You are on page 1of 27

3

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paglilimbag
Arts – Grade 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan–Modyul 1: Paglilimbag
Aralin 1- Paglilimbag Gamit ang Kalikasan
Aralin 2- Marbling
Aralin 3- Hand Printing

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Nestlie Fiel F. Jamison, Meredy S. Gaisen, Aloha A. Magno
Editors: Content Rona N. Tacot, Gladys P. Viola
Language Agnes G. Muyco, Elva P. Belgira
Reviewers: Rona N. Tacot, Agnes G. Muyco, Elva P. Belgira
Layout Artist: Nestlie Fiel F. Jamison, T-III
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel C. Fillalan, Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Asst Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS – MAPEH
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief ES - CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente –OIC- LRMS
Jesus V. De Gracia Jr. – EPS, Division ADM Coordinator
Rona N. Tacot – EPS, MAPEH

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

1
3
Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paglilimbag

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Arts - Ikatlong Baitang)
ng Self-Learning Module (SLM) para sa araling Paglilimbag!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts - Ikatlong Baitang ng Self-
Learning Module (SLM) ukol sa Paglilimbag!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

2
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong kaalaman.


Ito ay tutulong sa iyo na maging bihasa sa araling itinakda para sa
Ikatlong Baitang – Sining. Ang kabuuan ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na gamitin sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral.
Ang lengguahe ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo
ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na iyong
binabasa ngayon ay maaaring magbago para tumugma sa
batayang aklat na gagamitin ng isang mag-aaral.

Ang modyul na ito ay tungkol sa:

Aralin 1 – Paglilimbag Gamit ang Kalikasan


Aralin 2 – Marbling
Aralin 3 – Hand Printing

Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang isang


mag-aaral na natutunan ang araling ito:

• Natatalakay ang konsepto ng makatotohanan o abstract


na paglilimbag gamit ang mga bagay mula sa kalikasan .
• Naipaliliwanag ang iba’t ibang kagamitang ginagamit sa
paglilimbag at ang kahalagahan nito.
• Napagmamasdan na ang nilimbag na disenyo ay maaaring
gamitan ng ritmo o paulit-ulit na paggamit ng mga linya at
hugis at nabibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng mga
hugis at linya sa ginawang disenyo.
• Naisasagawa ang konsepto ng nilimbag na disenyo na
maaaring makopya ng maraming beses sa pamamagitan ng
kamay o ng makita upang maibahagi sa iba.

5
Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga bagay na mula sa kalikasan
na maaaring magamit sa paglilimbag ng isang disenyo at
ekis () naman kung hindi.
_____1. sanga ng halaman _____4. bulaklak
_____2. yero _____5. buto ng prutas
_____3. dahon ng bayabas

Aralin
Paglilimbag Gamit ang
1 Kalikasan

Balikan

Panuto: Iguhit ang pambansang prutas at pagandahin ito gamit


ang iba’t ibang sangkap o elemento ng sining katulad ng
mga linya, kulay at tekstura

Rubrics
Pamantayan ✓ 
1. Nakapagpapakita ba ako ng tamang
tekstura ng prutas?
2. Gumamit ba ako ng tamang kulay base
sa tunay na kulay ng prutas?
3. Gumamit ba akong ng ibat – ibang kulay
sa pagpipinta?

6
Tuklasin
Mahahalagang Salita sa Aralin
Printing o Paglilimbag – ay isang pamaraan ng paglilipat o
pagpaparami ng mga teksto o larawan at pag-iiwan
ng bakat gamit ang tinta sa papel o iba pang
kagamitan.
Abstract – disenyong di makatotohanan
Emphasis – ay isang prinsipyo ng sining na tumutukoy sa paggamit
ng mga biswal na elemento upang maakit ang pansin
sa isang tiyak na lugar, karaniwang isang pokus na
punto, sa isang likhang-sining.

Suriin
Maraming bagay mula sa ating kalikasan ang maaari nating
gamitin sa paglilimbag tulad ng mga dahon, sanga, tangkay,
bunga at buto ng mga halaman, bato, balat at balahibo ng mga
hayop. Ang mga bagay na ito ay makakalikha ng kakaiba at di
pangkaraniwang mga disenyo o imahe.

Narito ang ilang halimbawa ng mga paglilimbag gamit ang mga


kagamitang mula sa kalikasan.

dahon lemon bulaklak


7
carrot at mais paa ng aso
Pagyamanin

Panuto: Iguhit ang ☺ kung ito ay mula sa kalikasan at 


naman kung hindi. Iguhit sa patlang ang iyong sagot.
______1. sasakyan ______2. gulay ______3. prutas

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang sa pangungusap upang mabuo ang


konsepto ng araling pinag-aralan.
Ang printing o _____________ ay isang pamaraan ng
__________ o pagpaparami ng mga teksto o larawan at pag-iiwan
ng ____________ gamit ang tinta sa papel o iba pang kagamitan.

Isagawa
Panuto: Isulat sa patlang sa ibaba kung anong gamit mula sa
kalikasan ang ginamit sa paglilimbag sa disenyong nasa
larawan.

_____________________

8
Tayahin

Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung ang mga bagay na mula sa
kalikasan ay maaaring magamit sa paglilimbag ng isang
disenyo at ekis () naman kung hindi.

_____1. sanga ng halaman


_____2. yero
_____3. dahon ng bayabas
_____4. bulaklak
_____5. buto ng prutas

Karagdagang Gawain
Panuto: Magbigay ng tatlong mga bagay mula sa kalikasan na
maaari pang gamitin sa paglilimbag maliban sa mga
bagay na nabanggit na sa araling ating tinalakay.
1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________

9
Subukin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng
tamang gamit o pamamaraan sa paggawa ng paper
marbling at MALI naman kung hindi tama ang sinasabi nito.
_________1. Ang marbling ay isang pamamaraan ng paglilimbag.
_________2. Nabubuo ang disenyo ng marbling mula sa
pinaghalong tubig at water color.
_________3. Mas malaki dapat ang papel o tela kaysa sa
planggana o lalagyan ng pinaghaluan.
_________4. Kailangang haluing mabuti ang mga pintura gamit ang
mga kamay.
_________5. Kapag nailipat na sa papel o tela ang pintura, kunin ito
at patuyuin.

Aralin

2 Marbling

Balikan

Panuto: Isulat ang tsek (✓) kung ang mga bagay na mula sa
kalikasan ay maaaring magamit sa paglilimbag ng isang
disenyo at ekis () naman kung hindi.

_____1. balat ng puno _____3. tangkay ng gabi


_____2. tubig _____4. bunga ng upo

10
Tuklasin
Maraming pamamaraan ang pwedeng magamit sa paglilimbag
at isa na rito ang marbling. Ang marbling ay paglilimbag na
ginagamitan ng tubig at pintura upang makabuo ng disenyo
katulad ng marble o ng iba pang uri ng mga bato.
Kapag pinaghalo ang iba’t ibang kulay ng pintura at tubig ay
makakabuo ng pattern na resulta ng mga lumutang na kulay ng
pintura at tubig. Ito ay maililipat sa papel o telang inilalagay sa
ibabaw ng tubig.
Ang paper marbling ay karaniwang ginagamit bilang pabalat ng
mga aklat at stationery.

Suriin

Ating pag-aaralan kung paano ginagawa ang paper marbling.


Mga Kagamitan: malaking tray, malamig na tubig, marbling inks o
pintura (enamel), papel o tela na kasya sa tray,
paint brush
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan. Ibuhos
ang malamig na tubig sa tray hanggang
sa kalahating bahagi ng tray.
2. Lagyan ng marbling inks o pintura ang
iba’t ibang bahagi ng tubig.
3. Tusukin ng dulong bahagi ng paint brush
ang mga pintura upang maitulak ang mga
kulay sa iba’t ibang bahagi ng tubig.
4. Ilagay ng maayos ang papel o tela sa
ibabaw ng tubig. Siguraduhing nasa ibabaw
ng tubig ang papel.
5. Dahan-dahang alisin ang papel sa
pamamagitan ng paghawak sa dulong
bahagi ng papel.

11
6. Patuyuin ang papel pagkatapos itong
makuha.

Heto ang ilang halimbawa ng marbling.

Pagyamanin
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga kagamitang ginamit sa
paggawa ng paper marbling.

mainit na tubig paint brush papel tisyu pintura

Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang
mabuo ang kaisipan.
Ang _________________ ay paglilimbag na ginagamitan ng
tubig at ______________ upang makabuo ng disenyo katulad ng
__________ o ng iba pang uri ng mga bato.

12
Isagawa
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pamamaraan sa paggawa ng
paper marbling sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang
1-5 sa patlang.
_____ Lagyan ng marbling inks o pintura ang iba’t ibang bahagi
ng tubig.
_____ Dahan-dahang alisin ang papel sa ibabaw ng tubig
_____ Ibuhos hanggang sa kalahating bahagi ng tray ang
malamig na tubig.
_____ Patuyuin ang papel.
_____ Itulak sa iba’t ibang bahagi ng tubig ang pintura.

Tayahin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng
tamang gamit o pamamaraan sa paggawa ng paper
marbling at MALI naman kung hindi tama ang sinasabi nito.
_________1. Ang marbling ay isang pamamaraan ng paglilimbag.
_________2. Nabubuo ang disenyo ng marbling mula sa
pinaghalong tubig at water color.
_________3. Mas malaki dapat ang papel o tela kaysa sa
planggana o lalagyan ng pinaghaluan.
_________4. Kailangang haluing mabuti ang mga pintura gamit
ang mga kamay.
_________5. Kapag nailipat na sa papel o tela ang pintura, kunin
ito at patuyuin.

Karagdagang Gawain
Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek (✓) ang larawang nagpapakita
ng paper marbling.

13
Subukin

Panuto: Kaya mo bang gayahin ang larawan o ang sining na ito


gamit ang iyong mga daliri o kamay?

Aralin

3 Hand Printing

Balikan
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay paraan ng paglikha ng disenyo mula sa tubig na may


halong pintura.
a. Marbling b. Trending c. Marble

2. Anong pintura ang ginagamit sa marbling?


a. Kerosene b. Enamel c. Glossy

3. Alin dito ang hindi kagamitan sa paggawa ng disenyong


marbling?
a. Kerosene b. Enamel c. Water color
14
Tuklasin
Alam mo ba na…
Ang finger printing o hand printing ay isang paraan ng paglilimbag
na gamit ang tatak ng mga daliri at mga kamay.
Madaling gawin ang finger printing o hand printing, ito ay sa
pamamagitan lamang ng pagdiin ng daliri o kamay na may acrylic
color o water color ng maraming beses upang makabuo ng
disenyong nais mo.

Gawain 1

Hand Printing

Mga Kagamitan:
Lapis, bond paper, brush, acrylic paint o water color,
lalagyan ng tubig para sa water color, styrofoam na lapat,
espongha o ink pad.

Pagmasdan ang larawan sa kahon. Anong disenyo ang nakikita


mo? Kopyahin sa inihanda mong bond paper. Sagutin ang
kasunod na tanong.

https://www.gograph.com/vector-clip-art/hand-print.html

Ano ang kahulugan ng disenyo?


a. Ito ay tungkol sa pamilya.
b. Ito ay tungkol sa puno.
c. Ito ay tungkol sa sa mga hayop.

15
Gawain 2

Finger Printing

Gawin itong muli sa isang malinis na bond paper. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa tanong na kasunod.

www.pinterest.com%2Fkerrymccloud%2Fthumbprint-art%2F&psig

Ang disenyo sa larawan ay tungkol sa :


a. bulaklak
b. bulaklak at mga insektong dumadapo dito
c. halaman katulad ng mga puno

Suriin
Tandaan:
Sa paggawa ng hand printing o finger printing ginagamit lamang ang
iyong kamay o dliri sa pamamagitan ng pagdiin ng mga ito sa ibat-
ibang kulay at disenyo.

Pagyamanin
Alam mo bang maaari ka ring gumawa ng disenyo na magkapareho
mong gagamitin ang paglimbag gamit ang mga daliri at paglimbag
gamit ang mga kamay sa iisang sining ng sining lamang?

16
Panuto: Gayahin ang sining sa ibaba sa isang malinis na bond paper.

Isaisip

Sa pagsasagawa ng hand printing o finger printing, nililimbag ito


gamit ang pagdiin ng daliri o kamay na may ibat-ibang kulay upang
makabuo ng disenyong naisip mo.

Isagawa

Panuto: Gamit ang iyong kamay, gayahin ang nakikitang sining sa


ibaba at sagutin ng susunod na tanong.

Ano ang nakikita mong disenyo sa nilikhang sining?


a. mga bakas ng kamay sa loob ng parisukat
b. mga bakas ng kamay sa loob ng tatsulok.
c. mga bakas ng kamay sa loob ng puso.

17
Tayahin
Panuto: Gumawa ng isang disenyong nais mo. Gamitin ang iyong
natutunan sa pagsagawa ng hand printing o finger printing.
Ipaliwanag ang iyong ginawa sa pamamagitan ng pagsulat
ng maikling talata tungkol sa nabuo mong disenyo.
Markahan ang ginawang likhang sining gamit ang
pamantayang sa ibaba.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Iskor
Kitang- Kita Hindi
Pamantayan
kita (2) Kita
(3) (1)
1. Nakalikha ako ng disenyo mula
sa paglilimbag gamit ang aking
mga daliri at kamay
( finger or hand printing)
2. Gumamit ako ng ibat-ibang kulay
sa aking likhang sining
3. Ang aking likhang-sining ay
kakaiba at makulay

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng likhang sining gamit ang iyong mga kamay at
mga daliri. Lagyan ito ng mensahe at ibigay sa iyong mahal
sa buhay na nais mong pasayahin.
18
19
Subukin: Balikan:
1. ✓ Maaaring magkakaiba
2.  ang sagot
3. ✓
4. ✓
5. ✓
Isaisip:
paglilimbag
paglilipat
Pagyamanin: bakat
1. 
2. ☺
3. ☺
Tayahin:
1. ✓
2. 
3. ✓
Isagawa:
4. ✓
gulay/okra
5. ✓
Karagdagang Gawain:
Maaaring magkakaiba
ang sagot
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
20
Subukin: Balikan:
6. TAMA 1. ✓
7. MALI 2. 
8. MALI 3. ✓
9. MALI 4. ✓
10.TAMA
Isaisip:
marbling
pintura
Pagyamanin: marble
paint brush
papel
pintura
Tayahin:
6. TAMA
7. MALI
Isagawa: 8. MALI
2 9. MALI
4 10. TAMA
1
5
3
Aralin 2
21
Subukin: Balikan:
Maaaring 1. a
magkakaiba ang sagot. 2. b
3. c
Tuklasin: Pagyamanin:
Gawain 1: b Maaaring
Gawain 2: a magkakaiba ang mga
sagot.
Isagawa: Tayahin:
c Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
Karagdagang Gawain:
Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
Aralin 3
Sanggunian

Aklat
Montañes, Cynthia T., et. al. 2014. Music, Arts, Physical Education
and Health – Ikatlong Baitang, Kagamitan ng
Mag-aaral sa Tgalog. Unang Edisyon. Meralco
Avanue, Pasig City, Philippines 1600:Rex
Bookstore, Inc.

Montañes, Cynthia T., et. al. 2015. Music, Arts, Physical Education
and Health – Grade 3, Teacher’s Guide. First
Edition. Meralco Avanue, Pasig City,
Philippines 1600:Rex Bookstore, Inc.

Aralin 1
Web
• https://www.firstpalette.com/craft/leaf-prints.html
• https://www.chicagobotanic.org/blog/how_to/fruit_and_ve
ggie_prints
• https://www.royalacademy.org.uk/article/family-how-to-
vegetable-printing-christmas
• https://theimaginationtree.com/flower-print-art/
• https://br.pinterest.com/pin/842525042760215723/
Aralin 2
Web
• https://en.wikipedia.org/wiki/Paper_marbling
• https://www.papier.com/thefold/articles/how-to-do-paper-
marbling
• https://www.funlittles.com/art-activities-kids-citrus-stamping/
• https://blog.thepapermillstore.com/5-techniques-marbling-
paper/
• https://www.youtube.com/watch?app=desktop&feature=sh
are&v=T3qcCoJ70XYAralin 3
• https://www.hellowonderful.co/post/easy-diy-paper-
marbling-at-home/

22
Aralin 3
Web
• https://www.pinterest.com/pin/203858320619568012/
• https://funhandprintartblog.com/handprint-flower-garden-
craft-kids.html
• www.pinterest.com%2Fkerrymccloud%2Fthumbprint-
art%2F&psig
• https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpixels.c
om%2Ffeatured%2Ffrankie-flowers-and-his-green-thumb-
michelle-finnegan.html&psig
• https://www.gograph.com/vector-clip-art/hand-print.html
• https://www.gograph.com/clipart/vector-tree-with-colorful-
hand-prints-gg64388337.html
• https://www.pinterest.ph/pin/329114685245315789/?autologin=
true
• http://frogsandsnailsandpuppydogtail.com/rainbow-
fingerprint-flower-family-art/

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito
ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like