You are on page 1of 21

1

Araling Panlipunan 1
Unang Markahan – Modyul 1:
Yunit 1 : Pagkilala sa sarili
Aralin 1.1- Ang aking sarili
Aralin 1.2 – Ako ay katangi – tangi
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga kuwento ng Lalawigan sa Ating Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dianne Cecelia E. Tajom – Teacher III


Editor: Dianne Cecelia E. Tajom – Teacher III
Tagasuri: Vilma Velasco- EPS –I, AP
Tagaguhit: Dianne Cecelia E. Tajom – Teacher III
Tagalapat: Dianne Cecelia E. Tajom – Teacher III
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
SDS Virgilio P. Batan, Jr.
ASDS Jay S. Montealto, CESO VI
Dr. Amelinda D. Montero - CID Chief
Dr. Nur N. Hussien – SGOD Chief
Dr. Ronillo S. Yarag – Division EPS In Charge of LRMS
Dr. Edgardo S. Cabalida - Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:

PAGKILALA SA SARILI
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 para sa araling Ako ay Natatangi
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipuna 3 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul - 1 ukol sa Mga Kuwento ng Lalawigan sa Ating
Rehiyon !
2
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
Pagyamanin
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
Karagdagang Gawain
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

4
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
Alamin

Magandang araw sa iyo!


Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,
magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang
pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino - (MELC)

Mga Layunin:
Matapos ang pag – aaral ng Yunit 1, inaasahang magagawa mo ang
sumusunod:
1. naipakikilala ang iyong sarili
2. nasasabi mo ang mga bagay na nanatili at nagbabago sa iyong sarili mula
nang isilang ka hanggang sa kasalukuyan;
3. naihahambing mo ang iyong sariling kwento ng buhay sa kwento ng
iyong kamag – aral; at
4. napahahalagahan at naipagmamalaki mo ang iyong sarili.

1
Subukin

Pag - isipan

Ano ang alam mo tungkol sa iyong sarili?

Maglaro muna tayo.

Makinig sa panuto ng guro. Magpapangkat-pangkat kayo ng iyong


mga kamag-aral ayon sa sasabihin ng inyong guro. Sa larong ito, dapat
ay masasabi mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.

2
1. Ano ang mga sinabi mo sa iyong mgakamag-aral habang naglalaro?

2. Anong mga pagkakataon kailangan mong sabihin ang iyong


pangalan,kaarawan, edad at tirahan?

3. Bakit dapat na alam mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at


tirahan?

Aralin
Pagkilala sa Sarili
1
Mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa sarili at
maipagmamalaking isasalaysay ang kwento tungkol sa sariling katangian at
pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing pamamaraan.
Gawain A. Magsadula Tayo! Magpangkat ng tig-aapat. Makinig nang
mabuti sa babasahin ng iyong guro. Ipakita sa pamamagitan ng pagsasadula
kung paano mo sasabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.
Bibigyan kayo nang sapat na oras upang maghanda at mag-ensayo.
Ibahagi sa klase ang inihandang dula.
Mga tanong:
1. Ano ang naramdaman mo matapos ibahagi sa iyong mga kamag-aral
ang inyong inihandang dula?
Sagot:
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________.

3
2. Sino Ikaw, naranasan mo na ba ang sitwasyong inyong ipinakita sa
dula?
Sagot:
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________.

Mga Tala para sa Guro


Dito ang guro ay magbibigay ng pagpapaunawa sa gagawing
pag-aaral sa modyul na ito. Lagi niyang paaalalahanan ang
mag-aaral sa mga dapat gawin at sinisiguro na naiintindihan ng
mag-aaral ang mga aralin at Gawain sa modyul na ito. Dito ay
iwawasto ng guro ang mga tapos nang Gawain ng mag-aaral.
Laging tatanungin ang mag-aaral sa kanyang ginagawa at
gagabayan niya ito sa mga hindi niya naiintindihan.

Tuklasin

Sa pag-aaral sa modyul na ito higit pa ang pagpapalalim sa


iyong kaalaman tungkol sa iyong sarili. Mababatid mo rin ang kahalagahan ng
pagkilala sa sarili bilang Pilipino. O, ano handa ka na ba? Umpisahan mo na!

Gawain B. Gaano mo Kakilala ang Iyong Sarili?


Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon tungkol sa iyo.

Bago kaba rito? Ang pangalan ko ay


Anong pangalan mo? __________________

4
Ipinanganak ako
noong
Kailan ka pinanganak? ___________________

Ako ay ____ na
Ilang taon ka na? taon

Nawawala ka ba? Saan ka


Nakatira po ako
nakatira?
sa ___________
?

5
Suriin
Mahalagang malaman mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad at tirahan.
Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kamag –
aral, at kalaro.
Ang bawat isa sa atin ay magkakaiba ang pisikal na katangian at pagkilos.
Maaaring ang isa ay tuwid ang buhok, matangos ang ilong, matangkad o payat
at ang iba naman ay maaaring kulot ang buhok, pango, maliit at mataba.
Sa pagkilos, maaaring ang iba ay mahusay sumayaw at maaaring ang iba
ay hindi marunong sumayaw. Maaaring mabilis kumilos at maaari rin naming
mabagal kumilos ang iba.
Tandaan na ang bawat isa sa atin ay may kani – kaniyang katangian na
naiiba sa ating kapwa.

Gawain C. Ilarawan Mo!


Paano mo ilarawan ang iyong sarili?
Kumuha ng isang malinis na papel at iguhit ang iyong sarili.
Pagkatapos mong gumuhit, Isulat ang iyong pangalan sa ibabang bahagi
ng iginuhit na larawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa.

6
Pagyamanin

Gawain D. Ano ang nararamdaman mo habang gumuhit?


Kasama ang iyong mga kamag – aral, ipaskil ang iyong iginuhit sa isang
bahagi ng silid – aralan.
Ano ang naramdaman mo habang-?
a. iginiguhit ang iyong sarili?
b. ibinabahagi anng iyong iginuhit?
c. nakikinig sa pagbabahagi ng iyong mga kamag – aral?
d. Ano ang napansin mo sa iyong iginihit? Ilarawan ito.
e. Bakit hindi magkakapareho ang iyong iginuhit?
f. Ano anng kaibahan ng iginuhit mo sa mga ginawa ng iyong mga kamag
– aral?

Isaisip

1. Mahalagang malaman mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad at


tirahan. Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa mga
bagong kaibigan, kamag – aral, at kalaro.

2. Mayroon kang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga


kamag – aral tulad ng thumb print, sukat o laki ng katawan, hugis

7
ng mukha, tangos ng ilong, hugis at kulay ng mata, at ang kulay at
anyo ng buhok. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang iyong
mga angking katangian.

3. Bawat isa sa iyong kamag – aral ay natatangi rin. Dapat mong


igalang at pahalagahanan ang kanilang angking katangian.

Isagawa

Gawain E. Isulat Mo. Ano ang mga pangalang itinatawag sa iyo ng iyong
magulang o mga kaibigan bukod sa unang pangalan mo? Sa mga pangalan ito,
alin ang pinakagusto mong pangalan. Kulayan ito ng iyong paboritong kulay.
Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ng tali. Isuot ito tuwing oras ng kalse.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isang puntos sa bawat bilang.
Ipkilala ang sarili sa pamamagitan ng mga gabay na tanong:
1. Ano ang iyong pangalan?
Ang pangalan ko ay si
____________________________________________.

8
2. Ilang taon ka na?
Ako ay _________ na taong gulang.

3. Saan ka nakatira?
Nakatira ako sa
___________________________________________________.

4. Saang paaralan ka pumapasok?


Ako ay pumapasok sa _______________________________________.

5. Paano mo ilarawan ang iyonng sarili?


Ako ay _______________________ na bata.

Karagdagang Gawain

Gawain G. Alamin Mo! Upang lubusang makilala ang iyong sarili, alamin ang
pinagmulan ng iyong pangalan. Tanungin ang iyong magulang o tagapag –
alaga kung bakit ito ang ibinigay nilang pangalan sa iyo.
Isulat sa loob ng bituin ang iyong unang pangalan. Isulat naman sa loob
ng buntot ng bituin ang dahilan kung bakit ito ang ibinigay sa iyong pangalan.
Humingi ng tulong sa iyong magulang o kasama sa bahay sa pagsagot
nito.

9
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG SAGOT
Napakalinaw ang Lubhang malinaw Hindi malinaw
Kriterya Pagkakabuo ang pagkakabuo ang pagkakabuo
(15pts) (10pts) (5pts)
Nilalaman

Mensahe

Pagkakabuo

Kabuuang
Puntos

Susi ng Pagwawasto

Sa lahat ng Gawain guro ang magwawasto dahil ito ay


humihingi ng mga sagot tungkol sa kanilang mga sarili.

10
Sanggunian

ARALING PANLIPUNAN 1
Kagamitan ng Mag-aaral
Rehiyon IX – Zamboanga Peninsula
Unang Edisyon 2020

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

12

You might also like