You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region Vlll
BUENAVISTA NATIONAL HIGH SCHOOL
San Jorge, Samar

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Guro: Blance G. Baylon Araw: Lunes-Huwebes


Taon/Bilang: Grade 9 – Malikhain Oras: 3:00-4:00

August 23, 2022

l. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga elemento ng kabuting panlahat. EsP9PL-Ia-1.1

ll. NILALAMAN:
A. Paksa: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 pp.9-14, CG pp56.
C. Kagamitan: Modyul, manila paper, powerpoint

lll. MGA PARAAN SA PAGKATOTO:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtawag ng mga Pangalan
4. Pagbabalik-Aral
Ano ang inyong natutunan sa inyong asignatura sa nakaraang baitang?

B. Pagganyak
Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Nag-iiba na ba ang mga reaksiyon mo sa mga
pangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung nangingibabaw sa media?

C. Paglalahad ng Aralin:

Ilalahad ng guro ang layunin sa araw na ito.

D. Paunang Pagtataya

Pasasagutan ng guro ang inihandang paunang pagtataya.

E. GAWAIN:
Hahatiin ang klase sa anim na pangkat.
 Sa unang bahagi ng gawaing ito ay mahalagang maibahagi muna kung ano ang larawan ng isang
matiwasay na lipunan para sa inyo. Isulat ang mga katangian ng isang matiwasay na lipunan.
 Maaari niyong maipakita sa malikhaing pamamaraan. Maaaring gumawa ng diorama o kaya naman
gumuhit ng isang blueprint. Mahalagang maglakip ng maikling paglalarawan sa ginawa
representasyon.

F. PAGSUSURI

o Ano ang inyong naging reyalisasyon matapos maisagawa ang gawain?


o Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan?
o Ano ang kabutihang panlahat? At Paano mo ito mailalarawan?
o Ano ang ibig sabihin ng lipunan at komunidad?
o Ano ang mga elemento ng kabutihang panlahat?

G. PAGHAHALAW

o Ano ang tunay na tunguhin ng lipunan?


o Bakit mahalagang matutunan ang mga elemento ng kabutihang panlahat?
H. PAGLALAPAT:

o Bilang isang kabataan, ano na ba ang nagawa mo para sa bansa o sa iyong komunidad? Mayroon
kabang kayang gawin ngunit hindi mo pinagsikapang gawin? Ano kaya ang maitutulong ng munting
magagawa ng kabataan para sa bansa?

lV. PAGTATAYA:

1. Ano-ano ang mga elemento ng kabutihang panloob at ipaliwanag ang bawat elemento.

V. TAKDANG-ARALIN:

Ano ang mga hadlang at kondisyon sa pagkamit ng kabutihang panlahat

Vl. REMARKS: __________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Vll. REFELCTION: _______________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

BLANCE G. BAYLON
SST-I

Binigyang Pansin:

JOSEPH B. CAJUBAN
Department Head

You might also like