You are on page 1of 35

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Paraan upang Mabawasan ang
Epekto ng Kalamidad
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self - Learning Module
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Paraan upang Mabawasan ang Epekto ng
Kalamidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Gloria A. Dalam


Editor: Alma J. Tuyan, Irlou V. Alado, Nona Leah N. Escopalao, Ma. Leida M. Donque, Denah V. Andres
Tagasuri : Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tungala, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Aida S. Delon
Tagaguhit : Elthone Loreto G. Bermudez
Tagalapat : Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almenrda- Asst.Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat- REPS, Araling Panlipunan
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura –EPSVR, LRMS
Marcelo A. Bocatera- Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan- EPSVR, Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Paraan Upang Mabawasan ang
Epekto ng Kalamidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul para sa araling Mga Paraan upang Mabawasan ang Epekto ng
Kalamidad.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na katulad nito. Ito
ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang
kaalaman upang mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Mga Paraan
upang Mabawasan ang Epekto ng Kalamidad. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong
sa mga mag-aaral upang makamit ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang tama ang lahat
ng mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa
ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na BAitang ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul ukol sa Mga Paraan upang Mabawasan ang Epekto ng
Kalamidad.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


Isagawa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Mapagpalang araw sa iyo! Narito ang panibagong modyul


na masusing inihanda upang maging makabuluhan ang iyong
pag-aaral ng paksang “Mga Paraan Upang Mabawasan ang
Epekto ng Kalamidad.” Sinisiguro ng modyul na ito na
makakamtam mo ang mga nararapat na kaalaman at
kakayahan na naaayon sa iyong baitang. Harinawa ay
mapanatili mo ang iyong kasiglahan sa pagkatuto.

Essential Learning Competency

• Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan


ang epekto ng kalamidad (bagyo, lindol at pagputok ng
bulkan). (AP4AAB-Ii-j-12)

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan
ang epekto ng kalamidad (bagyo, lindol at pagputok ng
bulkan

1
Subukin

Panuto: Unawain ang bawat katanungan at piliin ang titik


ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagbibigay ng opisyal


na ulat hinggil sa lindol at pagputok ng bulkan?

A. Department of Health (DOH)


B. Department of Science and Technology (DOST)
C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(PHILVOLCS)
D. Department of Environment and Natural Resources
(DENR) Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAGASA)

2. Kailan ibinigay ang pangunang lunas?

A. bago ang kalamidad


B. habang nagaganap ang kalamidad
C. pagkatapos ng kalamidad
D. bago, habang at pagkatapos ng kalamidad

3. Alin sa mga sumusunod na bagay ang HINDI nilalaman


ng isang Go Bag o emergency bag?
A. tubig
B. medicine kit
C. pagkaing de-lata
D. mamahaling plorera

4. Kasalukuyang kumakain ang iyong pamilya nang biglang


lumindol. Alin sa mga sumusunod na gawain ang ibibigay
mong mungkahi para sa kaligtasan ng lahat?

A. ready, set and go

2
B. stop, drop and roll
C. duck, cover and hold
D. stop, look and listen

5. Ano ang HINDI dapat gawin sa kasagsagan ng bagyo?

A. magtanim ng palay
B. magdasal sa Panginoon o Allah
C. manatili sa loob ng tahanan o evacuation center
D. maingat na lumalabas mula sa pinagkukublian

6. Ano ang HINDI nararapat gawin pagkatapos ng lindol?

A. manatili sa pinagkukublian
B. suriin ang sarili at mga kasamahan
C. suriin ang mga linya ng tubig at kuryente
D. maingat na lumabas mula sa pinagkukublian

7. Paano nakatutulong ang Philippine


ahensyang
Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA) sa mga mamamayan ng
Pilipinas?

A. binibigay nito ang magiging lagay ng panahon (weather


forecast) para sa mga sumusunod na araw
B. ipinapaalam nito ang pinagmulan at lakas ng pagyanig
C. sinisiguro nito ang mabuting kalusugan ng mga
mamamayan
D. tinutukoy nito ang nararapat na gawing isolation area o
evacuation center

8. Kung ikaw ay may katanungan kaugnay sa kalamidad, sa


anong local na ahensiya ka lalapit?

A. Bureau of Fire and Protection


B. LGU, Engineering Department
C. LGU, Accounting Department
D. Municipal Disaster Risk Reduction Management
Council (MDRRMC)

3
9. Narinig mo sa balita na may parating na bagyo sa inyong
lugar, ano ang imumungkahi mo sa kapwa?

A. Pumunta ka sa tabing- dagat.


B. Mamili ka ng prutas at gulay.
C. Ipagliban mo ang anumang lakad at maghanda.
D. Maglaba ka ng iyong mga pinagbihisang damit.

10. Alin sa mga sumusunod ang iyong ibibigay na mungkahi


habang humahagupit ang bagyo sa inyong lugar?

A. manatiling alerto at mahinahon


B. panoorin ang mga lumilikas na tao
C. putulin ang mga sanga ng punungkahoy
D. sinupin ang mga mahahalagang kasangkapan

Balikan

Sa buhay, hindi maiiwasang maranasan mo ang iba’t


ibang kalamidad. Dumarating ang mga ito sa hindi inaasahang
panahon katulad na lamang ng paghagupit ni Bagyong Yolanda
sa bansa noong Nobyembre 2013; napakalakas na lindol na
naganap sa probinsiya ng Cotabato noong Oktubre 2019 at
pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 2020. Ang lahat ng ito
ay nagdulot ng kapinsalaan.
May nalalaman ka bang mga paraan upang mabawasan
ang epekto ng mga kalamidad na ito? Maaari mo ba itong
ibahagi sa iyong kapwa?
Halika na at ipagpatuloy ang paglalakbay sa modyul na ito
upang kaalama’y madagdagan.

Gawain 1.“APAT NA LARAWAN: PAGMASDAN, PANGALANAN! ”

4
Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad na ipinapahiwatig ng
apat na larawan at magbigay ng epekto nito sa tao,
kapaligiran o ari-arian. Punan ng wastong sagot ang
talahanayan sa iyong sagutang papel.

1. ______________________________

2. _______________________________

3. _______________________________
Epekto sa Tao, Kapaligiran o
Uri ng Kalamidad
Ari-arian
1.

2.

3.

Tuklasin

Gawain 2. “UNAWAIN MO AKO”

Panuto: Basahin ang ulat na nasa isang pahina at isulat ang


sagot sa mga pagganyak na katanungan sa sagutang
papel.

6
1. Ayon sa balita, anong uri ng kalamidad ang
naranasan ng lalawigan ng Cotabato noong
Nobyembre 2013?
___________________________________________________
2. Bakit matindi ang naging epekto nito sa mga
mamamayan ng probinsiya?
___________________________________________________

Lalawigan ng Cotabato, apektado ng bagyo

Gerlie G. Ursua
Hindi nakaiwas ang Lalawigan ng Cotabato sa galit ni Bagyong
Yolanda noong ikapito ng buwan ng Nobyembre ng taong 2013. Dahil
hindi napaghandaan ng mga Cotabateńos ang tindi ng bagyong ito kaya
nag-iwan ng malaking perwisyo na nagdulot ng pagkasira ng mga
imprastraktura, mga pananim at mga alagang hayop.

Naging pahirapan din


ang paghahatid at pagbibigay
ng tulong. May mga bahagi
naman ng lalawigan ang
nawalan ng suplay ng kuryente
maging ng komunikasyon.
Pagdating sa edukasyon,
nagkansela lahat ng antas ng
mga pribado at pampublikong
paaralan.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Provincial Disaster Risk


Reduction Management (PDRRM) tungkol sa pag- iingat at palagiang
paghahanda sa mga darating pang kalamidad sa lalawigan.

Suriin

Ang kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng


bulkan ay madalas hindi inaasahang pangyayari sanhi ng
pamprosesong kalikasan na maaaring magdulot ng
kapahamakan sa mga mamamayan, kapaligiran at mga ari-
arian. Subalit kung may sapat na kaalaman at kahusayan sa
mga gawaing pag-iingat at paghahanda, tiyak ang kaligtasan ng
sarili at mga mahal sa buhay.

7
Pangunahing Paghahanda Para sa Pagharap sa
Anumang Uri ng Kalamidad
Una sa lahat, nararapat lamang na magkaroon ka ng
kopya ng Emergency Hotline Number, naunawaan mo ang
nilalaman ng Emergency Plan at lokasyon ng evacuation center
sa iyong lugar.

Pangalawa, siguraduhin mong nakahanda ang iyong “GO


Bag” at nakalagay sa lugar na agarang makikita sa iyong
tahanan at maging sa opisina o paaralan.

Mga Nilalaman ng “GO Bag”

Pangatlo, suriin ang sarili at mga kasamahan pagkatapos


ng kalamidad. Magbigay ng paunang lunas kung
kinakailangan. Makibahagi at makilahok sa mga ginagawang
Disaster Drills at simposyum na pinangungunahan ng
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council
(MDRRMC) katuwang ang mga tagapangasiwa ng mga paaralan.
Ilan sa matututunan mo mula sa mga pagsasanay ay ang
pagbibigay ng pangunang lunas. Ito ay napakahalagang
kakayahan na dapat mong taglay.

Pang-apat, panatilihing maging kalmado, alerto at


mahinahon sa lahat ng pagkakataon.

8
Bilang panghuli, pagsikapang maging malusog ang
pangangatawan upang maproteksiyunan ang sarili sa anumang
karamdaman.

Uri ng Kalamidad at Angkop na Mungkahi Bilang


Paghahanda

Bagyo

Ang malaking bahagi ng Pilipinas ay matatagpuan sa


“typhoon belt zone” kaya nakararanas ito ng mahigit kumulang
sa 20 na “tropical cyclones” sa loob ng isang taon. Ang lahat ng
ito ay mapanganib kaya nararapat lamang na paghandaan.

Upang maiwasan ang negatibong epekto nito,


iminumungkahi ang mga sumusunod na paraan:

Bago Dumating ang Bagyo

1. Kumpunihin ang mga sira at mahihinang bahagi ng


bahay.
2. Ligpitin ang mahahalagang kagamitan at dokumento.
Ilagay ito sa mataas na bahagi ng tahanan.
3. Makinig sa radyo o manood ng telebisyon upang malaman
ang pinakahuling balita hinggil sa paparating na bagyo.
4. Sundin ang payo ng kinauukulan.

Habang may Bagyo:

9
1. Manatili sa loob ng bahay o evacuation center.
2. Makinig sa radyo upang malaman ang pinakabagong
balita o impormasyon hinggil sa bagyo.
3. Huwag maglaro o lumusong sa tubig-ulan. Maaari itong
magdulot ng sakit o kapahamakan.
4. Pakuluan ang inuming tubig sa loob ng 20 minuto.
5. Ibaba ang main switch ng kuryente, isara ang mga
bintana at pinto at iwasang dumaan sa mga bahaging
dumadaloy ang tubig.

Pagkatapos ng Bagyo

1. Hintayin ang hudyat mula sa PAGASA o opisyal ng bayan


bago lumabas ng bahay o evacuation center.
2. Suriin ang buong bahay, daluyan ng tubig at kuryente.
Kumpunihin ang mga ito kung kinakailangan.
3. Ipagbigay-alam sa kinauukulan kung may mga
natumbang poste ng kuryente.
4. Linisin ang buong bahay at paligid nito. Itapon ang mga
maduming tubig na nakaimbak sa mga lagayan.
Ugaliing makinig sa weather forecast na ibinibigay ng
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA). Ito ang ahensiya ng pamahalaan na
nag-aaral sa lagay ng panahon at klima maging ang mga
“weather disturbances.”

Sa kabilang banda, binuo din ang ahensiyang Philippine


Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) upang
mapag-aralan at masubaybayan ang kalagayan ng bawat
bulkan at ang buong kalupaang Pilipinas. Napakaraming
bulkan ang matatagpuan sa Pilipinas, aktibo at di-aktibo
sapagkat ito ay napapaloob sa “Pacific Ring of Fire” na bahagi
rin ng mundo. Dahil dito, nakararanas ang bansa ng mga
pagputok ng bulkan at mga pagyanig ng kalupaan.

10
Pagputok ng Bulkan

Bago ang Pagputok

1. Lumikas mula sa lugar na maaaring matabunan ng


gumuguhong lupa o posibleng madaanan ng
rumaragasang lahar.
2. Makinig sa mga alituntunin o babala na ibibigay ng
PHILVOLCS.
3. Ilikas sa mas ligtas na lugar ang may mga karamdaman
sa baga.
4. Siguraduhing may nakahandang sasakyan sa paglikas
sakaling pumutok ang bulkan.

Habang Pumuputok

1. Manatili sa loob ng bahay o evacuation center.


2. Kung may pag-ulan ng abo, magtakip ng ilong gamit
ang basang tela.
3. Kapag nagmamaneho, huminto pansamantala.
Magiging mahirap ang pagtanaw sa dinaraanan at
maaari itong magdulot ng sakuna.
4. Kung ang bulkang pumuputok ay nasa dagat, iwasang
pumunta malapit sa pampang nito. Maaring magdulot
ng tsunami ang paggalaw ng lupa.

Pagkatapos ng Pagputok

1. Hintayin ang payo ng mga awtoridad sa inyong lugar


at PHILVOLCS bago umuwi sa tahanan.
2. Maingat na linisin ang loob ng tahanan at paligid nito.

Lindol

Bago ang Lindol:

11
1. Alamin ang kinaroroonan ng main switch ng kuryente
upang madali itong paroroonan kung kinakailangan.
2. Siguraduhing ang bawat bahagi ng tahanan ay nasa
maayos na kondisyon.
3. Iwasan ang magkabit ng mga babasaging bagay sa
dingding ng bahay. Samantala, ilagay sa ibabang bahagi
ng bahay ang mga mabibigat na bagay.

Kapag Lumilindol:

1. Isagawa ang stratehiyang “Duck, Cover and Hold”:


yumuko, magtago sa ilalim ng isang matibay na bagay
at humawak sa mga paa nito
2. Maaaring tumayo sa matibay na bahagi ng bahay o sa
may bandang poste nito. Maaari kang maupo, mag-
eskwat o manatiling nakatayo habang tinatakpan mo ng
kamay ang iyong ulo at batok.
3. Lumayo sa mga bagay na babasagin, mabibigat at
maaaring matumba.
4. Kapag nasa labas, nakabubuting pumunta sa isang
open space.
5. Kapag nagmamaneho, itabi at ihinto ang sasakyan.
6. Kapag nasa tabing dagat, agad na lumikas at pumunta
sa ligtas na lugar.

Pagkatapos ng Lindol:

1. Suriin ang mga linya ng tubig, kuryente maging ang mga


tangke ng gas o Liquefied Petroleum Gas (LPG).

2. Suriin kung may mga natapong kemikal na nakalalason


at maaaring pagmulan ng sunog.

12
3. Hintayin ang abiso ng mga kinauukulan bago bumalik sa
loob ng tahanan o gusali.

4. Unang tuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga


matatanda, buntis, bata at may kapansanan.

Pagyamanin

Gawain 3. “KAALAMAN DAGDAGAN, KAKAYAHAN HASAIN”

Panuto: Iguhit ang hugis puso ( ) kung ang pahayag ay


nagmumungkahi ng paraan upang mabawasan ang
epekto ng kalamidad. Iguhit naman ang hugis bilog
( ) kung hindi. Isagawa ito sa sagutang papel.

1. Kung nakaramdam ng pagyanig, isagawa kaagad ang


“STOP, DROP and ROLL!”
2. Manatili sa loob ng silid-aralan o gusali kahit natapos
na ang pagyanig.
3. Kapag nasa ikalawang palapag at biglang nagkaroon ng
pagyanig, kaagad na lumabas.
4. Umalis sa mga lugar na mabababa na maaaring
maapektuhan ng landslide o pagguho ng lupa.

13
5. Lumikas agad mula sa lugar na malapit sa bulkan
upang makaiwas sa mga lumilipad na debris.
6. Panatilihing maging malusog ang katawan sa oras
lamang na may kalamidad.
7. Manatili sa tahanan kahit may abiso nang lisanin ito.
8. Ibigay ang pangunang lunas kung kinakailangan.
9. Umiwas sa rumaragasang tubig.
10. Ihanda ang “GO Bag” sa lahat ng panahon.

Gawain 4. “PAG-ISIPAN AT AKSYONAN!”

Panuto: Kulayan ng dilaw ang lobo kung ang mungkahi ay


WASTO at luntian naman ang ilalapat kung HINDI.
Gawin ito sa sagutang papel.

1.Manatili 3. Balikan
sa ligtas 2. Sundin kaagad ang
na lugar ang payo ng naiwang
kinauukulan gamit

4.Magluluto
ng masarap
5. Sagipin
na pagkain
ang mga
14
tao na
nalulunod
2. Maupo
3. Tumakbo 4. Ihanda
at
sa ilalim ng ang “ Go
magmasid
puno Bag”

1.Sundin
ang mga 5.Lumikas
alituntunin sa ligtas
ng na lugar
PHIVOLS

2. NAGBABADYANG PUMUTOK ANG BULKAN

4.Maglaro
2.Manood sa ibabaw
ng ng bitak
telebisyon na lupa

3.Magbigay 5. Suriin
ng ang linya
1.Duck, 15
paunang ng
cover, hold
lunas kuryente
3. KATATAPOS NG LINDOL

Gawain 5. “PANA-PANAHON ANG PAGKAKATAON!”

Panuto: Pag-aralang mabuti ang bawat larawan. Ito ay mga


gawaing nararapat isagawa BAGO, HABANG at
PAGKATAPOS ng kalamidad. Isaayos ang pagkasunod-
sunod ng mga larawan gamit ang mga titik A, B, C.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. _____________________________ ________________________ ________________________


. _ ______ ______

16
3.____________________ __________________________ __________________________

4.___________________ __________________________ __________________________


_______

17
Isaisip

Gawain 6. “NATUTUNAN, PAGSAMAHIN”

Panuto:Magbigay ng limang (5) mungkahi ng mga pangunahing


paraan upang maiwasan ang epekto ng mga kalamidad
na iyong natutunan. Kulayan ang iginuhit na
paruparo. Isulat ito sa isang Butterfly Map sa iyong
sagutang papel.

18
Gawain 7. “TONO MO, DUNONG MO!”

Panuto: Awitin ang binagong lirikong pambatang awit upang


higit na maikintal sa isipan ang mga kaalamang
natutunan mo sa araw na ito. Maaari mong yayain
ang mga kasambahay upang sumabay sa pag-awit at
matuto.

“Pagputok ng Bulkan” “Pagbayo ng Bagyo”


Liriko: Maria Leida M. Donque Liriko: Maria Leida M. Donque
Tono: “Ako ay may Lobo” Tono: “Kung ang Ulan ay Puro
Tsokolate”
‘Pag puputok ang bulkan
Malapit sa iyong bayan Kung ang lugar ay binabayo ng
Pakinggan ang pamahalaan bagyo
Para sa ating kaligtasan Kailanga’y makinig sa radyo.
Huwag lalabas at ‘wag maglalaro
GO Bag huwag kalimutan Ah-ah-ah-ah-ah
Bago ka lumisan Dapat laging handa at alerto.
Sa lahat ng panahon
Manatiling mahinahon.

19
“ Bagting ng Batingting”
Liriko: Maria Leida M. Donque
Isagawa
Tono: “Peep! Peep! The Small Jeep”

Gawain 8. Klang, klang, kling, kling


Hudyat ng tagapagbagting
“Duck, Cover and Hold”
Iyan ang ibig sabihin.

Klang, klang, kling, kling


Paghahanda’y paigtingin!

“KAHILINGAN PARA SA KALIGTASAN!”


Panuto: Kapanayamin ang mga magulang o tagapag-alaga.
Alamin kung ano-ano ang ginawang paghahanda ng
pamilya para sa anumang kalamidad na maaaring
mangyari. Ilagay ito sa isang talaan. Sa kabilang
bahagi naman, isulat ang iyong mungkahi upang
mapaigting pa ang paghahanda. Isagawa ito sa
sagutang papel.

20
Ginawang Paghahanda Mungkahi
sa Tahanan

Inihanda ni: _________________________________________________


Pinagtibay ni:________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Kailan ibinibigay ang pangunang lunas?

A. bago mangyari ang isang kalamidad


B. habang nagaganap ang isang kalamidad
C. pagkatapos maganap ang isang kalamidad
D. bago, habang at pagkatapos ng kalamidad

21
2. Alin sa sumusunod na gawain ang iyong ibibigay na
mungkahi kapag nakaramdam ng pagyanig?

A. Magtakbuhan kayo!
B. Maupo ka, takpan ang ulo at manatili sa kinalalagyan.
C. Pumunta ka na sa evacuation center.
D. Hanapin mo ang iyong mahahalagang kagamitan.

3. Ano ang sasabihin mo sa bunsong kapatid na umiiyak


dahil sa takot matapos ang napakalakas na lindol?

A. “ Tumahan ka nga!”
B. “ Pumunta ka kina mama o papa!”
C. “ Tumahan ka na, ligtas na tayo.”
D. “ Lakasan mo pa ang pag-iyak!”

4. Ano ang pinakaangkop na ibibigay mong mungkahi sa


kapwa bago dumating ang inaasahang bagyo?

A. palakasin ang iyong loob


B. ihanda ang sarili at GO bag
C. bilangin ang mga hayop at kasangkapan
D. ayusin ang mga pananim sa hardin ng gulay at bulaklak

5. Alin sa mga sumusunod ang ibibigay mong mungkahi na


dapat pinakaunang gawin pagkatapos ng bagyo?

A. kaagad na umuwi sa bahay at magsinop


B. suriin ang sarili at mga mahal sa buhay
C. humingi ng ayuda mula sa kapitan ng barangay
D. ipagbigay alam sa kinauukulan kung may nasirang
linya ng kuryente o tubig

6. Paano nakatutulong ang ahensyang Philippine


Volcanology and Seismology (PHILVOLCS) sa mga tao?
A. sinisiguro nito ang mabuting kalusugan ng
mamamayan
B. tinutukoy nito ang nararapat na gawing isolation area
o evacuation center

22
C. binibigay nito ang magiging lagay ng panahon (weather
forecast) para sa mga sumusunod na araw
D. ipinapaalam nito sa mga tao ang maaaring lakas ng
pagputok ng bulkan at lawak ng pinsala.

7. Aling gawain ang HINDI ibibigay na mungkahi bago ang


pagputok ng bulkan?

A. lumikas mula sa lugar na maaaring matabunan ng abo


B. makinig sa pinakabagong babala o alituntunin mula sa
PHILVOLCS
C. siguraduhing nakalikas na sa ligtas na lugar kung
kinakailangan.
D. takpan ang ilong ng “face mask” upang hindi
malanghap ang abo.

8. Paano maiiwasan ang epekto ng mga kalamidad?

A. ihanda ang sarili sa lahat ng panahon


B. magkibit-balikat sa oras ng kalamidad
C. kumilos kapag pinagsabihan ng mga awtoridad
D. ipagwalang-bahala ang mga itinurong paghahanda
9. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang: “Sapat na kaalaman,
nasisiguro ang kaligtasan?”

A. kapag alam mo ang mga dapat gawin, tiyak


mapalalayo ka sa kapahamakan
B. isagawa ang pinaniniwalaan mong nararapat gawin sa
oras ng kalamidad
C. kung may sapat na kaalaman tungkol sa mga dapat
gawin bago, habang at pagkatapos ang kalamidad,
tiyak ang iyong kaligtasan.
D. kapag isinasaisip ang mga kaalaman sa paghahanda
sa pagdating ng kalamidad at isinasagawa ang
nararapat gawin sa oras na ito ay kinakailangan, tiyak
na maililigtas ang sarili at mga mahal sa buhay.

10. Ano ang maaaring kahihinatnan kung HINDI WASTO


ang mungkahing ibinigay sa kapwa?

23
A. upang mabigyan sila ng parangal
B. upang mahasa ang kanilang kakayahan
C. upang madagdagan ang kanilang kaalaman
D. upang makaligtas sa anumang kapahamakan

Karagdagang Gawain

Gawain 9. “PARA SA IYO!”

Panuto: Sumulat ng mensahe na makapagbibigay ng lakas ng


loob at inspirasyon sa mga taong sumasagip ng buhay
sa panahon ng kalamidad. Gawin ito sa pinagsamang
slogan at poster. ‘

24
RUBRIK SA PAGGUHIT/LARAWAN/PRESENTASYON

Paghusayan
Napakamahusay! Mahusay!
Pa!
(5) (4)
(3)

Kaangkupan sa
Konsepto

Pagkamalikhain

Kalinisan

25
“Pag-isipan at Aksyonan”
Gawain 3- A. Kasagsagan ng Bagyo Gawain 6- “Natutunan,
“Kaalaman 1. Dilaw Pagsamahin”
Dagdagan, 2. Dila ✓ Ang mga sagot ay
3. Berd nababatay sa mga
Kakayahan 4. Berde mungkahi ng bata.
26
Hasain” 5. Berde
6. Gawain 7- “Tono Mo,
B. Nagbabadyang pumutok Dunong Mo”
1. 6. ang bulkan. ✓ Pag- awit ng mga
1.dilaw sumusunod:
2. 7. 2.berde 1. Pagputok ng
3.dilaw Bulkan
3. 8. 4. berde 2. Pagbayo ng
4. 9. 5. dilaw Bagyo
3. Bagting ng
5. 10. C. Katatapos ng Lindol Batingting
1.berde
2. dilaw
3. dilaw
4. berde
5. dilaw
555
ISAGAWA KARAGDAGANG GAWAIN TAYAHIN
✓ Ang sagot ay 1. C
Gawain 8- “Kahilingan naaayon sa 2. A
para sa Kaligtasan! ” mensaheng 3. D
✓ Ang mga sagot ay ibibigay ng bata. 4. D
nababatay sa 5. B
paghahandang 6. B
ginawa ng 7. B
pamilya. 8. C
9. D
10. C
Susi sa Pagwawasto
Kabuuan
Sanggunian
Ma. Corazon V. Adriano, Marain A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter
F. Galarosa, Noel P. Miranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling
Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig, City: Kagawaran ng
Edukasyon.

27
PAHATID – LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag – aaral sa pampublikong
paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020 –
2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok
ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like