You are on page 1of 24

2

Mathematics
Unang Markahan – Modyul 6:
Halina’t Mga Bilang ay
Pagkumparahin at Ayusin
Mathematics – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Paghahambing at Pagsunod-sunod ng mga Bilang
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Delia Q. Daquiado, Arlene A. Gerodias, Lenie B. Halog, Celia R. Maque

Editor: Lani F. Anito, Maria Karina E. Trumata, Robie Cel A. Ogatis, Jessette F Morales, Clarinda U.

Dayaday, Annie M. Samillano, Noria Mandigan


Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Emily Socorro G. Salanatin, Mary Joy D. Bautista, Mary
Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Delia Q. Daquiado, Arlene A. Gerodias
Tagalapat: Robie Cel A. Ogatis, Jerome S. Jabel

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV - Regional Director

Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director

Isagani S. Dela Cruz. CESO V – Schools Division Superintendent


Natividad G. Ocon, CESO VI – Assistant Schools Division Superintendent

Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD


Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS

Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM


Jade B. Palomar – REPS, Subject Area Supervisor

Elpidio B. Daquipil - CID Chief


Juvy B. Nitura - Division EPS In Charge of LRMS

Marcelo Bocatera - Division ADM Coordinator


Odubias D. Elentorio – EPS Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
2

Mathematics
Unang Markahan – Modyul 6:
Paghahambing at Pagsunod-sunod
ng mga Bilang
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 2 ng Self Learning Module


(SLM) para sa araling Paghahambing at Pagsunod-sunod ng mga Bilang.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng


kagamitan para sa pagtuturo na katulad nito . Ito ay inyong
magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-
aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Paghahambing at Pagsunod-
sunod ng mga Bilang. Ang inyong tamang paggabay ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating mga
layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin , unawain at
sagutin nila nang tama ang lahat ng mga gawain at karunungan
dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila .
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga
layunin at hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo
sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 2 ng Self Learning Module (SLM) ukol sa


Paghahambing at Pagsunod-sunod ng mga Bilang.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Tumingin sa inyong paligid. Alam mo bang bilangin ang mga
bagay-bagay sa iyong paligid, maging ang iyong mga kasama sa
bahay? Kaya mo bang kilalanin ang malaki at maliit na bilang?

Most Essential Learning Competency

 Compares numbers up using relation symbols and orders


numbers up to 1 000 in increasing or decreasing order (No
MELC Code)

Ang modyul na ito ay hinati sa tatlong-aralin:

 Aralin 1 – Comparing Numbers


 Aralin 2 – Ordering Numbers up to 1000 in increasing pattern
 Aralin 2 – Ordering Numbers up to 1000 in decreasing pattern
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral sa
Ikalawang Baitang ay inaasahang natutunan ang:
1. compares numbers up using relation symbols and orders
numbers up to 1 000 in increasing or decreasing order

Subukin
Panuto: Paghambingin ang bawat pares ng bilang na nasa Hanay
A at Hanay B. Gamitin ang simbolong < , > o = sa pagsagot. Gawin
ito sa inyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1) 15 51
1
2) 30+ 8 38
3) 65 64
4) 99 66
5) 20+5+4 29

Balikan
Naaalala mo pa ba ang nakaraang aralin na galing sa
modyul?

Panuto: Pagtambalin ang kabuuang bilang sa Hanay B sa


expanded form nito sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. 600+50+2 a. 267
2. 200+ 60+7 b. 943
3. 900+40+ 3 c. 174
4. 500+30+8 d. 652
5. 100+70+4 e. 538
f. 147

Tuklasin

Gumuhit sina Robie at Cel ng mga bulaklak. Ang iginuhit ni


Robie ay mga bulaklak sa Unang Kahon at ang kay Cel naman
ay nasa Pangalawang Kahon.

Masdan ang mga larawang iginuhit ng dalawa at sagutin


ang sumusunod na mga katanungan.

2
Unang Kahon Pangalawang Kahon

1. Ilan ang bulaklak sa unang kahon?


2. Ilan ang bulaklak sa pangalawang kahon?
3. Anong kahon ang may maraming bulaklak?
4. Anong kahon ang may kaunti ang bilang ng bulaklak?

Suriin

1. Sa bilang 3 at 9, alin ang mas malaking bilang?


 Ang bilang 3 ay mas maliit kaysa 9.
Ito ay maaaring isulat na 3 < 9.
2. Alin ang mas malaking bilang, 3 o 9?
 Ang bilang na 9 ay mas malaki kaysa 3.
Ito ay maaring isulat na 9 > 3.
3. Maaaring gamitin ang simbolong = kung magkapareho
ang dalawang bilang.
Halimbawa 312 = 300 + 10 + 2.
Dapat Tandaan:
4. Ang simbolong > ay ginagamit kung ang unang bilang ay
mas malaki kaysa pangalawang bilang.
5. Ang simbolong < ay ginagamit kung ang unang bilang ay
maliit kaysa pangalawang bilang.
6. Ang simbolong = ay ginagamit kung ang dalawang
pinaghahambing na bilang ay magkapareho.

3
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin kung ang mga bilang sa Hanay A ay mas malaki,
mas maliit o kapareho ng bilang sa Hanay B gamit ang simbolong
< , > o =. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1) 357 476
2) 400 + 30 + 8 438
3) 480 400 + 80 + 5
4) 483 438
5) 567 576

Isaisip
 Paano pinaghahambing ang mga bilang?
 Sa paghahambing ng mga bilang, mahalagang tukuyin
muna kung ano ang maliit at malaking numero.
 Anu-anong simbolo ang ginagamit sa paghahambing?
 Ang simbolong _______ ay ginagamit kung ang unang bilang
ay mas malaki kaysa pangalawang bilang.
 Ang simbolong < ay ginagamit kung ang unang bilang ay
___________ kaysa pangalawang bilang.
 Ang simbolong ______ ay ginagamit kung ang dalawang
pinaghahambing na bilang ay magkapareho.

Isagawa
Panuto: Paghambingin ang mga numero sa bawat bilang.
Kopyahin at lagyan ng >, < , o = ang kahon. Gawin ito sa inyong
Activity Sheet.
1) 120 125
2) 135 135

4
3) 213 314
4) 279 91
5) 757 577

Tayahin
Panuto: Paghambingin ang mga numero sa bawat bilang.
Kopyahin sa sagutang papel at lagyan ng > , < , o = ang
kahon.

1) 175 175
2) 305 350
3) 563 335
4) 817 789
5) 957 900 + 50 + 7

Karagdagang Gawain
A. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
5 0 3 0 4 2 7 11
9 8 2 7 1 6 8 3
Bumuo ng limang pares ng three-digit na bilang, at
paghambingin ito gamit ang simbolong <, >, o =. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: 503 < 974
1.
2.
3.
4.
5.
B. Isulat ang lahat ng three-digit na bilang na maiisip mo gamit
ang mga bilang na 6, 4 at 7.
Gamitin lamang ang mga ito ng isang beses.
Pagkatapos ay paghambingin ang mga ito gamit ang >, < o =.
5
6
Isagawa
Tayahin
1. < 1. =
2. = 2. <
3. <
3. >
4. >
4. >
5. >
5. =
Subukin Balikan Pagyamanin
1. < 1. d 1. <
2. = 2. a 2. =
3. < 3. b 3. <
4. > 4. e 4. >
5. < 5. f 5. <
Susi sa Pagwawasto
ORDERING NUMBERS UP TO 1000 IN INCREASING ORDER

Tuklasin
Masdan ang mga larawan sa ibaba at bilangin. Alin ang marami
at alin ang kaunti? Ayusin ang wastong pagkasunod-sunod nito
mula sa pinakamaliit na bilang hanggang sa pinakamalaking
bilang.
A B C

Suriin
Ilan ang laman ng kahon A? Ilan naman ang laman ng kahon B?
Ilan din ang laman ng kahon C?
Ang kahon A ay may limang cupcakes, ang kahon B
naman ay may walong cupcakes at ang kahon C naman ay may
apat na cupcakes.
 Kung isusulat natin ito sa simbolo ay:
Kahon A 5
Kahon B 8
Kahon C 4
 Ang 4 ang pinakamaliit na bilang, ang 5 ay mas malaking
bilang kaysa 4 at ang 8 naman ang pinakamalaking bilang
sa tatlong numero (5,8,4)
 Kung isusulat ito ng may wastong pagkasunod-sunod, mula
sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, ito ay magiging
4 5 8.

7
Pagyamanin
Panuto: Gumawa ng numberline sa inyong sagutang papel at
ilagay dito, ang mga bilang mula sa pinakamaliit hanggang sa
pinakamalaki.
1) 67, 70, 65, 63, 73, 71
2) 315, 317, 318, 320, 312, 321
3) 647, 720, 605, 613, 723, 731
4) 105, 167, 128, 210, 812, 231
5) 189, 187, 180, 184, 181, 190

Isaisip

 Paano iniaayos sa wastong pagkasakasunod-sunod ang


mga bilang mula pinakamaliit hanggang pinakamalaki?
Tandaan ito:
 Sa pagsasaayos ng mga bilang mula pinakamaliit
hanggang pinakamalaki, mahalagang tukuyin muna kung
aling bilang ang pinakamaliit at ito ang mauuna sa hanay.
Ito naman ay susundan ng mas malaking bilang kaysa sa
nauna hanggang sa pinakamalaki.

Isagawa
Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na mga bilang mula sa
pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Isulat ang tamang ayos
sa inyong sagutang papel.
1) 100 150 50 250 200

8
2) 164 162 160 163 161
3) 780 685 564 290 482
4) 127 278 453 290 489
5) 891 380 682 246 286

Tayahin

Panuto: Isaayos ang hanay ng mga numero mula sa pinakamaliit


hanggang sa pinakamalaki. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1) 462 , 290 , 801 , 900 , 675 _____________________________
2) 758 , 398 , 540 , 145 , 450 _____________________________
3) 400 , 900 , 100 , 600 , 800 _____________________________
4) 278 , 238 , 258 , 268 , 248 _____________________________
5) 567 , 561 , 569 , 563 , 560 _____________________________

Karagdagang Gawain
A. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

241, 245, 247, 240, 246, 242, 243,244

Ayusin ang mga numero mula sa pinakamaliit hanggang sa


pinakamalaki. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

B. Isulat sa inyong sagutang papel ang lahat ng three-digit na


bilang na maiisip mo gamit ang mga bilang na 3, 9 at 6.
Gamitin lamang ang mga ito ng isang beses.
Pagkatapos isaayos ito mula sa pinakamaliit hanggang sa
pinakamalaki.

9
10
Pagyamanin Isagawa Tayahin
1. 63, 65, 67, 70, 71, 73 1. 50, 100, 150, 200, 250 1. 290, 462, 675, 801,
2. 312, 315, 317, 318, 2. 160, 161, 162, 163, 164 900
320, 321 3. 290, 482, 564, 385, 780 2. 145, 398, 450, 540,
3. 605, 613, 647, 720, 4. 127, 278, 290, 253, 489 758
723, 731 5. 246, 286, 380, 382, 891 3. 100, 400, 600, 800,
4. 105, 128, 167, 210, 900
231, 812 4. 238, 248, 258, 268,
5. 180, 181, 184, 187, 278
189, 190 5. 560, 561, 563, 567,
569
Susi sa Pagwawasto
ORDERING NUMBERS UP TO 1000 IN DECREASING ORDER

Tuklasin
Kumusta mga bata? Tumingin sa larawan na nasa ibaba,
pag-aralan ito at bilangin ang laman ng bawat kahon. Alin ang
marami mas marami at pinakamarami?

A B C

Suriin
Ilang payong mayroon ang kahon A? Ilan din ang payong
sa kahon B? Ilan naman ang payong sa kahon C?
Ang kahon A ay may 12 na payong, ang kahon B ay may 6
na payong at ang kahon C naman ay may 9 na payong.
 Kung ating isulat ang bilang ng bawat kahon ay:
Kahon A 12
Kahon B 6
Kahon C 9
 Kung isulat ito mula sa pinakamaliit hanggang sa
pinakamalaki, ito ay 6 , 9 , 12.
 Ang 6 ang mauna dahil ito ang pinakamaliit na bilang.
 Ang 9 ang kasunod nito dahil ito ang mas malaki kaysa
6 at mas maliit sa 12.

11
 Ang 12 naman ang pinakahuli dahil ito ang
pinakamalaki sa tatlong numero.
 Kung isulat naman ito mula sa pinakamalaki
hanggang sa pinakamaliit, ito ay 12 , 9 , 6.
 Ang 12 ang mauna dahil ito ang pinakamlaki.
 Ang 9 naman ang kasunod dahil ito ay malaki kaysa 6
ngunit mas maliit naman sa 12.
 Ang 6 ang pinakahuli dahil ito ang pinakamaliit sa
tatlong numero.

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang T kung ang hanay ng mga numero ay
napagsunod-sunod mula sa pinakamalaki hanggang sa
pinakamaliit at M naman kung hindi.
___________ 1) 179 , 178 , 176 , 174 , 171
___________ 2) 296 , 250 , 159 , 165 , 205
___________ 3) 294 , 352 , 190 , 295 , 512
___________ 4) 310 , 335 , 369 , 379 , 385
___________ 5) 716 , 532 , 154 , 259 , 465

Isaisip
 Paano inaayos sa wastong pagkasakasunod-sunod ang
mga bilang mula pinakamalaki hanggang pinakamaliit?
Tandaan ito:
 Sa pagsasaayos ng mga bilang mula pinakamalaki
hanggang pinakamaliit, mahalagang tukuyin muna kung
aling bilang ang pinakamalaki at ito ang mauuna sa
hanay. Ito naman ay susundan ng mas maliit na bilang
kaysa sa nauna hanggang sa pinakamaliit sa lahat na mga
bigay na bilang.

12
Isagawa
Panuto: Hanapin sa hanay B ang wastong pagkasunod-sunod ng
mga numero sa bawat bilang sa Hanay A. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Walang titik ang pwedeng isagot ng dalawang
beses.
Hanay A Hanay B
1. 246 , 432 , 654 , 546 a. 699 , 659 , 649 , 629
2. 876 , 873 , 879 , 874 b. 569 , 567 , 562 , 547
3. 567 , 569 , 562 , 547 c. 654 , 546 , 432 , 246
4. 358 , 658 , 158 , 758 d. 879 , 876 , 874 , 873
5. 649 , 659 , 629 , 699 e. 758 , 658 , 358 , 158

Tayahin
Panuto: Isaayos ang mga bilang mula sa pinakamalaki hanggang
sa pinakamaliit. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. 257 , 263 , 254 , 245 , 219 ________________________
2. 118 , 194, 113 , 129 , 135 _________________________
3. 756 , 742 , 739 , 795 , 762_________________________
4. 423 , 429 , 456 , 471 , 435 ________________________
5. 851 , 856 , 857 , 858 , 889 _______________________

Karagdagang Gawain
A. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
5 0 3 0 4 2 7 11
9 8 2 7 1 6 8 3
Bumuo ng limang three-digit na bilang. Ayusin ito mula sa
pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.

13
14
Pagyamanin Isagawa Tayahin
1. T 1. C 1. 263, 257, 254, 245, 219
2. M 2. D 2. 194, 135, 129, 118, 113
3. M 3. B 3. 795, 762, 756, 742, 739
4. M 4. E 4. 471, 456, 435, 429, 423
5. M 5. A 5. 889, 858, 857, 856, 851
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Escobarte, Atty. Alberto T. 2013. Mathematics 2. First Edition 2013.
Edited by Amelita P Givertz. Pasig City 1600: Department of
Education.

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito
ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

16

You might also like