You are on page 1of 6

The Competencies of Peace Education

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Grade Quarter Competency Learnng Competency Value to be Develop


Level Code

9 1st EsP9PL -Ic - 2.2 Natataya ang pag -iral o  Pakikiisa


kawalan sa pamilya,  Paggalang
paaralan, baranggay,  Pagtutulungan
pamayanan, o 
lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng
Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Inihanda nina:

Ian Santos B. Salinas


Master Teacher I

Ma. Victoria G. Shorter


Teacher III

Enrico J. Borras
Teacher I
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
(Awtput mula sa Pandibisyong Seminar-Workshop sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

I. Mga Kasanayang Pampagkatuto


Natataya ang pag -iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan, o
lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

II.Paksa: Kapayapaan Bunga ng Paglilingkod sa Kapuwa

III. Mga Layunin:


1. Natutukoy ang kaugnayan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity sa pag-iral ng
kapayapaan.
2. Nakapagninilay ng kahalagahan ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-ral ng
Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity.
3. Nakabubuo ng isang plano ng paglilingkod (service learning) na makatutugon sa
pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad na kinabibilangan.

IV. Mga Kagamitan:


- Batayang aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9
- Sipi ng Video Clip

V. Mga Pagpapahalagang Lilinangin


- Peace Education

VI. Nilalaman:
A. Panimula
a. Pagsusuri ng Sitwasyon at Larawan
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na sitwasyon at lawaran kung nagpapakita ng
Prinsipiyo ng Subsidiarity o Pagkakaisa

Mga Sitwasyon:
1. Batang namamalimos sa kalye.
2. Sama-sama sa pagtakbo para sa kalikasan.
3. Pagtatalo ng mag-asawa sa harap ng mga anak.
4. Paghahanapbuhay ng mga kabataan sa murang edad.
5. Pakikiisa ng mga kabataan sa pagpapatupad ng “waste segregation.”

B. Paglinang na Gawain
a. Pangkatang Gawain: “Tower Building”
Panuto:
1. Ang bawat mag-aaral ay hahatiin sa limang pangkat. Bawat pangkat ay aatasa
sa pagsasagwa ng matibay at mataas na tore.
2. Bibigyan ng 10 minuto ang bawat pangkat upang buuin ang kanilang mga
tore.
3. Kinakailangang siguraduhin ng bawat pangkat na mataas at matatag ang mga
toreng bubuuin. Ang pinakamataas at pinakamatibay na tore ang siyang
magwawagi sa gawain.

C. Pagsusuri
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang gawain?
2. Anu-ano ang naging hadlang sa pagbuo ninyo ng isang matatag at matibay na
tore?
3. Anu-anong katangiang dapat taglayain sa pagbuo ng isang matibay at matatag na
tore?

D. Pagpapalalim
Matapos isagawa ang mga paunang gawain ay tatalakayin ang mga sumusunod na
konsepto upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin.

Panimula
Tinalakay natin sa unang markahan ang kahulugan at kahalagahan ng
Lipunang Pampolitika sa pamamagitan ng pag-iral ng Prinsipyo ng Solidarity at
Subsidiarity. Atin ding natalakay ang mga mahahalagang halimbawa upang lubos
mong maunawaan ang pagkakaiba ng dalawang prinsipyong ito sa pagkakamit ng
kabutihang panlahat.
Anu-ano pa bang mga bagay ang inyong natatamasa sa kasalukuyan kung
saan napapayaman ninyo ang inyong kaisipan, mga talento at wastong pag-uugali?

Ating tandaan! Upang lubos na umiral ang kapayapaan sa ating lipunan,


kailangang isabuhay ang mga pagpapahalaga na naaayon sa kabutihang panlahat.

Sa pagkakamit natin ng mga tulong mula sa pamahalaan, mahalagang


isaalang alang natin ang responsibilidad na kaakibat nito.

Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang na nakalaan batay sa iyong
pagkaunawa sa katatapos na paksa.
1. Libreng pag-aaral sa pampublikong paaralan
2. Walang bayad na konsultasyon sa mga health centers
3. Ang hindi pagtanggap ng nararapat na benipisyo ng magagawa
4. Pagtanggi na isali ang isang kakalse dahil sa hindi nila ito kaibigan
5. Pakikiisa ng mga pangkat ng kabatan sa pagtulong sa mga biktima ng pagbaha sa
Sta. Rita.
E. Paglalapat
a. Pagsasagawa ng Plano ng Paglilingkod (Service-Learning Activity Plan)
Panuto:
1. Maglunsad ng isang Plano ng Paglilingkod o Service-Learning Activity ng
inyong pangkat. Maaring pumili sa mga sumusunod na tema sa ibaba
ang bawat pangkat.
a. Sama-samang pagtatanim
b. Pagkakaroon ng Advocacy Campaign laban sa Pambubulas
c. Pagsasagawa ng Act of Kindness
2. Gamit ang pormat na ibibigay ng guro patungkol sa Plano ng
Paglilingkod, gawing simple at makabuluhan ang isasagawang Plano ng
Paglilingkod.
Pormat ng Plano ng Paglilingkod

Pamagat ng Plano:
Layunin ng Isasagawang Service Learning
1.
2.

Mga Tatanggap o Paglilingkuran

Mga Pamamaraan ng Pagsasagawa:


1.
2.
3.

Rubriks
5 4 3 2 Kabuuan
Lubos na Nakakapukaw ng Nakakapukaw ng Hindi
Nakakapukaw ng Atensyon ang Atensyon ang Nakakapukaw ng
Atensyon ang Pamagat Pamagat ngunit Atensyon ang
Pamagat may mga salitang Pamagat
kailangang
isaayos
Lubos na malinaw Malinaw at Malinaw ang mga Hindi malinaw at
at naaabot ang naaabot ang mga inihandang hindi naaabot ang
mga inihandang inihandang layunin ngunit mga inihandang
layunin layunin may kahirapan sa layunin
pagkakamit nito
Lubos na may Kinakikitaan ng May kaayusan Walang kaayusan
kaayusan at kaayusan at ang bawat at hindi malinaw
malinaw ang malinaw ang pamamaraan ang bawat
bawat bawat ngunit hindi tiyak pamamaraan
pamamaraan pamamaraan na malinaw ang
ilan sa
pamamaraan
b. Pagninilay
Panuto: Pagnilayan ang awiting pinamagatang “Let there be Peace on Earth”
at Sagutin ang mga sumusunod na gabay na tanong upang mapagnilayang
mabuti ang kahalagahan ng pag-iral ng kapayapaan.

Mga gabay na tanong:


1. Patungkol saan ang pinakinggang awit?
2. Ano ang mensahe ng pinakinggang awit?
3. Bilang kabataan, paano mo mapapanatili ang kapayapaan sa lipunang
iyong kinabibilangan? Ipaliwanag.

F. Pagtatasa
Panuto: Basahin at suriing Mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng puso.

Solidarity Subsidiarity
Kapayapaan
Paglilingkod Tungkulin

1. Makakamit lamang ang kabutihang panlahat kung may pag-iral ng__________?


2. Ito ay tumutukoy sa mga tulong na nagmula sa pamahalaan papunta sa mga
mamamayan______________?
3. Ito ay ang pananagutan ng mga mamamayan sa bawat pagtulong na ibinibigay ng
pamahalaan________________?
4. Ito ay tumutukoy sa pagtutulungan ng bawat mamamayan upang matamo ang
isang layunin_____________?
5. Ito ay tumutukoy sa isang makabuluhang gawain na tumutugon sa
pangangailangan ng kapwa upang makamit ang kabutihang panlahat__________?

Inihanda nina:

Ian Santos B. Salinas


Master Teacher I
Ma. Victoria G. Shorter
Teacher III
Enrico J. Borras
Teacher I

You might also like