You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CITY OF SAN PEDRO
DISTRICT 3
SAMPAGUITA VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL
CITY OF SAN PEDRO, LAGUNA

MTB-MLE 3
SECOND PERIODIC TEST
ANSWER KEY

1C 11 C 21 A 31 B
2D 12 D 22 B 32 B
3A 13 A 23 B 33 C
4B 14 D 24 C 34 C
5B 15 A 25 D 35 A
6B 16 A 26 D 36 B
7C 17 B 27 D 37 B
8B 18 B 28 B 38 D
9D 19 C 29 C 39 C
10 C 20 D 30 B 40 A

Sampaguita Village Elementary School


Address : Pitimini St. Brgy. Sampaguita, City of San Pedro, Laguna
Telephone No. : (02) 8519-3279
Email Address : sampaguitavillagees.108429@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CITY OF SAN PEDRO
DISTRICT 3
SAMPAGUITA VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL
CITY OF SAN PEDRO, LAGUNA

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


SA MTB-MLE 3
S.Y.2022-2023

PANGALAN:____________________________________________________PETSA:_________________
BAITANG AT PANGKAT:__________________________GURO:__________________________________

Panuto: I. Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at sulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ang pananong na ____ ay ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa lugar.
A. kailan B. ano C. saan D. sino
____ 2. Ginagamit ang salitang ______ upang sagutin ang mga tanong tungkol sa tao.
A. kailan B. ano C. saan D. sino
____ 3. Ano ang salitang ginagamit upang sagutin ang mga tanong tungkol sa oras at panahon?
A. kailan B. ano C. saan D. sino
____ 4. Ang salitang _____ ay ginagamit upang sagutin ng mga tanong tungkol sa bagay o pangyayari.
A. kailan B. ano C. saan D. sino

II. Piliin ang wastong panghalip pananong sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

5. ______ ang kumain ng aking paboritong prutas?


A. Ano B. Sino C. Kailan D. Saan
6. ______ mo binili ang magandang damit na iyan at gusto ko ring bumili niyan bukas?
A. Sino B. Saan C. Kailan D. Ano
7. ______ ang sasabihin ko kay nanay kapag tinanong ako kung saan ako nagpunta?
A. Kailan B. Sino C. Ano D. Saan
8. ______ ang kaarawan ng iyong matalik na kaibigan?
A. Saan B. Kailan C. Sino D. Ano
9. ______ ang guro mo ngayon sa ikatlong baitang?
A. Kailan B. Saan C. Ano D. Sino
10. ______ kayo mamasyal ng inyong pamilya sa darating na Sabado?
A. Sino B. Ano C. Saan D. Kailan
II. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 11. Ipinagbabawal sa klase ang paggamit ng gadgets sa oras ng klase. Ano ang iyong reaksiyon tungkol dito?
A. Hindi ako sang-ayon dahil importanteng gamit ko ito.
B. Sang-ayon ako dahil ito ang tamang gawin.
C. Sa aking papanaw, ito ay mali.
D. Hindi ako sang-ayon dahil maaari itong magamit sa pag-aaral.

_____12. Si Coco Martin ay mahusay na aktor kaya marami ng nag-iimbita sa kanya sa ibang bansa. Ipahayag mo
ang iyong saloobin tungkol dito
A. Mayabang siya dahil gusto niya lang sumikat.
B. Nagpapakitang gilas lamang si Coco Martin.
C. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa niya.
D. Tunay na mahusay siyang aktor at maipagmamalaki siya ng ating bansa.
_____ 13. Maraming naani si Russel sa kanyang tanim na gulay kaya ibinenta niya ito sa murang
halaga lamang. Ano ang iyong pananaw dito?
A. Sa aking pananaw, may mabuting puso si Russel.
B. Nagyayabang lang si Russel.
C. Hindi ako sang-ayon sa ginawa ni Russel.
D. Para sa akin hindi niya dapat ibenta ng mura dahil hindi siya kikita ng malaki.
_____ 14. Isinauli ni Lolit ang napulot niyang pitaka sa tunay na may-ari nito. Nagpasalamat sa kanya ang may -ari.
Alin sa mga sumusunod ang iyong ekspresyon sa kanyang ginawa?
A. Sa aking palagay, dapat hindi na niya ibinigay ang pitaka dahil nalaglag na ito.
B. Dapat kinuha na lang niya ang pitaka.
C. Mali ang kanyang ginawa kapag napulot na ng iba sa kanya na iyon.
D. Sang-ayon ako sa ginawa ni Lolit. Matapat siyang bata.
_____ 15. Hindi sumasali sa mga paligsahan ng pagsayaw si Marianne kahit na may talento ito
dahil siya ay mahiyain. Ibigay ang iyong reaksyon tungkol sa ugali ni Marianne.
A. Kung ako tatanungin, dapat ay ipinakikita niya ang kaniyang talento.
B. Sang-ayon ako, hindi siya dapat pilitin na sumali.
C. Wala naman siyang talento sa pagsasayaw kaya huwag ng sumali.
D. Hindi ako sumasang-ayon, dapat hindi niya ipinakikita ang kaniyang talento.
_____16.Kinausap ng guro si Alice dahil hindi ito nakapagpása ng kaniyang proyekto. Ibinigay niya ito limang
araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng pagpapása. Ano ang iyong saloobin sa ginawa ng guro?
A. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Alice.
B. Dapat hinayaan na lamang ng guro si Alice dahil nakapagpása pa rin naman.
C. Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Alice sa klase.
D. Ok lang ginawa ni Alice kahit huli na ay nagpasa pa rin siya.
_____17. Oras ng rises, pinasingit sa pila ni Mark ang kaniyang matalik na kaibigang si Kyla na hulíng
dumating. Ano ang opinyon mo hinggil sa pangyayari na ito?
A. Maganda ang ipinakitang pagkakaibigan ng dalawa.
B. Sa aking palagay, dapat pumila si Kyla nang maayos.
C. Sang-ayon ako sa ipinakita ni Mark na pagmamalasakit kay Kyla.
D. Tama lang ginawa ni Mark na pasingitin si Kyla sa pila.
_____18. Si Lyka ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba’t ibang paligsahang pampaaralan at
pambarangay. Alin sa mga sumusunod ang wastong reaksiyon nito?
A. Nagpapakita si Lyka ng kayabangan.
B. Nakatutuwa na ipinakikita ni Lyka ang natatanging talento niya.
C. Huwag na siyang lumalahok sa barangay dahil wala itong grado.
D. Hindi nakakatuwa na siya ay laging lumalahok sa patimpalak.
_____19. Ipinagbabawal sa klase ni Gng. Suarez ang pagdadala ng cellphone sa oras ng klase.
Ano ang iyong saloobin sa tungkol dito?
A. Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit ngayon sa pag-aaral.
B. Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral.
C. Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig kaya dapat lang huwag dalhin
ito.
D. Maling ipagbawal ito ng guro dahil ito ay pwedeng gamitin sa oras ng klase.

_____20. Gustong-gusto na ni Jared na maglaro sa labas ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ina kaya nanatili
na lang siya sa loob ng bahay. Ano ang iyong sasabi tungkol kay Jared?
A. Sa aking palagay mali ang kanyang ina karapatan ni Jared maglaro sa labas.
B. Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.
C. Sa opinyon ko ay maaari nang lumabas.
D. Masunuring bata si Jared nakikinig at sumusunod siya sa kanyang ina.
_____21. Umalis ang inyong nanay dahil may importanteng pupuntahan. Bago siya umalis sinabihan kayong
magkapatid na huwag aalis ng bahay. Pero ang kapatid mo ay hindi sumunod at nakita mo na pumunta sa kaniyang
kaibigan para manood ng telebisyon. Piliin ang angkop na reaksiyon dito.
A. Hindi ako sang-ayon sa ginagawa ng aking kapatid dahil hindi siya sumunod kay
nanay.
B. Tama lang ang aking kapatid dahil malaya siyang umaalis ng bahay.
C. Karapatan namin makipagkaibigan sa ibang tao.
D. Para sa akin dapat lang paminsan minsan hindi tayo nakikinig sa ating mga
magulang.
_____22. Nasalubong ni Marvin ang kaklase niya na papauwi at sinabihan siya na walang pasok kahit ito ay hindi
totoo. Hindi siya sumama at tumuloy pa rin siya sa paaralan. Ano ang wastong ekspresyon mo sa ginawa ni
Marvin?
A. Dapat nakinig at naniwala siya sa kaklase niya.
B. Tama ang kanyang ginawa hindi dapat maniwala sa kaklase niya dahil wala namang
abiso mula sa kanilang guro.
C. Maling tumuloy sa paaralan dapat nakinig siya sa kanyang kaklase.
D. Sa aking palagay, tama ang sabihan siya na walang pasok.
_____23. Nagtaasan ang presyo ng mga gulay sa palengke. Naisipan ng nanay mong magtanim na lang sa inyong
bakuran ng mga gulay. Alin ang angkop na reaksiyon mo dito?
A. Sa aking palagay, mali iyon dahil hindi nakakatulong si Nanay sa mga tindera.
B. Sang-ayon ako sa aking nanay, makakatipid siya sa kanyang gastusin.
C. Nararapat lamang magtrabaho na lang sila pareho ng aking ama para marami
kaming pera.
D. Hindi ako sang-ayon mas makakatipid kung bibili na lang si nanay ng mga de lata at
hotdog para sa amin.
_____24. Sa panahon natin ngayon, kinakailangang magsuot ng facemask kahit saan ka magpunta. Piliin ang
wastong pananaw sa mga sumusunod.
A. Hindi ako sang-ayon dito dahil mahirap huminga kapag nakasuot ng facemask.
B. Sa palagay ko hindi na dapat sumunod sa pinag-uutos ng pamahalaan.
C. Sumasang-ayon ako sa panukala ito ay proteksiyon ng mga tao para sa kumakalat
na COVID-19 Virus.
D. Para sa akin dagdag gastos lamang itong pagbili at pagsuot ng facemask.
_____25. Gustong isulong ang panukala na “kapag walang bakuna ang isang tao, bawal itong lumabas ng
bahay.”. Alin ang iyong opinyon hinggil dito?
A. Sa palagay ko nararapat na hindi ito isulong dahil hindi ito makatao.
B. Mali ang panukala karapatan ng mamamayan na maging malaya.
C. Hindi ako susunod sa panukala na ito.
D. Hindi ako sumasang-ayon ayon dito pero kailangan magsuot ng facemask ang mga
tao kung sila ay lalabas ng kanilang bahay para sa kanilang proteksiyon mula sa
kumakalat na virus.

______26. Tumataas na ang lahat ng bilihin pati ang gasolina ng mga sasakyan. Ninanais ng mga drayber na itaas
ang pamasahe at alisin na ang mga discount ng PWD, Senior Citizen at mga estudyante. Ano ang iyong reaksiyon
mo sa nais gawin ng drayber?
A. Magaglit ako sa drayber.
B. Hindi na lang ako magbabayad ng pamasahe.
C. Sang-ayon ako sa gusto ng drayber dahil kawawa naman sila.
D. Sa aking palagay tamal lang magtaas ng pamasahe ngunit hindi dapat alisin ng
discount ang taong PWD, Senior Citizen at mga estudyante.
______27. Ikaw ay may takdang-aralin. Sinabihan ka ng ate mo na ikaw ay mag-aral.
Ano ang iyong sasabihin kay ate?
A. “ Ayoko mag-aral! Madali lang naman ang aming takdang-aralin.”
B. “Bakit mo ba ako pinakikialaman?”
C. “Mamaya na lang pagkatapos kong maglaro”
D. “Salamat Ate. Sisimulan ko ng gawin ang aking takdang-aralin.”
______28. Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar, Nakita mo ang iyong kuya na
naninigarilyo habang siya ay nasa loob ng iyong paaralan. Paano mo kakausapin ang kuya mo?
A. “Kuya, pagagalitan ka ng aming punungguro. Lagot ka!
B. “ Kuya, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob at labas ng aming
paaralan.”
C. “Kuya, bigyan mo din ang aming guard ng sigarilyo.”
D. “Bahala ka sa buhay mo Kuya!”
______29. Pinagalitan ang kaklase mo ng inyong guro dahil sa hindi tamang pagtapon ng basura.
Paano mo ipaparating sa kaklase mo na mali ang kanyang ginawa?
A. “ Ikaw kasi kasalanan mo ‘yan!”
B. “Buti nga sa iyo, nagkakalat ka kasi! “
C. “Sa palagay mo ba tama ba ang ginawa mong hindi pagtapon ng basura?
Kinailangan natin sumunod sa alituntunin ng ating paaralan.”
D. “Naku! Bakit ka naman kasi nagkakalat?”
______30. Nanalo sa patimpalak si Karen sa kanilang paaralan samantalang si Joseph ay galit na galit kay Karen
dahil hindi siya ang napiling Manalo. Sa iyong palagay, tama ba si Joseph sa kanyang reaksiyon?
A. Oo, Dahil hindi siya ang nanalo
B. Kung ako tatanungin, mali ang kanyang ginawa. Hindi dapat siyang magalit at
kailangan niyang tanggapin ang kanyang pagkatalo.
C. Tama lang siya magalit dahil hindi patas ang laban.
D. Sang-ayon ako sa kanyang reaksiyon dahil normal lang magalit ang tao.

Tukuyin ang tayutay na metaporang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot.

_____31. Ang suot ng prinsesa ay gatas sa kaputian.


A. kaputian B. gatas sa kaputian C. prinsesa D. suot ng prinsesa
_____32. Itinuturing na tupa si Angel sa sobrang kabaitan niya.
A. itinuring na tupa B. Angel C. sobarang kabaitan D. itinuturing
_____33. Ang bahay ni Peter ay isang malaking palasyo.
A. bahay ni Peter B. Peter C. malaking palasyo D. malaking

Tukuyin ang personipikasyon na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng


tamang sagot.

_____ 34. Tuwang-tuwang tinititigan ng sanggol ang sumasayaw na kurtina sa kanilang bintana.
A. Tuwang-tuwang tinititigan B. sanggol C. sumasayaw na kurtina

_____ 35. Nalulungkot ang mga aklat sapagkat laging computer ang inaatupag ng mga bata
at nakaligtaan na silang basahin.
A. Nalulungkot ang mga aklat B. computer ang inaatupag C. nakaligtaan

_____ 36. Naglalaro ang mga alon sa dalampasigan dahil sa malakas na ihip ng hangin
A. dalampasigan B. Naglalaro ang mga alon C. malakas na ihip ng hangin

Piliin ang nais ipakahulugan ng hyperbole nakasalungguhit sa bawat pangungusap.


Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

______ 37. Abot langit ang kanyang ngiti dahil matataas ang kanyang marka.
A. tumingin siya sa langit B. labis ang kanyang kagalakan
C. lumipad hanggang langit D. mataas ang kanyang marka

______ 38. Sa sobrang gutom ko, kaya kong kumain ng isang buong baboy.
A. kumain ng buong baboy B. nanghuli siya ng baboy
C. hindi na siya kumain D. kumain ng marami
______ 39. Umiyak siya ng isang ilog dahil sa sobrang lungkot.
A. pumunta at naligo sa ilog B. umiyak sa tabing ilog
C. umiyak ng umiyak D. sobrang lungkot niya

______ 40. Binigyan ako ng isang libong takdang aralin ng aking guro.
A. maraming takdang aralin B. isang libong pahina ng takdang aralin
C. isang libong pera D. librong nagkakahalagang isang libo

Good Luck & God Bless You!

Sampaguita Village Elementary School


Address : Pitimini St. Brgy. Sampaguita, City of San Pedro, Laguna
Telephone No. : (02) 8519-3279
Email Address : sampaguitavillagees.108429@deped.gov.ph SMD-01/2023

You might also like