You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

TARLAC STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF EDUCATION
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of
Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino

Apolinario Mabini at
Jose Palma
(PAGPAPAKITANG-TURO)

Inihanda ni:

Marizchelle Anne D. Aguilar


BEEd 2A

Iniwasto ni:

Bb. Glendalyn S. Arias


Guro

Abril 2020
Ikalawang Semestre
Detalyadong Banghay Aralin

I. Layunin
a. Malaman ang naiambag nila Apolinario Mabini at Jose Palma sa ating bansa.
b. Maisapuso ang mga naiambag nila sa ating Bansa.
c. Makagawa ng bagong tono ng kanta sa pamamagitan ng mga naisulat na nilang kanta.

II. Paksang Aralin

Paksa: Apolinario Mabini at Jose Palma

Sanggunian:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Jose_Palma

https://tl.wikipedia.org/wiki/Apolinario_Mabini

https://tl.wikipedia.org/wiki/Apolinario_Mabini

https://philippineculturaleducation.com.ph/palma-
jose.britannica.com/biography/Apolinario-M

Kagamitan: Laptop, Mga larawan, Cartolina, TV

III. Proseso ng Pagkatuto

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. 1 Panimulang Gawain

Magandang umaga mga bata?

Magandang umaga rin po.

Tumayo ang lahat at pangunahan mo ang


panalangin natin Hazel?
(Lahat ay tatayo at mananalangin).
Ama naming makapangyarihan sa lahat…

Bago kayo umupo ay pakiayos ang inyong


upuan at itapon ang mga basura sa basurahan.

(Umupo na ang lahat)


May lumiban ba sa klase natin Hannah?
Ikinagagalak ko pong sabihin na wala pong
lumiban sa ating klase ngayon.
Natutuwa ako na walang lumiban sa ating
klase ngayon.

A. 2 Pagbabalik aral
Bago tayo dumako sa ating susunod na paksa,
ako ay may iilang katanungan muna
patungkol sa ating nakaraang talakayan.

Sino si Andres Bonifacio?

Pinanganak sa Tondo, Maynila at pinabaril


kasama ng kanyang kapatid sa Maragondon,
Cavite
Ang tinaguriang “supremo” ng Katipunan
Nagsulat ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
Si Andres Bonifacio ang nagsilbing nagsindi ng
mitsa sa paghihimagsik.
Kabilang siya sa trilohiya nina Flores at del Pilar.
Siya ang sumulat ng ikatlong tula, “Ang
Katapusang Hibik ng Pilipinas”. ANDRES
BONIFACIO
Mahusay! Ang panghuli ay sino si Emillio
Jacinto?

Si Emilio Jacinto ay ipinanganak sa Tondo


noong Disyembre 15, 1875. Si Jacinto ay
kanang kamay ni Bonifacio at kinikilalang
“Utak ng Katipunan”. Maralita man sila ay
naitaguyod din ang pag-papaaral ni Emilio at
hindi ito naging sagabal upang makatapos
siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran, Nag-
aral siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas.
Napakahusay! Nakakatuwang isipin na ang
lahat ay nakinig sa ating nakaraang talakayan.

A. 3 Pagganyak
Bago natin simulan ang ating bagong
talakayan, may inihanda akong gawain para
sa inyo na pinamagatang “sino ako?”.
Pakibasa nga ang panuto Kiss.

Proseso ng Gawain:

1. Papangkatin sa tatlo ang klase.


2. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng
tatlong representante; pipila ang mga
ito sa tinakdang lugar ng guro.
3. Magkakaroon ng tatlong round ang
aktibidad
4. Ang guro ay may ibibigay na larawan
ni Jose palma at Apolinario mabini sa
mga manlalaro na kung saan may mag
sisilbing sagot sa mga katanungan.
5. Ang mga tanong ay nasa maliit na
bowl bubunot ang bawat representate
at maguunahan sa harap upang
sagutan ang tanong sa pamamagitan
ng pag lapat ng imahe kung sino ang
tamang sagot sa dalawa.
6. Ididikit sa pisara ang tanong na
nabunot katabi nito ang larawan na
syang sagot sa tanong.
7. Ang aktibidad na ito ay mag tatagal ng
limang minute kung sinong unang
natapos at may tamang sagot ang
Maraming Salamat, Kiss! syang panalo.
Maliwanag na ba ating gawain mga bata?

Handa na ba ang lahat? Opo titser.

Opo titser.
Kung gayon, ang oras niyo ay magsisimula
na.

(Nag-umpisa na ang gawain)


Tapos na ang limang minuto. Maaari niyo
nang ipakita ang mga sagot niyo.
(Unang grupo)

(Ipinapaliwanag sa harap ng klase kanilang


mga sagot)
(Pangalawang grupo)

(Ipinapaliwanag sa harap ng klase kanilang


mga sagot)
(Pangatlong grupo)

(Ipinapaliwanag sa harap ng klase kanilang


mga sagot)
Maraming saalamat! Napakahusay ng lahat.
Maaari na kayong bumalik sa inyong mga
upuan.

(Bumalik sa kanilang mga upuan)

B. Paglalahad
Ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa ating
paksang tatalakayin at mukhang handa na
kayong making sa ating talakayan sa araw na
ito.

Sino nga ba sila Apolinario Mabini at Jose


Palma ? At ano ang naibigay o ambag nila sa
ating bansa? Bakit mahalagang pag-aralan
ang dalawang taong to sa kasalukuyan at
hinaharap?
Joy pakibasa ito patungkol kay Apolinario
Mabini. Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23,
1864—Mayo 13, 1903), kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko",
ay isang Pilipino teyoresta na nagsulat ng
konstitusyon ng Unang Republika ng
Pilipinas noong 1899-1902, at naglingkod
bilang ang kauna-unahang punong ministro
noong 1900 na makikita sa sampumpisong
barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan,
Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina
Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa


Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang
"Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang
Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El
Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si
Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa
siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903
kapalit ng panunumpa ng katapatan sa
Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera
at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa
Nagtahan, Maynila.

Maraming Salamat, Joy!

Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, anong


katangian ni Apolinario Mabini ang nais
mong tularan at bakit?
(Magtataas ng kamay at sasagot ang mga
estudyante)

“kahit mahirap po sya nag patuloy sya sa


kanyang pag aaral at nag sumikap po”.

Magaling! Ano pa?

“ano po titser kahit na lumpo sya noon ay


pinag patuloy parin nya ang pag susulat para
sa bayan at hindi naging dahilan sa kanya ang
pag kalumpo para itigil ang ginagawa nya po
para sa bayan.”

Napakahusay! May iba pa bang gustong


sumagot?
Wala na po titser.

Kung wala na kayong tanong, Darlene


pakibasa ito patungkol kay Jose Palma.
Si Jose Palma ay isang makata at sundalong
Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat
niya ng Filipinas, na naging titik ng
pambansang awit ng Pilipinas.
Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong
ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni
Rafael Palma na naging pangulo ng
Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga
magulang ay sina Hermogenes Palma at
Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma
noong nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de
Manila, si Gregorio del Pilar na naging
pinakabatang heneral ng mga hukbong
manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo
Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga
lirikong tula at pinahanga ang marami sa
pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang
aklat ng mga tula noong siya’y labimpitong
taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang
kapatid na si Dr. Rafael Palma, si Jose ay
tahimik at mahiyain subalit emosyonal at
romantiko.
Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang
maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak
noong Agosto, 1896. Dahil sa pag-ibig sa
bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel
Rosendo Limon at nakipaglaban sa ilalim ni
Heneral Servillano Aquino.
Noong ikalawang bahagi ng labanan sa
pakikipaglaban sa mga Amerikano para
makamit ang kalayaan ay nakasama siya sa
editorial staff ng noo'y popular na
pahayagang La Independencia. Dito niya
napatunayan na higit siyang isang manunulat
kaysa isang kawal.
Nakilala siya sa kanyang tulang Filipinas na
siyang pinaghanguan ng mga titik na inilapat
sa tugtuging nilikha ni Julian Felipe bilang
tugon sa kahilingan ni Heneral Emilio
Aguinaldo kay Julian Felipe na gumawa si
Felipe ng isang tugtuging martsa. Ang ambag
niya sa panitikang Pilipino, ang mga titik ng
Pambansang Awit ng Pilipinas, sa Kastila.
Sinusulat niya ang mga titik na ito habang
ang pulutong ng kawal na kinabibilangan niya
ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan. Ang
Filipinas na sinulat ni Palma noong buwan ng
Agosto, 1899, ay nalimbag sa unang
pagkakataon sa pahayagang La
Independencia noong Setyembre, 1899. Ang
mga letra ni Palma ay bihira nang awitin
ngayon sapagka’t ang salin sa Ingles at
Tagalog ang siyang lalong gamitin. Ang isa
sa mga pinaka-madamdaming tula ni Jose
Palma ay ang tulang De Mi Jardin (Mula sa
Aking Hardin).
Maraming Salamat, Darlene!

Kung ikaw naman si Jose Palma, paano ka


tutulong sa bayan?

(Magtataas ng kamay at sasagot ang mga


estudyante)

“Katulad po ni Jose Palma Hindi lang po ako


magiging sundalong Pilipino gagamitin ko po
ang aking mlikhaing pag iisip para pag
Magaling! May iba pa bang gustong sumagot? silbihan ang ating bayan.”
Maraming Salamat mga estudyante! Tunay Wala na po titser.
nga naming nakilala jyo na sina Apolinario
Mabini at Jose Palma nagagalak ako na Tulad
nila ay gusto nyo ring tumulong para sa
ikabubuti ng ating bayan.
.

C. Paglalahat
Kung nakinig kayo sa ating talakayan ngayon,
may mga iilan akong katanungan.

Sino ang kilala bilang ang "Dakilang Lumpo"


o "Dakilang Paralitiko ?

Magaling! E sino naman ang Sumulat ng Apolinario Mabini po.


Filipinas?

Si Jose Palma po titser.

Mahusay! Ako ay nagagalak dahil nakinig


kayo sa ating talakayan.

D. Paglalapat
Ngayon, kayo ay magsasagawa ng isang
actibidad na tinatawag na “Lapatan mo ng
tono” patungkol sa ating paksa sa araw na ito.
Pakibasa ang proseso ng gawain zerene .

Proseso ng Gawain:
1. Papangkatin sa tatlo ang klase.
2. Ang bawat grupo ay bibigyan ng
tatlong minuto sa pag-iisip ng bagong
tonos a mga nailimbag nina
Apolinario Mabini at Jose Palma

Maraming Salamat, zerene ! Maliwanag ba


ang proseso ng ating Gawain?

Opo titser.
Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng
inyong ginawang kanta.

(Ipinakita ang pamantayan)

Pumunta na kayo sa inyong grupo at ang oras


ay magsisimula na.

Tapos na ba ang lahat?


(Pumunta sa kani-kanilang grupo at
naghanda)
Pumunta na dito ang unang grupo upang
ipakita ang inyong nagawang paglapat ng Opo titser.
tono.

Pangalawang grupo naman ang magpapakita (Unang grupo)


ng kanilang ginawa.

At ang huli ay ang ikatlng grupo. (Pangalawang grupo)

Maraming salamat sa partisipasyon niyong (Pangatlong grupo)


lahat.

IV. Pagtataya
Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang
mga sumusunod.

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.


________1. Siya ay kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko",
________2. Ipinanganak si Apolinario Mabini
noong?
________3. Siya ang sumulat sa Filipinas?
________4. Ipinanganak si Jose Palma
noong?
_______5. Noong 1899, si Mabini ay
nabilanggo sa?
6-10 (Sanaysay)
Bilang isang estudyante na mamamayan ng
Pilipinas, paano ka makakatulong upang
panatilihin ang Ipinamalas na kabayanihan at
katapangan ng ating mga bayani?

Mga kasagutan:
1. Apolinario Mabini
2. Hulyo 23, 1864
3. Jose Palma
4. Hunyo 6, 1876
5. Nueva Ecija

V. Takdang Aralin
Gumawa ng Tula patungkol sa kabayanihan.

Sanggunian:

https://tl.wikipedia.org/wiki/Jose_Palma

https://tl.wikipedia.org/wiki/Apolinario_Mabini

https://www https://philippineculturaleducation.com.ph/palma-
jose.britannica.com/biography/Apolinario-Ma

You might also like