You are on page 1of 26

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang Kahalagahan ng
Katangiang Pisikal ng Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module
Unang Markahan – Modyul 7: Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal ng Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Suzette F. Corpus
Editors: Alma J. Tuyan, Irlou V. Alado, Nona Leah N. Escopalao, Maria Leida M. Donque, Denah V. Andres
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tangala, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Aida S. Delon
Tagaguhit: Elthone Loreto G. Bermudez
Tagalapat: Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS In Charge LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan- EPSVR, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal ng
Bansa

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self – Learning


Module (SLM) para sa araling Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal ng Bansa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na
katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal ng
Bansa. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang
makamit ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang


tama ang lahat ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self - Learning
Module (SLM) ukol sa Ang Kahalagahan ng Katangiang Pisikal ng Bansa.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw! Ang araling ito ay tungkol sa kahalagahan


ng katangiang pisikal ng bansa na kung saan higit mong
malalaman ang iba’t ibang kahalagahan ng anyong tubig, anyong
lupa at lokasyon sa pag – unlad ng bansa at nilalayon ng araling
ito ang higit mong pagkatuto.

Most Essential Learning Competency:

• Nakapagbibigay konklusyon tungkol sa kahalagahan ng


mga katangiang pisikal sa pag – unlad ng bansa.
(AP4AAB – Ij – 13)

Sa araling ito, ang mag – aaral ay inaasahang:


• naiuugnay ang kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag
unlad ng bansa.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot mula sa pagpipilian at isulat ito sa
sagutang papel.
1.) Ano ang kahalagahan ng kapatagan sa pag - unlad ng bansa?
A. Para sa malawak na pangisdaan.
B. Dinarayo ng mga turista bilang pasyalan.
C. Nagsisilbing daungan ng sasakyang pandagat.
D. Taniman ng iba’t ibang produkto gaya ng palay, mais at tubo.

2.) Alin sa mga sumusunod ang naitutulong ng dalampasigan sa


pag – unlad ng bansa?
1
A. panangga sa bagyong dumarating
B. nagsisilbi itong sentro ng kalakalan
C. nagbibigay ito ng enerhiya para sa elektrisidad
D. nagsisilbing lugar – pasyalan ng mga turista lalong lalo na
sa panahon ng tag – init

3.) Anong talon ang nagtutustos ng lakas ng elektrisidad sa


maraming industriya sa Mindanao?
A. Talon ng Pansol
B. Talon ng Pagsanjan
C. Talon ng Asik – Asik
D. Talon ng Maria Cristina

4.) Saang lugar sa Asya matatagpuan ang Pilipinas?


A. Timog Asya
B. Hilagang Asya
C. Timog – silangang Asya
D. Timog – kanlurang Asya

5.) Ano ang kahalagahan ng turismo sa ating bansa?


A. tumataas ang kita
B. hindi umunlad ang bansa
C. nagkawatak – watak ang mga tao dahil sa turismo
D. walang trabaho ang mga tao dahil sa turismo

6.) Ano ang naitutulong ng bulkan sa pagpapaunlad ng bansa?


A. nagsisilbing panangga sa hangin
B. nagbibigay ng mga sariwang gulay at prutas
C. naging lugar – pasyalan tuwing panahon ng tag – init
D. nagsisilbing pasyalan ngunit nangangailangan ng masusing
pag – iingat para sa kaligtasan

7.) Ano ang magiging epekto sa Pilipinas kapag ito HINDI


matatagpuan sa kanyang lokasyon?
A. may malawak na taniman ng palay, mais at tubo

2
B. pinagkukunan ng mga malalaki at maliliit na isda
C. nagsisilbing panangga sa mga bagyong darating sa bansa
D. ang Pilipinas ay hindi magiging sentro ng pamamahagi ng
iba’t-ibang produkto at kalakalan sa Timog – silangang Asya

8.) Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng turismo.


MALIBAN sa?
A. tumataas ang kita ng bansa
B. marami ang nawawalan ng trabaho
C. dumarami ang mga turistang pumapasok mula sa ibang
bansa
D. maraming dayuhan ang nahihikayat na mamuhunan sa
bansa

9.) Ano ang magiging implikasyon sa turismo at kalakalan kapag


tinanggal ang mga RORO na sasakyang pandagat mula
Cotabato hanggang Maynila?
A. marami ang papasok na produkto galing sa ibang bansa
B. nagbibigay ng libreng sakay para sa mga taong gustong
umibang bansa
C. nakatutulong sa pagbiyahe ng mga produkto mula sa iba’t
ibang lalawigan
D. wala ng mga produkto ang mailuluwas at papasok na galing
sa iba’t ibang lalawigan o karatig bansa

10.) Gaano kahalaga ang lokasyon ng Pilipinas sa pag – unlad


nito?
A. upang dumami ang walang trabaho sa bansa
B. upang kumunti ang trabaho ng mamamayan ng bansa
C. upang hindi lumago ang mga negosyo ng mamamayan sa
bansa

3
D. upang maging sentro ng komunikasyon at transportasyon ng
kalakalan sa Timog – Silangang Asya.

Balikan

Panuto: Unawain ang katanungan at isulat sa sagutang papel ang


iyong sagot.

1. Ano – ano ang tatlong katangiang pisikal ng Pilipinas na


iyong napag –aralan?

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga yamang tubig at yamang lupa


sa pag-unlad ng bansa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Tuklasin
4
Gawain 1. “PAGMASDAN MO AKO!”

Panuto: Masdan ang mga larawan tungkol sa mga katangiang


pisikal ng bansa. Kilalanin at isulat kung ano ang
kahalagahan nito. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

a. _____________________________ b. _________________________________

5
e. ___________________________________

Tanong:

• Paano nakatutulong ang mga katangiang pisikal na ito sa pag


– unlad ng bansa?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
6
________________________________________________________
________________________________________________________
Suriin

Basahin mo!

Ang Pilipinas ay isang arkipelago na binubuo ng malalaki at


maliliit na mga pulo, at ang pagiging arkipelago nito ay may
malaking pakinabang sa pag-unlad ng bansa. Ito ay matatagpuan
sa Timog-Silangang Asya sa dakong itaas ng ekwador. Nasa
pagitan ito ng latitude na 4°-21° Hilagang latitud at 116°-127°
Silangang longhitud. Ang mga katangiang pisikal na ito ay
mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Anyong Lupa

➢ Ito ay may malalawak na kapatagan kung saan


matatagpuan ang malalaking taniman ng palay at iba
pang produkto katulad ng tubo at mais na nagbibigay
kita sa bansa.

7
➢ Nakabibighani ang mga bulubundukin at bulkan na
bagaman may panganib ay nagsisilbing pasyalan.

➢ Ang RORO (Roll on, Roll off) ay higit na nakatutulong sa


pagbibiyahe ng mga produkto mula sa iba’t ibang
lalawigan.

2. Anyong Tubig

➢ nakabibighani rin ang mga dalampasigang nagbibigay -


saya lalo na sa panahon ng tag-init.

➢ Nariyan din ang mga nakahihikayat na mga ilog, lawa


at talon tulad ng Maria Cristina Falls na nagtutustos ng
elektrisidad sa malaking bahagi ng Mindanao.

➢ Napasigla rin ng pagiging mayaman sa katubigan ang


iba’t ibang maaaring pagkakitaan katulad ng
pangingisda, pagbabangka, at pagbibiyahe.

➢ Sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat,


napaunlad ang turismo at kalakalan.

3. Lokasyon

➢ maaaring maging sentro ito ng pamamahagi ng iba’t-


ibang produkto at kalakalan mula sa ibang bansa ng
Timog-silangang Asya at ng mundo.

➢ sentro din ito ng komunikasyon, transportasyon at


gawaing pangkabuhayan sa Timog-silangang Asya.

Tunay na maipagmamalaki ang katangiang pisikal ng bansa.


Bilang mga Pilipino, marapat lamang na makiisa tayo sa mga
8
programa ng bansa sa turismo. Maraming dayuhan ang nahikayat
dumayo sa Pilipinas dahil sa likas na kagandahan nito.

Pagyamanin

Gawain 2. “GUHIT MO”

Panuto: Gumuhit ng bulaklak ( ) kung ang pangungusap ay


nagpapahayag sa kahalagahan ng katangiang pisikal at
bituin ( ) naman kung hindi. Iguhit ang inyong sagot
sa sagutang papel.

1. Walang magandang daungan para sa mga produktong galing


sa ibang lalawigan.

2. May nakabibighaning mga kabundukan at bulkan na


nagsisilbing pasyalan.

3. Iilan ang mga turista ang nahihikayat dahil sa maruming


dalampasigan at mga ilog nito.

4. May napakagandang mga dalampasigan na nagbibigay saya


lalo na sa panahon ng tag - init.

5. Sentro ito ng komunikasyon, transportasyon at gawaing


pangkabuhayan sa Timog-silangang Asya.

Gawain 3 –“HALAGA KO, BUUIN MO”

Panuto: Mula sa mga isinasaad sa bilog, buuin ang “concept map”


sa pamamagitan ng pagpili ng kahalagahan ng lokasyon

9
sa pag-unlad ng bansa. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

sentro ng
Daanan na mga transportasyon
Nagbibigay ng
sasakyang saganang ani
pandagat at dagdag kita
ng bansa

sentro ng gawaing
pangkabuhayan sentro ng
sa Timog- komunikasyon
silangang Asya

Kahalagahan ng Lokasyon

1. 2. 3.
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________
__________________ __________________ __________________

Gawain 4. “KAHALAGAHAN KO, ISULAT MO”

Panuto: Isulat sa “caterpillar map” at “fishbone” ang kahalagahan


ng mga katangiang pisikal sa pag – unlad ng bansa.
Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Anyong Lupa

10
3
1 2

KAHALAGAHAN 4

Anyong Tubig

Isaisip

Gawain 5. ISIP – ISIP LANG!

Panuto: Magbigay ng tatlong paraan kung paano nakatutulong


ang katangiang pisikal ng bansa sa pag – unlad nito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

11
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isagawa

Gawain 6 - PILIIN MO, KATANGIANG PISIKAL KO!

Panuto: Pumili ng isang katangiang pisikal ng bansa mula sa


kahon at itala ang mga paraan kung paano mo ito mapauunlad.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Anyong Lupa
b. Anyong Tubig
c. Lokasyon

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Anong katangiang pisikal ang nakikita mo sa iyong


pamayanan at paano ito nililinang ng mga tao upang makatulong
sa pag – unlad ng iyong bayan?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
12
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.

1.) Ano ang kahalagahan ng malaking bulubundukin sa pag-unlad


ng bansa?
A. bilang panangga ng bagyong dumarating sa bansa
B. naging sentro ng komunikasyon at transportasyon
C. walang magandang naidulot ang kabundukan sa Pilipinas
D. nakatutulong sa pagbibiyahe ng mga produktong gulay sa
ibang bansa

2.) Ano ang magandang naitutulong ng dalampasigan sa pag-


unlad ng ating bansa?
A. naging pastulan ng mga hayop
B. walang pakinabang ang dalampasigan sa bansa
C. naging tirahan ng mga mamamayan ang dalampasigan
D. nagbibigay - saya sa mga turista lalong lalo na sa panahon
ng tag-init

3.) Paano nakatutulong ang mga bulkan sa pag-unlad ng bansa?


A. pinagkukunan ng mga halamang dagat
B. lugar-pasyalan tuwing panahon ng tag-init
C. madalas pasyalan ng turista at kailangan lamang ng pag -
iingat
D. daungan ng mga malalaking barko na may lamang mga
produkto

13
4.) Ano ang kahalagahan ng Talon ng Maria Cristina sa pag-unlad
ng bansa?
A. naging lugar-pasyalan tuwing panahon ng tag-init
B. naging sentro ng gawaing pangkabuhayan sa Timog –
Silangang Asya
C. Ito ay pinagkukunan ng mga yamang dagat tulad ng perlas
at korales.
D. Ito ay nagtutustos ng lakas ng elektrisidad sa maraming
lugar sa Mindanao.

5.) Sa paanong paraan nakatutulong ang malawak na katubigan


sa bansa?
A. naging pastulan ng mga hayop
B. naging tirahan ng mamamayan
C. naging taniman ng gulay at prutas
D. naging pagkakikitaan at pangisdaan ng mamamayan

6.) Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng lokasyon sa pag


– unlad ng bansa?
A. naging lugar - pasyalan ng mga turista
B. naging taniman ng iba’t ibang produkto
C. naging sentro ng transportasyon
D. naging sentro ng komunikasyon, transportasyon at
gawaing pangkabuhayan

7.) Kung ang anyong tubig ay nagsisilbing daanan ng mga


sasakyang pandagat para sa kalakal, ano naman ang anyong
lupa?
A. dahil sa sasakyang pandagat napaunlad ang kalakalan
B. nagbibigay – saya sa mga turista sa panahon ng tag – init
C. taniman ng iba’t ibang produkto gaya ng palay, tubo at mais
D. nabibighani ang mga turista tuwing nasisilayan ang mga
ilog, lawa at talon

8.) Paano nakatutulong ang RORO (Roll on, Roll off) sa pag-unlad
ng bansa?
14
A. tanyag na look sa bansa
B. naging pasyalan ng mga turista
C. nagsisilbing taniman ng mga iba’t ibang butil
D. sasakyang pandagat na may lamang kalakal galing sa ibang
bansa

9.) Si Mang Danny ay isang “tourist guide” sa Isla ng Samal.


Magiliw niyang inaasikaso ang mga turistang pumupunta
doon. Malaki ba ang maitutulong ng kanyang ginagawang
trabaho sa pag – unlad ng kanilang lugar?
A. Hindi, dahil walang mga turistang gustong pumunta sa
kanilang lugar.
B. Hindi, dahil kunti ang mga turistang gustong pumunta sa
kanilang lugar.
C. Oo, dahil kunti ang turistang nabibighaning bumisita at
nadaragdagan ang kita ng pamahalaan.
D. Oo, dahil maraming turista ang nabibighaning bumisita at
nadaragdagan ang kita ng pamahalaan.

10.) Sa pagiging arkipelago ng bansa, maraming maaaring


mapakinabangan dito lalong lalo na sa anyong lupa nito. Sa
iyong pananaw, ano ang kahalagahan nito sa pag-unlad ng
bansa?
A. dahil kukunti ang mapagtataniman sa bansa
B. dahil nagsisilbing taniman ng iba’t ibang butil
C. dahil hindi umunlad ang mga negosyo sa bansa
D. dahil marami ang nawalan ng trabaho sa bansa

15
Karagdagang Gawain

Gawain 7. “PABORITO MO, IGUHIT MO”

Panuto: Gumuhit ng paborito mong anyong lupa at anyong tubig


sa kahon. Ilagay ang kahalagahan nito. Gawin ito sa
sagutang papel.

ANYONG LUPA

ANYONG TUBIG

16
Rubrik sa pagguhit ng larawan.

MGA
KRAYTERYA 4 3 2 1 PUNTOS
Hindi
Angkop na Hindi
Angkop gaanong
angkop ang angkop
Kaangkupan ang mga angkop
mga ang mga
sa Paksa larawan sa ang mga
larawan sa larawan
paksa larawan sa
paksa sa paksa
paksa
Lubos na Hindi
nagpamala Naging gaanong Walang
s ng malikhain naging ipinamala
Pagkamalikh
pagkamalik sa malikhain s sa
ain
hain sa paghahand sa paghahan
paghahand a paghahan da
a da
Ginamit
Ginamit
ang sapat Naisumite Hindi
ang oras
Pamamahala na oras sa dahil handa at
na
ng Oras paggawa ng binantaya hindi
itinakda sa
sariling n ng guro tapos
paggawa
disenyo
Buo ang Hindi
kaisipan, Konsistent malinaw
May
malinaw, at hindi ang
kaisahan
Organisasyon konsistent malinaw detalye at
at sapat na
at ang hindi
detalye
kumpleto detalye ganap na
ang detalye buo

17
18
Subukin Balikan Suriin
Gawain 1 Gawain 2
1.Ang tatlong katangiang 1. Ito ay ang mga
1. A pisikal na napag-aralan ay kabundukan at
2. D ang hugis, sukat at lokasyon bulkan
3. C 2. ang halimbawa ng 2. Palay, mais at tubo
4. D yamang tubig ay talon, ilog 3. talon
5. D at dalampasigan. Ang
6. D yamang lupa naman ay ang
7. C kapatagan, bundok at
8. D bulkan.
9. D Tuklasin
10. D Gawain 3
Ang maidudulot ng mga
katangiang pisikal na ito sa
pag – unlad ng bansa ay
nadaragdagan ang kita ng
bansa.
Pagyamanin
Gawain 2
1. bituin
2. bulaklak
Isaisip
3. bituin Gawain 5
4. bulaklak 1. Maunlad at Malaki
5. bulaklak ang kita
Gawain 3 2. Palaging dinarayo ng
- sentro ng komunikasyon mga turista dahil sa
- sentro ng transportasyon angking
- Sentro ng gawaing pangkabuhayan sa Timog – kagandahan.
Silangang Asya 3. Napaunlad ang
Gawain 4 – anyong lupa kalakalan ng bansa.
1. Maraming masaganang tanim tulad ng palay, mais at
tubo.
2. Malaki ang kita dahil sa ganda ng mga tanawin dito. Tayahin
3. Panangga ng bagyong dumarating sa bansa
4. Nagbibigay ng saganang ani 1. B
5. Nagbibigay saya sa mga turista 2. D
Anyong tubig 3. D
1. Naging pasyalan ng mga turista ang mga talon dahil 4. C
sa nakakabighaning ganda nito. 5. A
2. nagbibigay ito ng saya lalo na sa tag – init. 6. D
7. D
8. B
9. D
10. D
Karagdagang Kaalaman
Ito ay nakadepende sa iginuhit ng bata. Ang rubrik sa ibaba
ang magiging batayan ng kaniyang iginuhit at puntos.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Araling Panlipunan 4 Gabay ng Guro, pp 44 - 46


Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag - aaral, pp 108 – 114

References
Ma. Corazon V. Adriano, Marain A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P.
Miranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig, City:
Kagawaran ng Edukasyon.

19
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSAREGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag – aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020 – 2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like