% 50

Inihanda ni:
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino V
S.Y. 2023-2024

Pangalan:____________________________________________ Iskor: ______________


Baitang at Pangkat:_____________________________ Petsa:__________________

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga
ito ng mahusay. Isulat ang titik ng tamang sagot o ibigay ang hinihinging
kasagutan

1-3: Gumawa ng isang parisukat. Sa loob nito, gumuhit ng puso. Isulat ang
pangalan ng iyong nanay sa loob ng puso.
4-9: Isulat ang titik ng wastong pandiwa na angkop sa bawat pangungusap
4. __________ng bagong trabaho si tatay noong isang araw
A. Nakita B. Nakakita C. Nakakakita D. Makakakita
5. Ako ay nautusang __________ ng mga halaman sa hardin mamayang
hapon.
A. nagdilig B. magdidilig C. pinagdidilig D. didiligan
6. Araw-araw, __________ ako ng aking kaibigan.
A. tumawag B. tinawagan C. tatawagan D. tinatawagan
7. Kami ay masayang _______________ sa probinsya noong nakaraang linggo.
A. namasyal B. mamasyal C. papasyal D. namamasyal
8. __________ si Ezra ng gulay sa hardin tuwing Sabado.
A. Namitas B. Namimitas C. Pinitas D. Pipitasin
9. __________kami mamaya bago dumating ang mga bisita ni nanay.
A. Naglinis B. Naglilinis C. Maglilinis D. Lilinisin
10.Dali-daling nilapitan ni Nilo ang batang nakadapa at pinatayo nito at
sinabing, Nasaktan ka ba?. Anong klaseng bata si Jonnie?
A. masipag B. malusog C. marunong D. maalalahanin
11. Pinipili ni Nanay ang mga palabas sa telebisyon na may mabubuting
kahulugan para sa kanyang mga anak. Si nanay ay __________,
A. mahusay B. maingat C. masikap D. tahimik
12-14. Basahin ang maikling sanaysay sa ibaba at pagsunud-sunurin ang
mga pangyayari ayon sa pagkasunod –sunod nito. Lagyan ng bilang na
1,2,at 3 ang patlang bago ang pangyayari

Sabado ng umaga, maagang nagising si Romy kahit na siya ay walang


pasok.Pumunta siya sa likod ng kanilang bahay at nakita niya ang isang
nakatiwangwang na lupa. Naisipan niya itong pakinabangan sa
pamamagitan ng pagtatanim ng halamang gulay.
Binungkal niya ang lupa, inalis ang damo at iba pang bagay na hindi
kakailanganin ng kanyang halamang itatanim.Kumuha siya ng mga buto
ng upo at sitaw at mahusay na itananim ang mga ito at saka diniligan.
Araw-araw niya itong binibisita at inaalagaan.Inaalis niya angmga damong
ligaw, pinupuksa ang mga peste, nilalagyan ng organikong pataba at
dinidiligan.
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
Pagkatapos ng ilang buwan, napansin niyang namumunga na ang
mga ito. Masayang-masaya siya sapagkat napakinabangan niya ang
kanyang pinagpaguran.Nakakatikim na siya at ng kanyang pamilya ng
masustansiyang pagkain at libre pa.
12. ________ Pagkalipas ng ilang buwan, namunga ang mga halamang gulay.
13.________ Nakita ni Romy ang nakatiwangwang na lupa at naisipan
niyang tamnan ito.
14. ________ Masayang-masaya si Romy ng mamunga na ang kaniyang mga
pananim.
15. Ayon sa kuwento, bakit naging masaya si Romy sa bandang huli?
A. Sapagkat tumubo na ang kanyang halaman.
B. Dahil marami siyang napagbentahan ng gulay.
C. Sapagkat namunga na ang kanyang mga halaman.
D. Dahil gumanda na ang paligid ng kanilang bahay
16. Paano inalagaan ni Romy ang kanyang mga halaman?
A. Dinidiligan niya ito sa araw ng Sabado at LInggo.
B. Binibisita niya ito upang Makita kung namunga na.
C. Araw-araw niya itong binibisita, dindiligan, binubutan ng damo,
nilalagyan ng pataba at pinupuksa ang mga peste.
17.Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. Siya ang nag-aaruga at nag-
aalaga mula pagsilang hanggang sa ating paglaki. Malaki ang nagiging
kaugnayan niya sa atin. Siya anghumuhubog sa ating pagkatao upang
lumaki na isang mabuting bata. Sinisikap ibigay ang lahat ng ating
panngangailangan. Pinag-aral niya tayo upang maging maganda ang ating
kinabukasan.Bilang ganti naman dapat nating suklian na kabutihan at
pagmamahal, pagsunod sa kanyang utos, maging mabuting anak sa ating
paglaki para siya ay maging masaya. Sa kanyang pagtanda tayo naman
sana ang maging gabay na kalinga niya.Ano ang paksa ng talata?
A. Ang Mabuting Bata C. Ang Utos ni Inay
B. Ang Ilaw ng Tahanan D. Ang Aking Pag-aaral
18. Sa kabila ng hindi magandang balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa
rin ang maraming Pilipino sa pangingibang-bayan upang magtrabaho. Bakit
nga ba napipilitang umalis ang mga Pilipino sa Pilipinas? Ano ang
nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at magpasyang sa
ibang lupain na lamang magtatrabaho at mag-alay ng lakas, galing at
talino?
Ano ang paksa ng talata?
A. Ang mga Bagong Bayani C. Ang Pagtatrabaho
B. Sa ibang Bansa D. Lakas at talino
19. Si Maya ay may bisikleta. Ang bisikleta ay kulay dilaw. Dalawa ang
gulong nito.Mahilig magbisikleta si Maya tuwing hapon. Ito ang gamit niya
papunta sa palaruan. Ano ang paksa ng talata?
A. Sa Palaruan C. Ang Bisikleta
B. Kulay Dilaw D.Ang Gulong
20. Salamat at pinaunlakan n’yo ang aking paanyaya. Masaya ako na
tinanggap n’yo ang aking imbitasyon. Ano ang ibig sabihin ng salitang
pinaunlakan?
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
A. tinupad B. tinanggap C. tinanggihan D. inaanyayahan
21. Naalimpungatan ang natutulog na si Kinay Kuwago nang magdatingan
ang kanyang mga kaibigan. Ano ang ibig sabihin ng salitang
naalimpungatan?
A. nabigla B. nagulat C. naingayan D. nagising bigla
22. Hindi niya nabili ang mga pinapangarap na gamit dahil sa kapos ang
dala niyang pera. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. kulang B. luma C. mali D. sobra
23. Mapapanatag na angkanilang kalooban dahil hindi na sila mag aalala
na may mangyayari sa kanilang mga anak sa pagtawid sa ilog. Ano ang
kahulugan ng nakasalungguhit na salita?
A. Mapalad B. Matatag C. Malungkot D. Payapa
24-25 Kilalanin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang S kung ito ay
nagsasaad ng sanhi at B kung bunga.
24. _________ Pumasok siya nang maaga.
_________ Ayaw niyang mahuli sa klase.
25. _________ Lumalakad lang si Alex sa pagpasok sa paaralan.
_________ Malapit ang bahay nina Alex sa kanilang paaralan.
26. Nagkapit-bisig ang mga tao sa Baryo Bañadero para mapadali ang
proyektong ginawa ng mga opisyales ng lugar.Ano ang kahulugan ng
nagkapit-bisig?
A. nagrebelde C. nagtutulungan
B. nagtatrabaho D. naghawak kamay
27. Dapat makapagtapos ang isang bata sa pag-aaral kahit ito ay isang
anak-pawis.Ano ang kahulugan ng anak-pawis?
A. mahirap C. anak ng mayaman
B. anak ng hari D. anak na laging pinapawisan
28. Taingang-kawali ang opisyal ng ating gobyerno sa problema ng ating
lugar.Ano ang ibig sabihin ng taingang –kawali?
A. masaya B. nakikialam C. tumutugon D. nagbibingi-bingian
29. Nagpapaliwanag ang guro nina Alvin tungkol paggawa ng basket
samantalang siya ay abala sa pagdodrowing ng cartoons. Ano kaya ang
maaaring mangyari kapag nagpasa sina Alvin ng basket?

A. Si Alvin ang may pinakamagandang basket


B. Si Alvin ang mauunang magpass ng basket
C. Hindi matatapos ni Alvin ang kanyang basket nang maayos
D. Makakakuha ng mataas na marka si Alvin sa kanyang proyekto
30. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at
pumalaot na ang mag-ama.
A. Handa na silang manghuli ng isda
B. Handa na silang uminom ng tubig
C. Handa na silang umuwi sa bahay
D. Handa na silang magkuwentuhan sa bangka

Panuto: Basahin ang pabula. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon

Ang Kampanilya at Ang Pusa:Madaling Sabihin, Mahirap Gawin!

Ang Buod ng Kwento: Isang pamilya ng daga ang nabubuhay sa takot dahil
sa isang pusa.Isang araw ay nagtulungan sila upang talakayin ang mga
posibleng paraan upang matalo ang pusa. Matapos ang maraming
talakayan, isang batang daga ang nagmungkahi ng isang
ideya.Nagmungkahi siyang maglagay ng isang kampanilya sa leeg ng pusa
upang dinig nila ito kung
ito ay papalapit. Pumalakpak at sumang-ayon ang lahat sa ideya maliban sa
isang matandangdaga. Tanong niya, "Sino ang maglalagay ng kampanilya sa
leeg ng pusa?"
Ang Aral ng Kuwento: Madaling imungkahi ang mga solusyong imposibleng
maipatupad. Ang pagkakaroon ng maraming mga ideya ay mabuti para sa
paglutas ng problema, ngunit ang pagkakaroon ng mga ideya na gumagana
at madaling ipatupad ay mas mahusay.
31. Sinong pamilya ang nabubuhay sa takot?
A. aso B. daga C. manok D. pusa
32. Ano ang mungkahi ng isang batang daga?
A. Nagmungkahi siyang maglagay ng isang panyo sa leeg ng pusa
B. Nagmungkahi siyang maglagay ng isang isda sa leeg ng pusa.
C. Nagmungkahi siyang maglagay ng isang kampanilya sa leeg ng pusa.
D. Nagmungkahi siyang maglagay ng isang tali sa leeg ng pusa.
33-38Panuto: Punan ng pang-uring panlarawan ang puwang upang mabuo
ang mga pangungusap. Piliin ang angkop na pang-uri na nasa kahon.

lanta sariwa malapit malaking mabait maraming

33. Bagong pitas ang_______________bulaklak.


34. Binili ko ito sa _________ na tindera.
35. Inilagay ko ito sa isang ______________plorera.
36. Nalimutan ko itong lagyan ng ________tubig.
37. Kinabukasan ay _____________na ang bulaklak.
38. Kaya namasyal na lang ako sa _______ na harding may bulaklak.

Pag-aralan ang bar graph at mapang na nasa ibaba at sagutin ang mga
tanong ayon dito.
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon

39.Aling purok ang may pinakamaraming nagawa? ________________________


40. Aling mga purok ang magkapantay ang proyektong nagawa? ___________
41. Aling purok ang may 60% proyektong nagawa? ________________________

42.Ilang lungsod ang bumubuo sa Metro Manila?___________________


43. Ilang bayan ang mayroon sa Metro Manila? ______________
44. SA anong lugar sa Metro Manila matatagpuan ang Ilog Pasig? __________

45-47 Pumili ng mga pangungusap na may magagalang na pananalita sa


pagtanggi. Isulat lamang ang titik
A. Hindi po ako aalis mamaya.
B. Ayaw kong sumama sa iyo.
C. Pasensiya na po, Inay.
E. Tama kayo, mahirap lang kami pero lalaban kami.
F. Pakiulit hindi kita maintindihan.
G. Totoo po kayo, nanalo ako?
Republic of the Philippines
Department of Education
DepEd Region III – Central Luzon
H. Hindi ako magagalit kay Juan, pangako.
I. Hindi sa iniiwasan po kita subalit ako’y napapagod na rin sa mga
masama mong gawain.
J. Hindi sa wala po akong pakialam sa iyo kuya ngunit tama na, sumusobra
ka na kasi .
48. Aklat na naglalaman ng kahulugan, pagbabaybay. at pagpapantig ng
salita
A. Balita B. Diksiyunaryo C. Encyclopedia D. Pahayagan
49. Aklat ng mga mapa na nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng
mga lugar
A. almanac B. atlas C. diksyunaryo D. ensayklopedya
50. Aklat na kalipunan ng mahahalagang impormasyon
A. almanac B. atlas C. diksyunaryo D. ensayklopedya

You might also like