You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
ADM
Ikaapat na Markahan

Balideytor:

DR. MACARIO D. PELECIA JR.


Education Program Supervisor 1

Konsolideytor /Editor:

MARIFE P. INES- GAMATA


Master Teacher 1
LPCNSHS- Dona Josefa Campus

1
Mga Mag-aara!
Magandang araw!

Ang modyul na ito ay may layunin na matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
2
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

Paksa Ang Pananaliksik: Layunin at Gamit

Alamin
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagpapakilala ng mga batayang konsepto
tulad ng pagsusuri, pananaliksik, layunin ng pananaliksik at gamit ng pananaliksik.
Sa bahaging ito mailalantad kung ano nga ba ang dahilan ng pagsasagawa ng
pananaliksik at paano ito nagagamit sa ating buhay. Matapos ito ay unti-unting
lilinangin ang kakayahan sa pagsusuri sa pamamagitan ng paghihimay sa mga piling
bahagi ng ilang halimbawa ng pananaliksik batay sa layunin, gamit, metodo, at etika
nito. Sa huli ng mga gawain sa modyul, inaasahan na mabubuhay nito ang iyong
kaalaman hinggil sa pananaliksik na magagamit mo sa mga susunod na aralin

Layunin: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa


layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB – IVab – 100

Subukin
Panuto: Pagmasdan at suriin ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong kaugnay nito.

3
https://www.rappler.com/nation/photos-opening-limited-face-to-face-classes-philippines-november-2021/

1. Ano ang nakikita mo sa


larawan?_____________________________________________
______________________________________________________________________________
2.Ano-anong mga impormasyon ang mailalahad mo kaugnay nito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang obserbasyon at pangangalap ng
datos sa isang pananaliksik?

Aralin 1 Ang Pananaliksik: Layunin at Gamit

Balikan
Panuto: Balikan ang aralin hinggil sa uri ng teksto. Magbigay ng isang uri ng teksto na
maaaring maiugnay at makatutulong sa pagsasagawa ng isang sulating pananaliksik. Isulat
ito sa patlang sa ibaba.

___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Tuklasin
Basahin at unawain mo!

Ang pagsusuri ay isang kritikal na gawain. Ito ay malalim na paghihimay sa


nilalaman ayon sa mga tiyak na elemento ng sulating sinusuri. Maituturing din ito
bilang pag-aaral, pagtalakay, pagpapaliwanag at pag-unawa sa nabasa, napanood o
napakinggan ng sumusuri. Sa puntong ito, ang pagsusuri ay ilalapat natin sa
pananaliksik batay sa layunin, gamit, metodo at etika nito. Bago natin ito gawin ay
kilalanin muna natin ang mahahalagang konsepto.

Ano nga ba ang pananaliksik?

▪ Isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang


teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at/o resolusyon nito. (Good, 1963)

4
▪ Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa o suliranin. (Aquino, 1974)

▪ Siyentipikong metodo ng pangangalap, pagkaklasipika, pagsasaayos at


presentasyon ng mga datos para sa pagtuklas ng katotohanan at pagpapabuti ng
kalidad ng buhay ng tao. (Calderon at Gonzales sa pagbanggit ni Bernales, 2010)

Pananaliksik - Ayon kay Badayos et.al (2007), ang sulating pananaliksik ay


isang patotoo na ang isang indibiduwal ay may kakayahang mangalap,
magpakahulugan, bumyo at mag-ulat ng ideya nang obhetibo, tapat at may
kalinawan. Kaya naman dahil sa pananaliksik ay napabubuti ang apat na
natatanging kasanayan sa pagsulat:

• kakayahang mangalap ng impormasyon


• kakayahang maghimay ng datos
• kakayahang magtamo ng ganap na pag-unawa
• magsulat nang mabisa at epektibo.
Layunin ng Pananaliksik
Pangunahing layunin ng pananaliksik ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao. Ang mga tiyak na layunin naman nito ay idinetalye nina Austero, et al.
(2006). Ito ay ang sumusunod:

1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na. Halimbawa: Ang alkohol
ay isa nang batid ng penomenon at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha
ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasoline.
2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas. Halimbawa: Ang
kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa
pamamagitan ng mga intensiv at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring
malunasan na sa hinaharap.
3. Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto. Halimbawa: Dati ay
mga teleponong analogue ngayon ay cellular phone na. Dati ay casette recorder, naging
walkman, discman, ngayon ay may ipod, ipad, iphone, MP4, at iba pa.
4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o elemento (komposisyon o kabuoan ng isang bagay)
Halimbawa: Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t-dalawang (92) chemical
elements, ngunit bunga ng pagsasaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100).
5. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga polisiya,
regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan
Halimbawa: Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hayskul
ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito
ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang
kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic
Education Curriculum o BEC at sa hinaharap ang K12.
6. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang mananaliksik. Halimbawa:
Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang
kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakainvento ng tinatawag na
incubator.
7. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang kaalaman. Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring maverifay ng mga
mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga pananaliksik o di kaya
nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga katangian at

5
kalikasan ng mga isda na mapakikinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at
maging ng mga mamimili.
Nagbigay naman si Lartec (2011) ng tatlong layunin ng pananaliksik. 1. Mapaunlad ang
sariling kamalayan sa paligid. 2. Makita ang kabisaan ng umiiral o ginagamit na
pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto. 3. Mabatid ang lawak ng kaalaman
ng mga mag-aaral sa isang partikular na disiplina.
Gamit ng Pananaliksik Ayon kay Constantino at Zafra (1997),
ang pananaliksik ay may pangunahing gamit sa lipunang Pilipino.

1. pang-araw-araw 2. akademiko 3. kalakal o Negosyo 4. institusyong panggobyerno o


institusyong pribado.

Suriin
Ang maka-Pilipinong pananaliksik?

Binigyang-turing ni De Laza (2016) ang maka-Pilipinong pananaliksik bilang isang


saliksik na gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas.
Tumatalakay ang ganitong pananaliksik sa mga paksang malapit sa isip at puso ng
mamamayan. Dagdag pa niya, pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong
saliksik ang paksang kapaki-pakinabang sa sambayanan. Subalit ang ganitong uri
ng pananaliksik ay nahaharap sa iba’t ibang hamon tulad ng mga sumusunod: a.
Patakarang pangwika sa edukasyon b. Ingles bilang lehitimong wika c.
Internasyonalisasyon ng pananaliksik d. Maka-ingles na pananaliksik sa iba’t ibang
larang at disiplina

Pagpili ng Paksa Dapat na isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang


wastong pagpili ng paksa

• Ayon kina Atienza atbp., mahalaga na sa simula pa laman ng ay nalimitahan na


ang mga paksang pipiliin, nararapat na ito ay hindi masaklaw. narito ang ilan sa
mga batayan sa pagpili ng Paksa: 1. Panahon – Saklaw ng panahon ang lawak o ang
katiyakan ng panahong tinutukoy ng paksa ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon nang mas tiyak na panahon higit itong nakatutulong sa mananaliksik
upang ilapat ang kontekstong iniikutan ng pananaliksik. https://pdfcoffee.com/lesson-14-
pagpili-ng-paksa-pdf-free.htm

Pagyamanin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na bahagi ng pananaliksik. Isulat ang letra ng
wastong sagot sa patlang A. Layunin B. Gamit

1. Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang komprehensyon sa mga


kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral ng Benguet State University.
Sasagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral? 2.
Ano ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga kagamitang
di-verbal ng mga mag-aaral?

6
2.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa bilang pangangailangan sa kursong
BSE FILIPINO.

3.
Pangunahing tunguhin ng pag-aaral na matiyak ang mga suliraning
kinahaharap ng mga mag-aaral sa pamaraang modyular.

4. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay gagamiting batayan sa


pagpapaunlad ng pier sa Anilao, Mabini, Batangas.

5. Isinagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang kasanayan sa


pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong
Edukasyon sa Saint Louis University at matukoy ang antas ng
kalinawan ng mga pangungusap na may kamalian ayon sa pagtataya
ng mga guro ng Filipino at; masuri ang kaugnayan ng unang wika,
kasarian at eksposyur sa midya ng mga mag-aaral sa kanilang
kamalian sa pagsulat.

Isaisip
Ano naman ang maka-Pilipinong pananaliksik?

Binigyang-turing ni De Laza (2016) ang maka-Pilipinong pananaliksik bilang isang


saliksik na gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas.
Tumatalakay ang ganitong pananaliksik sa mga paksang malapit sa isip at puso ng
mamamayan. Dagdag pa niya, pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong
saliksik ang paksang kapaki-pakinabang sa sambayanan. Subalit ang ganitong uri
ng pananaliksik ay nahaharap sa iba’t ibang hamon tulad ng mga sumusunod: a.
Patakarang pangwika sa edukasyon b. Ingles bilang lehitimong wika c.
Internasyonalisasyon ng pananaliksik d. Maka-ingles na pananaliksik sa iba’t ibang
larang at disiplina

Isagawa
Panuto: Basahin ang maikling bahagi ng pananaliksik. Suriin ang nilalaman nito
gamit ang talahanayan sa ibaba.

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Paltik ng Dila, Tapik ng Diwa: Mga


Mapanghimok na Pamaraan ng mga Gurong Tagapayo sa Bauan Technical High
School” ay ginawa bilang tugon sa pangangailangan sa asignaturang Pagbasa at
Pananaliksik. Ito ay naglalayong makabuo ng programa na mas magpapaunlad
sa antas ng pagpapahayag ng mga panuto at instruksyon ng mga gurong
tagapayo upang himukin ang mga mag-aaral na sumunod. Sang-ayon sa disenyo
nitong deskriptibo, ang bilang ng mga respondente ay hinalaw sa kabuoang bilang
ng populasyon gamit ang purposive sampling method. Nagsagawa ang mga
7
mananaliksik ng Focus Group Discussion (FGD)
upang makalap ang persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa mga dahilan ng
kanilang patuloy na paglabag sa mga alituntunin ng paaralan. Ang
pangangalap ng mga datos ay sinimulan ng mga mananaliksik sa pamamagitan
ng paghingi ng permiso. Mula rito ay hiningi ng mga mananaliksik ang
pahintulot ng mga gurong tagapayo, registrar at mga mag-aaral bilang bahagi
ng isinagawang pag-aaral. Ang anumang datos mula sa interbyu, focus group
discussion at direktang obserbasyon ay mananatili lamang sa pagitan ng
mananaliksik at respondente.

Sipi ng Tiyak na Kahalagahan ng


Bahagi mula sa Talata bahaging ito sa
pananaliksik
1. Layunin ng Pananaliksik
2. Gamit ng Pananaliksik

Tayahin
A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng PANANALIKSIK gamit ang tsart sa ibaba.

Mula sa Dalubhasa Pananaliksik Sariling Pagpapakahulugan

Panuto: Lagyan ng LP ang kahon/unang kolum kung ito ay nagsasaad ng layunin ng


pananaliksik

1. Matugunan ang kyuryusidad, interes at pagtatangka ng isang


mananaliksik.
2. Makatuklas ng mga bagong elemento.
3. Makalikha ng mga batayan para makapagpasya at makagawa ng mga
polisiya, regulasyon, batas o mga panuntunan na maaaring gamitin sa
iba’t ibang larangan
4. Malibang at maaliw.
5. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalutas
6. Makilala sa iba’t ibang panig ng mundo.
7. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na.
8. Maka-develop ng episyenteng instrumento, kagamitan o produkto.
9. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan ang mga kasalukuyang
kaalaman. Apat na kasanayan sa pagsulat na nalilinang ng pananaliksik
Apat na suliraning nagsisilbing hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik.
Dalawang gamit ng pananaliksik.
8
10. Mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili /Bumuo ng isang paksa batay sa iyong interes.
Magsaliksik ka hinggil sa nais mong malaman sa naturang paksa.
Ilagay sa isang buong papel.

Sanggunian:

Bernales, Rolando A et.al, Interaktibong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Akademikong


Pananaliksik, Malabon City: Mutya Publishing House Inc.,2010 De Laza, Crizel Sicat.
Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book
Store, Inc., 2016

Elektroniko

https://www.academia.edu/11105432/Gamit_ng_Pananaliksik
https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pananaliksik-filipino

Manunulat:

Marife I. Gamata,MT1
LPCNSHS- Dona Josefa Campus

9
Pagsulat ng Tentatibong
Paksa Balangkas

Alamin

Sa araling ito ay gagawa ka ng isang bagay na makapaghahanda at makagagabay sa


gagawin mong sulating pananaliksik. Ito ay ang pansamantalang o tentatibong
balangkas. Binibigyang diin dito ang plano o kalansay na ideya na magiging batayan
mo sa aktuwal na gawain.

Pagkatapos mong isagawa ang mga pagsasanay at pagtataya sa modyul na ito,


inaasahan na;
1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik. (F11PB – IVab – 100)

Subukin
Ang bahaging ito ay susukat sa kaalamang natamo pagkatapos ng aralin.
Panuto: Bumuo ng balangkas ng sulating magpapakilala sa iyong sarili. Punan
ang mga linya.

Sa iyong palagay, makakatulong kaya ang nabuo mong balangkas sa iyong


pagsulat? Ipaliwanag ang iyong sagot? ____________________________________

10
Aralin
Pagsulat ng Tentatibong
2 Balangkas
Sa pagtatapos ng araling ito ay malalaman mo kung ano ang kahalagahan
ng pagbuo muna ng balangkas bago simulan ang pagsulat. Ito ay makakatulong sa
upang maging maayos at organisado ang isusulat mula sa simula hanggang sa
wakas. Kaya’t halina’t sabay sabay nating tuklasin, unawain at pagyamanin ang
araling ito.

Balikan

Balikan mo ang nakaraang aralin.


Isulat mo ang iyong ideya hinggil sa
pagpili ng paksa sa pamamagitan ng
tsart sa kanang bahagi.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang nais na ipabatid sa larawan at sagutin ang


mga gabay na tanong.
Gabay na Tanong:
1.Sa Unang talata, ano ang
pinag-uusapan?
I._________________________
_

__________________________
2.Ano-ano ang mga posibleng
dahilan ng depresyon?
A.________________
B.________________
C.________________
3. Sa Unang talata, ano ang
pinag-uusapan?
11
II._________________________
_

__________________________
4. Ano-ano ang dapat mong
gawin kung ikaw ay
nakakaranas depresyon?
A.________________
B.________________
C.________________

hango sa:
https://www.who.int/philippines/emergencies/covid-19-
response-in-the-philippines/impormasyong-
pampubliko/mental-health

Suriin

Tentatibong Balangkas

• karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman


ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na
paksa
• ito rin ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng
kalalabasang porma ng isang katha.
Kahalagahan ng pagbuo ng Balangkas bago simulan ang pagsulat
• Higit na nabibigyang-diin ang paksa
• Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
• Nakatutukoy ng mahihinang argumento
• Nakakatutulong maiwasan ang writer’s block
Uri ng Balangkas
1. Papaksang Balangkas/Topic Outline- Binubuo ng mga salita o parirala
lamang mula sa pangunahing ideya o paksang pangungusap.
2. Pangungusap na Balangkas/Sentence Outline- Binubuo ng buong
pangungusap na naglalaman ng pangunahing diwa.
3. Patalatang Balangkas/Paragraph Outline- Patalata ang paraan ng pag-
aayos ng mga ideya.
Sa pagbuo ng pansamantalang balangkas, nararapat na:
1. Piliin ang pangunahing diwa ng bawat talata. Isipin kung anong uri ng
balangkas ang gagamitin. Gamitin ang Roman Numeral (I,II,III…) sa
paglalagay ng pangunahing diwa o pinapaksa. Lagyan ng tuldok
pagkatapos ng Roman Numeral. Ayusin ang mga bilang nang
magkapantay.
12
2. Gamitin ang malaking letra (A,B,C…) sa bawat kaugnay na paksa
(subtopic) at lagyan ng tuldok pagkatapos ng letra. Nakapasok ng kaunti
ang mga letra at hindi magkapantay sa Roman Numeral.
3. Gamitin ang Arabic Numerals (1,2,3…) sa unahan ng mag detalye na
sumusuporta sa kaugnay na paksa o subtopic.

Pagyamanin

Panuto: Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa sumusunod na mga tanong:


1. Ano-ano ang mga dapat ikonsidera sa pagbuo ng
pansamantalang balangkas?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Bagama’t hindi pa pinal ang balangkas na ito ay masasabing
mahalagang bahagi ito sa pagproseso ng pagbuo ng sulating
pananaliksik. Sa anong paraan ito nagging mahalaga?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Paano makatutulong ang pansamantalang balangkas sa
iskedyul ng mananaliksik upang matiyak na makapagpapasa
siya sa takdang araw?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isaisip

Ang pansamantalang balangkas ay magsisilbing gabay upang masagot ng


mananaliksik ang dalawang mahahalagang tanong:
1. Ano-ano na ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko
nang i-organisa patungkol sa aking paksa?
2. Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at
kailangan ko pang saliksikin?
Sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas ay mahalagang ikonsidera ang
pagiging maayos ng daloy ng bawat bahagi. Sa simula pa lang ay mahalaga na
ang binubuo mong matibay na pahayag ng tesis sa kadahilanang dito
ihahanay o i-a-align ang iba pang bahagi o nilalaman ng iyong balangkas.

13
Anyo ng Balangkas

(Hango mula sa https://www.youtube.com/watch?v=xeAj0ejc864)

Isagawa

Ngayon ay gamitin mo ang natutuhan at ang ilang nakalap mong


impormasyon upang makabuo ng pansamantalang balangkas ng iyong
susulating pananaliksik. Isulat ang balangkas sa kahong nasa ibaba.

Pansamantalang Balangkas

______________________________________________________
Pamagat

Tayahin

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at


Mali kung di wasto.

14
1. Ang balangkas ay paraan sa paghahanda ng ulat o sulatin.
2. Sa pagsagawa ng pansamantalang balangkas mahalagang
ikonsidera ang agarang pinal na sulatin.
3. Ito ay makatutulong upang mapadali ang proseso ng
pagsulat.
4. Nagiging mabisa ang pagsulat ng pansamantalang
balangkas kung ang pinakapokus sa sulatin ay ang
pagrebisa.
5. Magagabayan ang manunulat sa paghahanap ng tamang
kagamitan, sanggunian, o datos na magpapatibay sa
paksa.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang balangkas tungkol sa Edukasyon


Ngayong Pandemya. Ilagay sa isang buong papel.

Edukasyon Ngayong Pandemya

_______________________________
_______________________________
_______________________________

_______________________________
_______________________________
_______________________________

_______________________________
Aklat _______________________________
Taylan et.al. Komunikasyon_______________________________
at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Rex Bookstore,
Manila. 2016
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma, Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City.2016.
Cantillo, Ma Luisa. Sikhay, St Bernadette, Quezon city.2016.
Jocson, Magdalena. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Vibal
Group, Quezon City.2016.

Elektroniko
https://quizlet.com/376949734/modyul-12-pagsulat-ng-tentatibong-balangkas-ppittp-
flash-cards/
https://www.youtube.com/watch?v=xeAj0ejc864

Manunulat Balideytor/Editor
MAE ANN R. RADA, T1 MARIFE I. GAMATA, MT1
LPCNSHS- Dona Josefa Campus LPCNSHS- Dona Josefa Campus

15
Konseptong Pampananaliksik
Paksa
Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Ito ay


naglalaman ng apat na aralin. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga hakbang ng
pananaliksik para sa papel pananaliksik
Layunin:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik


(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal,
atbp.)
(F11PT – IVcd – 89)
Binigyang-diin sa araling ito ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na
bibliyograpiya at mabigyan ng tamang pagkilala ang mga ito sa isang pananaliksik.
Layunin ng aralin na ito na makasulat ng sarili mong bibliyograpiya.

Aralin

3 Pagsulat ng Tentatibong Bibliograpi

Subukin
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya.
1. Bibliograpi - ______________________________________
2. APA - ____________________________________________
3. Chicago- _________________________________________

Balikan

Balikan mo ang nakaraang aralin. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.


Tukuyin kung anong bahagi ng balangkas ang hinihingi sa bawat pangungusap sa
ibaba. Isulat ito sa kahon.

1. Siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang


saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing
paksa. binibigynag linaw nito ang tanong na: Ano ang
saysay ng pag-aaral at pananaliksik.
16
2. ang malawak at pambungad na paglalatag ng nais na
tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na
pananaliksik. nagbibigay kasagutan ito sa tanong na:
Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?
3. dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba’t ibang aspeto ng
dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik.

Tuklasin

Siguradong marami ka nang nabasang kuwento, artikulo, o napanood na programa,


dokumentaryo, at pelikula. Natatandaan mo pa ba ang mga ito? Ngayon ay babalikan
mo ang mga ito at isusulat sa listahan sa ibaba.
Ang Aking mga Nabasang Nobela Ang Aking mga Napanood na Pelikula

Madali bang alalahanin ang iyong mga binasa at pinanood? Bakit oo o bakit hindi?
__________________________________________________________________________________

Kung nais mong madaling matandaan ang mga ito, ano kaya ang mabisang gawin?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin
Bibliyograpiya

Habang nangangalap ka ng mga datos at impormasyon para sa iyong


pananaliksik ay siguraduhing inihahanda mor in ang bibliygrapiya. Bahagi ng isang
pananaliksik o aklat ang bibliyograpiya o talasanggunian. Ito ay nagpapakita ng
talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag na batis katulad
ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social
media networking site na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.

Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Bago mo isulat ang pinal na bibliyograpiya ay gumawa ka muna ng


pansamantalang bibliyograpiya. Ito ang magiging katuwang mo habang isinusulat
mo ang iyong pananaliksik. Narito ang hakbang sa paggawa ng pansamantalang
bibliyograpiya:

➢ Maghanda ng mga index card na pare-pareho ang laki. Karaniwang 3 x 5


pulgada ang ginagamit ng iba.
17
➢ Isulat sa mga index card na ito ang mahahalagang impormasyon ng iyong
sanggunian. Ang ganitong paghahanda ay makatutulong para sa paggawa
ng pinal na bibliyograpiya.
➢ Isaayos ang mga index card nang paalpabeto ayon sa may-akda ng iyong
sanggunian. Maaari itong ilagay sa isang kahon, folder, o sobre.

May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

➢ APA o American Psychological Association


➢ MLA o Modern Language Association
➢ Chicago Manual of Style

Ilang Konsiderasyon sa Pagkuha at Paggawa ng mga Tala

Sa panahon ngayon, marami ang mapagkukunan ng mga tala o datos sa


pananaliksik. Nariyan ang silid-aklatan na naglalaman ng maraming aklat,
peryodikal, at iba pang babasahin. Nariyan din ang Internet kung saan makakakuha
tayo ng napakaraming impormasyon, bagama’t tulad ng mga paalala, dapat maging
maingat sa pagpili ng impormasyon. Hindi biro ang mangalap ng mga tala kaya
mahalagang malaman kung paano ito gagamitin at isasaayos.

1. Gumamit ng isang card para sa isang kaisipan o ideya.


2. Tiyaking may pamagat at pahina ng aklat na pinagkuhanan ng tala.
3. Mas magiging maayos kung isa lang ang sukat ng notecard o index card na
gagamitin
4. Upang madaling matukoy ang sanggunian ilagay ang datos ng sanggunian sa
notecard.
5. Maaari ring gumamit ng code upang tukuyin ang sanggunian.
6. Tiyakin ang uri ng talang gagamitin.

Mga Uri o Anyo ng Tala

Direktang Sipi – Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin.
Dapat lamang isipin na hindi naman maganda kung sobrang haba ang direktang
sisipiin.

Buod ng Tala – Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang
pinakamahalagang ideya ng isang tala. Tinatawag din itong synopsis.

Presi – Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut
down. Presi ang tawag kung ang gagamitin ay ang buod ng isang tala.

Sipi ng Sipi – Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang
ganitong uri ay ginagamitan din ng panipi.

Hawig o Paraphrase – Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na
payak na salita ng mananaliksik.

Salin/Sariling Salin – Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang banyaga,


ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika
tungo sa iba pang wika.
18
Pagsulat ng Pinal na Bibliyograpiya

Pagkatapos mong mangalap ng mga impormasyon para sa iyong pananaliksik,


ngayon ay isusulat mo na ang pinal na bibliyograpiya.

AKLAT

Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay


aklat:

• Tala tungkol sa may-akda


• Tala tungkol sa pamagat
• Tala tungkol sa publikasyon
• Tala tungkol sa taon ng publikasyon

Kung isa lamang ang may akda:

Chicago APA

Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing Dayag, A. m. (2014) Lakbay ng


Pilipino 3. Quezon City: Phoenix Lahing Pilipino 3. Quezon City.
Publishing House, 2014 Phoenix Publishing House.

Kung dalawa ang may-akda:

Chicago APA

Julian, ailene B. at Nestor S. Lontoc. Julian, A. B. & N.S. Lontoc (2015)


Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Quezon Lakbay ng Lahing Pilipino 4. Quezon
City: Phoenix Publishing House, City: Phoenix Publishing House.
2015

PERYODIKAL – Tumutukoy ito sa anumang publikasyon na lumabas nang


regular.
Mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay
peryodikal:
• Tala tungkol sa may-akda
• Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
• Tala tungkol sa publikasyon na kinabibilangan ng:
• Pangalan ng peryodiko
• Bilang ng bolyum
• Bilang ng isyu
• Petsa
• Mga pahina ng buong artikulo
Journal – Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad

Chicago APA

Del Rosario, Mary Grace G. Del Rosario, M. G. (2010) Wikang


“Wikang Filipino.” EJ Forum 4 Filipino. EJ Forum 4, 1-16
(Agosto 2010): 1-16

19
Magasain – Ito ang peryodikal para sa publiko

Chicago APA

Bennet, Dahl D. “Coming Clean” Bennet, D. D. (2012,October)


Working Mom, October 2012, 107 Coming clean. Working Mom,107.

Pahayagan – Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas.

Chicago APA

Beigas, Leifbilly. “Publiko Beigas, L. (2015, October 19)


kinokondisyon na sa Publiko kinokondisyon na sa
disqualification ni Poe?” Bandera, disqualification ni Poe?. Bandera,
October 19 2015. p.2

REFERENCE

Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay


reference:

• Pamagat ng artikulo o reference


• Bilang ng edisyon o taon ng publikasyon

Manuskrito

Chicago APA

Del Rosario, Adrian paolo. Del Rosario, A.D. (2008) Harmful


“Harmful Effects of Computer Effects of computer Games to
Games to Teenage Students. ”Di- Teenage Students (Di-nakalimbag
nakalimbag na manuskrito. Nasa na manuskrito) De La Salle
pag-iingat ng may akda. 2008. University, Dasmariñas.

DI LIMBAG NA BATIS
Makikita sa kabilang pahina ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya
kung ang sanggunian ay di nakalimbag na batis:
Pelikula
Manunulat, director, o prodyuser
Pamagat
Pangunahing artista
Kompanyang nag-prodyus
Taon ng pagpapalabas
Chicago APA

Quintos, Rory B., director. Anak. Quintos, R. B (director).(2000).


Kasama sina Vilma Santos at Anak (pelikula). Philippines: Star
Claudine Barreto. Star Cinema, Cinema.
2000

Programa sa Telebisyon at Radyo


Pamagat ng segment, serye, o programa
Prodyuser, director, manunulat, o artista
20
Broadcasting corporation
Petsa
Chicago APA

Soho, Jessica. “Mathinik na Soho, J (Writer), & Collado, A.


Bulilit.” Kapuso Mo, Jessica Soho. (Direktor). (October 18, 2015)
Jessica Soho, tagapagpadaloy ng Mathinik na bulilit, Kapuso Mo,
programa. GMA7, October 18, Jessica Soho. Quezon City: GMA
2015

Web Site
May-akda
Petsa ng publikasyon
Pamagat ng artikulo
Pinanggalingang URL

Chicago APA

Clinton, Jerome W. Clinton, J. w (2014, December 5).

“The Tragedy of Sohrab and The tragedy of Sohrab and rostam.


Rostam.” December 5, 2014, Galling sa http://www.heritageinstitute.com
galling sa /zoroastrianism/shahnameh/
http://www.heritageinstitute
.com/zoroastrianism/shahnameh/
Blog
May-akda (kung hindi nakalagay ang pangalan ng may akda maaaring screen
name lamang ang ilagay)
Petsa ng publikasyon
Pamagat ng artikulo (Pansining hindi naka-italicize)
Pinanggalingan URL
Chicago APA

Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary.” Kahayon, L. (2015, October 14). Masbate

Scenestealer (blog). October 14, 2015, Travel diary.Scenestealer. galing sa


http://www.lissakahayon.com/ http://www.lissakahayon.com

Pagyamanin

Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa paggamit ng Chicago Manual of Style,


iwasto ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagsulat muli ng mga ito sa mga
nakalaang kahon gamit ang Chicago Manual of style.
1. Bata, Bata … Paano Ka Ginawa? Bautista, lualhati Bautista, Carmelo at
Bauerman Printing Corp., 1988 at ng Cache Publishing House, 1991

21
2. Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma 9, Phoenix Publishing House
Quezon City 2014

3. EJ Forum p. 3 Volume 1 Number 25, Bayle, Alison Grace C. “Thank you, Titser”

4.
Isaisip
Ano ang kahalagahan ng bibliyograpiya sa pagpapatunay ng katumpakan o
katiyakan ng mga impormasyon sa pananaliksik?

Isagawa
Panuto: Batay sa nagawa mong mga notecard o index card ay isulat ang iyong
bibliyograpiya sa nakalaang espasyo sa ibaba. Pumili kung anong estilo ang iyong
gagamitin.

Gawing Gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong susulating bibliyograpiya.


PAMANTAYAN 5 3 2
Husay ng Napakahusay at Nakagamit ng mga May kakulangan ang
pagkakauslat at lubhang nakaaakit salitang at mahusay pagkakagamit ng
Paglalarawan ang pagkakagamit ng at nakaaakit mahuhusay na salita
mga salita sa pagsulat ng sa pagsulat.
pagsulat ng paglalarawan.
paglalarawan.
Paggamit ng Angkop Nakagamit ng angkop Nakagamit ng angkop Kakaunting datos na
na Datos patungkol at maraming datos na mga datos mula nasaliksik ang
sa Lugar mula sa sa pananaliksik. nagamit.
pananaliksik.
Paggamit ng Angkop Nakagamit ng angkop Nakagamit ng Nakagamit ng ilang
na Cohesive Devices o na cohesive devices o cohesive devices o cohesive devices o
Kohesyong kohesyong kohesyong kohesyong
Gramatikal gramatikal na lalong gramatikalsa pagbuo gramatikal subalit
nagbigay ng maayos ng paglalarawan. hindi ito sapat para
na daloy ng sa maayos na daloy
paglalarawan. ng paglalarawan.

22
Tayahin
Panuto: Suriin ang bawat pahayag, lagyan ng tsek ( / ) ang linya bago ang bilang
kung ito ay tama at ng ekis (x) kung hindi.
_______________ 1. Matatagpuan ang bibliyograpiya sa unahang bahagi ng sulating
pananaliksik.
_______________ 2. Nakaayos ang mga ito nang paalpabeto ayon sa pamagat ng mga
sanggunian.
_______________ 3. Kung dalawa ang may-akda, hindi na isusulat ang pangalan ng
ikalawa.
_______________ 4. Ginagawan lang ng bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat
o pahayagan.
_______________ 5. Kung estilong APA ang gagamitin, nakakulong sa panaklong ang
pamagat kung ang sanggunian ay pahayagan.
_______________ 6. Sa pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang estilong Chicago,
kailangang nakapasok ang ikalawa o sumusunod na linya ng
bibliyograpiya o ginagamitan ito ng hanging indention.
_______________ 7. Isinusulat ang pangalan ng may-akda nang nauuna ang
pangalan at sinusundan ng apelyido.
_______________ 8. Hindi na kailangang isama ang taon kung kalian nailimbag ang
sanggunian.
_______________ 9. Kung gagamit ng estilong Chicago at higit sa dalawa ang may
akda, isulat lamang ang et al matapos ang pangalan ng unang
may-akda.
_______________ 10. Hindi na mahalaga ang kawastuhan ng bantas kung ito ay
makagugulo lamang.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.


1. Ano-anong sanggunian ang ginagawan ng bibliyograpi?
2. Paano ba ito isinusulat?
3. Alin sa mga inilahad na sanggunian ang hindi mo inakalang puwedeng
isama sa bibliyograpiya?
4. Saan bang bahagi ng sulating pananaliksik matatagpuan ang
bibliyograpiya?
Sanggunian
Aklat
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma, Phoenix Publishing House, Inc. Quezon
City.2016.
Elektroniko
Search - tentatibong bibliograpiya (bing.com)
Paghahanda NG Tentatibong Bibliograpiya | PDF (scribd.com)
Manunulat Balideytor/Editor
DIANNA MAY S. CLEMENTE, T1 MARIFE I. GAMATA,MT 1
LPCNSHS- Dona Josefa Campus LPCNSHS- Dona Josefa Campus
23
Aralin
Kahulugan ng mga Konseptong
4 Pampananaliksik

Alamin

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kahulugan sa iba’t ibang


konseptong pananaliksik. Matapos na masagutan ang mga gawain sa modyul,
inaasahan na magkakaroon ka na dagdag kaalaman hinggil sa mga terminolohiyang
pampananaliksik. Sa huli ng mga gawain sa modyul, inaasahan na mabubuhay nito
ang iyong kaalaman hinggil sa pananaliksik na magagamit mo sa mga susunod na
aralin
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.)
F11PT – IVcd – 89

Subukin
Panuto: I-konek sa kahon gamit ang tuwid na linya ang mga pangungusap na
nagsasaad ng katotohanan.

24
Balikan

Panuto: Gamit ang Venn Diagram. Ibigay ang kahulugan at


pagkakaiba ng APA sa Chicago

Tuklasin
Panuto: A. Panuto: Isulat ang mga konseptong pampananaliksik sa
angkop na hanay.

Kabanata III Kabanata V

Kabanata IV Panghuling Pahina

Suriin
Basahin at unawain!

Mahalagang maunawaan ang iba’t ibang konseptong pampananaliksik bago ang


pagsasagawa ng pag-aaral. Iba’t ibang Konseptong Pampananaliksik IV. Kabanata
III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik a. Disenyo ng pananaliksik- nililinaw kung
anong uri ng pananaliksik ang pag-aaral na isinasagawa. b. Respondente- mga
taong kasangkot sa pag-aaral. Tinutukoy kung ilan sila, paano at bakit sila ang
napili. c. Instrumento ng Pananaliksik- inilalarawan dito ang paraan na ginamit
sa pananaliksik tulad ng pagsasarbey, kwestyoneyr at iba pa. d. Tritment ng
Datos- inilalarawan kung anong estadistikal na paraan ang ginamit upang ang
mga numerical na datos ay mailarawan.

25
V. Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos -Dito
inilalahad at iniinterpret ang mga datos na nakalap sa pananaliksik na
nakaayos ayon sa layunin ng pag-aaral.
VI. Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon a. Lagom-buod ng
mga datos na nakalap b. Kongklusyon-abstraksyon at implikasyon ng mga
nakalap na datos. c. Rekomendasyon- mga mungkahing solusyon bunga ng
natuklasan ng pag-aaral.

VII. Mga Panghuling Pahina a. Listahan ng sanggunian- kumpletong tala ng


lahat ng hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik. b. Apendiks-
tinatawag ding dahong-dagdag. Dito nakalagay ang mga liham, pormularyo
ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol kwestyuneyr, bio-data
ng mananaliksik, mga larawan at iba pa.

Pagyamanin
Panuto: Basahin ang maikling bahagi ng pananaliksik. Suriin ang nilalaman nito
gamit ang talahanayan sa ibaba.

Ang pananaliksik na pinamagatang “Gawaing Pampagkatuto Sa Pagpapaunlad


Ng Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Filipino Sa Senior High School” ay pag-aaral
na gumamit ng deskriptibong paglalarawan. Ito ay kinasasangkutan ng anim na
guro sa Filipino at 843 mag-aaral sa dalawang pampublikong paaralan ng senior
high sa Distrito ng Bauan. Gumamit ang mananaliksik ng dokyumentari analisis
para sa pagtukoy ng istatus ng marka ng mga mag-aaral habang interbyu at FGD
naman sa pagtukoy ng estratehiya, suliranin at pangangailangan sa pagtuturo
ng Filipino gamit ang binuong gabay sa pakikipanayam. Dito ay natuklasan na
ang mga guro ay may sapat na kakayahang pampagtuturo batay sa kanilang
propayl. Natuklasan din na ang mga mag-aaral ay pasado sa dalawang
asignaturang Filipino subalit nagpakita ng iba’t ibang antas ng kahusayan.
Nabatid din na gumagamit ang mga guro ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo
batay sa limang makrong kasanayan at humaharap sa iba’t ibang suliranin at
pangangailangan na nagiging hadlang sa mabisang pagtuturo ng Filipino. Sa huli
ay nakabuo ng gawaing pampagkatuto na maaaring gamitin sa alinmang
makrong kasanayan at asignaturang Filipino sa senior high. Bilang
rekomendasyon ay gamitin ang mungkahing gawaing pampagkatuto sa
pagtuturo upang magkaroon ng validasyon at masukat ang bisa nito sa
pagpapabuti ng pagtuturo ng Filipino sa senior high.

Sipi ng Tiyak na Bahagi mula sa Sipi ng Tiyak na Bahagi mula sa


Talata Talata

A. Lagom

B. Rekomendasyon

26
C. Responde

D. Disenyo

E. Instrumento

Isaisip
Pagkatandaan !

Isagawa
A. Panuto: Magsaliksik ng halimbawa para sa mga sumusunod na konseptong
pampananaliksik. Iimprenta o isulat ito sa papel.
1. Apendiks
2. Disenyo ng pananaliksik
3. Rekomendasyon
4. Lagom
5. Tritment ng Datos

27
Tayahin
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sumusunod an terminolohiya gamit ang
sariling pangungusap.

Terminolohiya Kahulugan- Sariling Pangungusap


1. Tritment ng Datos

2. Responde

3. Rekomendasyon

4. Sanggunian

5. Datos

Karagdagang Gawain
Panuto: A. Gumawa ng isang realisasyon/repleksyon/ natutuhan hinggil sa
araling tinalakay. Ilagay sa papel.

Sanggunian:
Bernales, Rolando A et.al, Interaktibong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Akademikong Pananaliksik, Malabon
City: Mutya Publishing House Inc.,2010 De Laza, Crizel Sicat. Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store, Inc., 2016 Mabilin, Edwin R at Mendillo, Benjamin M. Pilosopiya
ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik, Malabon City: Mutya Publishing House Inc.,2011
Navarro, A. M. (2019). Gawaing Pampagkatuto Sa Pagpapaunlad Ng Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Filipino
Sa Senior High School
Elektroniko
https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/index
Manunulat
Marife I. Gamata, MT1
LPCNSHS- Dona Josefa Campus

28

You might also like