You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay sa Araling Panlipunan 4

Ikaapat na Markahan
inihanda ni: Angiela M. Bardon

I. Layunin
Pagkatapos ng 50-minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa kagalingang pansibiko;
b. Aktibong lumahok sa talakayan sa klase; at
c. Nakapaglalarawan sa mga gawaing lumilinang sa kagalingang
pansibiko.

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Gawaing Lumilinang sa Kagalingang Pansibiko
Kagamitan: Powerpoint, TV
Sanggunian:
 Araling Panlipunan 4 MELCS pahina 39
 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan - Modyul 3 Mga Gawaing
Lumilinang sa Kagalingang Pansibiko Week 4-5 pahina 1-16

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa isang
panalangin. (Nagsitayo ang lahat)

Angel of God, my guardian dear, To Angel of God, my guardian dear,


whom God's love commits me here, To whom God's love commits me
Ever this day, be at my side, To light here, Ever this day, be at my
and guard, Rule and guide. Amen. side, To light and guard, Rule and
Angel of God, my guardian dear, To guide. Amen. Angel of God, my
whom God's love commits me here, guardian dear, To whom God's
Ever this day, be at my side, To light love commits me here, Ever this
and guard, Rule and guide. Amen. day, be at my side, To light and
guard, Rule and guide. Amen.
2. Pagbati
Magandang araw, mga bata! Magandang araw po, bb. Angiela!

Maari na kayong magsiupo!

3. Talaan ng Liban
Mga bata, maari bang tingnan ninyo
ang inyong katabi at sabihin kung sino
ang wala sa araw na ito? (lilingon sa kanan, kaliwa, at
likuran ang mga mag-aaral)
May lumiban ba ngayong araw mga Wala po!
bata?
At dahil walang lumiban, nais kong
bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng (isasagawa ng mga bata)
limang palakpak.
4. Balik-aral
May takdang aralin ba kayo? Wala po

Kung ganon ay atin munang balikan


ang ating tinalakay kahapon.
Tungkol saan ang ating tinalakay
kahapon? Ang ating tinalakay kahapon ay
patungkol sa _____.
Tama! Ang ating tinalakay kahapon ay
tungkol sa_______.

Ngayon naman ay ating kilalanin ang


ating leksyon para sa araw na ito.

B. Pagganyak
Panuto: Buohin ang salita na nasa
loob ng kahon.

K__GAL__NGAN Kagalingang

G
P__NSIB__KO Pansibiko

May ideya ba kayo kung ano ang ibig


sabihin ng mga salitang nabuo?
Wala, po
Kung gayon ay ating alamin kung ano
ang ibig sabihin ng Kagalingang
Pansibiko.
Ang ating aralin sa araw na ito ay
tungkol sa mga gawaing lumilinang sa
kagalingang pansibiko.

C. Paglinlang na Gawain
Pagtatalakay
Kahulugan ng Gawaing Pansibiko
Ang gawaing pansibiko ay
tumutukoy sa mga nakatutulong sa
pagpapaunlad ng pamayanan at
bansa. Ito ay nakasentro sa mga
gawain na makamit ang para sa
ikabubuti ng nakararami.

Mahalaga ang gawaing pansibiko


ng isang bansa, sapagkat ito ang
paraan ng pagtiyak na ang
mamamayan sa isang lipunan ay
tunay na malaya, nagsasarili at
kontento sa kanilang pamamaraan.
Nagagawa ang gusto nang hindi
lumalabis sa itinakda ng batas at
kontento sa pamamalakad ng
pamahalaan at sinusuportahan ito.

Mga Halimbawa ng Gawaing


Pansibiko
Ang gawaing pansibiko ay
pagkukusang-loob, pagtulong nang
walang inaasahang kapalit, at
bayanihan. Ito ay mga susing
katangiang dapat taglayin sa gawaing
pansibiko. Ang malawakang
pagsasama-sama ng mga tao upang
makatulong lalo na sa mga taong may
pinakamahirap na pamumuhay ay
isang gawaing pansibiko.

Kahulugan ng Kagalingang
Pansibiko
Nagmula sa salitang Latin ang
sibiko na ang ibig sabihin ay
mamamayan. Ang mamamayang
nakapagbuwis ng buhay para sa
kaniyang kapuwa ay tinatawag na
civique noong unang panahon sa
lipunang “Pranses”.

Ito ay naipagpapalit sa salitang civil


o sibilyan na tumutukoy sa isang
taong hindi naging sundalo o wala sa
serbisyo ng pamahalaan ngunit malaki
ang naitutulong sa kaniyang bayan.
Sangayon, ang salitang sibiko ay
ginagamit upang tukuyin ang mga
mamamayang bumubuo ng lipunan.
Madalas na ikinakabit sa katagang
ito ang mga salitang “kagalingan” o
welfare.
Ang civic welfare o kagalingang
pansibiko ay tumutukoy sa
pinakamatatag na kabutihang
mararanasan o makukuha ng mga
mamamayan. Natatamasa ang
kabutihang ito bunga ng mabilis na
pagtugon at pagtulong ng
mamamayan.

Ang mga mamamayang may


kamalayang pansibiko ay higit na
nakatutulong sa pamahalaan sa
pagsasagawa ng mga tungkulin sa
lipunan. Ang kamalayang pansibiko ay
kaisipan na ang bawat tao ay may
pananagutan sa kaniyang kapuwa. Ito
ay pagkilala na ang bawat isa ay
may kakayahang maaaring gawin
upang maging bahagi sa
pagpapaunlad ng lipunan sa anumang
paraang kaya niyang gampanan. Ang
mga susing katangiang nararapat
taglayin sa gawaing pansibiko ay ang
pagku kusang-loob, pagtulong nang
walang inaasahang kapalit at
bayanihan.

Maaari ring tukuyin ang gawaing


pansibiko bilang pagsasama-sama
ng mamamayan upang matiyak na
nasa pinakamaayos silang
pamumuhay lalo na ang mga walang
kakayahan at kapos sa
pangangailangan.

Kadalasang sinasakop ng kaga


lingang pansibiko ang mga isyung
tumatalakay sa kalusugan, pam
publikong serbisyo, kabuhayan,
kalikasan at edukasyon. Maituturing
na kagalingang panlipunan na nag-
uugat sa gawaing pansibiko ang
maliliit na bagay tulad ng pagtulong sa
matanda sa pagtawid sa kalsada
hanggang sa malaking bagay tulad ng
pagkakaroon ng plano sa pagtatayo
ng kabuhayan sa komunidad.

D. Pangkatang Gawain
(Hatiin sa tatlong pangkat ang mga
mag-aaral)

Pangkat 1
Panuto: Basahin ang mga
pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang letrang T kung ito ay
nagpapahayag ng kagalingang
pansibiko at letrang M kung hindi.

____ 1. pagboboluntaryo sa pagtulong


sa kapuwa
____ 2. pagtangkilik ang mga
produktong gawang Filipino
____ 3. pagbibigay ng donasyon sa
mga nangangailangan
____ 4. pagsasawalang-bahala sa
mga batas na ipinatutupad ng
pamahalaan
____ 5. pakikilahok sa mga
programang naglalayong makatulong
sa nakararami

Pangkat 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat
sitwasyon. Isulat sa sagutang papel
ang letra ng gawaing pansibiko na
ipinapahayag nito.

A. pagtulong sa kapuwa
B. pagbigay ng donasyon
C. pagboto sa tamang tao
D. pagmamahal sa bayan
E. pagtangkilik sa mga produktong
Filipino
F. pakikipagtulungan sa programa ng
pamahalaan

1. Ang mag-asawang Dr. at Dra.


Galvez ay madalas nagbibigay ng
donasyon sa mga batang nakatira sa
bahay ampunan.
2. Sumama si Noel sa kaniyang mga
magulang na may dalang mga lumang
gamit na ipamimigay sa kapitbahay
nilang nasunugan.
3. Mahilig bumili ng sapatos na gawa
sa Marikina si Marta dahil nais niyang
makatulong sa pagpapaunlad ng
produkto ng Pilipinas.
4. Ang programang “Linis Mo Tapat
Mo” ng Barangay Malinis ay
tinatangkilik ng mga mamamayan dito.
Sila ay nagtutulong-tulong upang
maging malinis ang kanilang paligid.
5. Gumising nang maaga si Aling Cora
upang pumunta sa paaralan at
hanapin ang presinto kung saan siya
ay boboto. Nais niyang manalo ang
kaniyang kandidato sa dahilang siya
ay makatutulong sa kanilang bayan.

Pangkat 3
Panuto: Bilang mag-aaral, paano mo
maipakikita na ginagawa mo ang
iyong bahagi sa paggawa ng mga
gawaing pansibiko? Sumulat ng
limang halimbawa sa iyong sagutang
papel.

1._________________________

2._________________________

3._________________________

4._________________________

5._________________________

Pamantayan sa Pangkatang Gawain


Kriterya 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos
Pag-unawa Naiintindihan Bahagyang Hindi
sa nang buong- naiintindihan maayos na
Instruksyon: katwan ang mga ang mga naiintindihan
tagubilin at tagubilin at ang mga
layunin ng layunin tagubilin at
gawain. ngunit may layunin ng
mga bahagi gawain
na hindi
lubos na
naiunawa.
Pakikila- Aktibo at Kaunting o
hok sa mahusay na Nakaambag walang
Pangkat: nakikipagtulunga sa pangkat partisipasyon
n sa pangkat, ngunit hindi sa pangkat,
nagbibigay ng gaanong hindi nag-
ideya at suporta. aktibo sa aambag ng
diskusyon at kahit ano.
pagpaplano.
May magandang Maayos na Ang output
Kalidad ng kalidad na output, output ay magulo,
Output malinaw, ngunit may hindi
organisado, at ilang bahagi organisado,
epektibo na at hindi
kailangan gaanong
pang epektibo.
mapagbuti o (Isinasagawa ng mga mag-aaral
linisin. ang pangkatang gawain.)

Mahusay mga bata! Bawat grupo ay


nakakuha ng mataas na puntos.
(isinagawa ng mga mag-aaral
Bigyan ng limang palakpak ang ating
ang palakpak)
mga sarili.

E. Paglalapat
Panuto: Punan nang wastong salita
ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng pangungusap. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at
isulat sa sagutang papel.
1. pamayanan

2. ikabubuti
1. Ang gawaing pansibiko ay
tumutulong sa pagpapaunlad ng
_________ at bansa. 3. mamamayan
2. Nakasentro ang mga gawaing
pansibiko para sa __________
ng nakararami.
3. Mahalaga ang mga gawaing
pansibiko ng isang bansa sapagkat ito 4. pansibiko
ang paraan ng pagtiyak na ang
_________________ sa isang lipunan
ay tunay na malaya.
4. Ang pagkukusang-loob na 5. kagalingang
pagtulong nang walang inaasahang
kapalit at bayanihan ay isang
gawaing_________________.
5. Maituturing na ________________
panlipunan na nag-uugat sa gawaing
pansibiko ang maliit at malaking uri ng (isinagawa ng mga mag-aaral
pagtulong. ang palakpak)

Mahusay mga bata!


Bigyan ng masigabong palakpak ang
mga sarili.

F. Paglalahat
Ano ang ating tinalakay ngayong
araw? Ang ating tinalakay ngayong araw
ay tungkol sa mga gawaing
lumilinang sa kagalingang
pansibiko
Mahusay mga bata!
Ano ang civic welfare o kagalingang
pansibiko? Ang civic welfare o kagalingang
pansibiko ay tumutukoy sa
pinakamatatag na kabutihang
mararanasan o makukuha ng
mga mamamayan.
Mahusay! Bigyan ng masigabong
palakpak ang mga sarili. (isinagawa ng mga mag-aaral)

IV. Pagtataya
Panuto: Pag-aralan ang semantic web. Bilang mag-aaral, paano
ka makakaitulong sa iyong kapuwa? Ipaliwanag.

1. kaibigan _______________
2. kamag-aral _____________
3. magulang ______________
4. matanda _______________
5. maysakit _______________

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng mga gawaing pansibiko.
Ipaliwanag ang iyong guhit sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Checked by:
04-18-24
Mrs. Racquel B. Espiritu
Cooperating Teacher

You might also like