You are on page 1of 25

2

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo
sa Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo sa Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Aileen C. Agon
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos Chief
Dennis M. Mendoza,Regional EPS In Charge of LRMS
Regional ADM Coordinator
Ma. Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division
Superintendent Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. CarpioDivision Division EPS In Charge of LRMS
Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – NCR

Office Address:

Telefax:
E-mail Address:
2

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5
Gawain at Tungkulin ng mga Bumubuo
sa Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Ikalawang
Baitang at ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Gawain at
Tungkulin ng mga Bumubuo sa Komunidad!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalamanngmgapaalala,panulong oestratehiyang magagamit sa paggabay sa m

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan sa Ikalawang Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Gawain at Tungkulin ng
mga Bumubuo sa Komunidad!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng
Ikalawang Baitang. Nilalayon ng modyul na ito na
mahubog ang kakayahan ng mag-aaral sa pag-uugnay
ng gawain at tungkulin sa komunidad sa sarili at sariling
pamilya. Ang mga pagsasanay sa modyul ay sasagutan
ng mag-aaral upang masukat ang kaniyang nalinang na
kaalaman mula sa modyul na ito.

Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang


maipamalas ang:
1. Pag-uugnay ng tungkulin at gawain ng mga bumubuo
ng komunidad sa sarili at sariling pamilya .

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo
ng komunidad sa sarili at sariling pamilya

Layunin: Pagkatapos masagutan ang modyul, ang mag-


aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga tungkulin at gawain ng bumubuo
sa komunidad.
2. Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga
bumubuo ng komunidad sa sarili at sariling pamilya.

1
Subukin (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang sinasaad ng
pangungusap ay wasto at Mali kung hindi wasto.

1.Sa paaralan hinuhubog ang kaisipan ng mga


mag-aaral.
2. Maaari tayong pumunta sa palengke
upang magsimba at magpapuri sa Diyos.
3. Sa ospital pumupunta ang mga taong may sakit
upang magpagamot.
4. Naglalaro ang mga bata sa pook-libangan.
5. Sa pamilihan maaaring bumili ng mga
pangangailangan..

2
Aralin Mga Pagbabagong
1 Nagaganap sa Ating
Komunidad

Balikan (Pakikipagtalastasan)

Panuto: Itambal ang larawan sa Hanay A sa pangalan


nito sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

1.
A.Ospital

B.Bahayan
2.

C. Pook-libangan
3.

4. D. Health Center

5. E. Simbahan

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan


at maunawaan ng mga mag- aaral ang
mahahalagang kasanayan sa pagkatututo.
Binigyang pansin din sa mga gawain ang paglinang
sa 5Cs na kasanayan: pakikipagtalastasan
(communication); pagtutulungan (collaboration);
pagkamalikhain (creativity): mapanuring pag-iisip
(critical thinking) at pagbuo ng pagkatao (character
building). Makikita rin ang aralin na ito online. Bilang
tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa
progreso ng mga mag-aaral sa bawat
gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa
gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa
magulang/ guardian upang matiyak na
nagagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain
sa pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw
na instruksyon sa pagkatuto.

4
Tuklasin(Pagtutulungan)

Gawain 1: Tayo ay Mag-isip


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Alam mo ba kung ano-ano ang mga gawain


at tungkulin ng mga bumubuo ng komunidad?

2. Magbigay ng halimbawa ng mga gawain at


tungkulin ng mga bumubuo ng komunidad.

5
Suriin
Isang mapagpalang araw mga bata! Ngayon, ating
pakinggan si Teacher Nikki upang malaman natin ang
mga tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng ating
komunidad.

Ako si Teacher Nikki. Ito ang ating


komunidad, ang bayan ng Pozorrubio.

bitmoji

Makikita rito ang mga pamilya, paaralan,


ospital,pook-libangan,pamilihan,munisipyo o
municipal hall, health center at barangay hall.
Ang pamilya ang nagtataguyod ng mga
pangangailangan ng mga anak. Binibigyan nila ang
mga anak ng wasto at sapat na pagkain, tirahan at
pananamit.

6
https://www.netclipart.co

Ito ay isang paaralan. Dito hinuhubog ng mga


guro ang kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pag-
unlad.
Tinuturo din ang wastong pag-uugali at mga gawain.
Tungkulin ng paaralan ang pagbibigay ng dekalidad
na edukasyon para sa lahat. Ang prinsipal ay ang
namumuno sa paaralan.

bitmoji https://christianfunnypics.com

Sa may gilid ng paaralan ay matatagpuan ang


simbahan. Dito sama-samang nananalangin ang mga
tao. May iba pang simbahan na matatagpuan sa
ating komunidad. Nangangaral at nagtuturo rito ng
mabuting asal sa mga tao. Tungkulin ng simbahan ang
magpahayag ng mga salita ng Diyos.

https://pngio.com https://attracttour.com
7
https://depositphotos.com

Ito naman ang pook-libangan kung saan ang


mga batang katulad ninyo ay madalas na naglalaro.
Dito rin nagdadaos ng mga programa at
palatuntunan.
Matatagpuan ang Health Center malapit sa
palaruan. Dito tinataguyod ang serbisyong
pangkalusugan tulad ng libreng gamot at
bakuna.May ospital din sa ating komunidad. Ito ay
pinamamahalaan ng mga doktor at nars. Dito tayo
nagpapakonsulta kapag tayo ay may karamdaman.

https://getdrawings.com
https://shutterstock.com

8
Sa pamilihan naman
bumibili ng mga
pangangailangan ang mga
tao sa komunidad tulad ng
pagkain, damit at iba pa.
https://123rf.com

Ito naman ang Pozorrubio Municipal Hall o


munisipyo. Dito makikita ang mayor na namamahala
sa kaayusan, katahimikan at kapayapaan ng ating
komunidad. Gumagawa din dito ng mga batas,
alituntunin at patakaran para sa komunidad. Katulong
ng munisipyo ang barangay. Pinamumunuan ito ng
Kapitan o Barangay Chairman kasama ang mga
kagawad. Sila ay makikita sa Barangay Hall. Hinuhuli
nila ang mga lumalabag sa batas.

Napakasaya sa ating
komunidad. Lahat ay
nagkakaisa at nagtutulungan.

9
Pagyamanin(Mapanuring Pag-iisip)

Gawain 2:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin
at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

1. Dito pumupunta upang magpakonsulta at


magpagamot.
A. Paaralan C. Ospital
B.Pamilihan D. Simbahan
2. Dito mabibili ang mga pangangailangan
ng mga tao sa komunidad.
A. Pook-libangan C. Pamilihan
B.Paaralan D. Munisipyo
3. Dito natututong bumasa at sumulat ang
mga bata.
A. Barangay Hall C. Paaralan
B.Pamilihan D. Pook-libangan
4. Masayang naglalaro ang mga bata dito.
A. Munisipyo C. Pook-libangan
B.Pamilihan D. Paaralan
5. Dito nananalangin ang mga taong
may parehong pananampalataya.
A. Simbahan C. Munisipyo
B.Pamilihan D. Paaralan

10
Gawain 3: Gawain o Tungkulin! (Pagkamalikhain)
Panuto: Gumuhit ng araw kung ang pangungusap
ay tumutukoy sa tungkulin ng komunidad at
bituin kung tumutukoy sa gawain.

1. Pagbibigay ng dekalidad na edukasyon.


2. Magpahayag ng salita ng Diyos.
3. Nagbibigay ng libreng gamot at bakuna.
4. Nagtitinda ng mga pangunahing pagkain.
5. Pinagdarausan ng pagtitipon at programa.

Isaisip

Bumubuo sa Tungkulin Gawain


Komunidad
Pamilya Itaguyod ang Bigyan ng wasto
pangangailangan at sapat na
ng mga anak pagkain, tirahan
at pananamit.
Paaralan Pagbibigay ng Pagtuturo ng
dekalidad na wastong pag-
edukasyon uugali at mga
para sa lahat gawain
Simbahan Magpahayag ng Nangangaral at
mga salita ng nagtuturo ng
Diyos mabuting asal sa
mga bata
Pamahalaan Gumawa ng Hinuhuli ang mga
11
batas, alituntunin kriminal at
at patakaran pinananatili ang
para sa kaayusan at
kabutihan at kapayapaan sa
kaunlaran ng lugar
komunidad
Health Center at Nagtataguyod ng Nagbibigay ng
Ospital serbisyong libreng gamot at
pangkalusugan bakuna sa mga
mamamayan
Pook-libangan Pinagdarausan Panatilihin ang
ng mga kaligtasan,
pagtitipon, kalinisan at
pagdiriwang at kaayusan ng
programa ng lugar at mga
komunidad kagamitan
Pamilihan Tugunan ang Magtinda ng
pangunahing pangunahing
pangangailangan pangangailangan
ng mga tao tulad sa presyong kaya
ng pagkain, ng mga tao
damit, at iba pa.

12
Isagawa(Pagtutulungan)

Venn Diagram
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isulat sa kaliwang bilog
ang tungkulin ng mga bumubuo ng komunidad
at sa kanang bilog naman ang gawain. Pumili
ng sagot sa kahon sa ibaba.

1. Tungkulin Gawain Tungkulin Gawain


2.
P
AARALAN SIMBAHAN

A.Nagtuturo ng A.Magpahayag ng
wastong pag-uugali mga salita ng Diyos
at mga gawain. B.Nangangaral at
B.Nagbibigay ng nagtuturo ng
dekalidad na mabuting asal sa
edukasyon mga bata

13
3. Tungkulin Gawain 4. Tungkulin Gawain

P HC
A EE
M AN
I LT
L TE
I HR
H
A
N

A.Nagtitinda ng mga A. Nagbibigay ng


pangunahing libreng gamot at
pangangailanan. bakuna sa mga
B.Tinutugunan ang mamamayan
mga pangunahing B. B. Nagtataguyod
pangangailangan ng serbisyong
ng mga tao. pangkalusugan

14
Tayahin(Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.

Hanay A Hanay B

1. Palaruan A. Dito nagtitipon ang


mga tao upang
2. Paaralan magbigay ng papuri
sa Diyos.
B. Dito namimili ang
3. Simbahan/ Mosque mga tao ng
kanilang mga
4. Barangay pangangailangan
C. Isang bahagi ng
komunidad na
5. Pamilihan
pinamumunuan ng
Kapitan(Barangay
Chairman)
D. Dito hinuhubog ang
kaalaman ng mga
kabataan/
mamamayan tungo
sa pag-unlad
E. Dito nagsasama-
sama ang mga tao
upang maglibang

15
Karagdagang Gawain
(Pagbuo ng Pagkatao)

Repleksyon
Panuto: Paano mo napahahalagahan ang mga gawain
o serbisyong ipinagkakaloob ng mga bumubuo
ng iyong komunidad? Isulat ang sagot sa ibaba.

16
Sanggunian
Mga Modyul
Araling Panlipunan 2 LM p. 13-25
Araling Panlipunan 2 TG

Mga Video
https://youtu.be/2NsAdmWWKF8
https://youtu.be/qAkmbXhsAdU

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifac
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-498
Email Address: *

You might also like