You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO
11

3
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 8

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 1


MODYUL SA SHS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

KUWARTER 3
LINGGO 8

Pagsulat ng Reaksyong Papel


Development Team

Writer: Juliet D. Abellon / Antonio Q. Albis Jr.


Editor: Antonio Q. Albis Jr.
Reviewers: Zorayda S. Paguyo / Rosario Claudia A. Corcuera
Antonio Q. Albis Jr.
Lay-out Artist: Antonio Q. Albis / Aprilyn R. Ramos
Management Team: Vilma D. Eda

Arnel Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagtuturo sa


ikatatamo ng mas mataas na antas na karunungan lalo na sa larang ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ito sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral upang lalong
makaagapay sa mabilis na pag-indayog at pagbulusok ng pagbabago sa modernong
panahon sa makabagong milenyo at upang lalong umunlad ang sibilisasyong
kinabibilangan ng bawat indibidwal tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman
sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga
modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para
unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t


ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa
iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:


1. matukoy ang kahulugan at nilalaman ng reaksyong papel; at
2. makasulat ng isang reaksyong papel batay sa binasang teksto.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit ang mga inaasahan, isakatuparan ang mga sumusunod:


1. basahin at unawain nang mabuti ang naihandang aralin sa linggong ito;
2. sundin ang bawat panuto na inilakip sa bawat pagsasanay; at
3. sagutin nang tapat ang lahat ng mga pagsasanay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 3


Magandang buhay! Bago natin simulan ang
modyul na ito, nais kong kompletuhin mo muna ang
impormasyong hinahanap sa kahon sa ibaba. Isulat ang
mga impormasyon sa MALALAKING LETRA para
madaling mabasa at makita. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Pangalan: ________________________________ Strand/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________________________________________
Guro: ___________________________CP no. ng Magulang: ___________________

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?
ALAMIN

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto


ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik


sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa.

Kasanayang Pampagkatuto: F11PB- IIIj - 37:


Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa
binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito sa: a.pamilya, b. komunidad c. bansa d.
daigdig

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa mga
konseptong pangwika sa pamamagitan ng Paunang
Pagtataya. Sa ibaba ay mayroong 5 aytem na kailangan
mong sagutin. Paghusayan mo!
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa malalaking
titik ang napiling sagot.

1. Ano ang tawag sa sulating naglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga sa


mga sitwasyong may kinalaman sa bagay, tao, lugar, at pangyayari?
A. pamanahong papel C. repleksyong papel
B. reaksyong papel D. posisyong papel

2. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalahad ng kahalagahan ng reaksyong papel,


maliban sa isa.
A. Kailangang detalyadong mailahad ang mga bahaging pagtutuunang pansin o
bibigyang reaksyon.
B. Mahalagang mayroong batayan sa mga reaksyon o opinying ilalahad, lalo pa
kung ang opinyong ibibigay ay hindi positibo para sa sinusuri.
C. Mahalaga ang makapaglahad ng mga natutuhang kaalaman o aral buhat sa
materyal na sinuri.
D. Hindi maaaring magbigay ng mga suhestiyong makatutulong upang higit pang
gumanda ang sinuri.

3. Ito ay katangian ng reaksyong papel na tumutukoy sa maayos na daloy ng kaisipan.


A. malinaw C. magkakaugnay
B. tiyak D. pagbibigay-diin

4. Ito ang bahagi ng reaksyong papel kung saan inilalahad ang pangkalahatang reaksyon ukol
sa paksa.
A. simula C. gitna
B. kasukdulan D. konklusyon

5. Ito ay mga paraan ng paglalahad ng reaksyon sa pangyayari, isyu, tao o bagay, maliban sa
isa.
A. Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspektong may kaugnayan sa
sinusuri.
B. Ilahad ang pangkahalatang obserbasyon at assessment tungkol sa sinusuri
C. Ibigay ang pangkahalatang puna sa akdang sinusuri
D. Bumuo ng pangkahalatang reaksiyon sa sinusuri.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 5


Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa
linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang lilim ng iyong isipan baka kung sakaling iyo
nang naulinigan ang mga konseptong pag-aaralan.
BALIKAN

Sa nakaraang modyul ay napag-aralan natin ang nilalaman ng tekstong


prosidyural. Ito ay nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang sa pagsasagawa ng isang gawain o proyekto.
Mayroon itong apat na bahagi: layunin o target na awtput – kung ano ang
kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur; mga kagamitan – mga
kasangkapan at kagamitan na kakailanganin upang makompleto ang isinasagawang
proyekto; metodo – serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto;
at ebalwasyon na naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas


sa naunang aralin kaya ngayon naman ay makakaya mong
tuklasin, pagnilayan at unawain ang panibagong aralin!
TUKLASIN

Panuto: Basahin ang headline ng isang balita sa ibaba.


Ano ang iyong naging
reaksyon nang mabasa mo ang headline
ng balita? Maaaring ikaw ay natuwa
sapagkat sabik na sabik ka nang
pumasok muli sa paaralan at makita ang
mga kaklase, kaibigan at mga guro, o
kaya naman ay nalungkot dahil sa
pangambang magkaroon ng sakit dala
ng COVID-19 sa bansa.
Likas sa isang tao ang
makiagapay sa mga nangyayari sa
lipunang kaniyang ginagalawan –
positibo man o negatibo. Katunayan,
hindi nawawala sa atin ang pagbibigay
Larawan mula sa www.dwiz882am.com ng reaksiyon sa mga sitwasyong may
kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari. Subalit may pagkakataon na
nagbibigay tayo ng opinyon sa iba na hindi tinitimbang o sinusuri nang maayos na sanhi ng
lalong hindi pagkakaintindihan.
Sa linggong ito, magagabayan ka ng ating modyul kung paano magbigay ng
reaksyon sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pasulat na paraan. Handa ka na ba?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 6


Halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman at
palalimin ang iyong pag-unawa tungkol sa tekstong
naratibo. Tara, basahin at unawain nating mabuti ang
mga impormasyong nakalahad sa ibaba.
SURIIN

REAKSYONG PAPEL

• Ang reaksyong papel o panunuring papel ay tumutukoy sa paglalahad ng


makatarungan, patas o balanseng paghuhusga o assessment sa mga sitwasyong may
kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari.
• Sumasaklaw rin ito sa matalinong pagtataya sa kalidad, kakayahan, pamamaraan,
katotohanan at kagandahan ng obra maestra. Isang halimbawa ay ang pagbibigay ng
reaksyon ng mga tao sa mga pangyayaring pampolitikal, pang-ekonomikal o
pansosyal. Puwede ring ipahayag ang reaksiyon o puna sa panonood ng pelikula, dula,
konsyerto o ipinintang disenyo o larawan.
• Ang pagsulat ng reaksyong papel ay bahagi na ng mga gawain ng mga mag-aaral,
sapagkat ito ay isang mabisang gawain sa paglinang ng kanilang kakayahang magsuri
ng anumang materyales gaya ng teksto, pelikula, programang pantelebisyon, at dulang
pantanghalan.
• Masasabing ang reaksyong papel ay isang paglalantad ng katotohanan sapagkat
kailangang maging totoo sa pagbibigay ng opinyon ukol sa sinuri.
• Anumang materyal ang gagamitin para sa pagsulat ng reaksyong papel ay kailangang
makailang ulit itong binasa o pinanood upang malaman nang husto ang nilalaman ng
susuriin.
• Ang rekasyong papel ay hindi isang buod lamang sapagkat ito ay naglalaman ng
balanseng opinyon ng nagsuri.
• Mahalagang masuri kung ano ang layunin para sa mga mambabasa o manonood ng
materyales na panonoorin.
• Kailangang detalyadong mailahad ang mga bahaging pagtutuunang pansin o
bibigyang reaksyon.
• Mahalagang mayroong batayan sa mga reaksyon o opinyong ilalahad, lalo pa kung
ang opinyong ibibigay ay hindi positibo para sa sinusuri.
• Maaaring magbigay ng mga suhestiyong makatutulong upang higit pang gumanda ang
materyal na sinuri.
• Mahalaga ring makapaglahad ng mga natutuhang kaalaman o aral buhat sa materyal
na sinuri at kung ang materyal ay nararapat bang irekomendang basahin o panoorin.

Katangian ng Reaksyong Papel


Anumang sulatin ay kailangang magtaglay ng sumusunod na mga katangian upang ito
ay maging organisado at punong makabuluhang impormasyon.

• Malinaw – Maituturing na malinaw ang pagsusuri kung ito ay agad na maunawaan ng


mambabasa. Mahalagang gumamit ng mga tiyak at tuwirang maghahatid ng mensahe
at nakaayos sa pamamaraang madaling masusundan ng mga mambabasa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 7


• Tiyak – Nararapat na ang nagsuri ay magagawang mapanindigan ang kaniyang mga
inilahad. Ituon lamang ang pagsusuri sa atensyong paksang tinatalakay at iwasan ang
anumang bagay na hindi tuwirang kaugnay ng paksa.
• Magkakaugnay – Sa anumang paglalahad, mahalaga ang maayos ang daloy ng
kaisipan. Ang magulong paliwanag ay nagbubunga ng kalituhan sa mambabasa.
• Pagbibigay-diin – bagaman mahalaga ang mga karagdagang paliwanag, hindi naman
dapat matakpan ang pangunahing idea na siyang ipinapaliwanag. Ang dapat na
mabigyang diin ay ang pangunahing kaisipang tuon ng paglalahad.

Kahalagahan ng Reaksyong Papel


Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng isip at damdamin ng tao. Ang mga
bagay na hindi kayang sabihin nang pasalita ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsulat. Sa
pagsulat ng reaksyong papel, hindi lamang inilalahad ang nilalaman ng isang akda o palabas
na sinusuri, naglalaman din ito ng kahalagahan ng nasabing pagsusuri sa buhay ng
mambabasa. Ang nasa ibaba ay nagpapakita ng kahalagahan ng reaksyong papel.
Nakikita ang KALAKASAN at KAHINAAN ng akdang sinuri
Halimbawa: Nasusuri ang mga positibo at negatibong nilalaman ng isang akda o
likhang sinuri.

Nabibigyang Katwiran ang sariling reaksyon.


Halimbawa: Naipaliliwanag ang mga dahilan ng “bakit” at “paano” na inilahad sa
isinulat na reaksyong papel.

Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo ng mga kaisipan


Halimbawa: Nakikilala ang sariling estilo at ang lawak ng kaalaman sa pagsusuri
ng iba’t ibang genre.

Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan


Halimbawa: Nabubuksan ang isipan sa mga isyung panlipunan at naiuugnay ito sa
ginagawang pagsusuri.
Pagsulat ng Reaksyong Papel
Ito ay ang paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga sa mga
sitwasyong may kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga pangyayari. Ayon kay Unit
(2003), ang pagsusuri ay hindi lamang nakatuon sa magagandang puntos kundi maging sa
mga hindi magandang puntos ng kung anumang sinuri.

Sa pagsulat ng reakyong papel ay mahalagang isaalang-alang ang sarili at ang mga


maaaring makabasa ng isinulat.
Maaaring ang mismong pamilya, komunidad, bansa, at maging ang daigdig ay
maabot ng iyong sinulat, lalo pa sa panahon ngayon na maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa
panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 8


Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa
kapuwa, kung kaya sa anumang pagsulat na maaaring mabasa ng iba ay mahalagang taglay
nito ang nararapat na katangian.
Pamamaraan sa Pagbuo ng Reaksyong papel
A. Reaksyon sa Isang Pelikula
1. Ilahad ang mga pangyayari sa pelikula
2. Isalit ang komentaryo o reaksyon sa bawat pangyayari
3. Ilahad ang kabuuang reaksyon sa pelikula

B. Reaksyon sa Isang Pangyayari, Isyu, Tao o Bagay


1. Ilahad ang pangkahalatang obserbasyon at assessment tungkol sa sinusuri
2. Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspektong may kaugnayan sa
sinusuri sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga detalyeng susuporta sa naunang
inilahad na pangkahalatang obserbasyon
3. Bumuo ng pangkahalatang reaksiyon sa sinusuri.

C. Reaksyon sa Isang Nobela o Maikling Kuwento


1. Ilahad ang buod o lagom ng nobela
2. Pagsusuri sa mga Elemento
a. tagpuan
b. banghay
c. tauhan
d. tema
e. istilo
3. Ibigay ang pangkahaltang puna sa akdang sinusuri.

Bahagi ng Reaksyong Papel

• Simula – Ito ay parte na inilahad ang paksa.


• Gitna – Ang parte kung saan dito inilahad ang pananaw o reaksyon sa bawat
aspektong may laugnay sa sinusuri.
• Konklusyon – Pangkalahatang reaksyon ukol sa paksa.

Sa bahaging ito ay sisikapin mong pagtibayin ang


iyong pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa.
Sagutin ang mga naihandang gawain para sa iyo.
Alam kong kayang-kaya mo ito! Paghusayan mo!
PAGYAMANIN

Panuto: Isulat ang titik ng pinakaangkop na reaksiyon sa sumusunod ayon sa pangyayari.


1. Mula sa ibang bansa si Cris. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kaniyang kaklase,
huwag siyang kausapin ng Ingles upang mapilitang magsalita sa Filipino. Hindi nila alam na

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 9


Wikang Filipino ang kanilang ginagamit na salita sa bahay dahil mga Pilipino ang kaniyang
mga magulang.
A. Kailangang hindi kaagad mag-isip ng patapos, dapat alamin at kilalanin ang
baguhan.
B. Ikumbinsi ang iba na huwag kausapin ang bagong kaklase.
C. Pabayaan lamang na ang bagong dating ang lalapit.
D. Iwasan na mapalapit sa baguhan.

2. May inilunsad na proyektong Pera sa Basura ang Punong Barangay sa inyong lugar upang
maging malinis ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang itinatapon ng mga tao.
A. Lalong dumami ang nagkalat na basura sa barangay.
B. Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi.
C. Walang pakialam ang namumuno sa barangay sa maruming kapaligiran.
D. Walang makikinabang sa nasabing proyekto.

3. Ano ang iyong reaksyon sa pahayag na ito, “Madalas ay ubod ng taas ang ating lipad at
nalilimutan nating tayo’y nakayapak sa lupa.”
A. Iwasang maging mapagmataas sa pagsasalita, tingnan muna ang sarili.
B. Mahilig makipagkuwentuhan sa ilan.
C. Gustong lumipad paitaas.
D. Matayog ang panagarap.

4. Pinatunayan ni Teresa Magbanua na ang Pilipino ay handang magsakripisyo at magbuwis


ng buhay para sa kalayaan ng bayan. Nanalaytay sa kaniyang dugo ang giting at tapang ng
isang tunay na Pilipino.
A. Ipagmalaki na ang mga Pilipino ay handang ipaglaban ang kalayaan ng ating
bansa.
B. Matigas ang ulo ng mga Pilipino.
C. Mahilig makipagdigmaan ang mga tao sa Pilipinas.
D. Lahat ng Pilipino ay bayani.

5. Ikaw ay binibigyan ng pagkakataong baguhin ang takbo ng panahon upang maibalik ang
dating ganda ng kapaligiran.
A. Iwasan ang paggawa ng mga bagay na nakakasira sa ating kapaligiran.
B. Mag-aral nang mabuti.
C. Makipag-ugnayan sa pamahalaan.
D. Maging mapagkumbaba sa kapwa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 10


Kagila-gilalas! Narito ang ilang mga konsepto na
kailangang isaisip upang lubos na matalunton ang mga
ISAISIP napag-aralan.

Sa kabuuan, mahalagang malaman at matutuhan ang pagsulat ng reaksiyong


papel sapagkat may mga bagay na hindi natin kayang sabihin nang pasalita at
naipapahayag lamang sa pamamagitan ng pagsulat. Sa pagsulat ng reaksyong papel,
hindi lamang inilalahad ang nilalaman ng isang akda o palabas na sinusuri, naglalaman
din ito ng kahalagahan ng nasabing pagsusuri sa buhay ng mambabasa.
Ang pagbibigay ng reaksiyon ay mahalaga sa anumang kaisipang nabasa o
narinig maging ito ay sumasalungat o sumasang-ayon upang mapalawak at mabigyang-
diin ang kaisipang ipinahahayag sa anumang binabasa.

Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan


ang kabuoan ng modyul na ito, kaya isang banat pa,
kayang-kaya mo itong isagawa!
ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng masusing reaksyon hinggil sa mga sumusunod na pahayag.

Sa kabila ng pagkakaroon ng vaccine sa Pilipinas ay


patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19 at
ang bilang ng mga namamatay sa sakit na ito.

_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sa kabila ng pagkakaroon ng COVI-19 ay hindi


nahinto ang edukasyon ng bansa. Sa ngayon ay patuloy
pa ring nag-aaral ang mga kabataan sa tinatawag na
bagong normal na edukasyon.

_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 11


Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling
pagsusulit sa kabuoan ng aralin. Natitiyak kong
TAYAHIN masasagot mong lahat ang mga tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS PAGTATAYA

Panuto: Pilin ang pinakaangkop na sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa malalaking
titik ang napiling sagot.

1. Ano ang tawag sa sulating naglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga sa


mga sitwasyong may kinalaman sa bagay, tao, lugar, at pangyayari?
A. pamanahong papel C. repleksyong papel
B. reaksyong papel D. posisyong papel

2. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalahad ng kahalagahan ng reaksyong papel,


maliban sa isa.
A. Kailangang detalyadong mailahad ang mga bahaging pagtutuunang pansin o
bibigyang reaksyon.
B. Mahalagang mayroong batayan sa mga reaksyon o opinying ilalahad, lalo pa
kung ang opinyong ibibigay ay hindi positibo para sa sinusuri.
C. Mahalaga ang makapaglahad ng mga natutuhang kaalaman o aral buhat sa
materyal na sinuri.
D. Hindi maaaring magbigay ng mga suhesyong makatutulong upang higit pang
gumanda ang sinuri.

3. Ito ay katangian ng reaksyong papel na tumutukoy sa maayos na daloy ng kaisipan.


A. malinaw C. magkakaugnay
B. tiyak D. pagbibigay-diin

4. Ito ang bahagi ng reaksyong papel kung saan inilalahad ang pangkalahatang reaksyon ukol
sa paksa.
A. simula C. gitna
B. kasukdulan D. konklusyon

5. Ito ay mga paraan ng paglalahad ng reaksyon sa pangyayari, isyu, tao o bagay, maliban sa
isa.
A. Isa-isang bigyang puna o komentaryo ang bawat aspektong may kaugnayan sa
sinusuri.
B. Ilahad ang pangkahalatang obserbasyon at assessment tungkol sa sinusuri
C. Ibigay ang pangkahalatang puna sa akdang sinusuri
D. Bumuo ng pangkahalatang reaksiyon sa sinusuri.

Kumusta? Siguro nasagot mo nang tama ang bawat tanong. Kung ganoon, binabati
kita dahil sa wakas ay malapit mo nang matapos ang modyul na ito at tiyak na naintindihan
mo nang maigi ang iyong aralin. Sana ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay
ang iyong mga napag-aralan sa modyul na ito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 12


Bilang pagtatapos sa linggong ito,
kinakailangan mong mapagtagumpayan ang
huling pagtataya na inilaan para sa iyo.
Naniniwala akong kayang-kaya mo ito.
KABUOANG PAGSUSURI Paghusayan!

WRITTEN WORK
CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE TEST ITEM
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa
binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: a.pamilya, b. komunidad c. bansa
d. daigdig
SITUATION: Bilang isang punong patnugot ng pahayagan sa inyong paaralan, ikaw ay
inatasan ng iyong tagapayo na sumulat ng isang reaksyong papel tungkol sa bakuna laban
sa COVID-19. Narito ang teksto na magiging gabay sa gagawing reaksiyon.
Bakuna laban sa COVID-19
Mahigit isang taon na mula nang makumpirma ang kauna-unahang kaso ng
coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas. Sa ilang mga bansa, nagsisimula na
ang vaccination laban sa COVID-19. Ang tanong, ano ang ginagawang paghahanda ng
pamahalaan para sa gagawing mass vaccination?
Inaasahang mababakunahan ang nasa 1.7 milyong health workers pagdating ng
Abril, ayon kay coronavirus disease (COVID-19) National Task Force chair Carlito Galvez
Jr.
Sa ngayon, nasa higit 240,000 o 14 porsiyento ng 1.7 milyong health worker pa lang
ang nababakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala, laman ng mga balita at maging sa social media ang samu’t saring
hinahing ng mga ordinaryong mamamayan hinggil dito. Dahil sa pangamba at takot,
karamihan ay gusto munang matiyak na mabisa at ligtas ang bakuna laban sa COVID-19.
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay magbibigay ng proteksyon sa hinaharap
laban sa virus. Ngunit dapat nating patuloy na gawin ang ating magagawa upang
panatilihing nasa labas ng ating mga komunidad ang COVID-19. Ang bawat isa sa atin ay
maaring gawin ang ilang simpleng hakbang upang matulungan ang pagbagal ng pagkalat
ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating sarili, ating pamilya at ating mga
komunidad. Ang mga hakbang ay maghugas ng iyong mga kamay nang madalas gamit ang
simpleng sabon at tubig; takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang pangtakip sa mukha na
gawa sa tela o non-surgical mask kapag nasa paligid ng iba; at iwasan ang matataong lugar
at magsanay ng pagitan mula sa kapwa-tao (manatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan
na pagitan mula sa iba).

QUESTION AND CREATIVE WRITTEN OUTPUT: Batay sa binasang teksto, ano


ang katangian at kabuluhan nito sa iyong pamilya, komunidad, bansa at maging sa daigdig?
Upang lubos mo itong masuri, ikaw ay susulat ng isang reaksiyong papel.
SAMPLE PROMPTS/OUTLINE: Suriin ang tekstong nailahad at lakipan ito ng mga
pansuportang detalye ang kaisipang ilalatag. Sa pagsulat ng reaksiyong papel, maaari mong
gamitin ang mga sumusunod na hudyat:
1. Bilang isang kabataan na mulat sa nangyayari sa lipunang ginagalawan, masasabi
kong…
2. Patunay rito ang…

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 13


3. Sa Pangkalahatan…
STUDENT’S WRITTEN OUTPUT: Reaksiyong Papel

CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE HOLISTIC RUBRIC


RATING DESCRIPTION
4 Ang ay wasto at sapat ang detalye. Akma ang mga kaisipang inilahad sa
kasanayang pampagkatuto (competency).
3 Ang ay wasto. Akma ang mga kaisipang inilahad sa kasanayang
pampagkatuto
2 Ang sagot sa ilang bahagi ay may kamalian. Bahagyang akma ang mga
kaisipang inilahad sa kasanayang pampagkatuto
1 Ang sagot ay mas marami ang kamalian. Hindi lubusang akma ang mga
kaisipang inilahad sa kasanayang pampagkatuto

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 14


SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN TAYAHIN

PAUNANG/PANGWAKAS
NA PAGTATAYA PAGYAMANIN

1. B 1. A
2. D 2. B
3. C 3. A
4. D 4. A
5. C 5. A

Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga gawain sa iba pang bahagi ay maaaring magkakaiba-iba.

SANGGUNIAN

- Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

AKLAT
Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace.2016. Pinagyamang Pluma: Pagbasa Pagsusuri
ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City, Quezon: Phoenix
Publishing House, Inc.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

Bitmoji.com
https://www.123rf.com/clipart-
vector/middle_school.html?sti=lvj9eom9vi3pwvvyu2|&mediapopup=41741867
https://www.123rf.com/photo_81304793_stock-vector-student-stress-icon.html
https://webstockreview.net/image/why-clipart/21648.html
http://www.priscillaloebenberg.com/random-house-expands/
https://prezi.com/11mw23l7sg3e/reaksyong-papel/?fallback=1
https://www.scribd.com/document/338068209/Ang-Reaksyong-Papel-o-Panunuring-Papel
https://covid19.govt.nz/updates-and-resources/translations/tagalog/covid-19-vaccines/
https://news.abs-cbn.com/news/03/17/21/pagbakuna-sa-mga-health-worker-vs-covid-19-
posibleng-matapos-sa-abril
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook/774452/handa-na-ba-
ang-pilipinas-para-sa-mass-vaccination-kontra-covid-19/story/
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/tumulong-upang-mapahinto-ang-pagkalat-
ng-coronavirus-protektahan-ang-iyong-pamilya

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900


Contact Number: (077)771-3678

Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 16

You might also like