You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
CATALINA VDA DE JALON MEMORIAL SCHOOL SPED CENTER
TUMAGA, ZAMBOANGA CITY

Daily Lesson Log Filipino VI


Kuwarter 4 Linggo 6 (Explicit)
Guro: Marilar P. Korlan
Petsa ng pagtuturo: May 16, 18, 2022/ 7:30-8:30-VI-Gerondio, 11:00-12:00 VI-Korlan
May 17, 19, 2022/9:30-10:30-VI-Perian

I.Layunin
Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga sa mga pangyayari/problema-
solusyon. F6PS-Illb-6.2

II. Paksang aralin


A. Paksa: Pagsulat- Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga ng Pangyayari.
B. Sanggunian: MELC-Based CapSLET Q4 W6
C. Kagamitan: video, telebisyon, tarpapel, powerpoint presentation
Pagpapahalaga: Pagiging responsableng mamamayan.
Content integration: ESP, Health, Science

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral- Magbigay ng pelikula at tukuyin ang uri nito.

B. Pagganyak-

Ano ang masasabi mo sa larawan?


Ano ang mangyayari sa ating kalusugan
kung hayaan natin ang mga kalat na
basura?
Paano natin panatilihing malinis ang
ating kapaligiran? ESP

C. Pagmomodelo
• Ang mga pangyayari ay may ugnayang sanhi at bunga. Ang sanhi ay ang pangyayaring
nagsasaad ng dahilan at ang bunga ay ang kinalalabasan o epekto.
• Ang sanhi ay ang dahilan ng pangyayari. Malimit ginagamit ang mga salitang dahil, kasi,
sapagkat, at pagkat sa simula ng paglalahad ng sanhi.
• Ang bunga ay ang kinalabasan ng pangyayari. May pagkakataong pinangungunahan ng
salitang kaya.
 Basahin ang isang teksto. Subukang ibigay ang ugnayan ng sanhi at bunga sa mga
Pangyayari.

D. Ginabayang Pagsasanay/Gawin Natin


Gawain 1
Panuto: Basahin ang kalagayan o pangyayari. Ibigay ang sanhi at bunga at kung paano
mabigyan ng solusyon ang problema.

______________________________________________________________________________________________________
Catalina Vda de Jalon Memorial School SPED Center
Tumaga, Zamboanga City
https://www.facebook.com/CVDJMS.SpedCenter
Tel. 062-9553150
Halimbawa: Si Anna ay mahilig maglakwatsa sa klase ang dahilan ng pagbaba ng kanyang
grado.

Sanhi: Mahilig maglakwatsa sa klase


Bunga: dahilan ng pagbaba ng kanyang grado
Solusyon: Mag-aral nang mabuti at umiwas sa pagliban sa klase

1. Pagpuputol ng mga punongkahoy ang dahilan ng pagbaha sa lugar... Science


Sanhi: _________________________________________________
Bunga: ________________________________________________
Solusyon: ______________________________________________

E. Malayang Pagsasanay/Gawin Mo
Gawain 2.
Panuto: Punan ng angkop na sanhi at bunga sa dayagram. Health

F. Paglalahat
Paano nauugnay ang sanhi at bunga?

G. Paglalapat
Ano ang maaring epekto sa paggamit ng dinamita at pinong lambat sa paghuli ng isda?
Ano ang solusyon dito?

IV. Pagtataya
Ibigay ang sanhi at bunga at kung paano mabigyan ng solusyon ang problema. Sa pagtatapon
ng basura sa mga ilog at dagat ang dahilan ng pagdumi ng tubig dito.
Sanhi: _________________________________________________
Bunga: ________________________________________________
Solusyon: ______________________________________________

V. Takdang-aralin
Ano ang Graph? Magbigay ngn halimbawa nito.

VI.Mga Tala
________________________________________________________________________

VII. Pagninilay

______________________________________________________________________________________________________
Catalina Vda de Jalon Memorial School SPED Center
Tumaga, Zamboanga City
https://www.facebook.com/CVDJMS.SpedCenter
Tel. 062-9553150

You might also like