You are on page 1of 3

Unang Markahan: Ikalawang Pangkalahatang Pagsusulit (Filipino 8)

Pangalan:__________________ Baitang at Seksiyon:_______________ Iskor:___________

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pagtulong sa kapwa ay higit na pinagpapala ng Diyos. Ano ang pahambing na ginamit sa pangungusap?
a. Pagtulong b. higit c. higit na pinagpapala d. pinagpapala
2. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng di-magkatulad na pahambing?
a. Kapwa sila mababait na magkakapatid.
b. Sinlambot ng koton ang kaniyang mga palad.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay higit na pinagpapala ng Diyos.
d. Pareho ang kanilang paninindigan.
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng palamang na paghahambing?
a. Hindi masyadong masaya ang kanilang pamumuhay ngayon kaysa dati.
b. Sinlambot ng koton ang kaniyang mga palad.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay higit na pinagpapala ng Diyos.
d. Pareho ang kanilang paninindigan.
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pasahol na paghahambing?
a. Hindi masyadong masaya ang kanilang pamumuhay ngayon kaysa dati.
b. Sinlambot ng koton ang kaniyang mga palad.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay higit na pinagpapala ng Diyos.
d. Pareho ang kanilang paninindigan.
5. Masyadong maalinsangan ang panahon ngayon kaysa dati. Ano ang pahambing na ginamit sa pangungusap?
a. Masyadong maalinsangan b. kaysa dati c. panahon d. maalinsangan
6. Ang kaniyang anak ay pihikan sa pagkain. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
a. Masyadong maraming imahinasyon c. mapili sa pagkain
b. Maraming pagkain d. hindi kumakain
7. Halang ang bituka ng kaniyang napangasawa. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
a. Maysakit sa bituka c. masamang tao
b. Mabahong tao d. mapagkunwaring tao
8. Inilista sa tubig ang kaniyang utang. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
a. Inilista sa papel c. di makalimutan
b. Maraming utang d. kalimutan na
9. Ang aking kaibigan ay balat-sibuyas. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
a. Walang pera c. sensitibo
b. Madaling makalimot d. mahirap paiyakin
10. Napabayaan na sa kusina ang aking kapatid. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng nasalungguhitang salita?
a. Hindi napakain c. mataba
b. Payat d. balingkinitan
11. Ang epiko ay nanggaling sa salitang Griyego na epos na may kahulugang______.
a. Salawikain c. sawikain
b. Tula d. alamat
12. Ang Biag ni Lam-ang ay epiko ng mga_________.
a. Iloko c. Palawan
b. Ifugao d. Panay
13. Isang uri ng kuwento na nagsasalaysay ng pinagmulan ng tao, bagay, hayop o lugar.
a. Karunungang-bayan c. maikling kuwento
b. Alamat d. sanaysay
14. Anong tawag sa bahagi ng simula kung saan magaganap ang kuwento?
a. Tauhan b. gitna c. suliranin d. tagpuan
15. Sa bahaging ito, makikita sa ________ ang pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari.
a. Wakas b. simula c. katapusan d. kakalasan
16. Darating_______ ang ating panauhing pandangal. Anong angkop na pang-abay ang dapat ilagay sa patlang?
a. Kanina b. mamaya c. mabilis d. kagabi
17. Alin sa sumusunod na nasalungguhitang salita sa pangungusap ang gumamit ng pang-abay na panlunan?
a. Nagkita sila sa palengke kahapon.
b. Tuwing Sabado, pumupunta kami sa plaza.
c. Sa paaralan makikita ang mga batang may pangarap sa buhay.
d. Sa paaralan makikita ang mga batang may pangarap sa buhay.
18. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naiiba?
a. Tinahulan ni Mucho ang mga bata kahapon.
b. Namasyal sa Rizal Park ang dalaga kasama ang alagang si Ganda.
c. Mabilis na umalis kaninang umaga ang magkapatid.
d. Palaging umiiyak ang mga sanggol.
19. Ang sumusunod na pangungusap ay kakikitaan ng pang-abay na panlunan maliban sa isa, ano ito?
a. Tumungo sa paliparan ang magkapatid para salubungin ang kanilang ina.
b. Sa kabila ng mainit na klima, patuloy na sumayaw sa field ang mga estudyante.
c. Naligo ang magkakaibigan sa isang sikat na talon sa Columbio.
d. Mamamasyal sana kami bukas ngunit hindi na matutuloy.
20. Naganap na _________ ang kinatatakutan ko. Anong angkop na pang-abay ang nararapat ilagay sa patlang?
a. Kanina b. bukas c. sa susunod na araw d. ngayon

PERFORMANCE TASK (2nd): Pinakamaimpluwensiyang Tao sa Aking Buhay

Para sa mga may smartphone: Mag-upload sa iyong facebook ng pinakamaimpluwensiyang tao sa iyong
buhay. Pagkatapos, lagyan ito ng caption na naglalarawan sa kaniya gamit ang pang-uri. Huwag
kalimutang i-tag ang guro para mabigyan ng puntos.

Para sa mga walang cellphone: Sa long bondpaper, gumuhit ng larawan ng pinakamaimpluwensiyang tao
sa iyong buhay. Pagkatapos, ilarawan ang taong ito gamit ang mga pang-uri. Ipasa ito sa pagbalik ng
Summative Assessment.

Halimbawa ng Output (Ito ay halimbawa lamang at ang larawan ay hindi ko pagmamay-ari.)

Maganda
Mabait
Mapagmahal
Maalaga
Maunawain
Masipag

Siya ay si Lisa Manoban


Siya ang aking kaibigan
Ang pinakamaimpluwensiyang tao sa aking buhay

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Kriterya Puntos
Nilalaman (Wastong paggamit ng pang-uri) 15
Larawan (kaangkupan ng larawan) 5
Balarila (tamang baybay at paggamit ng mga salita) 10
Kabuoan: 30
Paalala:

Sa mga walang cellphone na kailangang magpasa ng output, pakisulatan ng pangalan at i-staple ito sa Summative
Assessment para hindi mawala.

Sa mga hindi nakapasa ng output sa unang performance task ay maaari niyo pang pumasa.
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
FILIPINO IKAWALONG BAITANG

LEARNING REMEMBERING UNDERSTANDIN APPLYING ANALYZIN EVALUATING CREATIN TOTAL


COMPETENCIES G G G
Natutukoy ang 1-5 5
mga pahambing na
ginamit sa
pangungusap

Nabibigyang- 6-10 5
kahulugan ang
mga
eupemestikong
pahayag batay sa
pagkakagamit sa
pangungusap
Natutukoy ang 11-15 5
elemento ng epiko
at alamat
Nagagamit nang 16-20 5
wasto ang mga
pang-abay sa
pangungusap
TOTAL 10 5 5 20

INIHANDA NI: INAPRUBAHAN NI:

GESEVIL G. ALVARICO LENIE T. LATIGO


Guro sa Filipino Assistant Principal II

You might also like