You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

I. Layunin:
Pagkatapos ng 50- minutong talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a.) natatalakay ang pag-aalsa ng kapatiran ng San Jose;
b.) nasasabi ang ginawang pag-aalsa ni Hermano Pule; at
c.) naipapakita ang mga ginawang pag-aalsa para sa bayan.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
Kagamitan: TV, visual aid, mga larawan
Sanggunian: Curriculum Guide (Code: AP5PKB-IVa-b-1) Pahina 54 ng
120
III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat at tayo’y
manalangin. Sa ngalan ng ama, ng anak,
at ng Espiritu santo, Amen
2. Energizer
Ama Namin……… Amen.
3. Pagbati
(Ang mga bata ay sasayaw)
Magandang araw mga bata
4. Pagtala ng mga Lumiban
Magandang araw din po,
5. Pagsasaayos ng mga upuan
Binibining Noime.
6. Balik-Aral
Ano ang inyung napag-aralan sa
nakaraang talakayan?
(Ang mga mag-aaral ay sasagot)
B. Pagganyak:
May ipapakitang bidyow ang guro tungkol
sa buhay ni Hermano Pule, at
pagkatapos ay magtatanong ang guro ng
ilang mga katanungan.
(https://youtu.be/u0vQnU6Am2c?
si=aiaOmk_MrqnzZ1cZ)
Ano ang inyung napansin sa bidyow na Tungkol sa buhay ni Heramano
inyung pinannoud? Pule
Ano ang ginagawa ng mga tao sa biyow
na inyung pinannoud?
Nagkaroon ng Himagsikan.
Sa araw na ito mga bata ating
tatalakaying kung ano ba ang meron sa
pag-aalsa na naganap sa San Jose.
Opo, Guro
Handa na ba kayo?
Kung gayon, ay maghanda mga bata,
dahil sa hapon na ito ay ating tatalakayin
ang Pag-aalsa ng Kapatiran ng San
Jose.
C. Paglalahad:
Ang bidyow na inyung nakita ay
mayroong kinalaman sa ating tatalakayin
sa araw na ito.
Naitatag ang samahan ng San Jose dahil
sa isyu ng diskriminasyon sa lahi.
Ginawa itong kahalili ng Katolisismo ng
mga kasapi. Nagsimula ang pag-aalsa ng
sumalakay sa kanila ang mga espanol
D. Pagtatalakay:
Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose
Si Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay
mas kilala sa pangalang “Hermano Pule”.
Siya ay isinilang noong Hulyo 22, 1815
sa Sitio Pandak, bayan ng Lucban,
Tayabas (Quezon), kung saan niya
natamo ang pangunahing pag-aaral ng
pananampalataya. Siya ay natanggap na
hermano sa San Juan De Dios. Kabilang
sa labinsiyam na dating hermano na
nagtatag ng Confradia de San Jose, siya
ay naging tagapagtanggol ng kalayaan
sa karapatang panlipunan at
pananampalataya.
Pag-aalsa ni Hermano Pule:
- Si Hermano Pule ay isang “lay brother”
ng Ospital ng San Juan de Dios. Gusto
niyang magpari ngunit hindi siya
tinanggap dahil isa siyang Pilipino.
- Kaya noong 1832, itinatag niya ang
Kapatiran ng San Jose o Cofradia de
San Jose, isang “kapatiran” na Pilipino
lamang ang puwedeng sumali.
Karamihan ng mga kasapi ay magsasaka
at ito ang naging kapalit ng Katolisismo.
- Mula sa punong himpilan nito sa
Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng
malawak na kapatiran sa Tayabas
(Quezon), Laguna, at Batangas.
- Sa paglakas ng samahan nabahala ang
mga Español. Sa kabila ng paghiling niya
na kilalanin ng pamahalaan at ng
simbahan ang kanyang samahan, sa
tulong ni Domingo Roxas, nabigo si Pule.
- Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng
mga Español ang Cofradia. Inipon ni
Pule ang 4,000 na mga kasapi sa Alitao
at matagumpay na nakipaglaban sa mga
Español.
- Ngunit ng dumating ang mga
sumaklolong sundalong Español, walang
awa nilang pinagpapatay ang mga
matatanda, mga babae at mga bata na
kasama nina Pule.
- Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at
hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng
Tayabas.
- Matapos siyang barilin sa edad na 26,
ang katawan niya ay pinaghati-hati,
inilagay sa mga kawayan at ibinandera
sa mga lugar na madaling makita upang
maging babala sa mga nag-iisip na mag-
alsa.
E. Pangkatang Gawain:
(Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.)
Bawat grupo ay kailangang makagawa
ng limang (5) slogan tungkol sa
pagmamahal sa bayan at ipaliwanag
kung bakit ito ang napiling isulat.

(Pag-uulat ng mga Mag-aaral)


(Magkaiba ang sagot ng mga
mag-aaral)
Apolinario de la Cruz o si
Hermano Pule.
26
Casa Tribunal ng Tayabas.
(Magka-iba ang sagot ng mga
mag-aaral)

Pag-aalsa ng Kapatiran ng San


Jose

Pagkatapos gumawa ay pumili kayo ng


(Maaring magkaiba ang sagot ng
lider bawat pangkat, upang mag-ulat sa mga mag-aaral)
inyyung ginawa.
F. Pag-uukol
Gusto niyo pa ba ng isa pang gawain? (Maaring magka-iba ang sagot ng
Magtatawag ako ng iilang mag-aarl mga mag-aaral)
upang sagutang ang aking mga
katanungan.
1. Ipaliwanag ang inyong naintindihan
tungkol sa pag-aalsa ng kapatiran ng
San Jose.
2. Sino ang ang nagtatag ng Kapatiran
ng San Jose?
3. Ilang taon si Hermano Pule ng siyay
patayin?
4. Saan pinatay si Hermano Pule?
5. Bakit mahalaga na mayroon tayong
pagmamahal sa ating bayan?

G. Paglalahat:
Ano ang napag-aralan natin sa araw na
ito?
Ano ang ibig sabihin ng Pag-aalsa ng
Kapatiran ng San Jose?

Ilarawan si Hermano Pule.

Magaling mga bata at mayron kayong


natutunan sa ating talakayan sa hapon
na ito.
IV. Pagtataya:
Panuto: Isulat ang mga salitang
nawawala sa bawat pangungusap.
Humanap ng Kasagutan sa loob ng
kahon.

Bundok Bnahaw Domingo Roxas


Kapatiran ng San Jose Espanyol
Casa Tribunal Barrio Guibanga
Hermano Pule 4,000
Oktubre 1841

1. Itinatag ni Pule ang _____________ ,


isang samahan na Pilipino lamang ang
puwedeng sumali.
2. Sa tulong ni________________,
hiniling ni Pule na kilalanin ng
pamahalaan at ng simbahan ang
kanyang samahan.
3. Mula sa punong himpilan ng nito sa
______________, nagkaroon sila ng
malawak na kapatiran sa ibat-ibang
lalawigan.
4. Sinlakay ng mga ____________ ang
kapatiran noong Oktubre, 1841.
5. Nahuli si Pule at hinatulang mamatay
sa ____________.
6. Noong ______________ sinalakay ng
mga Espanyol ang confradia.
7. Siya ay kilalang___________ “lay
brother” ng ospital ng San Juan de Dios.
8. Ang inipon ni Pule ang___________
mga kasapi sa Alitao.

V. Takdang Aralin:
Panuto: Magbigay ng opinyon. Sa
palagay mo, may katuwiran bang
matatag ng samahang panrelihiyon si
Hermano Pule?

Prepared by: NOIME Q. BURTANOG


Student Teacher

Approved by: CRISANTA D. MEDINA


Cooperating Teacher

You might also like