You are on page 1of 64

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6

Gawain Blg. 1

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ___________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: __________
Pamagat ng Gawain: Pagbasa sa Pabula, kwento, tekstong pang-impormasyon at
usapan.
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan.

Koda: F6PN-Ia-g-3.1/ F6PN-Ia-g-3.1 / F6PB-Ic-e-3.1.2 / F6PN-Ia-g-3.1

Susing Konsepto:

Nasasagot ang mga katanungan ukol sa napakinggan o nabasang pabula,


kwento, tekstong pang-informasyon at usapan.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahing mabuti at intindihin ang sumusunod.

Ang mga Bakit ni Kitkit


ni Sheila M. Salangsang

Nakasanayan na ni Kitkit ang gumising nang maaga. Sumisiksik siya sa


higaan ng kanyang mga kasama sa bahay upang magising sila at makapaghanda
na sa pagpasok sa opisina at eskuwelahan.
“Nakapagtataka! Hindi sila nagigising agad. Halos magdadalawang Linggo
na silang hindi pumapasok. Bakit hindi na nagtatrabaho si Tatay? Bakit hindi
pumapasok si nanay sa eskuwelahan? Sino na ang magtuturo sa mga estudyante
niya?

Ano ang nangyari sa pag-aaral nina Kuya at Ate? Bakit palagi silang absent
sa klase?” ito ang araw-araw na tanong ni Kitkit.
Marami pang tanong si Kitkit. Hindi niya nauunawaan ang mga nangyayari.
1
“Bakit kaya may mga nagbibigay ng relief goods sa amin? Bakit hindi na
magkasamang namamalengke sina Tatay at Nanay? Bakit sa tuwing lumalabas si
Tatay ay nagsusuot siya ng face mask? Bakit bawal kaming lumabas ng bahay?
Bakit puro balita ang pinanonood namin sa telebisyon?” ang mga tanong ni
Kitkit na hindi niya masagot.

Totong masaya siyang kasama araw-araw ang kanyang pamilya dahil


kumpleto sila ngunit hindi niya nakikita ang dating kasiyahan nila. Nalulungkot
siya. Nanahimik na lamang si Kitkit sa ilalim ng silya habang hinihintay na
magising ang kanyang pamilya.
Paggising ni Kuya napansin niyang malungkot si Kitkit kaya tinawag niya ito.

“Bakit ka malungkot, Kitkit? Naiinip ka na rin ba? Huwag kang mag-alala


Kit. Kapag maayos na ang sitwasyon makakapamasyal na rin tayo sa plaza. Sa
ngayon, bawal pang lumabas ng bahay, kaya wala kaming pasok pati sina Tatay
at Nanay. Puwede naman tayong maglaro, mag-aral, mag-ehersisyo at magdasal
dito sa bahay. Lahat ng mga pagbabagong napapansin mo rito sa bahay ay dahil
sa virus na kumakalat sa paligid. Nakakalungkot ang mga nangyayari dahil sa
pagkalat ng virus na ‘yan kaya kailangan nating sumunod sa batas upang
maproteksyonan ang ating sarili at ang ating pamayanan. Siyempre, ayaw nating
magkasakit at lalong ayaw nating mamatay. O, gusto mo pa bang lumabas ng
bahay?” ang paliwanag at tanong ni Kuya.

“Arf! Arf! Agad na umiling si Kitkit. Ngayon alam na niya ang sagot sa
kanyang napakaraming bakit.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno. Gamitin ang mga gabay na
kahon sa palaisipan.

Pababa
1. Ano ang isinusuot ni Tatay sa tuwing lumalabas ng bahay?
5. Paano tumugon si Kitkit sa huling tanong ni Kuya?
Pahalang
2. Saan nanahimik si Kitkit habang hinihintay magising ang kanyang pamilya?
3. Sino ang tumawag kay Kitkit?
4. Bakit tinawag ni Kuya si Kitkit?

2
Pagsasanay 2
Tumbasang Tanong-Sagot sa mga Bilog
Panuto: Basahin ang maikling usapan.

Termos at Takure
ni Sheila M. Salangsang

Tagpo: Isang umaga, sa kusina ng bahay ay nagbubulungan sina termos at takure.


Hindi sila makapag-ingay dahil natutulog si Mang Dindo.

3
Termos: Takure, Takure, maaari bang tubig na mainit mo ay huwag mo munang
isasalin sa akin. Palagi na lang kasi akong puno. Hindi ako nababakante. Kahit
isang araw man lang sana.

Takure: Aba! Termos. Bakit sakin mo sinasabi ‘yan? Ako nga, napapagod ng
magpainit ng tubig para isalin sa iyo. Kung puwede lang, kahit isang araw lang ay
hindi muna kita sasalinan ng mainit na tubig.
Samantala, napabalikwas si Mang Dindo sa pagkakatulog dahil
tinanghali siya ng gising.
Mang Dindo: Ahhhh! Kailangan kong magpainit ng tubig. Sayang ang kikitain
sayang ang kikitain ko ngyon. Tiyak na naghihintay ang mga suki kong tsuper sa
kanto. Kailangan nila ng mainit na gatas

bago pumasada. Ahhhh! Pandagdag din sa pambili ng mga gamot ko ang kikitain
ngayon.
Tila napahiya sina termos at takure sa narinig kay Mang Dindo. Nahihiya sila
sa kanilang usapan kanina.

Termos: Simula ngayon, hindi na ako magrereklamo. Malaki ang pakinabang


sa atin ni Mang Dindo. Kung magpapahinga tayo, wala siyang kikitain at
walang ipambibili ng gamot.

Takure: Ako rin. Okay lang sa akin na maya’t maya akong magsalin ng
mainit na tubig sa’yo. Basta makakatulong kay Mang Dindo. Siya nga hindi
nagrereklamo kahit masama na ang

pakiramdam, e. Halika na. Para madaling maubos ang mga paninda niya at
makapagpahinga siya agad.

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong na nasa loob ng mga bilog.
Sagutin ang mga ito sa iyong kuwaderno.

4
1. 1 . Bakit
napabalikwas
si Mang
Dindo sa
pagkakatu -
1. 7 . Anong log?
2 . Paano
mensahe
mag -usap
ang nais
sina Termos
ipabatid ng
at Takure?
usapan?

Pagsagot
1. 3 . Bakit
1. 6 . Bakit
biglang
ng mga pinipilit ni
nagbago ang Tanong Mang Dindo
na tumayo
mga kahit
pahayag masama ang
nina Termos pakiramdam
at Takure? niya?

5 . Sino ang
1. 4 . Bakit
mga inaalala
tila
ni Mang
napahiya
Dindo na
sina Termos
naghihintay
at Takure?
sa kanya?

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa papel.
1. Ano ang sinasabi mo sa iyong magulang o tagapag-alaga kung ikaw ay
napapagod na sa isang gawain?
________________________________________________
Paano mo ito sinasabi?_________________________________

2. Sa mga sitwasyong napapansin mong pagod ang iyong magulang sa


paghahanapbuhay, ano ang sinasabi mo sa kanila?
_________________________________________________
Paano mo ito sinasabi?_________________________________

Pagsasanay 3

5
Panuto: Basahin at intindihin ang kuwento. Maaaring ang magbasa ng kuwento ay
ang magulang, o tagapag-alaga.

Espesyal Sila
ni: Sheila M.
Salangsang

Araw-araw ay abala ang kusina ni Aling Minda. Walang tigil ang mga gamit
sa kusina gaya ng sandok, kaserola, sangkalan, kutsilyo, mga panukat, kaldero
at kawa. Maingat na inihahanda sa mesa ang mga sangkap sa pagluluto. Ang
mga ito’y hinuhugasan, hinihiwa at ginigisa. Tila may nagaganap na mahika sa
kusina dahil nakatatakam at nakagugutom ang amoy ng mga nilulutong putahe.
Samantala, sa labas ng karinderya ni Aling Minda ay mahaba na ang pila kahit
hindi pa man ito nagbubukas. Walang sawang binabalik-balikan ng mga suki
ang mga paninda dahil ang mga ito ay mura, marami, masarap at masustansiya.
Lingid sa kaalaman ng mga suking nakapila, ngayon ay may ibibigay na
sorpresa sa kanila. Libreng pananghalian ang matatanggap nila dahil sa
kaarawan ni Aling Minda sila ang mga espesyal na bista.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang
papel.
1. Kailan abala sa kusina ni Aling Minda?
A. ngayon C. lingo-lingo
B. bukas D. araw-araw
2. Ano ang inihahanda sa mesa?
A. kagamitan C. inumin
B. sangkap D. resipi

3. Ano ang sorpresa ni Aling Minda?


A. libreng pandesal C. libreng meryenda
B. libreng pananghalian D. libreng hapunan
4. Bakit may pasorpresa sa mga nakapila sa karinderya si Aling MInda?
A. simula ng pagbubukas ng karinderya
B. anibersaryo ng pagkakatayo ng karinderya
C. kaarawan ni Aling Minda
D. huling araw ng pagtitinda
5. Sino ang may kaarawan?
A. Kusinero C. Aling Minda
B. mga bumibili D. hindi nabanggit

Sanggunian

6
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011
Gloria P. Reyes,Helen Baclagon, Flordeliza P. Salamat,Sagisang ng Lahi 6
(Pagbasa),2000
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 2

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ___________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: __________
Pamagat ng Gawain: Pagsagot sa Bakit at Paano
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nasasagot ang tanong na bakit at paano.

Koda: F6PB-If-3.2.1

Susing Konsepto:Nasasagot ang mga katanungang o katagang tumutukoy umano


sa mga tanung na sumasagot sa bakit at paano.

Pagsasanay 1

7
Panuto: Isalaysay kung paano maging mabuting mamayang Pilipino para sa
ikauunlad n gating Bansa. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Bakit kinakailangan maging mapagmasid sa mga nangyayari sa ating


komunidad?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________.

2.Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo matutulungan an gating likas


na yaman na mapanatili ang kagandahan nito?
______________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________.

3.Bakit umabot sa punto na nawala ang mga ibon at hayop sa kagubatan?


___________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________.

4.Paano mo maililigtas ang mga hayop sa kagubatansa kapahamakan na


naghihintay sa kanila?__________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________.

5.Bakit nagging pabaya ang mga Pilipino sa ating likas na yaman?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang talata tungkol sa Likas na Yaman. At sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa ibaba.
8
Likas na Yaman

Sagana sa likas na yaman an gating bansa. Mabibilang mo rito ang yamang


kagubatan na matatagpuan ng iba’t-ibang punungkahoy, ibon at hayop. Subalit ang
mga ipinagmamalaki nating mga likas na yamang ito’y unti-unti nang naglaho . Sa
kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa ating mga kabundukan.
Bungan g pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop na
ninirahan ditto. Wala na ang mga ugat ng mga punungkahoy na sumisipsip ng tubig
kaya’t madalas na ang pagbaha.

1.Sino kaya ang maasing sisihin sa mga pangyayaring ito?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________.

2.Bilang mamamyang Pilipino, paano natin maililigtas an gating kagubatan at


kapaligiran na patuloy na sinisira ng ibang kababayan natin?
_____________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________.

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011
Gloria P. Reyes,Helen Baclagon, Flordeliza P. Salamat,Sagisang ng Lahi 6
(Pagbasa),2000
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

9
GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6
Gawain Blg. 3

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ___________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: __________

Pamagat ng Gawain: Wastong Paggamit ng mga Pangngalan at Panghalip sa


Pakikipag-usap
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nagagamit nang wasto ang mga
pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Koda: F6WG-Ia-d-2

Susing Konsepto:Nagagamit ang kaalaman ukol sa wastong gamit ng mga


pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng wastong sagot na
angkop ilagay sa puwang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Si Sandro ay naglalakad papunta sa _________ upang bumili ng gamot.


A. parke C. palengke
B. botika D. plasa
2. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang babae na may daladalang
malaking basket at tila tatawid sa ___________.

10
A. kalsada C. dyip
B. bus D. hagdan

3. Kinausap ni Sandro ang _________ at sinabing tutulungan niya sa pagdadala


ng malaking basket.
A. bata C. lalake
B. babae D. matanda

4. “______, maraming salamat sa iyo.” Ang taospusong pasasalamat ng babae.


A. Iho C. bata
B. Iha D. dalaga

5. Matapos tulungan ang babae ay bumili na si Sandro ng ________sa botika.


A. gulay C. prutas
B. karne D. gamut

Pagsasanay 2

Kuwento: Sa Palengke
Panuto: Basahin muna ang lahat ng mga pahayag sa loob ng speech bubble. Buuin
ang mga usapan. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
Sa Palengke
ni Sheila M. Salangsang

Magandang umaga po, Magandang umaga rin Roel!


Aling Sonia! Magkano po ang Sampung piso lang.
isang _____(1)____ ng kalamansi? Murangmura ang tinda kong
(piraso, tumpok, tanim) ___(2)__ ngayon.
(kamatis, kalamansi, karne)

11
Pabili nga po ako ng
dalawang tumpok. Saan
ho ba ako makakabili
ng sariwang
Doon sa dulo ng palengke. Naroon
____(3)____?
ang mga sariwang isda. Kabibili ko
(karne, isda, prutas)
lang ng galunggong at __(4)___.
Doon ako bumili kay Gorio. Yung
may malaking karatula. Sige pumunta
ka na roon para makapili ka ng
sariwang isda.
(manga, bangus, manok)

Maraming, Salamat po, Aling Sonia!


Heto po ang _____(5) ____ ko sa
kalamansi.
(bayad, sukli, tubo)

Pagsasanay 3
Tula: Natuto na si Luna.
Panuto: Basahin muna nang buo ang tula. Punuan ng angkop na salita
ang patlang pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
NATUTO NA SI LUNA
Sheila M. Salangsang
“Meow! Meow!,”ang hikbi ni Luna.
Siya ang ___(1)_____ na pagala-gala.
Hindi na niya alam ang daan pabalik sa kanila.
Nagsisisi siya kung bakit ang utos ng ina ay sinuway niya.
Kabilin-bilinan na huwag siyang lalabas ng bahay nang mag-isa.

12
“Meow! Meow!, ina nasaan ka na? Ako po ay magtatanda na. Pangako ko
po mga bilin ninyo’y susundin ko na,”
Kaawa-awa ang kuting, umiiyak na si Luna.

“Luna! Luna! Anak nasaan ka na ba?” ang sigaw ng ina habang naglalakad
sa madilim na__(2)______.
Napabilis ang lakad nang marinig ang pamilyar na tinig
Dali-dali niyang sinundan ang pinagmumulan
ng ___(3)_____.

Nakita ng ina ang anak na nasa ilalim ng ____(4)____.


Basang-basa, nanginginig at sa semento’y nakahandusay.
Agad niyang niyakap at iniuwi ang kaawa-awang
si Luna. Pinaliguan, pinakain at pinagpahinga.

“_(5)__, patawad, ako po ay nagkasala.


Sa nangyari pong ito ako ay magtatanda na
Salamat sa Diyos ako po’y inyong nakita
Paano ako mabubuhay kung wala ka ina?”

Tuta tulay kurtina kalsada iyak kahon Ina

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 4

PANGALAN: ______________________________PETSA: ___________


BAITANG/ SEKSYON_______________________MARKA: __________
13
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay Kahulugan ng mga Pahayag ng mga Tauhan
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nabibigyang kahulugan ang kilos at
pahayag ng mga tauhan sa napakinggang pabula.

Koda: F6PN-Ic-19

Susing Konsepto:Binibigyang kahulugan ang bawat kilos at pahayag ng mga


tauhan sa napakinggan o nabasang pabula.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang pabula na pakikinggan ng mag-aaral. Maaaring ang
magbasa ng pabula ay magulang o tagapangalaga.

ANG MGA ALAGA NI NANAY JUANA AT ANG COVID 19


ni: Bernadette A. Santiago

Kilalang mahilig at pusong-mamon sa mga hayop si Nanay Juana. Sa


kanyang tahanan, makikita ang iba’t ibang hayop na kanyang mga alaga.
Nariyan si Mickey, ang alaga niyang aso, si Pussy, ang kanyang pusa, si Fishy,
ang kanyang matakaw na isda at si Tweety, ang makulay niyang ibon.
Isang araw, habang nagpapahinga ay nag-usap-usap ang mga alaga ni
Nanay Juana. “Arf! Arf! Ilang araw na akong di naipapasyal ni Nanay.” Ang
wika ni Mickey. “Meow! Siguro galit siya sa iyo kasi sobrang harot at kulit
mo.

Mistulang basang-sisiw ka pagkatapos mo makipagharutan,” ang paninisi ni


Pussy.
“Arf! Di naman siguro. Sadyang magaan lang ang dugo ko sa kanya dahil
ramdam ko ang pagmamahal niya sa atin,” ang paliwanag

ni Mickey.
“Tweet! Tweet! Bago ka maging balat-sibuyas dahil di ka na
naipapasyal, alam mo ba ang napapanahong balita ngayon tungkol sa
COVID 19? Napakadelikado ngayong lumabas dahil matindi ang virus na dala
nito.” Ang sambit naman ni Tweety.
“Gluk! Gluk!” Tama si Tweety, hindi ligtas para kay Nanay Juana ang
lumabas basta-basta dahil siya ay matanda na. Mahirap para sa kanya ang
mahawaan ng COVID na yan.” Ang pahayag naman ni Fishy.
“Meow! Baka naman balitang-kutsero lang yan.” Ang wika ni Pussy.
“Tweet! Aba’y hindi! Sa katunayan nga, narinig ko sa balita na hindi lamang
dito sa ating bansa ang apektado, kundi halos buong mundo na.” Ang tugon ni
Tweety.
“Gluk! Gluk! Narinig ko rin sa usapan nila kanina na maging ang mga hayop
tulad mo Mickey ay maaaring magkaroon ng virus.” Ang paalala ni Fishy.

14
“Arf! Kung gayon pala, sadyang busilak ang puso ni Nanay sa mga tulad
natin. Iniisip nya pa rin ang ating kaligtasan kahit sa ganitong panahon,” ang
tugon ni Mickey.
“Tweet! Tama Mickey! Kaya ipagpasalamat na lang natin, kahit di ka
nakakalabas ay alam mong ligtas ka at itaga mo rin sa bato na dapat ay
inaalagaan din natin siya.” Ang mahinahong sambit ni Tweety.
“Meow! Oo nga, lalo’t pa nga ba siya ay matanda na. Dapat ay maging
disiplinado rin tayo katulad sa pagdumi at pag-ihi nang sa ganoon ay di na siya
mahirapan maglinis. Para mapanatili ring malinis ang bahay natin. Kahit dito
lang tayo sa garahe natutulog. Mahalaga malinis ang paligid natin lalo na sa
panahon ngayon,” ang nakangiting sabi ni Pussy.
“Arf! Sang-ayon ako sa sinabi mo Pussy. At sisimulan ko na ito ngayon,” ang
pahayag naman ni Mickey.

Maya-maya ay pinuntahan na sila ni Nanay Juana upang sila ay pakainin.


Dala-dala niya ang mga pagkaing inihanda niya para sa mga mahal niyang
alaga. Tuwang-tuwa ang kanyang mga alaga nang siya ay makita na. Tulad ng
kanilang napagkasunduan, sinimulan nilang disiplinahin ang mga ito.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong
kwaderno.

1.“Arf! Di naman siguro. Sadyang magaan lang ang dugo ko sa kanya dahil
ramdam ko ang pagmamahal niya sa atin.” Ang pahayag ni Mickey ay
nangangahulugang siya ay ______________.
a.panatag ang loob sa kanyang amo
b. galit sa kanyang amo
c.naiinis sa kanyang amo
d. mabigat ang dugo sa amo

2.Sa pahayag ni Fishy na, “narinig ko rin sa usapan nila kanina na maging
ang mga hayop tulad mo Mickey ay maaaring magkaroon ng virus,”
nangangahulugan na siya ay___________________.
a.natatakot c.naiinggit
b.nag-aalala d.natutuwa

3.Nangangahulugan sa sinabi ni Pussy na “Kahit dito lang tayo sa garahe


natutulog. Mahalaga malinis ang paligid natin lalo na sa panahon ngayon."
na siya ay ______________.
a.natatakot c.nagpapaalala
b.nagagalit d.naiinis

4.“Itaga mo rin sa bato na dapat ay inaalagaan din natin siya.” Ipinapakita ng


tauhan na siya ay ________________.
a.matulungin c.matandain
15
b.maalalahanin d.matapat

5.“Sadyang busilak ang puso ni Nanay sa mga tulad natin.” Nais ipahiwatig
ng tauhan na _________________ sa mga hayop si Nanay Juana.
a.magulo c.mapagmahal
b.mainisin d.malayo ang loob

Pagsasanay 2

Panuto: Basahing mabuti ang usapan ni langgam at langaw.


:

Alam mo
Kumusta Langgam, langaw, mas mainam
di ka ba napapagod na sa sipag at tiyaga
sa iyong ginagawa? mo makuha ang iyong
Halos buto’t balat ka kakainin. Di sa lahat
na sa kakatrabaho. ng oras ay nariyan ang
Dapat humingi ka na iba para ikaw ay
lang ng pagkain. bigyan o tulungan.
Basta ako ayaw kong Bata pa lang ako ay
mapagod. natuto na akong

- - -

Panuto: Tukuyin ang nais ipakahulugan ng mga sumusunod na


pahayag.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong kuwaderno.

________________1. “Bata pa lang ako ay natuto na akong tumayo sa


sariling paa.”
________________2. “Dapat ay humingi ka na lang ng pagkain,”
16
________________3. “Di ka ba napapagod sa iyong ginagawa?”
________________4. “Alam mo langaw, mas mainam na sa sipag at
tiyaga mo makuha ang iyong kakainin”
________________5. “Basta ako ayaw kong mapagod.”

nagtataka palaasa masikap

sobrang payat tamad nangangaral

Pagsasanay 3

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Isaayos ang mga letra upang mabuo ang kahulugan ng mga
sumusunod na pahayag. Gawing gabay ang unang letra na binigay ng guro.
Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.

P 1. “Bakit ba ako na lamang ng ako ang alaga ninyong kagatin?”


Ang wika ni Kalabaw.
KGINISPAA

M 2. “Nakakaawa ka naman” Wika ni Tagak kay Kalabaw.


“Pagtutukain ko ang mga pesteng lamok sa ito.”
NITAGMUULN

M 3. “Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng


paglipad?" Ang hamon ni Agila.

AMAPGAMTA
SA

M 4. “Payag na akong pakain sa iyo. Pero kakakain ko lang ng


maraming damo na di pa nagiging bahagi ng kalamnan ko. Lalo akong
magiging malaki at maalsa kung hahayaan mo muna akong magsayaw." Ang
wika ng Tupa.
PAAMRAAMAN

17
P 5. “Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng
araw. Kaysarap-sarap sumayaw! Halika na." Pamimilit ng Tipaklong.
APGAWAAWALGN-AHBAAL

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011

18
GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6
Gawain Blg. 5

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON_______________________ MARKA: ______

Pamagat ng Gawain: Pagbibigay Kahulugan sa Sawikain


Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nabibigyang kahulugan ang
sawikain.

Koda: F6PN-Ij-28

Susing Konsepto:Nagagamit ang diskyunaryo upang mapagyaman ang


kaalaman sa pagbibigay ng kahulugan sa mga sawikain.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang seleksyon at tukuyin ang kahulugan ng mga sawikain na
nakasalungguhit. Maaaring tumulong ang iyong tagapangalaga sa pagsagot sa
gawin ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

GULONG NG KAPALARAN
ni: Bernadette A. Santiago

Maagang nanliligaw si Jonas kung kaya’t may gatas pa siya sa labi ay


lumagay na siya sa tahimik. Para patunayan na siya ay isang tunay na haligi
ng tahanan ay kailangang niyang kumayod nang husto. Dumating sa buhay
nila ang kahirapan noong nagbibilang na lamang siya ng poste. Sapagkat
batak ang katawan ay pinasok niya ang pagiging construction worker para
may maipambili ng pagkain upang hindi kukulo-kulo ang tiyan ng kanyang
mag-anak. Di siya tulad ng ibang katrabaho na hipong-tulog kung
magtrabaho.

“Panginoon, huwag Nyo po kami pabayaan,” ang kanyang araw-araw na


panalangin. Bagamat matindi ang kanyang sakripisyo sa buhay ay kanya
itong tiniis. Buhay ang kanyang loob na humarap sa anomang pagsubok sa
buhay.

Dahil sa kanyang mataimtim na pagdarasal ay nagbunga ang kanyang


pagsusumikap. Siya ay naging regular employee ng kanilang kompanya.

19
Naiahon nya sa kahirapan ang kanyang mag-anak na halos ay nagdidildil na ng
asin noon.
“Salamat po Panginoon at nariyan po kayo palagi sa amin,”ang kanyang
sambit.
“Alam ko na makakaraos din tayo sa ating kahirapan,” naiiyak na
sabi ng kanyang asawa. “Itay, Salamat po sa bagong sapatos at bag,” ang
tuwang-tuwang sabi ng kanyang mga anak.
“Tunay ngang ang kapalaran ng buhay ay di-permanente. Nasa atin talaga ang
kapalaran upang ito ay mabago.” Ang palaging paalala ng kanyang Boss
Eddie.
Anumang pagkakamali noon ni Jonas ay kanyang hinarap at patuloy na

SAWIKAIN KAHULUGAN
a.may gatas pa sa labi _____________________________
b.haligi ng tahanan _____________________________
c.nagbibilang ng poste _____________________________
d.batak ang katawan _____________________________
e.kukulo-kulo ang tiyan _____________________________
d.hipong-tulog _____________________________
f.nagdidil-dildil ng asin _____________________________

Pagsasanay 2

Panuto: Punan ang patlang ng wastong sawikain na angkop sa


pangungusap. Piliin sa loob ng talahanayan ang sagot at isulat sa iyong
kuwaderno. Gawing gabay ang ibinigay ng guro na katumbas na kahulugan ng
sawikain sa iyong pagsagot.

Sawikain Kahulugan
mahangin ang ulo mayabang
nagsolian ng kandila nagkagalit
sira ang bakod bungi
makitid ang kumot kapos sa pera
mahina ang tuhod lampa
laylay ang balikat nabigo

1.Kinaiinisan ng marami si Jerome dahil _______________________ niya.


2.Hindi palainom ng gatas si Jimmy kaya naman _________________.
3._________________________ na umuwi si Kuya June matapos lumahok sa
paligsahan sa pagtakbo.

20
4.Nagulat ako nang mabalitaan na ________________ ang matalik na
magkaibigan.
5.Sa panahon ngayon, marami ang ____________________ dahil sa
pagkakatanggal sa trabaho.

Pagsasanay 3
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakapaloob sa kahulugan ng


sawikain?

A. Ito ay matalinghagang pagpapahayag ng kahulugan ng kaisipan o


ideya

B. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng


kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

C. Natakatago ang kahulugan nito sa likod ng mga salita at maaaring


malalaman lamang ang kahulugan batay sa mga salita at paano ito
ginamit sa pangungusap.

D. Itoay salitang banyaga o wikang dayuhan na tuwirang hiniram at


hindi nabigyan ng katumbas na salin sa Wikang Filipino.

2. Tunay na hinahangaan si Gng. Robles sa kanyang pagiging mapagmahal at


mahaba ang pisi sa mga mag-aaral. Ano ang kahulugan ng sawikain na
nakasalungguhit?
A. mahaba ang tali C.mapagpasensya
B. .maalalahanin D. madasalin

3. Alin sa mga sumusunod ang katumbas na kahulugan ng may gintong


kutsara sa bibig?
A.mahilig kumain C. mayabang
B.mapagmataas D.mayaman mula pagkasilang

4. Batak ang katawan ni Mang Fred kaya di magugutom ang kanyang


pamilya. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A.sanay magtrabaho C. masipag
B.mahilig magpalakas D. mabilis kumilos

5. Si Lino ay _________________ na umakyat sa mga matataas na gusali o


hagdan. Ano ang angkop na sawikain sa pangungusap na ito na
nangangahulugang may takot?

21
A.buto’t balat C. kinain ng laho
B.bahag ang buntot D. maagan ang dugo

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 6

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: ______

Pamagat ng Gawain: Pagsunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento


Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Napagsunod-sunod ang mga
pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at pamatnubay na
tanong

Koda: F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5.2

Susing Konsepto:Nagagamit ang kaalaman sa mahusay na pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari sa kwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong.

Pagsasanay 1
Pakikipagtalastasan
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.
22
ARAW NG SABADO
ni: Bernadette A. Santiago

Krrrrrriiiinnggggg…..
“Umaga na pala! Salamat po Panginoon at Sabado na naman po,” ang
masayang sabi ni Allan. “Sa wakas at makakabawi na rin ako kay Inay.”
Maaga pa lamang ay umaalis na ng bahay ang ina ni Allan. Nagtitinda ng
tinapa sa palengke ng Divisoria ang ina ni Allan. Batid niya ang sakripisyo ng
kanyang ina sa paghahanapbuhay maitaguyod lamang silang
magkakapatid. Kaya naman, ang araw ng Sabado ang kanyang kinasasabikan
dahil ito ang araw na nakakabawi siya nang husto sa mga gawain sa bahay
matapos ang limang araw na abala sa mga gawain sa paaralan.
Pagkagising pa lamang, agad na inayos ni Allan ang kanyang higaan at
tumungo sa kusina upang mag-agahan. Nakita nya sa hapag-kainan ang mga
paalaala ng kanyang ina sa mga gawain niya para sa araw na iyon.

Matapos maghugas ng kanyang pinagkainan, una niyang nilinis ang kanilang


bahay. Nagsimula siyang maglinis sa kanilang silid hanggang sa kusina at
sala. Inayos rin niya ang mga gamit sa kanilang kabinet at pinagtatapon ang
mga bagay na di na napapakinabangan at isinilid niya sa sako, gaya ng mga
sinabing panuto ng kanyang ina sa paraan ng wastong paglilinis.
Matapos maglinis ng bahay ay sinunod naman niya ang paglilinis sa
kanilang bakuran. Inayos niya ang mga basura. Diniligan niya rin ang mga
halaman ng kanyang ina. Tinanggal niya ang mga natuyong dahon at inayos
ang mga lalagyan ng halaman.
Pinakain rin niya ang kanilang alagang aso na si Koko.
Pagkatapos nito ay pinaliguan niya at ipinasyal sa labas. Mag-iika
10:00 na ng umaga nang matapos niya ang mga gawaing ito. Umupo siya sa
isang tabi at nagpahinga saglit. Tuwang-tuwa ang kanyang kapatid na si Josie.
Nakita niya na sa murang edad ay naging responsable na ang kanilang bunso.
Higit sa lahat maayos niyang naisagawa ang mga ibinigay na utos ng kanilang
ina. Nabasa niya kasi ang sulat na iniwan nito sa mesa. “Natutuwa ako sa
iyo Allan at sa iyong edad ay nagawa mo na ang mga ito,” ang nakangiting
sabi ng kanyang Ate Josie.
Sa toto“Talaga Ate, salamat naman at nagustuhan mo ang aking mga ginawa.”
o lang wala akong ideya sa mga gawain sa bahay hanggang sa natutuhan ko
lang ito batay sa mga panutong binigay sa akin ni Inay kung paano ito
gagawin.” ang masayang-masayang sambit ni Allan.
“Mabuti naman kung ganoon! O siya ako naman ang magluluto.
Magpahinga ka lang diyan,” ang wika ni Josie sabay punta sa kanilang
kusina.
Pagod man sa kanyang ginawa6, mababakas sa mukha ang kasiyahan ni
Allan. Sa ganitong paraan man lamang siya makakabawi sa kanilang ina. Kaya
naman, ang araw ng Sabado ang pinakamasayang araw para sa kanya.

23
Mapanuring Pag-iisip at Paghubog ng Katauhan
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang kuwento.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1.Ano ang unang pangyayari sa kuwento?


_________________________________________________.

2.Ano ang sumunod na pangyayaring naganap matapos mag-agahan ni Allan?


______________________________________.

3.Matapos magawa ni Allan ang mga gawain sa loob ng bahay, ano ang
sumunod niyang ginawa? ________________________.

4.Ano ang pinakahuling gawain na ginampanan ni Allan?


_____________________________________________________.

5.Paano mailalarawan ang tauhan sa naging wakas ng kuwento?


_______________________________________________.

Pagsasanay 2
MAPANURING PAG-IISIP
Panuto: Isaayos ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod
upang makabuo ng isang kuwento. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
1.

1. Gumawa rin siya ng birthday card at nagluto ng paboritong cake ng


kanyang ina.
2. Nilinis niya ang buong bahay at nilagyan ng palamuti tulad ng lobo
at birthday banner ang hapag-kainan.
3. Naisipan niyang sorpresahin ang kanyang nanay para sa kanyang
kaarawan.
4. Maagang nagising si Donna.
5. Sobrang tuwa ng ina ni Donna nang makita ang munting sorpresa
ng anak sa kanyang pag-uwi buhat sa trabaho.
24
A.1-2-3-4-5 C. 4-3-2-1-5
B.4-5-1-3-2 D. 4-2-3-5-1
2.

1. Isang gabi, habang ako ay naglalakad sa madilim na kalsada, nakita


ko ang isang kakaibang lalaki.
2. Naiisip ko pa rin ang aking masamang panaginip.
3. Naglakad ako nang mabilis upang makarating ako agad sa aming
tahanan.
4. Pagdating sa bahay ay biglang nagpakita ang taong humahabol sa
akin at tinulak ako.
5. Bigla ako napasigaw at nakita ko na lamang na nasa sahig na ako
ng aming kama.
A. 5-3-2-1-4 C. 3-1-4-5-2
B. 2-1-3-4-5 D. 2-5-4-1-3
3.

1. Pauwi na si Jenny nang makita niya ang isang pusang sugatan.


2. Iniuwi nya ito sa bahay at kanyang nilinis at ginamot ang mga
sugat.
3. Pinangalanan niyang Quarantina ang bago niyang alagang pusa.
4. Araw-araw niyang pinapakain ito at ginagamot ang mga sugat
hanggang sa unti-unti itong gumaling.
5. Di nagtagal, si Quarantina ay naging malusog na pusa at

A.1-2-3-4-5 C. 3-2-1-5-4
B. 5-4-3-2-1 D. 2-1-4-5-3
25
4.

1. Nakita ni Iska si Howard na malungkot na nakaupo sa ilalim ng


punong mangga.
2. Laking gulat niyang makita ang kanyang ama na mahigit pitong
taon niyang di nakikita na sorpresang umuwi na buhat sa Saudi.
3. Ikinuwento niya na ilang kaarawan na niya ang lumipas na di
niya nakakapiling ang kanyang ama.
4. Biglang tumunog ang kanyang cellphone at tinawagan siya ng
kanyang ina at sinabing umuwi na ng kanilang bahay.
5. Nakaramdam ng matinding kaba si Howard nang marinig
niyang nagkakagulo sa kanilang bahay.

A. 1-4-3-5-2 C. 1-3-4-5-2
B. 1-4-5-3-2 D. 1-4-2-3-5
5.
1. Naisip niyang ipambili ito ng bagong bag na uso ngayon
2. Ngunit nanaig pa rin kay Bien ang bilin ng ina na huwag angkinin ang
isang bagay na di mo pagmamay-ari.
3. Habang naglalakad si Bien ay nakapulot siya ng 1000
pesos.
26
4. Ibinalik niya ng pera at lubos na nagpasalamat ang babae sa kanyang
katapatan.
5. Napansin niyang may isang babae na tila may hinahanap doon sa
lugar kung saan niya napulot ang pera.

A. 1-2-3-5-4 C. 4-3-2-1-5
B. 3-2-1-4-5 D. 3-1-2-5-4

Pagsasanay 3
Story Frame
Kuwento: Araw ng Sabado
Panuto: Isaayos ang mga pangyayari mula sa binasang kuwento gamit
ang story frame. Isulat ang mga letrang
A -E para sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

1. __________________ 2. _________________ 3.
_______________

4. _________________ 5. ________________

27
Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011
Gloria P. Reyes,Helen Baclagon, Flordeliza P. Salamat,Sagisang ng Lahi 6
(Pagbasa),2000
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 7

PANGALAN: _________________________________ PETSA: _______


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: _______
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay Hinuha
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nakapagbibigay ng hinuha sa
kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang at matapos ang pagbasa

Koda: F6PN-Id-e-12 F6PB-IIIf-24

Susing Konsepto:Nakakapagbigay ng hinuha sa kalabasan ng mga pangyayari


ukol sa binasa bago, habang, at matapos magbasa.

Pagsasanay 1
Pagbasa ng Alamat

Panuto: Babasahin ang alamat nang tahimik. Bago magsimula sa pagbasa


ay sasagutin ang tanong at isusulat sa kuwaderno ang sariling
hinuha bago bumasa. Hihinto sa ilang bahagi sa kalagitnaan ng
alamat upang

28
Sagot: Sagot:

Ayon sa Alamat: Ayon sa Alamat:

ALAMAT NG PETSAY
likha ni Janice D. Reyes
guhit ni Jannalexa D. Reyes

Sa isang nayon sa Bungahan ay may mag-anak na naninirahan na ubod


ng ingay.

Hinto 1. Bakit kaya maingay ang mag-anak?

Maraming mga puno at halaman sa lugar na iyon. Madalas na inuutusan


ng nanay ang kanyang mga anak na sina Fe at Chai na mamitas ng mga bunga
ng puno at halaman. Pilyo ang magkapatid kaya madalas mapagalitan at
nasisigawan ng kanilang ina.

29
Isang araw inutusan sila ng kanilang ina na manguha ng mga bunga sa
kakahuyan. Masayang-masaya at patakbo-takbo sina Fe at Chai papuntang
kakahuyan ngunit sa halip na manguha ng bunga ay panay laro lamang ang
ginawa. Namahinga sila sandali sa maliit na kubo. Matapos mamahinga ay
naghabulan ulit ang dalawa, nakakita sila ng maliit na kweba.

Hinto 2. Ano kaya ang gagawin nila Fe at Chai sa nakitang kweba?

Pumasok sila upang maglaro. Sa kasamaang palad hindi na nakalabas


ang dalawang bata. Labis na nag-alala ang kanilang ama at ina dahil madilim
na ay wala pa ang kanilang mga anak.

“Tay, gabi na ay wala pa sina Fe at Chai nasaan na kaya sila?” Wika ng


ina.

“Baka naman pauwi na sila, alam mo naman ang mga iyon kapag
inutusan mo ay may kasamang laro kaya matagal.” Wika naman ng ama.

Naidlip na ang mag-asawa ngunit paggising nila ay wala pa rin ang


magkapatid.

30
“Tay, bukas na bukas pagbukang-liwayway ay hanapin mo sila sa
kakahuyan.” Ang nag-aalalang tinig ng ina.

“Oo sige mabuti pa maghapunan na tayo at baka nakatulog na sina Fe at


Chai roon sa ating kubo sa kakahuyan.” Wika ng ama.

Kinaumagahan ay hinanap ng kanilang ama ang magkapatid habang


abala naman ang ina sa pagdidilig ng mga tanim na gulay.

Hinto 3. Nakita kaya ng ama ang kanyang mga anak?

“Nalibot ko na ang buong kakahuyan at kubo natin pero wala roon sina
Fe at Chai.” Ang malungkot na wika ng ama.

Napaiyak na lamang ang mag-asawa sa pagkawala ng kanilang mga


anak.

Lumipas ang maraming araw ngunit tahimik sapagkat walang


pinagagalitan o sinisigawan ang mag-asawa. Bakas ang lungkot sa mukha ng
mag-asawa at pagkasabik sa mga anak. Habang nagdidilig ng mga tanim na
gulay may napansin ang ina na kakaibang gulay na tumubo sa kanilang
taniman. Animo’y mga batang paslit ng biglang lumilitaw.
Hinto 4. Anong gulay kaya ang tumubo sa taniman?
“Tay, tingnan mo may mga kakaibang gulay dito sa ating taniman.”
Nagmamadaling wika ng ina.
“Oo nga biglang dumami at nagsulputan ang mga iyan, naalala ko sina
Fe at Chai na bigla na lamang sumusulpot.” Wika ng ama.

“Ano kaya ang tawag sa gulay na ito?” Tanong ng ina.


“Tawagin natin itong PETSAY bilang alaala sa ating mga anak na sina Fe at
Chai.” ang naiiyak na tinig ng ama. Hinto 5. Makabalik pa kaya ang
magkapatid sa piling ng mga magulang?

31
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa alamat na binasa.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Paano mo ilalarawan ang kanilang pamayanan?


2. Paano mo ilalarawan ang ina at ama nina Fe at Chai?
3. Dapat bang tularan ang magkapatid na sina Fe at Chai? Bakit?
4. Ano ang nais mong maging wakas ng kuwento?
5. Saan kaya napunta ang magkapatid na sina Fe at Chai?

Talakayin natin ang iyong mga palagay, opinyon, kuro-kuro o hinuha bago,
habang at pagkatapos bumasa ng alamat.

Maaari kang makapaghinuha bago, habang at pagkatapos bumasa ng
alamat/kuwento. Pwede ring magbigay ng maraming hinuha depende
sa senyales na ibinigay ng may-akda. Nasa sa’yo kung gaano karami
at anong wakas ang gusto mong mangyari sa alamat/kuwento.

Gagamit ka rin ng mga salitang siguro, baka, tila, wari, maaari at iba
pa sa pagbibigay ng iyong hinuha.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang maikling talata at sagutan ang hagdan ng hinuha. Bago
magsimula sa pagbasa ay sasagutin ang tanong at isusulat sa
kwaderno ang sariling hinuha bago bumasa. Hihinto sa ilang bahagi
sa kalagitnaan ng talata upang saguting muli ang tanong hanggang
pagkatapos basahin.

Bago Bumasa
1. Bakit maagang gumigising si Jeng?

Habang Bumabasa

2. Bakit bawal lumiban sila Jeng sa ospital?


Pagkatapos Bumasa
3. Sa iyong palagay, kailan matitigil ang paglaganap ng
Covid-19?

32
FRONTLINERS, TUNAY NA BAYANI!
ni Janice D. Reyes
Alas kwatro pa lamang ng umaga ay gising na si Jeng.
Hinto 1. Bakit maagang gumigising si Jeng?
Wala siyang sariling sasakyan kaya naglalakad lamang siya
papasok ng ospital. Hindi siya pwedeng mahuli kaya maaga siya laging
naghahanda sa pagpasok. Mahusay at mabuting nars si Jeng kaya’t
malapit siya sa kanyang mga pasyente. Bawal silang lumiban sa ospital.

Hinto 2. Bakit bawal lumiban sila Jeng sa ospital?


Lagi silang maraming pasyente dahil tumataas pa ang bilang ng
kaso ng mga may Covid-19. Tanggap ng kanyang pamilya ang ganoong
sitwasyon. Madalas wala siya sa mga importanteng pangyayari sa buhay
ng pamilya. Tunay ngang bayani ang mga frontliners na gaya ni Jeng na
handang ibuwis ang buhay para sa bayan at kababayan.
Hinto 3. Sa iyong palagay, kailan matitigil ang paglaganap ng
Covid-19?

Pagsasanay 3

GUMUHIT KA (PAGKAMALIKHAIN)

Panuto: Sa binasa mong alamat hindi tuwirang binanggit kung saan napunta ang
magkapatid na sina Fe at Chai. Ano ang maibibigay mong hinuha sa
katapusan ng alamat? Iguhit mo ang iyong hinuha sa kwaderno.

SANGGUNIAN:
Most Essential Learning Competencies, K to 12 Curriculum
Department of Education National Capital Region Memorandum
33
Alab ng Wikang Filipino 6, 2004 pp.41-46, pp.160-162
Hiyas sa Pagbasa 4, 2000 pp.142-143
Filipino, Sagisag ng Lahi, 1999 pp.166-170
Gintong Aklat sa Pagbasa 6, 2000 p.73 http://www.bitmoji.com/

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 8

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: _____

Pamagat ng Gawain: Paggamit ng Magagalang na Pananalita

34
Kasanayang Pagkatuto (MELC) : Nagagamit ang magagalang na pananalita
sa iba’t ibang sitwasyon:

 sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin.
 pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid
 pagpapahayag ng ideya
 pagsali sa isang usapan
 pagbibigay ng reaksiyon

Koda: F6PS-Id-12.22 / F6PS-IIc-12.13 / F6PS-IIIf-12.19 / F6PS-IVg-12.25 /


F6PS-IVh-12.19

Susing Konsepto:Naipapakita ang magandang kaugalian o pananalita sa ibat-


ibang sitwasyon na nauukol sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin,
pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid, pagpapahayag ng ideya, pagsali sa
isang usapan, at pagbibigay ng reaksiyon.

Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang mga magagalang na pananalitang dapat
gamitin sa iba’t ibang sitwasyon. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa kwaderno.

_____1. Dadaan si Julieta sa pagitan ng dalawang nag-uusap.


A.Padaan C. Pwede ba?
B.Makikiraan po sa inyo. D. Makadaan nga.

_____2. Tumawag sa telepono ang kaibigan ng ate mo


at ikaw ang nakasagot.
A. Sandali, tawagin ko. C. Oo teka tatawagin ko.
B. Ay! Tulog na siya. D. Sandali lang po,
tatawagin ko si ate.

_____3. Inutusan ka ng iyong tatay na bumili sa tindahan.


A.Opo, Itay. C. Sandali lang lapit na.
B.Tatapusin ko lang po ito. D. Importante po itong
takda ko.
_____4. Nakasalubong ni Janine ang kanyang guro na si Bb.Domingo.
A.Magandang araw sa’yo!
B. Magandang araw po Bb.Domingo!
C.Magandang araw!
D. Maganda ang araw ko ah!

_____5. Pumunta ka sa bahay ng iyong matalik na kaibigan at ang kuya


niya ang nagbukas ng pinto.
A.Si Ramon ho andyan?
B. Pwede kay Ramon?
C.Si Ramon?

35
D. Magandang araw po, maaari po ba kay Ramon?

Pagsasanay 2

Babasahin at unawain ang usapan.


Isang umaga ay may hinuhuli ang isang pulis sa daanan.

Pulis: Psst. Hoy! Huli ka, huwag kang tumakbo.


Jose: Bakit po? Ano po ba ang nagawa kong kasalanan?
Pulis: Hindi mo ba alam na bawal tumawid diyan?
Jose: Naku! paumanhin po. Akala ko po ay maari ritong tumawid.
Pulis: Alam mo bang may kaparusahan sa iyong ginawa?
Jose: Naku! Pasensya na po kayo. Mangyari po kasi may nauna ng matandang
babae po ang tumawid dito kaya po sumunod po ako.
Pulis: Ang pinapayagan lang dito ay ang matatandang babae o lalaki na hindi
na kayang dumaan o umakyat sa itaas.
Jose: Ganoon po ba? May pilay po ako sa tuhod at hindi ko rin po kayang
umakyat sa mataas na daanan. Maari po kaya kung ngayon lamang habang ako
po ay hindi pa lubusang magaling?
Pulis: Ah, ganon ba? Sige maari ka naming pagbigyan ngayon pero sa oras na
ikaw ay gumaling, kailangan mong sumunod sa batastrapiko.
Jose: Opo, Sir. Marami pong salamat.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
sagutang papel.
1. Tungkol saan ang dayalogo o maikling usapan?
A. tungkol sa pagsunod sa batas-trapiko
B. tungkol sa pagtawid sa daan
C. tungkol sa paghuli ng pulis
D. tungkol sa pulis at tumatawid

2. Bakit hinuli si Jonas?


A. tumatakbo siya sa daan
B. mabilis siyang tumawid
C. tumawid siya sa tawiran ng matatanda
D. tumawid siya sa maling tawiran

3. Paano sumagot si Jonas habang kinakausap siya ng pulis?


A. matalino siyang sumagot
A. inuto niya ang pulis

36
B. gumamit siya ng po at opo
C. nag-isip siya ng dahilan

4. Ano ang ginawa ng pulis noong malaman na niya ang dahilan


ni Jonas?
A. hinuli at binigyan ng maliit na parusa B. hindi na hinuli at
pinagbigyan
A. hindi na hinuli ngunit pinagmulta nalang
B. hinuli at pinaglakad ng malayo

5. Bilang isang bata at mag-aaral, paano ninyo kakausapin ang


isang pulis kung kayo ang nasa sitwasyon ni Jonas?
A. Lalakasan ang boses upang marinig ng pulis.
B. Makikipagkamay at ngingitian ang pulis.
C. Irerespeto at igagalang ang pulis gamit ang po at opo.
D. Magmamano at hihingi ng konting pera sa pulis.

Pagsasanay 3

Panuto: Punuan ang patlang at gamitin ang mga sumusunod na


magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng saloobin at reaksiyon tungkol
sa isyu ng pandemyang COVID-19. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1.Sana po_______________________________________________________
2.Maraming salamat po______________________________________
3.Maaari po ba________________________________________________
4.Paumanhin po_______________________________________________
5.Ikinalulungkot ko po_______________________________________

SANGGUNIAN:
Department of Education National Capital Region Memorandum,
Development of
Learning Modules, dated June 1, 2020
Landas sa Wika 6,1999 pp.70-75
Filipino sa Makabagong Panahon Ngayon Wika 6
ni Dr. Teresita Cristobal Cruz pp. 212 – 213
Landas sa Wika 6, 2011 pp. 8-10
Pinagyamang Pluma, Wika at Pagbasa Para sa Elementarya 6, pah. 421-422
Sanayang Aklat sa Sining ng Komunikasyon sa Filipino 6, pah. 2, pah. 15
http://www.bitmoji.com/

37
GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6
Gawain Blg. 9

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ______


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: _______

Pamagat ng Gawain: Ang Panghalip


Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nagagamit nang wasto ang mga
panghalip na panao, paari, pananong, pamatlig, pamaklaw sa pakikipag-usap
sa iba’t ibang sitwasyon.

Koda: F6WG-Ia-d-2

Susing Konsepto:
Nagagamit ang panghalip sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon
gaya ng panghalip panao, paari, pananong, pamatlig, at pamaklaw.

Pagsasanay 1

A.Panuto: Bilugan ang mga Panghalip na Panao na ginagamit sa


pangungusap. Salungguhitan ang Pangngalang pinalitan nito.

1.May maliliit na pangkat ng mga etnikong Pilipino. Sila ay bumubuo sa


pamayanang kultural ng Pilipinas.

2. May Negrito sa Mindanao. Sa Surigao, ang tawag sa kanila ay Mamanwa.

3. Matatagpuan ang mga Mangyan sa Mindoro. Sila ay mga katutubong


Pilipino.

38
4. Nakakabatay sa paggalang sa matatanda ang sistemang pulitika ng mga
Aeta. Ikaw ba ay naniniwala rito? Tanong ni Nitoy sa kausap.

5. Ang mga Tagalog.”Kayo ay tumulad sa kanila, “ paalala ng guro sa mga


mag-aaral.

B.Panuto: Bilugan ang Panghalip na Pananong na dapat gamitin sa


pangungusap.

1.Naimpluwensiyahan ng mga Amerikano ang mga Pilipino ng kulturang


Kanluranin . (Ano, Ilan, Kanino) ang wikang ginagamit ng marami noong
panahon ng mga Amerikano?

2. Ang mga pagkaing tulad ng hamburger, hotdog, at hamon ay natutuhang


kainin ng mga Pilipino. (Gaano, Kanino, Alin) sag a pagkaing ito ang
pinakagusto mo?

3. Ang aking guro ay nagtapos sa Don Mariano Marcos Memorial State


University. Batid ( ano, sino, nino) ang pagsisikap niya para makapag-aral sa
paaralang iyon?

4. Si Zoilo Galan gang kauna-unahang manunulat ng maikling kuwento sa


wikang Ingles. (Sino, Kanino, Alin) ang kauna-unahang Pilipino na sumulat sa
larangan ng pamamahayag sa wikang Ingles?

5.Sa Far Eastern University ay binuksan din noong panahon ng Amerikano.


(Ilan, Gaano, Kanino) ang layo ng paaralang ito sa paaralan mo?

Pagsasanay 2
Panuto: Salungguhitan ang Panghalip na Panaklaw sa pangungusap.

1.Nagsikap si Arnel na makatapos sa pag-aaral gaanuman ang hirap ang buhay


nila.

2. Ang madla ay humanga sa kanyang sipag at tiyaga.

3. Karapatan ng bawat isa na makapag-aral.

4.Ang sinumang karapat-dapat na mag-aaral ay may pagkakataong makapag-


aral sa Unibersidad ng Pilipinas.

5.Pulos alagad ng sining ang mga nag-aaral sa pamantasang ito.

6.Ang iba ay nagging pangulo ng bansa at punong mahistrado.

39
7.Panay guro ang nagtapos sa Philippine Normal University.

8.Kailanman ay hindi nila naisip ang sariling kapakanan.

9.Iginagalang sila saanmang pook sila makarating.

10. Malaki ang pagpapahalaga ng balana sa edukasyon.

Pagsasanay 3
Panuto: Bumuo ng tatlong pangungusap tungkol sa larawan. Gamitin ang
Panghalip na Pananong at Panghalip na Panaklaw.
Gawin ito sa kuwaderno.

SANGGUNIAN:
Department of Education National Capital Region Memorandum,
Development of
Learning Modules, dated June 1, 2020
Landas sa Wika 6,1999 pp.70-75
Filipino sa Makabagong Panahon Ngayon Wika 6
Batayang Aklat sa Grade 6 Gintong Diwa

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


40
Gawain Blg. 10

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA:
__________

Pamagat ng Gawain: Pagsusuri ng napanood na pelikula


Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nasusuri ang mga
kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at pagpapahalaga ng nakapaloob sa
napanood na maikling pelikula

Koda: F6PD-If—10 / F6VC-IIe-13 / F6PD-IIIh-1-6

Konsepto:Nasusuri ang mga bagay tungkol sa mga kaisipan, tema, layunin,


tauhan, tagpuan at pagpapahalaga ng nakapaloob sa mga napanood na
maikling pelikula.

Pagsasanay 1
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ito ay naglalarawan at nagbubuod ng nilalaman at saklaw ng papel
pananaliksik.
a.Introduksyon
b.Konklusyon
c. Abstrak
d. Wala sa nabanggit

2. Naglalaman ng mga datos at ebidensiyang ginamit sa pagpapatibay ng


ideya ng papel?
a.Abstrak
b.Resulta
c.Introduksyon
d.Bibliograpiya

3.Ito ay tumatalakay sa mga istratehiya na ginamit sa pagbuo ng


pananaliksik sa papel?
a.Metodolohiya
b.Bibliograpiya
c.Introduksyon

41
d.Abstrak

4. Nagbubuod sa mga natutunan at napatunayan sa papel pananaliksik?


a.Introduksyon
b.Konklusyon
c. Abstrak
d. Wala sa nabanggit

5. Gumaganap ng iba’t-ibang katauhan o karakter sa pelikula?


a.tauhan
b.tema
c.banghay
d.musika

Pagsasanay 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
1.Ano ang pangunahing layunin ng dokumentaryong pampelikula?
________________________________________

2.Ano ang ibig sabihin ng “aerial shot”


_____________________________________________________

3.Bakit mahalaga na may sound effect ang isang pelikula?


______________________________________________________

4.Paano sinasagawa ang disenyong pamproduksyon?

___________________________________________________________

5. Anong karangalan na natanggap ng mga Manoro?


_________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto:Magbigay ng tatlong (3) rekomendasyonupang higit na mapaganda
ang pelikula.

1._____________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________.

42
2._____________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________________.

3._____________________________________________________________
_______________________________________________________________
___________________________________

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning

Resources (DepEd-BLR0

Most Essential Learning Competencies

Internet/Google

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 11

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: ______
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay ng Sarili at Maaring Solusyon sa Isang
Suliranin

43
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nakapagbibigay ng sarili at maaring
solusyon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid.

Koda: F6PS-Ig-9

Susing Konsepto:Makapagbigay ng sariling opinyon, o maaaring solusyon na


naaayon sa isang suliraning naobserbahan sa paligid.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang kuwento na pakikinggan ng mag-aaral. Maaaring
ang magbasa ng kuwento ay ang tagapagdaloy.

Ang Mahusay na Pamumuno ni Thea


ni: Cristy N. Mendoza

Kilalang mag-aaral si Thea sa kanilang paaralan dahil sa kanyang


kahusayan sa akademiko at pamumuno sa mga kapwa mag-aaral. Katunayan
nga’y maraming beses na siyang nagwagi bilang pinakamahusay na pangulo
ng organisasyong pinamumunuan. Habang sila ay nasa quadrangle ng
paaralan at nanonood ng palatuntunan, napansin niyang mayroong batang
babae sa kabilang pangkat ang pinagkakaisahan ng kanyang mga kamag-aral.
Inaasar, sinasaktan at pilit na kinukuha ang baon niya. Naalala niyang minsan
pa nga’y
nakita na kaklase.
Napaisip si Thea dahil ang pangin niya ang batang iyon na dala-
aabuso na iyon ay madalas mangyari -dala ang gamit ng kanyang mga
kaya’t iyon ay maituturing na bullying at nababatid niyang mahigpit na
ipinagbabawal iyon.

44
Maraming beses niyang nasaksihan iyon at lubhang nabahala siya sa
maaring maging epekto ng pang-aabusong iyon sa
mga mag-aaral. Maya-maya pa’y natapos na ang palatuntunan at muling
bumalik sa klase ang mga mag-
aaral.
Paakyat na si Thea nang mapansin naman niya ang nagkalat na puting
papel na ginamit na upuan sa quadrangle. Napailing na lamang siya at wari’y
nalulungkot sa asal ng kanyang kapwa mag-aaral. Bago siya tuluyang bumalik
sa klase ay dumaan muna siya sa palikuran. Naabutan niya ang mga
kababaihan ay nagsusulat sa pader ng palikuran. Agad niyang pinayuhan ang
mga ito na pananagutan ng bawat isa na
ingatan ang mga kagamitan ng paaralan.

Tahimik siyang bumalik sa klase at pinag-iisipan nang malalim ang


mga nasaksihan. Bago pa man sila mag-uwian ay bumuhos ang malakas na
ulan. Hindi rin siya makauwi agad dahil ang pangkat nila ang nakatakdang
maglinis.

Habang itinatapon niya ang mga basura ay napansin niyang halo-


halo ang mga basura. Batid niyang mali ang paraan ng pagtatapon ng basura.
Matapos ang pagl ilinis ay nakahanda na silang lumabas ng paaralan ngunit
baha na sa paligid. Nakita niya na ang mga basura ay nakatambak lamang sa
mga kanal kung kaya’t hindi umaagos ang tubig ulan. Alam niyang ang
duming nagbubuhat sa baha ay maaring pagmulan ng sakit.
Maraming suliranin sa paaralan at bilang lider alam niyang may
tungkulin siyang dapat gawin. Nagtungo siya sa kanyang gurong tagapayo
upang ilahad ang kanyang mga nasaksihan. May mga plano siyang balak
gawin na ikinatuwa ng guro. Nakipag-ugnayan din siya sa kanilang guidance
counselor hinggil sa pagpupulong at mga programang maaaring maging
solusyon sa mga suliraning naobserbahan.
Kinausap din niya ang mga kapwa mag-aaral na opisyal ng
organisasyon upang ilahad ang kanyang plano. Nagkaisa na ang bawat isa ay
makikipagtulungan. Itinakda ang araw ng pagpupulong sa mga mag-aaral sa
susunod na linggo upang lubusang mapaghandaan ang mga programa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa sagutang papel.

45
1. Ano ang unang suliraning naobserbahan ni Thea sa kanilang paaralan?
A. Malimit na pang-aasar at pang-aabuso sa mag-aaral o bullying.
B. Nagkalat na papel sa paligid.
C. Maling paraan ng pagtatapon ng basura.
D. Pagsulat sa pader ng palikuran.

2. Anong solusyon ang mabibigay mo sa nangyayaring bullying sa


inyong paaralan?
A. Hahayaan ko na lamang sila dahil baka ako ay madamay pa.
B. Ipagbibigay alam ko sa aming guidance counselor upang sila ay
pangaralan.
C. Makikisali rin ako sa pang-aasar ng aking mga kamag-aral.
D. Kukuhaan ko sila ng video at i-popost sa social media upang
mapahiya.

3. Nakita ni Thea na halo-halo ang paraan ng pagtatapon ng basura, ano


kaya ang solusyong ibibigay niya sa suliraning ito?
A. Araw-araw niyang inaayos ang mga basura at paghihiwa-hiwalayin.
B. Papayuhan ang mga mag-aaral hinggil sa wastong paghihiwalay ng
basura sa nabubulok, di-nabubulok at maaring i-recycle.
C. Tatawagin ang dyanitor at sasabing paghiwalayin ang mga basura.
D. Kakausapin ang punongguro at sasabihing hindi ginagawa ng
dyanitor ang kanilang tungkulin.

4. Paano mo bibigyang solusyon ang mga vandalism na nakikita sa mga


paaralan?
A. Uunawain ko na lamang ang mga mag-aaral na gumagawa ng
gawaing iyon.
B. Makikisali ako sa pagsulat na lamang.
C. Araw-araw ay pipinturahan namin upang maalis ang mga nakasulat.
D. Papayuhan ang mga mag-aaral na dapat ay ingatan ang mga
kagamitang iyon.
5. Nakita ni Thea na maraming nagkalat na puting papel sa paaralan, ano
kaya ang maaring gawin sa mga papel na iyon? A. Itapon na kaagad sa
basurahan.
B. Hayaan na lamang ang mga dyanitor na linisin iyon.
C. Ipunin ang mga puting papel upang maibenta at magamit na
pambili ng mga lapis o papel na magagamit ng mag-aaral.

46
D. Hanapin ang may-ari ng mga papel na iyon at ipatapon sa
basurahan.

Pagsasanay 2

Panuto: Narito ang ilang panawagan sa mga suliraning kinakaharap ng


paaralan, pumili lamang ng isang higit mong nais bigyang pansin.
Isulat sa inyong kuwaderno ang pinakamagandang solusyong iyong
mabibigay kaugnay rito.

47
Bilang mag-aaral, nais kong makatulong sa
pagtugon sa
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Makatutulong ako sa pamamagitan


_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Pagsasanay 3

Panuto: Magkaroon ng dayalogo sa magulang tungkol sa suliranin sa


pandemyang COVID-19. Bumuo ng maikling usapan sa kuwaderno gamit ang
comic template sa ibaba sa pagbibigay ng solusyon sa suliranin.

Photo Credits:

-
vector/couple-children-talking-
amongthemselves_4459487.htm

Sanggunian
48
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning

Resources (DepEd-BLR0

Most Essential Learning Competencies

Emily V. Marasigan, Louie C. Tesalona, Pinagyamang Pluma 6, 2018

Lydia B. Liwanag,Ph.D Landas sa Wika, 2011

Maria Joselyn M. Nullar, Susan H.Ramos, Ma. Carmina Mangubat, Visitacion P.

Ongpauco, Angela T. Sarreal Tanglaw,2011

Ramilito B. Correa, Wikang Sarili,2016

Tsarisma Rafael-Gloria,Alab ng Wikang Filipino 6,2004

Tsarisma Rafael-Gloria, Haraya, Pagbasa at Wika ,2009

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 12

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: ______
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Talata
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nakapagbibigay ng angkop na
pamagat sa binasang/napakinggang talata.

Koda: F6PB-Ig-8

Susing Konsepto:Ang mga binasang o napakinggang talata ay mabibigyang


ng magandang pamagat na ayon sa talata.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata sa ibaba.

Isa sa itinuturing na nakakatakot na sakit ang coronavirus disease


o mas kilala sa tawag na COVID-19 dahil ito ay isang nakahahawang dulot ng
bagong coronavirus. May iba’t ibang paraan upang maiwasan ang
pagkakaroon ng ganitong karamdaman ay may mga payong ibinigay ang
Kagawaran ng Kalusugan. Isa na rito ang ugaliing paghuhugas nang mabuti ng
kamay gamit ang tubig at sabon o kaya ay hand sanitizer o alcohol. Iwasan din
natin ang paghawak sa ating mata, ilong at bibig.
Karagdagan pa sa kanilang paalala ay ang pagtatakip ng ilong at bibig
49
gamit ang tisyu kapag uubo o babahing. Iwasan ang matataong lugar, lalo kung
ang edad ay 60 pataas. Huwag ding kalilimutang gumamit ng facemask
saanman magpunta bilang pag-iingat na rin. Panatilihing may pagitan na isang
metro o higit pa mula sa iyo ang mga tao sa paligid.
Ipinag-uutos rin na manatili na lamang sa bahay kung may sakit.
Kung may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, makabubuting magpakonsulta
agad ngunit tumawag muna sa mga klinika. Huwag din tayo maniniwala
kaagad sa mga impormasyong maririnig bagkus sa mga mapagkakatiwalaang
awtoridad lamang.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong


sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang detalyeng
binanggit sa talata? A. Ugaliing maghugas ng kamay gamit
ang tubig at sabon.
B. Takpan ang ilong at bibig kapag uubo.
C. Iwasan ang matataong lugar lalo kung ang edad ay
60 pataas.
D. Lahat ng nabanggit sa itaas.
2. Alin naman sa mga detalyeng nasa ibaba ang HINDI
binanggit sa talata?
A. Marami sa mga dinadapuan ng sakit na ito ay
makararanas ng hindi malalang sintomas.
B. Matatanda lamang na may edad 60 pataas ang
nagkakasakit ng COVID-19.
C. Kung may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,
makabubuting magpakonsulta agad ngunit tumawag
muna sa mga klinika.
D. Huwag din tayo maniniwala kaagad sa mga
impormasyong maririnig bagkus sa mga
mapagkakatiwalaang awtoridad lamang.
3. Tungkol saan ang binasang talata?
A. Marami ang natatakot sa COVID-19
B. Madalas na nagkakasakit ang matatanda at may
malalang karamdaman.
C. Iba’t ibang paraan upang maiwasan ang COVID-19
D. Ugaliing maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol
4. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pag-iwas ng
ganitong karamdaman?
A. Lalabas palagi ng bahay habang walang pasok.

50
B. Papayuhan ang mga nakababatang kapatid na
wastong pag-iingat upang maiwasan ang COVID-
19.
C. Magagalit ako dahil marami ang naapektuhan ng
Enhanced Community Quarantine.
D. Lahat ng nabanggit

5. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng talata batay sa mga


detalyeng nakapaloob dito?
A. Mapanganib ang COVID-19
B. Mga Paraan sa Pag-iwas sa COVID-19
C. Paghuhugas ng Kamay
D. Mga Pag-iingat laban sa COVID-19

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang talata. Tukuyin ang angkop na pamagat
para sa binasang talata. Maaring magpatulong sa
tagapagdaloy upang makaisip nang maayos na angkop na
pamagat.
1.

Maraming araw na lumipas na walang pasok ang mga


mag-aaral kaya’t nakaranas sila ng pagkainip. Ngunit may iba’t
ibang paraan upang maging kapaki-pakinabang ang araw.
Maaring tumulong sa mga gawaing bahay. Magbasa ng mga
nakaraang aralin bilang bahagi ng pagsasanay. Makatutulong
rin ang pagbasa ng mga iba’t ibang seleksyon upang lalong
mapaunlad ang kasanayan sa pagunawa sa pagbasa.

Angkop na Pamagat
__________________________________________________

51
Sa pagharap ngayon sa panahong COVID-19, marami tayong aral na
2.
natututuhan. Isa na rito ang pagpapahalaga sa ating kalusugan.
Kailangan nating maging malinis sa ating pangangatawan upang
maiwasang madapuan ng sakit. Higit din nating nakita ang
kahalagahan ng paggkakabuklod ng pamilya kaysa sa pagkakaroon
anumang materyal na bagay. Natutuhan din natin na ang pagtitipid
ay makatutulong upang may madukot tayo sa panahong tayo ay nasa
krisis.

Angkop na Pamagat
__________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga talata. Piliin at
isulat sa sagutang papel ang letra ng pinakaangkop na
pamagat sa talata.

1. Ang Larong Pinoy ay tinatawag ding Laro ng Lahi. Ito ay mahalagang


simbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito ang pagkakakilanlan ng isang
pagkatao at pagkabansa. Dito unang nalinang ang ating pakikipagkapwa,
natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam nating makabubuti sa
atin. Kabilang sa mga larong pinoy ay ang tagu-taguan, langit-lupa, jack en
poy, piko, agawang beys, patintero, tumbang preso at luksong-baka.
A. Makabubuti sa Atin
B. Larong Pinoy
C. Pakikipagkapwa
D. Simbolo ng Pagiging Pilipino

2. Mahilig ang mga Pilipino sa iba’t ibang pagdiriwang. Katulad na lamang ng


kaugaliang kung kasalan sa nayon. Pagkatapos ng kasalan sa simbahan,
masaya ang lahat. Hinahagisan ng bigas at maliliit na talulot ng bulaklak
ang bagong kasal. Mauunang sumayaw ang bagong mag-asawa. Habang
sumasayaw, sinasabitan sila ng pera. Nakakaipon sila ng malaking halaga sa
ganitong paraan. Bukod sa marami at mamahaling regalo, may cash pa
silang magagamit sa bagong pamumuhay.
A. Hilig sa Pagdiriwang

52
B. Pagdiriwang ng mga Pilipino
C. Kasalan sa Nayon
D. Mga Pagtitipon

3. Isa sa mga pamana ng ating mga ninuno ay ang karunungang-bayan. Ang


halimbawa nito ay bugtong at palaisipan. Karaniwang kapag
nagsasamasama ang mga pamilya, ang mga nakatatanda ang nagbibigay ng
mga tanong upang mahasa ang isipan ng mga kasama sa bugtungan o
pagsagot sa palaisipan.
A. Bugtong
B. Palaisipan
C. Hasain ang Isipan
D. Mga Karunungang-Bayan

4. Isang ugali ring malaganap sa mga tahanang Pilipino ang pagdarasal. Ang
lahat ng tao sa loob ng isang bahay ay nagtutungo sa silid at samasamang
nagdarasal. Ang ugaling ito ay nagpapatibay sa pagmamahalang
bumubuklod sa isang pamilya.
A. Ugali sa Tahanang Pilipino
B. Ang Pagdarasal ng Mag-anak
C. Isang Pamilya

D. Tinig ng Kampana
5. Hindi kaila sa lahat na ang mga Pilipino ay matiisin. Nais nilang
magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga miyembro ng
kanilang pamilya. Nagtutungo ang mga kababayan nating Pilipino sa
ibang bansa upang magtrabaho. Tinitiis nila ang matagal na
pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay upang kumita ng sapat
para sa kanilang pangangailangan.
A. Paano Kumita ang mga Pilipino
B. Magandang Kinabukasan ng mga Pilipino
C. Pagkamatiisin ng mga Pilipino
D. Pananaw sa Buhay ng mga Pilipino

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning

53
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011
Gloria P. Reyes,Helen Baclagon, Flordeliza P. Salamat,Sagisang ng Lahi 6
(Pagbasa),2000
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 13

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: _______

Pamagat ng Gawain: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa


isang Napakinggang Balita.

Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Naipapahayag ang sariling opinyon o


reaksyon sa isang napakinggang balita isyu o usapan.

Koda: F6PS-Ij-1

Susing Konsepto:

54
Nagagamit ang kaalaman upang mapagyaman ang kaalaman sa
pagpapahayag ng napakinggang pahayag, balita, isyu, o usapan.

Pagsasanay 1
A.Panuto: Bumuo ng iba’t-ibang uri ng pangungusap mula sa larawan.

1.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________________________________________________.

2.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________________________________________________.

B.Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaring may kinalaman sa


tatalakaying aralin. Isulat ito sa metacards. Magbigay ng opinion tungkol dito.

55
D O P I N Y O Ñ U
R E A K S I Y O N
O S B A N S A I L
G M U A L Y K D A
A I S A T U I E D
H A P I O Y E M Y
P A U T O S R A X
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________________________.

Pagsasanay 2

Panuto: Dugtungan ang mga salita sa bawat bilang at isulat ang sagot sa
kuwaderno. (10 puntos)

1.Mahalaga ang pagbasa dahil


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________________________________________________.
2.Dapat tayo ay nagdarasal para
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________________________________________________.

Pagsasanay 3
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa kung ano ang magagawa o
maitutulong upang mabawasan o mapigilan ang Global warming o pag-init sa
daigdig? Ang talata ay kailangang magtaglay ng pito hanggang sampung
pangungusap.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

56
_______________________________________________________________
__________________________________.

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011
Gloria P. Reyes,Helen Baclagon, Flordeliza P. Salamat,Sagisang ng Lahi 6
(Pagbasa),2000
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 14

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: ______

Pamagat ng Gawain: Iba’t-ibang Uri ng mga Sanggunian


Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagsasaliksik.

Koda: F6EP-Ib-d-6

Susing Konsepto:Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian upang


mapagyaman ang kaalaman sa pananaliksik upang maging mahusay sa
larangan ng pagsasaliksik.

Pagsasanay 1
Panuto: Alamin ang bawat larawan. Isulat ang tamag sagot sa patlang at
ibigay ang ibig sabihin nito.

57
___________________________________________________________
___________________________________________________________

1.

___________________________________________________________
___________________________________________________________

2.

___________________________________________________________
___________________________________________________________

3.

___________________________________________________________
___________________________________________________________

4.

___________________________________________________________
___________________________________________________________

5.

58
Pagsasanay 2
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ito ay isang uri ng aklat na kung saan matatagpuan ang mga kahulugan ng
mga salita, pagbabaybay nito, pagpapantig at iba pa. Nakaayos ng paalpabeto.
A.Diksyunaryo
B.Almanac
C.Atlas
D. Pahayagan

3. Isa sa mga aklat na karaniwang ginagamit kung saan ito ay


naglalaman ng mga detalyadong impormasyon tunkolsa sa mga
paksang hahanapin.  Ang bawat impormasyon ay nakaayos ng
paalpabeto upang mabilis mahanap ang paksang hahanapin.

A.Diksyunaryo
B.Almanac
C.Atlas
D. Pahayagan

3. Aklat na nagsasaad ng mga impormasyon at pangyayari sa loob ng isang


taon sa bansa at mundo.
A.Diksyunaryo
B.Almanac
C.Atlas
D. Pahayagan

4.  Isang sanggunian na patungkol sa mga impormasyong pang heograpiya na


tinatalakay ang ibat-ibang bansa at kontenente mayroon ang mundo.
A.Diksyunaryo
B.Almanac
C.Atlas
D. Pahayagan

5. Diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita,


impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. 
A.Diksyunaryo
B.Almanac
C.Atlas
D. Pahayagan

Sanggunian
59
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Internet/google
Gintong Diwa 5

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6


Gawain Blg. 15

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________


BAITANG/ SEKSYON__________________________ MARKA: ______
Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Tekstong Nagpapaliwanag at
Nagsasalaysay
Kasanayang Pampagkatuto (MELC) : Nakasusulat ng kuwento; talatang
nagpapaliwanag at nagsasalaysay.

Koda: F6PU-Id-2.2 / F6PU-If-2.1/ F6PU-Ih-2.1

Susing Konsepto:Makapagsulat ng isang kwento, talatang nagpapahiwatig at


nagsasalaysay ng mga ideyang nakakapaloob sa napakinggan o nabasa.

Pagsasanay 1

Pakikipagtalastasan
Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

ANG BATANG SI ONIN


ni: Bernadette A. Santiago

Si Onin ay kilalang barker ng dyip ng Moriones – Divisoria. Sampung


taon gulang pa lamang sya ay naghahanapbuhay na siya gamit ang
kanyang magandang boses. Sa umaga ay nag-aaral siya at sa hapon
naman ay pagtatawag ng pasahero ang kanyang iniintindi. Hiwalay na kasi
ang mga magulang ni Onin. Tanging ang kanyang inang naglalabada at
apat na kapatid ang kanyang kasama sa bahay. Siya ang panganay sa
magkakapatid.

60
Bukod sa kanyang pagkakaroon ng malamig na boses sa pag15 -
awit, di rin siya nagpapahuli sa kanyang galing at husay sa paaralan.
Nagwawagi siya sa mga paligsahan at nangunguna rin sa kanilang klase.
Isang araw, nagmamadaling umuwi ng bahay si Onin buhat sa
paaralan. Nagwagi siya sa pansangay na paligsahan sa Tagisan ng Talino.
Agad na pumunta sa Liberty Bakery si Onin at bumili ng isang maliit
na tsokolateng cake.. Pauwi na at nagmamadali siyang maglakad ng
isang humaharurot na motor ang biglang dumaan. Nagsigawan ang
mga tao sa kalye.

Nahagip hawak niyang cake at tumilapon sa daan. Si Onin


naman ay napaupo at nabigla sa mabilis na pangyayaring iyon. Bumaba ang
lalaking nakamotor at tinulungan si Onin na makatayo. “Pasensya ka na nak,
di ko sinasadya ang nagawa ko. Nagmamadali rin kasi ako eh.” Ang
mahinahong sabi ng lalaki.

Matagal bago nakapagsalita si Onin. Ngunit dahil sa ipinakitang


pagmamalasakit ng lalaki ay napawi ang takot ng bata. “Okey lang po ako.
Pero sana naman po ay mag-iingat na po kayo. Baka sa susunod ay may
madisgrasya na po kayo o kayo na po ang madisgrasya.”
Ang paalala ni Onin.
Dahil sa pangyayari, sinamahan ng lalaki si Onin sa tindahan at pinalitan niya
ng mas malaking tsokolateng cake na binili ni Onin. Habang naglalakad ay
natanaw na niya ang kanyang ina at mga kapatid na naluluha na naghihintay
kay Onin. Nabalitaan kasi nila ang nangyari kay Onin.

Hinagkan agad ng mahigpit na yakap ng ina si Onin habang may


mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi. “Anak, ikamamatay ko kung
anuman ang mangyari sa inyo na masama. Sa inyo ng mga kapatid mo.
Tanging kayo lamang ang kayamanan ko.” Ang umiiyak na samo ng ina.

“Inay, maligayang kaarawan po sa inyo. Okey lang po ako. Mabuti na


lamang at tinulungan ako ng lalaki. Heto po ang isang tsokolateng cake para
sa inyo. “Ang naiiyak na pagbati ni Onin sabay abot ang kanyang gintong
medalya.

61
“Naku anak, di mo lamang alam kung gaano ako kaswerte sa iyo.
Napabuti ng iyong kalaooban. Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa.” Ang
pagmamalaki ng kanyang ina. “Inay, kayo po ng

mga kapatid ko ang aking inspirasyon. Alam kong matutupad ang aking
pangarap na maging isang abogado sa tulong na rin ng Panginoon. Kayo po
ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap,” ang nakangiting wika ni Onin.
“Tara na po sa loob at pagsaluhan na natin ang cake na ito.

Masayang pinagsaluhan ng mag-iina ang cake na punong-puno ng


inspirasyon, pag-asa at pagmamahal para sa pagdiriwang ng kaarawan ng
kanilang mahal na ina.

MGA TANONG- MAPANURING PAG-IISIP

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang kuwento.


Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1.Tungkol saan ang kuwento?
_________________________________________________________
2.Paano sinimulan at winakasan ng may-akda ang kanyang salaysay o
kuwento?
__________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga bantas na ginamit sa talata? Paano nakatulong ang mga
bantas na ito sa
paglalahad ng kuwento?
___________________________________________________________
4. Ano sa palagay mo ang naging paraan ng may-akda sa kanyang pagsulat?
Paano niya inilhad
ang mga detalye ng kuwento?
__________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, epektibo ba o mahusay ang kabuuan ng sinulat na
akda? Bakit?

Pagsasanay 2
Panuto: Dugtungan ang talata upang makabuo ng isang
kuwento. Gawin ito sa iyong kwaderno.
SI FLORAL NA PALAARAL

Likas kay Floral ang pagiging palaaral. Kahit walang pasok ay


makikita ang kanyang kasipagan sa pag-aaral. Mahilig siyang magbasa ng
62
mga __________________. Paborito niyang basahin ang ______________
kung saan bida ang mga hayop tulad ng mga paborito niyang aso at pusa.
Kinawiwilihan niya ring basahin ang tungkol sa ______________ ng iba’t
ibang bansa. Dahil dito, lumalawak ang ___________ ni Floral dahil sa
kanyang pagbabasa. Dagdag pa rito, kapag may mga bago siyang natutuhang
mga salita, agad niyang hahanapin sa _______________ ang kahulugan ng
mga ____________. Bihira siyang gumamit ng mga makabagong gadget
tulad ng ________________ dahil para sa kanya ay mas mainam pa rin ang
pagbabasa ng mga aklat. __________. Gayunpaman, dahil sa banta ng
COVID 19 sa bansa, ang paggamit ng kanyang gadget ay para lamang sa
kanyang ______________ sa darating na pasukan. Gamitin man niya ito para
maglibang ay bihira lamang gaya ng paalala sa kanya ng kanyang mga
magulang.
Pagsasanay 3
Panuto: Pumili ng isa sa mga paksang inilahad. Sumulat ng sariling
kuwento at pamagat batay sa napiling paksa. Isaalang-alang ang mga
pamantayan o rubrics sa pagmamarka ng iyong sinulat. Gawin ito sa
isang buong papel.

Paksa:
A. Ang Aking Buhay Quarantine
B. Kalinisan sa Katawan at Paligid, Iwas sa COVID-19
C. Bagong Paraan ng Pag-aaral, Paano kaya?

PAMANTAYAN SA PAGSULAT

Pamantayan Bahagdan

Kaisahan ng paglalahad ng mga ideya ko at ikaw ay 25 % sa ating


Binabati kita! Natutuwa a mga
Kawili-wili at makatawagmahusay -pansin 25% gawain!
na na nakakasunod
gawain. Tara sa susunod na panimula at 25%
wakas
Wastong paggamit ng mga bantas, malaki 25%
www.bitmoji.com
at maliit ng letra at mga salita
Pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan ______________
tungkol sa paksa 100%

63
KABUUAN

Sanggunian
Alternative Delivery Module (ADM) Department of Education-Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR0
Most Essential Learning Competencies Belvez, Landas sa Pagbasa 6,2011
Carolina-Dizon Manlapaz Wika Ko, Wika Mo, 2003
Lydia P. Lalunio, Ph. D, Francisca G. Ril, Hiyas sa Wika,2000
Lydia B. Liwanag Ph.D Landas sa Wika 6, 2011
Gloria P. Reyes,Helen Baclagon, Flordeliza P. Salamat,Sagisang ng Lahi 6
(Pagbasa),2000
Tsarisma Rafael-Gloria , Alab ng Wikang Filipino 2004

64

You might also like