You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Tarlac Province
Paniqui South District
SINIGPIT ELEMENTARY SCHOOL
Paniqui, Tarlac

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI

Talaan ng Espisipikasyon
Bilang Bilang Aytem na
Kasanayan ng Araw % ng Kinabibilangan
na Aytem
Itinuro

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula/kuwento 6 12% 6 1-6

Paggamit nang wasto sa mga pangngalan at panghalip sa pakikipag- 13 26% 13 7- 19


usap sa ibat’t- ibang sitwasyon

Pagbibigay ng kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa 2 4% 2 20-21


pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap

Pagsusunod- sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng 5 10% 5 22-26


nakalarawang balangkas

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon 3 6% 3 27-29

Pagbibigay ng pamagat sa binasang talata 3 6% 3 30-32

Pagpunan ng wasto sa kard na pang-aklatan 4 8% 4 33-36

Paggamit sa pangkalahatang sanggunian 3 6% 3 37-39

Pagsipi ng isang talata mula sa huwaran. 3 6% 3 40-42

Pagsulat ng idiniktang talata 3 6% 3 43-45

Pagsulat ng talatang nagsasalaysay 5 10% 5 45-50

Total 50 100% 50
Prepared by:
RONA I. SABADO
Noted:
ROWENA T. BUSTAMANTE, Ed. D.
Principal
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Tarlac Province
Paniqui South District
SINIGPIT ELEMENTARY SCHOOL
Paniqui, Tarlac

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO VI

Name :_______________________________________________ Date:____________ Score: ____________

Pakinggang mabuti ang maikling kuwentong babasahin ng guro upang masagot nang wasto ang mga sumusunod na
taon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Alin sa sumusunod ang mga tauhan sa kuwento?


a. leon at tigre b. daga at ang matsing c. leon at ang daga d. daga at tigre
_____2. Bakit nagalit ang leon sa daga?
a. Nagambala ng daga ang pagtulog ng leon b. Kinain ng daga ang pagkain ng leon
c. Ayaw makipaglaro ng daga sa leon d. Nginatngat ng daga ang lubid
_____3. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento?
a. Maging maagap sa lahat ng oras. b. Huwag maging makasarili.
c. Makipagkaibigan kahit sa hindi kauri. D. Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.
_____4. Ano ang nangyari kay Bong sa kuwento?
a. nagkasakit b. kinagat ng aso c. nabalian ng buto d. pinagalitan ng guro
_____5. Ano ang napagtanto ni Bong matapos ang nangyari sa kanya?
a. Nakinig sana siya sa kanyang nanay. b. Uminom siya ng gatas para sa kanyang buto.
c. Lumiban muna siya sa klase. d. Hindi na siya magbibisikleta.
_____6. Paano mo ilalarawan ang mga kamag-aaral ni Bong?
a. maagap at masipag b. maalalahanin at matulungin
c. masinop at matapat d. magalang at matiyaga
_____7. Pinarangalan ang aming paaralan na pinakamalinis sa aming bayan. Ano ang kasarian ng salitang may
salungguhit?
a. panlalaki b. pambabae c. di-tiyak d. walang kasarian
_____8. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng pangngalan ang walang kasarian?
a. pari, tandang, barako b. estudyante, guro, manggagawa
c. gusali, tulay, lansangan d. dalaga, ditse, ina
_____9. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang kukumpleto sa pangungusap? Masayang- masaya si Mang
______ dahil nakatanggap ng unang gantimpala ang kanyang anak sa timpalak ng bigkasan.
a. Marina b. Conrado c. tiyo d. ama
_____10. Ang mga sumusunod na pangngalan ay nasa kayariang payak, maliban sa isa. Alin ito?
a. panahon b.bituin c. pangarap d. buntong-hininga
_____11. Ano ang kayarian ng mga sumusunod na pangngalan: tagapayo, kayamanan, paaralan, pangingisda
a. payak b. maylapi c. inuulit d. tambalan
_____12. Alin sa mga sumusunod na pangngalang maylapi ang tumutukoy sa lugar sa kung saan ang mga mag-
aaral ay maaaring magsagawa ng pagbabasa at pananaliksik?
a. silid- tulugan b. bahay- ampunan c. silid- aklatan d. silid- tanggapan
_____13. Ako ay may nakatutuwa ngunit nakakatakot na karanasan sa dagat. Aling salita sa pangungusap ang
panghalip?
a. nakatutuwa b. dagat c. karanasan d. ako
_____14. Punan ang patlang ng angkop na panghalip upang makumpleto ang pangungusap. Si Coco Martin ay
hinahangaan dahil sa ________ taglay na galling sa larangan ng pag-arte.
a. mong b. kanyang c. akin d. kanila
_____15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng wastong panghalip pananong?
a. Bakit hindi dapat sayangin ang oras? b. Ano ang hindi marunong magpahalaga sa oras?
c. Paano ang oras ng susunod mong klase? d. Kailan ang hindi matalinong paggamit ng oras?
_____16. Lahat ng mag-aaral ay pinaaalahanang magdala ng inuming tubig upang sila ay makaiwas sa pag-inom
ng kontaminadong tubig. Aling salita sa pangungusap ang panghalip panaklaw?
a. sila b. lahat c. mag-aaral d. tubig
_____17. Ang pagmamahal sa bayan ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting mamamayan. Anong panghalip
ang angkop na pamalit sa mga saliatng may salungguhit?
a. ganoon b. sila c. ito d. iyon
_____18. Sina Megan at Loren ay ang mga dalagang anak nina G. at Gng. Young. _____ ay kapwa mga artista sa
telebisyon. Alin sa mga sumusunod na panghalip ang angkop sa pangungusap?
a. siya b. ako c. ikaw d. sila
_____19. Tinanong ka ng iyong ate kung nakita mo kung saan nakalagay ang susi ng kanyang kuwarto. Nakita mo
naman ito sa ibabaw ng kabinet malapit lamang sa kinatatayuan nito. Ano ang sasabihin mo?
a. Nakita ko doon sa ibabaw ng cabinet. b. Nakita ko dito sa ibabaw ng cabinet.
c. Nakita ko diyan sa ibabaw ng cabinet. d. Nakita ko dine sa ibabaw ng cabinet.
s
Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____20. Bihirang makihalubilo si Juan sa mga istambay sa kanilang lugar.
a. makisama b. maalalahanin c. mabuti d. masaya
_____21. Masigasig sa pag-aaral si Norman kaya lagi siyang nangunguna sa klase.
a. masugid na nilalayon b. tamad c. maayos d. walang kusa

Basahin ang sumusunod na kuwento.

Ang Daga at ang Leon

Sa isang kagubatan ay may isang leon na ubod ng yabang. Parati niyang ipinagmamalaki na
matapang daw siya at hindi umuurong sa anumang laban.
Isang araw, habang naglalakad sa gubat si Leon. Nakita niya ang isang maliit na daga na
nakaipit sa isang malaking kahoy. Tinulungan niya ito upang makaalis sa pagkakaipit sa kahoy.
“Salamat, butihing Leon! Maraming salamat sa pagtulong mo. Asahan mo na kapag dumating ang
panahon ay ikaw naman ang tutulungan ko,” ang sabi ng daga. “Hahaha! Ikaw? Paano mo ako
matutulungan sa liit mong iyan?” ang natatawang sagot ng leon. Malungkot na umalis ang daga dahil sa
sinabi ng leon.
Isang araw, habang namamasyal ang leon ay nahuli ito sa bitag ng mangangaso. Pinilit ng leon
na makatakas ngunit lalo lamang humigpit ang bitag na nakapulupot sa kanyang katawan. Habang ito ay
nagpupumiglas, napadaan ang daga. Mabilis na kinagat ng daga ang mga tali sa bitag upang makalaya
ang leon. . Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang pakakasunod sunod nito sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa
patlang.
_____22. Nahuli sa bitag ng isang mangangaso ang leon.
_____23. Tinulungan ng leon na makatakas ang daga sa pagkakaipit.
_____24. Kinagat ng daga ang tali sa bitag upang makatakas ang leon.
_____25. Nagpasalamat ang daga sa leon sa pagliligtas sa kanya.
_____26. Nangako ang daga sa leon na tutulungan ito baling-araw.

Basahin ang teksto upang masagot nang wasto ang mga sumusunod na tanong.

Kahalagahan ng Tao
Tinutukoy ng populasyon ang kabuuang bilang ng taong naninirahan sa isang lugar o bansa. Maaaring
mailarawan ang katangian ng populasyon ng isang lugar o bansa sa pamamagitan ng distribusyon, bilis ng paglaki o
pagtaas ng bilang, densidad, kasarian at gulang, populasyong urban, populasyong rural at pandarayuhan. Anumang
pagbabago sa isa sa mga nabanggit ay nakaaapekto sa ekonomiya at lipunan ng isang bansa. Mahalagang sangkap ang
populasyon upang mabuo ang isang bansa.
Isa sa maituturing na pinakamahalagang yaman ng bansa ay ang taglay nitong yamang- tao. Tao ang
lumilinang ng likas-yaman. Samakatuwid, kung walang tao, walang pag-unlad at pag-usbong sa larangan ng ekonomiya,
pulitika, kultura at iba pa.

_____27. Ayon sa teksto, ano ang pamayanan?


a. bilang ng tao b. katangian ng tao c. gulang ng tao d. tirahan ng tao
_____28. Bakit mahalaga ang populasyon ng bansa?
a. sapagkat kung mayaman ang tao, uunlad ang bansa
b. sapagkat ang tao ang lumilinang sa likas-yaman ng bansa
c. sapagkat walang titira sa isang bansa kung walang tao
d. sapagkat walang gagamit sa likas-yaman ng bansa
_____29. Paano makaaapekto ang kawalan ng tao sa isang bansa?
a. Hindi uusbong at uunlad ang bansa sa iba’t-ibang larangan.
b. Mawawalan ng yaman ang bansa.
c. Walang mamumuno sa bansa.
d. Walang bibisitang dayuhan.
Basahin ang mga sumusunod na talata. Piliin ang titik ng angkop na pamagat ng bawat talata.

_____30. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Filipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga
panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y
naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming
prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
a. Ang Katangiang ng mga Pilipino b. Ang Pagiging Magiliw ng mga Pilipino
c. Mapagbigay ang mga Pilipino d. Ang mga Pilipino
_____31. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa Bicol tuwing ikatlong Sabado ng
buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakakadalo sa
Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw na novena sa Birhen. Sa ikasiyam na
araw, ibinabalik sa dambana ang imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga bangka.
a. Ang Kapistahan b. Ang Pista sa Naga
c. Ang Kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia d. Isang Masayahing Pista
_____32. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang
pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang
problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang
ang pamilya kaya’t patuloy mong ingatan
a. Ang Pamilyang Pilipino b. Ang Diyos at ang Pamilya
c. Ang Nagpapatibay sa Pamilyang Pilipino d. Masayang Pamilya

_____33. Anong uri ng kard katalog ang nasa larawan?


a. Kard ng Paksa
b. Kard ng May-akda
c. Kard ng Pamagat
d. Kard ng Aklatan

_____34. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ng aklat ang un among makikita kung ang gagamitin mong kard
katalog ay ang sumulat ng aklat?
a. pamagat ng aklat b. ang awtor ng aklat c. ang paksa d. call number
_____35. Sa Kard ng Pamagat, alin sa mga sumusunod na datos ng aklat ang una mong ilalagay?
a. Belvez, Paz M. b. Landas sa Pagbasa c. Filipino d. 1987
_____36. Base sa mga datos sa bilang 35, ano ang dapat ilagay sa pinakaunang bahagi ng kard katalog kung ikaw ay
gagamit ng Kard ng Paksa?
a. Belvez, Paz M. b. Landas sa Pagbasa c. Filipino d. 1987
_____37. Kung hahanapin mo sa diksyunaryo ang salitang saklay, alin sa mga sumusunod ang salitang pamatnubay?
a. sabon- sakong b. suwerte-suyo c. sariwa- serye d. suman- sumpong
_____38. Alin sa mga sumusunod na salita ang pasok sa salitang pamatnubay na elegante-enerhiya?
a. epektibo b. embahada c. edad d. ebalwasyon
_____39. Kung pagsusunod-sunurin ang mga sumusunod na salita, alin ang dapat mauna?
konsehal koleksyon kompas kumbento komik
a. kompas b. komik c. konsehal d. koleksyon

40-42. Sipiin nang wasto ang huwarang talata sa ibaba.

Ang Gatas

Ang pinakamasustansiyang pagkain ay ang gatas. May protina na ito na kailangan ng mga kaalaman at iba
pang bahagi ng katawan. May mga bitamina at mineral na kinakailangan ng iba’t-ibang bahagi ng katawan tulad
ng dugo, mata, dugo at balat sa pagganap ng kanilang gawain.

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

42-45. Pakinggang mabuti ang talatang babasahin ng guro. Isulat ito nang wasto.

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

46-50. Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong karanasang hindi malilimutan.

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
PAKIKINIG
Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na 


leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay 
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon 


ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak  siyang isubo at 
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa 


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na 
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.  

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain


ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " 
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa 


kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. 
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli 
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa 
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama 
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na 
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa 
kaibigang daga.

4-6
Ang Plaster ni Bong
Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa
kanya. Anong nangyari sa iyo, Bong?, tanong ni Annie. Plaster yan, hindi ba? Naku, nabalian ka ng buto! ang malakas na sigaw ni Tito
mula sa likuran .Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga
nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito., mahinang sagot ni Bong. Hayaan mo na, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng
ilang buwan, sabi ni Emy habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan. Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na
ito ng simula ng klase. Matapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat. Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase.
Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay naka-plaster.€

PAGSULAT
42-45 .
Maraming mabibilis na sasakyan ang nakasasagasa sa mga taong tumatawid sa daan. May mga lubak at di pantay na mga bahagi ng
daan ang nakatitisod at nakakapagparapa sa mga naglalakad. May mga batang nadudulas sa balat ng saging na itinapon sa daan.
Mayroon ding mga bata na naglalaro at naghahabulan sa daan na nahahagip ng sasakyan. Maraming sakuna ang nagaganap sa
kalsada araw- araw.

You might also like