You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Compostela

Table of Specification
ST
1 Quarter Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 6 (PHASE 2)
S.Y. 2021-2022

LEVELS OF DIFFICULTY
Easy R/U Average (A/A) Difficult (E/C)
(60%) 30% (10%)
MELC/ Competency Number No. Test No. Test No. of Test % of Total
Objectives of Days of placement of Placement items placem the Number
Taught items Items ent Topic of items
1. Nakapagsusuri nang
mabuti sa mga bagay na 1,2,3,4,5,6,
may kinalaman sa sarili at 7 7 7 9 8,9,10,11,1 2 17,18 45% 18
pangyayari 2,13,14,
EsP6PKP-la-i-37 15,16

2. Nakasasang-ayon sa 14 2 19,20 6 21,22,23, 2 27,28 25% 10


pasya ng nakararami kung 24,25,26
nakabubuti ito
EsP6PKP-la-i-37

3. Nakagagamit ng 14 5 29,30,31, 6 34,35,36, 1 30 30% 12


impormasyon 32,33 37,38,39
(wasto/tamang
impormasyon)
EsP6PKP-la-i-37
14 21 5 100% 40

Prepared by:

GELIAN M. LUANG MAE ANNE B. DIAN


Teacher Teacher

Checked by:
MYRA FLOR M. AMACNA LEVIE P. TOÑACAO
Master Teacher-in -Charge Master Teacher-in -Charge
Noted:
RODRIGO B. PUEBLA, M.Ed.JD ARNOLD G. LUPO,Ed.D
School Head School Head

Reviewed by:
SAMUEL M. PONCE, L & Mgt D
District Supervisor

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Compostela
1st Quarter Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 6 (Phase 2)
S.Y. 2021-2022
Name : __________________________________________ Grade & Section: __________
School : __________________________________________ Score: __________

I. PANUTO: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Sinong amerikanong psychologist ang nagpanukala sa hirarkiya o pagkakasunod-sunod ng mga


pangangailangan?
a. Abraham Maslow c. Albert Einstein
b. Mc Clelland d. Mc Free
_____2. Ito’y isang pangangailangan kung saan nabibilang ang pakikipag-ugnayan sa general emotions.
a. Faithfulness c. Love o belonging
b. Trust d. Understanding
_____3. Ito ay nauukol sa pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
a. Self – reliance c. Self- pity
b. Self- esteem d. Self-defense
_____4. Alin sa mga sumusunod na pangangailangan ang physiological needs?
a. Pagkain, softdrinks, oxygen, tulog c. Pagkain, softdrinks, carbon, tulog
b. Pagkain, water, oxygen, tulog d. Pagkain , water, carbon, tulog
_____5. Ano ang tawag sa pangalawang pangangailangan kung saan ito ay mga kagustuhan lamang.
a. Yaman c. Mana
b. Luho d. Pagkain
_____6. Ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Maslow ang pangunahing pangangailangn ay ang mga
sumusunod
a. Pagkain, sasakyan, bahay c. pagkain, damit, bahay
b. Pagkain, pera, bahay d. pagkain, trabaho, bahay
_____7. Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano
mo igagalang ang karapatang ito?
a. Kumain ng junkfoods araw-araw
b. Uminom ng softdrinks araw-araw
c. Uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
d. Iwasan ang pagkain ng gulay at prutas
_____8. Bawat buwan ay nagpapadala si Marta ng sahod na natanggap niya upang ipambili ng pagkain para
sa magulang at mga kapatid. Anong katangian ang ipinapakita ni Marta?
a. Kaalaman c. Bukas na isipan
b. Pagmamahal sa pamilya d. Lakas ng loob

_____9. Alam ni Edgar na hindi siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng
gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya
nagalit o nagtanim ng sama ng loob. Anong katangian ang ipinapakita dito?
a. Pagkamatiyaga c. pagkabukas ng isipan
b. Pagmamahal sa katotohanan d. pagkamahinahon
_____10. Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa
magulang?
a. Ang pagkawalang bahala sa kanyang gawain.
b. Ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain.
c. Ang pagkamainisin sa kanyang gawain.
d. Ang pagkamatiyaga sa kanyang gawain.
_____11. Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat mong gawin?
a. Ipaayos ang makina ng kotse
b. Ibenta dahil luma
c. Ipadala sa junkshop
d. Ipagwalang bahala ito
_____12. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin
mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid
b. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay
c. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
d. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa
klase at ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng
kanyang madalas na pagliban sa klase.
_____13. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasama kang maligo c. Sasama ngunit hindi maliligo
b. Hindi ka sasamang maligo sa ilog d. Uuwi ka muna ng bahay at
magpaalam sa iyong mga magulang
_____14. Nakikita mong umiiyak ang kapatid mo habang nakikipaglaro sa batang kapitbahay ninyo. Ano
ang gagawin mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid
b. Pagagalitan ko ang batang kapitbahay namin
c. Tatanungin ko ang aking kapatid kung bakit siya umiiyak at pauuwiin.
d. Sasali ako sa kanilang laro at aawayin ko ang batang kapitbahay namin.
_____15. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at
ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasali sa paligsahan.
b. Hindi ka sasali sa paligsahan.
c. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
d. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.

_____16. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman
mong sobra ang isinukli sayo ng tindera. Ano ang dapat mong gawin?
a. Ipambili ko ng kendi ang sobrang sukli para sa aking nakababatang kapatid.
b. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
c. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
d. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.
_____17. Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral?
a. Gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro.
b. Gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin.
c. Pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang aralin.
d. Pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera.
_____18. Bakit kailangang isaalang –alang ang sariling kakayahan sa pagbuo ng desisyon?
a. Upang maiwasang magkamali sa desisyon
b. Upang magkaroon nang magandang resulta sa pagbuo ng desisyon
c. Upang magkamali sa pagbuo ng desisyon
d. Upang mapuri ang iyong desisyon
_____19. Sino ang nagsabi nito “ a man is a rational being?
a. Aristotle c. Plato
b. Einstein d. Descartes
_____20. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at
matatag na pamilya?
a. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at
payapa.
b. Pagpadami ng mga anak.
c. Balewalain ng karapatan ng bawat kasapi pamilya.
d. Pagbibigay ng luho sa mga anak.
_____21. May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga
nito, nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang dapat mong gawin?
a. balewalain ang masamang epekto
b. tumangging sumali sa kilusan
c. tumangging sumali agad
d. masigasig na lumahok sa kilusang ito.
_____22. Nagpasiya ang mag-anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami
ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy ito?
a. Hindi, dahil sa masamang epekto nito.
b. Oo, sayang ang kikitain nito.
c. Bahala na ang mga paektado nito
d. Balewalain ang pumupuna.
_____23. May inilunsad na gawaing pansibiko na “ Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong
gagawin?
a. Makilahok sa mga gawaing ito.
b. Sasali dahil may malaking pera dito
c. Sasali dahil sa sariling interes
d. Hindi dahil nakakapagod.

_____24. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya
bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
a. Hayaan silang mag desisyon dahil wala ka namang maitutulong.
b. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
c. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
d. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.
_____25. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisismba kung Linggo at sama-sama ring nananalangin
sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
a. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
b. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
c. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
d. Pamilyang nagkakaunawaan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi.
_____26. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinyon ng iba. Alin sa sumusunod
ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakakarami?
a. “ Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
b. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
c. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
d. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”
_____27. Paano mo maipapakita ang makatuwiran at pantay sa paggawa ng pasya?
a. Magbigay agad ng pasya
b. Iisipin o isaalang-alang ang mga taong maapektuhan sa paggawa ng pasya
c. Magbigay agad-agad ng desisyon para sa sariling kapakanan.
d. Pabayaan na lang kung ano ang magiging pasya.
_____28. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?
a. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
b. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
c. Upang maiwasan ang pagkamasarili.
d. Lahat ng sagot ay tama.
_____29. Inaalam ng taong ka chat mo ang pagkakakilanlan mo. Alin sa mga ito ang dapat mong ilihim sa
kanya?
a. Buong pangalan mo.
b. Tirahan at edad mo.
c. PIN at ATM mo.
d. Pangalan ng mga miyembro ng pamilya mo.
_____30. Sa application form kailangan mong isulat ang petsa ng kapakanan ng nanay mo.
a. Tatanungin mo ang kuya mo kung sasagutin ito.
b. Sasagutin at isusulat mo ang petsa.
c. Mamaliin ang petsa
d. Laktawan ang tanong sa application form.
_____31. Tinatanong ka ng principal ng pangalan ng mga magulang mo.
a. Isusulat mo sa papel ang mga pangalan nila.
b. Sasabihin mo ang buong pangalan ng mga magulang mo.
c. Itanong muna sa guro kung ano ang gagawin mo.
d. Alamin sa mga kaibigan kung ano ang ginawa nila.

_____32. Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya mo sa iyong
mga sasagutin. Alin sa sumusunod ang hindi kasama?
a. Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.
b. Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga
c. Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase
d. Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.
_____33. Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hiningi ang information/data ng iyong tirahan.
a. Ibibigay mo ang address ng iyong paaralan
b. Ibibigay mo ang kumpletong address ayon sa hinihingi
c. Ibibigay mo ang buong pangalan ng tatay at nanay mo.
d. Alamin muna bakit hinihingi
_____34. May dumating sa bahay niyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas pa uuwi ang
mga magulang ninyo.
a. Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi
b. Pabalikin siya kinabukasan
c. Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay
d. Ipagbibigay alam sa kanya na ang mga magulang mo ay umalis pa at uuwi ang mga ito
kinabukasan
_____35. Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong
ulan. Anong gagawin mo?
a. Maniwala at huwag papasok.
b. Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.
c. Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.
d. Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.
_____36. May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at nagbalitang
naaksidente ang kapatid mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga magulang mo. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin.
b. Ikaw na lang ang sasama sa ospital
c. Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan na sumama sa ospital
d. Ipaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.
_____37. May dumating, nagpapakilalang collector ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay mo.
Hinihingi niya ang cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?
a. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
b. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
c. Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.
d. Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa cellphone.
_____38. Nag chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika. Nagtatanong siya kung
ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.
b. Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang dala.
c. Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.
d. Ibigay agad sa kanya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa Buwan ng
Wika.
_____39. May census enumerator ng Barangay na dumating sa bahay ninyo. Hinihingi niya ang cellphone
number ng tatay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Ibigay mo dahil saulado mo ito.
b. Papasukin ang tao sa bahay at paghintayin sa iyong tatay.
c. Humingi ng opinion ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
d. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
_____40. Bakit mahalaga ang tamang gabay sa paggamit ng impormasyon?
a. Upang maiwasang magkaroon ng kaibigan.
b. Upang malaman kung paano mang hack ng account
c. Upang malaman ang mga di kanais nais na mga pangyayari.
d. Upang malaman at maiwasan ang mga panloloko sa social media.

Checked by:
MYRA FLOR M. AMACNA LEVIE P. TOÑACAO
Master Teacher-in -Charge Master Teacher-in -Charge
Noted:

RODRIGO B. PUEBLA, M.Ed.JD ARNOLD G. LUPO,Ed.D


School Head School Head

Reviewed by:
SAMUEL M. PONCE, L & Mgt D
District Supervisor
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
District of Compostela

Answer Key
RD
3 Quarter Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 6 (PHASE 2)
S.Y. 2021-2022

1. A 21. D
2. C 22. A
3. B 23. A
4. B 24. D
5. B 25. C
6. C 26. B
7. C 27. B
8. B 28. D
9. C 29. C
10. D 30. A
11. A 31. B
12. D 32. D
13. D 33. B
14. C 34. B
15. A 35. C
16. D 36. C
17. C 37. D
18. B 38. D
19. A 39. C
20. A 40. D

Prepared by:

GELIAN M. LUANG MAE ANNE B. DIAN


Teacher Teacher

Checked by:
MYRA FLOR M. AMACNA LEVIE P. TOÑACAO
Master Teacher-in -Charge Master Teacher-in -Charge
Noted:

RODRIGO B. PUEBLA, M.Ed.JD ARNOLD G. LUPO,Ed.D


School Head School Head

Reviewed by:
SAMUEL M. PONCE, L & Mgt D
District Supervisor

You might also like