You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 6

PABUSAnaryo

Unang Markahan
Ikatlong Linggo
Modyul 3
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Pagbibigay kahulugan sa kilos at pahayag ng
tauhan mula sa napakinggang pabula

2. Pagbibigay kahulugan sa sawikain

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang


lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng
panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa
inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito
dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag sa pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin
sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aara gamit ang modyul na
ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan- ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makumpleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok- ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan
ng aralin.
3. Balik-tanaw- ang bahaging ito ay magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin- dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin.
5. Gawain- dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo na may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan
mo ang bagong aralin.
8. Pangwakas na pagsusulit- dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.

2
Aralin
Pagbibigay Kahulugan ng mga
1 Pahayag ng mga Tauhan

Inaasahan
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga tauhan


batay sa napakinggang pabula.

Halinat’ simulan na ang iyong pag-aaral.


Batid kong handang- handa ka na.
Hinihintay ka na ng Unang Pagsubok.
www.bitmoji.com Isang aja clap para sa iyo!

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin ang pabula na pakikinggan ng mag-aaral. Maaaring
ang magbasa ng pabula ay magulang o tagapangalaga.

Ang mga Alaga ni Nanay Juana at ang COVID 19


ni: Bernadette A. Santiago

Kilalang mahilig at pusong-mamon sa mga hayop si Nanay


Juana. Sa kanyang tahanan, makikita ang iba’t ibang hayop na
kanyang mga alaga. Nariyan si Mickey, ang alaga niyang aso, si Pussy,
ang kanyang pusa, si Fishy, ang kanyang matakaw na isda at si
Tweety, ang makulay niyang ibon.
Isang araw, habang nagpapahinga ay nag-usap-usap ang mga
alaga ni Nanay Juana.
“Arf! Arf! Ilang araw na akong di naipapasyal ni Nanay.” Ang
wika ni Mickey.
“Meow! Siguro galit siya sa iyo kasi sobrang harot at kulit mo.
Mistulang basang-sisiw ka pagkatapos mo makipagharutan,” ang
paninisi ni Pussy.
“Arf! Di naman siguro. Sadyang magaan lang ang dugo ko sa
kanya dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa atin,” ang paliwanag
ni Mickey.

3
“Tweet! Tweet! Bago ka maging balat-sibuyas dahil di ka na
naipapasyal, alam mo ba ang napapanahong balita ngayon tungkol sa
COVID 19? Napakadelikado ngayong lumabas dahil matindi ang virus na
dala nito.” Ang sambit naman ni Tweety.
“Gluk! Gluk!” Tama si Tweety, hindi ligtas para kay Nanay Juana ang
lumabas basta-basta dahil siya ay matanda na. Mahirap para sa kanya ang
mahawaan ng COVID na yan.” Ang pahayag naman ni Fishy.
“Meow! Baka naman balitang-kutsero lang yan.” Ang wika ni Pussy.
“Tweet! Aba’y hindi! Sa katunayan nga, narinig ko sa balita na hindi
lamang dito sa ating bansa ang apektado, kundi halos buong mundo na.” Ang
tugon ni Tweety.
“Gluk! Gluk! Narinig ko rin sa usapan nila kanina na maging ang mga
hayop tulad mo Mickey ay maaaring magkaroon ng virus.” Ang paalala ni
Fishy.
“Arf! Kung gayon pala, sadyang busilak ang puso ni Nanay sa mga
tulad natin. Iniisip nya pa rin ang ating kaligtasan kahit sa ganitong
panahon,” ang tugon ni Mickey.
“Tweet! Tama Mickey! Kaya ipagpasalamat na lang natin, kahit di ka
nakakalabas ay alam mong ligtas ka at itaga mo rin sa bato na dapat ay
inaalagaan din natin siya.” Ang mahinahong sambit ni Tweety.
“Meow! Oo nga, lalo’t pa nga ba siya ay matanda na. Dapat ay maging
disiplinado rin tayo katulad sa pagdumi at pag-ihi nang sa ganoon ay di na
siya mahirapan maglinis. Para mapanatili ring malinis ang bahay natin. Kahit
dito lang tayo sa garahe natutulog. Mahalaga malinis ang paligid natin lalo na
sa panahon ngayon,” ang nakangiting sabi ni Pussy.
“Arf! Sang-ayon ako sa sinabi mo Pussy. At sisimulan ko na ito
ngayon,” ang pahayag naman ni Mickey.
Maya-maya ay pinuntahan na sila ni Nanay Juana upang sila ay
pakainin. Dala-dala niya ang mga pagkaing inihanda niya para sa mga mahal
niyang alaga. Tuwang-tuwa ang kanyang mga alaga nang siya ay makita na.
Tulad ng kanilang napagkasunduan, sinimulan nilang disiplinahin ang mga
ili bil t d k il h l k il N J

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa
Iyong kwaderno.

1. “Arf! Di naman siguro. Sadyang magaan lang ang dugo ko sa kanya dahil
ramdam ko ang pagmamahal niya sa atin.” Ang pahayag ni Mickey ay
nangangahulugang siya ay ______________.
A. panatag ang loob sa kanyang amo C. galit sa kanyang amo
B. naiinis sa kanyang amo D. mabigat ang dugo sa amo

2. Sa pahayag ni Fishy na, “narinig ko rin sa usapan nila kanina na maging


ang mga hayop tulad mo Mickey ay maaaring magkaroon ng virus,”
nangangahulugan na siya ay___________________.
A. natatakot C. naiinggit
B. nag-aalala D. natutuwa

4
3. Nangangahulugan sa sinabi ni Pussy na “Kahit dito lang tayo sa garahe
natutulog. Mahalaga malinis ang paligid natin lalo na sa panahon
ngayon." na siya ay ______________.
A. natatakot C. nagpapaalala
B. nagagalit D. naiinis
4. “Itaga mo rin sa bato na dapat ay inaalagaan din natin siya.” Ipinapakita
ng tauhan na siya ay ________________.
A. matulungin C. matandain
B. maalalahanin D. matapat

5. “Sadyang busilak ang puso ni Nanay sa mga tulad natin.” Nais ipahiwatig
ng tauhan na _________________ sa mga hayop si Nanay Juana.
A. magulo C. mapagmahal
B. mainisin D. malayo ang loob

Mahusay! Nasagutan mo ang mga tanong.


Maaari mong ipawasto ang gawain sa iyong
guro. Binabati kita! Narito ang susunod na
gawain. Tara na at matuto muli!
www.bitmoji.com

Balik -tanaw

Panuto: Basahing mabuti usapan nina Langgam at Langaw.

Alam mo
Kumusta Langgam, langaw, mas mainam
di ka ba napapagod na sa sipag at tiyaga
sa iyong ginagawa? mo makuha ang iyong
Halos buto’t balat ka kakainin. Di sa lahat
na sa kakatrabaho. ng oras ay nariyan ang
Dapat humingi ka na iba para ikaw ay
lang ng pagkain. bigyan o tulungan.
Basta ako ayaw kong Bata pa lang ako ay
mapagod. natuto na akong
ili

https://webstockreview.net/explore/fly- http://www.photo4design.com/stock-photo-vector-
clipart-black-and-white/ image-of-a-ant.-6644#.XtzNozozbIU
Panuto: Tukuyin ang nais ipakahulugan ng mga sumusunod na pahayag.

5
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa iyong kuwaderno.

________________1. “Bata pa lang ako ay natuto na akong tumayo sa sariling


paa.”
________________2. “Dapat ay humingi ka na lang ng pagkain,”
________________3. “Di ka ba napapagod sa iyong ginagawa?”
________________4. “Alam mo langaw, mas mainam na sa sipag at tiyaga mo
makuha ang iyong kakainin”
________________5. “Basta ako ayaw kong mapagod.”

nagtataka palaasa masikap


sobrang payat tamad nangangaral

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang pagbibigay kahulugan ay isang paglilinaw sa kahulugan ng
isang salita upang tiyak ang pag-unawa nito. Bawat disiplina o larangan ay
may tiyak na mga salitang ginagamit kaya’t kailangang maipaliwanag ito
nang mabuti sa pamamagitan ng kahulugan.

Bago natin talakayin ang ating aralin, bigyan


kahulugan muna natin ang pabula. Ito ay akdang
pampanitikan na ang mga pangunahing tauhan ay mga
hayop. Ito ay karaniwang isinasalaysay o ikinukuwento sa
mga bata upang mapalawak o maipamulat sa kanila ang
magagandang asal.
www.bitmoji.com

Panuto: Suriin at pag-aralan ang mga pahayag ng mga tauhan mula sa


pabula na “Si Pagong at si Matsing.”
Sa pahayag na
“Matsing, may nakita ito ni Pagong,
akong puno ng saging nais
sa ilog. Tulungan mo ipakahulugan ng
naman akong dalhin kanyang sinabi
ito sa aking hardin na siya ay
para maitanim ko.” nakikiusap na
https://commons.wikimedia.org/wiki/File
:Turtle_clip_art.svg
“Ayaw ko nga! Batay sa pahayag
Dinaya mo ako noon ni Matsing,
nang ibinigay mo sa masasabing siya
akin iyong parte ng ay makasarili at
puno na hindi ang kanyang
namumunga. Ngayon, ikinilos ay
https://pixabay.com/illustrations/monke
kakainin ko itong nagagalit dahil sa
y-animal-gorilla-zoo-nature-4187960/

6
Ang pagbibigay kahulugan sa pahayag ng isang
tauhan mula sa napakinggang pabula ay batay sa kanyang
ikinilos at pananalita. Sa pamamagitan nito, maaaring
makilala ang katangian, damdamin o emosyon na siyang
magiging batayan para sa kahulugan ng kanyang sinabi o
www.bitmoji.com ipinahayag.

Magaling! Ngayong naunawaan mo na ang


ating aralin, batid kong magagawa mong
maayos at mahusay ang mga iba pang
www.bitmoji.com gawain.

Gawain
Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag mula


sa mga pabulang napakinggan. Piliin ang letra ng tamang sagot
at isulat sa iyong kuwaderno.

1. "Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain


habang maganda ang panahon”, sagot A. paghanga
ni Langgam.
B. pag-aalala
2. "Bahala ka sa buhay mo,” ang naiinis
na sagot ng kabayo.
C. mapagmataas
3. “Totoo nga pala na kung may malalaking
makatutulong sa maliliit ay makatutulong D. masinop
din ang maliliit sa isang higanteng katulad
ko,” ang wika ni Leon. E. pagkabahala

4. "Kaibigang Kambing! Kaibigang Kambing!


Di ka dapat sobrang magkakain. Ang F. pagkainip
anumang sobrang pagkain ay makasasama
sa kalusugan natin," ang wika ni Lobo.

5. “Kailangang lumikas na tayo rito at humanap


ng ibang matitirahan inang!” ang tugon ng mga
sisiw.

Mahusay! Talagang natuto ka sa ating aralin.


Bago tayo magpatuloy sa susunod na gawain,
balikan natin ang kuwento nina Pagong at
Kuneho. Natatandaan nyo ba ang kanilang
kuwento? Tama! Sila ay nagpaligsahan sa
pagtakbo. Kaugnay diyan ang susunod nating
www.bitmoji.com

7
Gawain 2

Panuto: Bumuo ng maikling usapan mula sa dalawang tauhan


gamit ang comic template. Isulat ang kahulugan ng kanilang
pahayag. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

https://publicdomainvectors.org/en/free- https://publicdomainvectors.org/en/f
clipart/Rabbit-clip-art- ree-clipart/Vector-image-of-a-
drawing/85375.html turtle/37513.html

Kahulugan: Kahulugan:

Tandaan

Ang pagbibigay kahulugan sa pahayag ng isang tauhan mula


sa napakinggang pabula ay batay sa kanyang ikinilos at pananalita.
Sa ganitong paaran, makikilala ang katangian, damdamin o emosyon
ng mga tauhan na nais ipakahulugan ng kanyang sinabi o
ipinahayag

Napakahusay mo! Nasagutan mo ang ating mga


gawain. May nag-aabang pang mga kapana-
panabik na pagsasanay para sa iyo. Tara na!
www.bitmoji.com

8
Pag-alam sa mga Natutuhan
Panuto: Isaayos ang mga letra upang mabuo ang kahulugan ng mga
sumusunod na pahayag. Gawing gabay ang unang letra na
binigay ng guro. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
P 1. “Bakit ba ako na lamang ng ako ang alaga ninyong
kagatin?” Ang wika ni Kalabaw.
KGINISPAA

M 2. “Nakakaawa ka naman” Wika ni Tagak kay


Kalabaw. “Pagtutukain ko ang mga pesteng lamok sa ito.”
NITAGMUULN

M 3. “Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan


ng paglipad?" Ang hamon ni Agila.
AMAPGAMTASA

M 4. “Payag na akong pakain sa iyo. Pero kakakain ko


lang ng maraming damo na di pa nagiging bahagi ng kalamnan ko.
Lalo akong magiging malaki at maalsa kung hahayaan mo muna
akong magsayaw." Ang wika ng Tupa.

PAAMRAAMAN

P 5. “Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng


sikat ng araw. Kaysarap-sarap sumayaw! Halika na." Pamimilit ng
Tipaklong.
APGAWAAWALGN-AHBAAL

Nagagalak ako sa iyong kahusayan. Binabati


kita! Malapit na tayong matapos sa aralin.
www.bitmoji.com
Tara na at tumungo na tayo sa susunod na
gawain.

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Pakinggang mabuti ang pabula na babasahin ng tagapagdaloy.
Bigyang kahulugan ang mga pahayag na ginamit sa seleksyon.
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

9
Ang Buhay Lockdown nina Mingming at Gingging
ni: Bernadette A. Santiago

Sina Mingming at Gingging ang paboritong pusa at aso ni Chester. Halos


magdadalawang taon na rin silang nakakasama ng kanilang napakabait na amo,
simula nang sila ay ipinamigay pagkasilang. Anak kung ituring sila ni Chester.
Nakaoras ang pagbibigay ng pagkain para sa kanila. Kumpleto rin sila sa bakuna, Di
rin sila magpapahuli sa mga nauusong fashion at accessories na makikita sa mga
alagang hayop. Higit sa lahat, kasa-kasama lagi ang dalawa sa kanyang mga travel
adventure at iba pang lakad.
Ngunit nagbago ang lahat isang araw. Nagtaka ang dalawang alagang hayop
kung bakit hindi na nakakapaglakbay ang kanilang amo na kasama sila.
“Nakakapanibago Gingging. Parang preso tayo dito sa bahay. Tatlong buwan
na nating di nakikita ang labas.” Ang wika ni Mingming.
“Oo nga eh. Nagtataka nga ako. Ang alam ko ay may nakatakdang lakad tayo
ngayong buwan na ito. Naalala ko iyon noong kinakausap tayo ni boss,” ang tugon ni
Gingging.
“Ano bang mayroon at bakit bawal lumabas?” Ang tanong ni Mingming.
“Naku ang balita ko ay dahil daw sa lockdown. Kasi nga tumataas ang kaso ng
COVID sa ating bansa. Sabi sa balita mas ligtas kung nasa loob ng tahanan lang.
Kaya nga si boss dito sa bahay nagtatrabaho.” Ang paliwanag ni Gingging.
“Ah ganoon ba. Kung para sa ating kaligtasan at kay boss mas OK na dito na
lang tayo sa bahay.” Ang nakangiting sabi ni Mingming.
“Sabagay, natutuwa nga ako sa aking ginagawa sa ngayon. Natutuhan ko na
rin ‘yung simpleng pagbukas ng pinto at pagsara. Noong isang araw naman, pinag-
aralan ko yung tinuro ni boss na pagbitbit ng basket na walang nahuhulog.” Ang
kuwento ni Gingging.
“Ako nga, simula nung mag-lockdown, natuto na akong gawing kapaki-
pakinabang ang aking ginagawa habang nasa bahay. Alam mo bang hindi na
nagpupunta ang mga daga rito sa ating bahay? Nadiskubre ko na ang kanilang
dinadaanan kaya sila nakakapasok. Tingnan mo, wala ng naninira at kumakain ng
mga gulay na nasa basket na iyan. Binabantayan kong mabuti para di na sila
makapanira pa dito sa atin.” Ang pagmamalaki ni Mingming.
“Di man natin nagagawa ang mga nakagisnang gawain, marami naman
tayong natutuhang bagong gawain na alam kong makatutulong pa kay boss.” Ang
wika ni Gingging.
“Sang-ayon ako sa iyo Gingging! Kung iisipin mas naging kapaki-pakinabang
tayo dahil sa ating buhay lockdown. Marami tayong nagagawa na maganda kahit
nasa bahay lang tayo. Higit sa lahat, masaya pa tayo,” tugon naman ni Mingming.
“Matatapos din itong problema sa bansa natin at makakalabas na rin tayo.”
“Kaya nga, naisip ko mali pala ang aking sinabi kanina. Patawad Mingming,”
ang mahinahong sabi ni Gingging.
“Sus, wala yun, buti naisip mo na maganda rin ang naidulot nito.” Ang
nakangiting wika naman ni Mingming.
“Tara, puntahan na natin si boss, para malibang naman siya kasama tayo.
Mapasaya naman natin siya,” paanyaya ni Gingging.
Pinuntahan ng dalawang alaga ang kanilang amo. Masayang nakipaglaro si
Chester sa kanyang mga alaga at di inalintana ang lungkot na nadarama sa matagal
na pananatili sa tahanan.

10
1. “Nakakapanibago Gingging. Parang preso tayo rito sa bahay. Tatlong
buwan na natin di nakikita ang labas,” ang wika ni Mingming. Ang
pahayag ni Mingming ay nangangahulugan na siya ay ______________.
A. naiinis C. naguguluhan
B. naiinip D. natutuwa
2. “Naku ang balita ko ay dahil daw sa lockdown. Kasi nga tumataas ang
kaso ng COVID sa ating bansa. Sabi sa balita mas ligtas kung nasa mga
tahanan lang. Kaya nga si boss dito sa bahay nagtatrabaho.” Ang
paliwanag ni Gingging. Ang ikinilos ni Gingging ay ___________.
A. naninisi C. nagpapaliwanag
B. nagugulat D. naliligaw
3. “Sabagay, nagagawa ko na ngayon ang pagsara at pagbukas ng pinto
dahil sa lockdown, ang tugon ni Gingging. Ipinapakita ni Gingging na
siya ay ___________________.
A. natutuwa C. nababagot
B. naiinis D. nababahala
4. “Ako nga, simula nung mag-lockdown, natuto na akong gawing kapaki-
pakinabang ang aking ginagawa habang nasa bahay.” Ipinapakita ni
Mingming sa kanyang sinabi na siya ay _______________.
A. malambing C. mapamaraan
B. matapat D. magalang
5. Sa pahayag ni Gingging na. “Kaya nga, naisip ko mali pala ang aking
sinabi kanina. Patawad Mingming.” Masasabi na siya ay ___________.
A. mayabang C. mapagkumbaba
B. mapang-asar D. masunurin

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Sa tulong ng 3-2-1 Tsart, dugtungan ang mga sumusunod na


pahayag. Gawin ito sa isang short bond paper.

Ang tatlong bagay na aking mga

3
natutuhan sa natapos na aralin ay ang
_________________________________________
________________________________________

Dalawang bagay na aking ipinamalas sa

2
natapos na aralin ay
____________________________________
_____________________________________
Isang bagay na dapat ko pang pagyamanin
at paunlarin ay11
ang
_________________________________________
1
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag na nasa loob ng kahon batay sa
iyong naging repleksyon sa natapos na aralin. Gawin ito sa isang
short bond paper.

Malaki ang naitulong ng aking pag-aaral sa modyul na ito


tungkol sa pagbibigay kahulugan ng pahayag ng mga tauhan sa
napakinggang pabula dahil __________________________________
______________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________

Binabati kita! Nagtagumpay ka sa unang


aralin. Magkita tayong muli sa susunod na
aralin. Isang malakas na Yes Clap ang
nararapat sa iyo!
www.bitmoji.com

Aralin
Pagbibigay Kahulugan sa
2 Sawikain

Inaasahan
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nabibigyang kahulugan ang sawikain.


Kumusta ka sa araw na ito?
Batid kong nais mo muling matuto.
Tara na’t simulan natin na masaya at
www.bitmoji.com
masigla ang pag-aaral. Aja!

12
Unang Pagsubok

Panuto: Piliin ang angkop na kahulugan ng mga sumusunod na sawikain.


Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ngayong panahon ng krisis dahil sa COVID-19, ang mga Pilipino
ay tunay na bukas ang palad para sa mga nangangailangan.
A. malaki ang palad C. masunurin
B. matulungin D. maalalahanin
2. Ang pamilyang Reyes, kahit mayaman ay nananatili pa rin ang
pagiging mababa ang loob.
A. may kuba C. mayabang
B. mapagkumbaba D. malambing
3. Hinanahangaan si Kenneth sa pagkakaroon ng matalas ang ulo.
A. mabuto C. matalino
B. malaki ang ulo D. matandain
4. Talagang pusong-mamon si Aling Lydia sa mga hayop na nakikita
niya sa kalsada.
A. mapagbigay C. maawain
B. malambot ang puso D. maunawain
5. Kahit na makulit ang kanyang kapatid, nanatiling mahaba ang
kanyang pisi.
A. mahaba ang sinulid C. mahaba ang pagkainis
B. mahaba ang pasensya D. matiisin

Mahusay! Nakasagot ka nang maayos sa


ating paunang pagsubok. Halika na’t
naghihintay ang susunod na gawain!
www.bitmoji.com

Balik -tanaw

Panuto: Sipiin ang sawikain o idyomang ginamit sa pangungusap. Isulat


ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Dahil sa kahirapan, marami sa mga bata ngayon ang halos buto’t
balat na.
2. Mahilig mangutang si Aling Tinay para ilista sa tubig pagkatapos.
3. Nagmistula silang mga basang-sisiw matapos maparusahan.
4. Magaan ang dugo ko sa magkapatid na iyan.
5. Sira na ang bakod ni Dan dahil sa kakakain ng tsokolate.

13
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay
di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian
ng isang lugar. Natakatago ang kahulugan nito sa likod ng mga salita at
maaaring malalaman lamang ang kahulugan batay sa mga salita at paano
ito ginamit sa pangungusap. Ginagamit din ito sa mga akdang pampanitikan
na nagbibigay buhay sa mga kuwento, tula at iba pa. Ilan sa mga halimbawa
ay ang mga sumusunod:
Sawikain Kahulugan
balat-sibuyas maramdamin
di-mahulugang karayom napakaraming tao
butas ang bulsa walang pera
basag ang pula luko-luko
itaga sa bato pakatandaan
kapilas ng buhay asawa
pusong bakal matigas ang kalooban

Panuto: Basahin ang seleksyon at tukuyin ang kahulugan ng mga sawikain


na nakasalungguhit. Maaaring tumulong ang iyong mtagapangalaga
sa pagsagot sa gawin ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gulong ng Kapalaran
ni: Bernadette A. Santiago

Maagang nanliligaw si Jonas kung kaya’t may gatas pa siya sa labi ay


lumagay na siya sa tahimik. Para patunayan na siya ay isang tunay na haligi ng
tahanan ay kailangang niyang kumayod nang husto. Dumating sa buhay nila ang
kahirapan noong nagbibilang na lamang siya ng poste. Sapagkat batak ang katawan
ay pinasok niya ang pagiging construction worker para may maipambili ng pagkain
upang hindi kukulo-kulo ang tiyan ng kanyang mag-anak. Di siya tulad ng ibang
katrabaho na hipong-tulog kung magtrabaho.
“Panginoon, huwag Nyo po kami pabayaan,” ang kanyang araw-araw na
panalangin. Bagamat matindi ang kanyang sakripisyo sa buhay ay kanya itong tiniis.
Buhay ang kanyang loob na humarap sa anomang pagsubok sa buhay.
Dahil sa kanyang mataimtim na pagdarasal ay nagbunga ang kanyang
pagsusumikap. Siya ay naging regular employee ng kanilang kompanya. Naiahon nya
sa kahirapan ang kanyang mag-anak na halos ay nagdidildil na ng asin noon.
“Salamat po Panginoon at nariyan po kayo palagi sa amin,”ang kanyang
sambit.
“Alam kong makakaraos din tayo sa ating kahirapan,” naiiyak na sabi ng
kanyang asawa.
“Itay, Salamat po sa bagong sapatos at bag,” ang tuwang-tuwang sabi ng
kanyang mga anak.
“Tunay ngang ang kapalaran ng buhay ay di-permanente. Nasa atin talaga
ang kapalaran upang ito ay mabago.” Ang palaging paalala ng kanyang Boss Eddie.
Anomang pagkakamali noon ni Jonas ay kanyang hinarap at patuloy na

14
Sawikain Kahulugan

1. may gatas pa sa labi _____________________________


2. haligi ng tahanan _____________________________
3. nagbibilang ng poste _____________________________
4. batak ang katawan _____________________________
5. kukulo-kulo ang tiyan _____________________________
6. hipong-tulog _____________________________
7. nagdidil-dildil ng asin _____________________________

Mahusay! Ang iyong mga sagot ay nagpapakita na


nauunawaan mo ang iyong binasa at kahulugan ng
mga ginamit na sawikain. Tara na sa susunod na
gawain. Isang hingang malalim muna diyan!
www.bitmoji.com

Gawain
Gawain 1

Panuto: Punan ang patlang ng wastong sawikain na angkop sa


pangungusap. Piliin sa loob ng talahanayan ang sagot at isulat sa
iyong kuwaderno. Gawing gabay ang ibinigay ng guro na
katumbas
na kahulugan ng sawikain sa iyong pagsagot.

Sawikain Kahulugan
mahangin ang ulo mayabang
nagsolian ng kandila nagkagalit
sira ang bakod bungi
makitid ang kumot kapos sa pera
mahina ang tuhod lampa
laylay ang balikat nabigo

1. Kinaiinisan ng marami si Jerome dahil _______________________ niya.


2. Hindi palainom ng gatas si Jimmy kaya naman
______________________.
3. _________________________ na umuwi si Kuya June matapos lumahok
sa paligsahan sa pagtakbo.
4. Nagulat ako nang mabalitaan na ___________________________ ang
matalik na magkaibigan.
5. Sa panahon ngayon, marami ang ___________________________ dahil sa
pagkakatanggal sa trabaho.

15
Gawain 2- PIC-ISIPAN

Panuto: Tukuyin kung anong sawikain ang mabubuo mula sa


dalawang larawan at piliin sa aklat ng karunungan ang
kahulugan nito.

https://www.goodfreephotos.com/vector-images/old-book-
vector-clipart.png.php

1.

https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Clip-
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Cat-
art-of-black-and-white-rainy-day-sign/31166.html
and-dog/42626.html

Sawikain : _________________________________
Kahulugan: ________________________________

2.

https://www.goodfreephotos.com/vector-images/a- https://publicdomainvectors.org/en/free-
ear-vector-clipart.png.php clipart/Metal-frying-pan-vector-clip-art/18121.html

Sawikain : _________________________________
Kahulugan: ________________________________

3.

https://www.publicdomainpictures.net/en/view- http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id
image.php?image=70565&picture=man-walking- =13932745219799

Sawikain : _________________________________
Kahulugan: ________________________________

16
4.

https://gallery.yopriceville.com/Free-Clipart- https://www.wallpaperflare.com/heart-clip-art-
Pictures/Money- valentine-s-day-love-feeling-happiness-falling-in-love-

Sawikain : _________________________________
Kahulugan: ________________________________

5.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Human_ton https://freesvg.org/angel-drawing
gue_taste_papillae.svg

Sawikain : _________________________________
Kahulugan: ________________________________

Tandaan
Ang sawikain o idyoma ay matalinghagang pagpapahayag
ng kahulugan ng kaisipan o ideya. Natakatago ang kahulugan nito
sa likod ng mga salita at maaaring malalaman lamang ang
kahulugan batay sa mga salita at paano ito ginamit sa
pangungusap

Napakahusay mo! Nasagutan mo ang ating mga


gawain. May nag-aabang pang mga kapana-
panabik na pagsasanay para sa iyo. Tara na!
www.bitmoji.com

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Nang Ngumiti si Kapaligiran


ni: Bernadette A. Santiago

Kay sarap pagmasdan, ang paligid na malinis


Magmula mga tao’y manatili sa bahay at di umaalis
Ang dati’y di-mahulugang karayom sa mga kalye
Ngayon, bihira pa makita tulad ng isang kabute.

17
Bughaw na kalangitan at sariwang hangin
Pagbabagong naganap na di mo aakalain
Suntok sa buwan kung iyong iisipin
Kahit itaga mo pa sa bato, mahirap paniwalain.

Dahil sa COVID, kalinisan ang nangunguna


Di lamang sa sarili, higit sa paligid tuwina
Disiplina ng bawat isa ay kaya pala
Pairalin sana, di lang sa panahon ng giyera.

Tila nakalutang sa ulap itong si Kapaligiran


Nakahinga nang maayos at may ngiting laan
Halos tuluyan nang magpantay ang paa
Kapabayaan ng tao, marami ang nagdurusa.

Sana kahit magwakas itong pandemya


Di dapat ibaon sa hukay mabuting gawa
Bagkus ipagpatuloy ang respeto at pangangalaga
Sa kapaligiran na ating kasa-kasama.

Mapanuring Pag-iisip at Pangangalaga sa Kapaligiran

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa


iyong kuwaderno.

1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa kapaligiran?

_________________________________________________________

2. Paano nabago ng mga tao ang kanilang gawain sa kapaligiran sa


kasalukuyang panahon?

________________________________________________________________
3. Batay sa tula, ano kaya ang pakiramdam ni Kapaligiran dahil sa
pagbabagong nangyari sa kanya?

_________________________________________________________________
4. Kung matapos man ang pandemyang ito, paano mo maipapakita na
mapapangalaagan mo ang kapaligiran?

________________________________________________________________
5. Batay sa tula, ano-ano ang mga sawikain na ginamit at ang
kahulugan nito? Magbigay ng apat.

18
_____________________________________________________________________
Nagagalak ako sa iyong kahusayan. Alam
kong mas madali na sa iyo masagutan ang
ating pangwakas na pagsusulit! Tara na!
www.bitmoji.com

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakapaloob sa kahulugan ng


sawikain?

A. Ito ay matalinghagang pagpapahayag ng kahulugan ng


kaisipan o ideya
B. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
C. Natakatago ang kahulugan nito sa likod ng mga salita at
maaaring malalaman lamang ang kahulugan batay sa mga
salita at paano ito ginamit sa pangungusap.
D. Ito ay salitang banyaga o wikang dayuhan na tuwirang
hiniram at hindi nabigyan ng katumbas na salin sa Wikang
Filipino.

2. Tunay na hinahangaan si Gng. Robles sa kanyang pagiging mapagmahal


at mahaba ang pisi sa mga mag-aaral. Ano ang kahulugan ng sawikain na
nakasalungguhit?
A. mahaba ang tali C. mapagpasensya
B. maalalahanin D. madasalin

3. Alin sa mga sumusunod ang katumbas na kahulugan ng may gintong


kutsara sa bibig?
A. mahilig kumain C. mayabang
B. mapagmataas D.mayaman mula
pagkasilang
4. Batak ang katawan ni Mang Fred kaya di magugutom ang kanyang
pamilya. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. sanay magtrabaho C. masipag
B. mahilig magpalakas D. mabilis kumilos
5. Si Lino ay _________________ na umakyat sa mga matataas na gusali o
hagdan. Ano ang angkop na sawikain sa pangungusap na ito na
nangangahulugang may takot?

19
A. buto’t balat C. kinain ng laho
B. bahag ang buntot D. maagan ang dugo

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa loob ng mga ulap bilang bahagi
ng iyong repleksyon sa natapos na aralin. Gawin ito sa isang
short bond paper. Palakpakan mo ang iyong sarili at maging masaya!

Ano- ano ang aking Ano ang mahalaga


nagawa sa araling tungkol sa aking
ito? mga nagawa?

____________________ ____________________

Saan ko maaaring Paano ko ipinakita


magamit muli ang ang aking kawilihan
aking natutuhan sa pagkatuto sa
tungkol sa sawikain? araling ito?

_____________________ ____________________

Ano -ano ang mga Paano ko


dapat ko pang magagamit ang
mapaunlad sa aking aking natutuhan
natutuhan ngayon? tungkol sa
sawikain sa
____________________ hinaharap?

20
Sampung palakpak ang nararapat para sa iyo!
natutuwa ako at mahusay mong naisagawa ang
mga gawain na nakapaloob sa modyul na ito!
Hanggang sa muli pag-aaral! Aja!
www.bitmoji.com

Sanggunian
Most Essential Learning Competencies, K to 12 Curriculum
Curriculum Guide, Filipino
Department of Education National Capital Region Sample Learning Module
http://mgakwentongpambata.blogspot.com/2016/06/ang-pagong-at-ang-kuneho.html
https://www.wikakids.com/filipino/pabula-fables/ang-leon-ang-daga/
https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-lobo-at-ang-kambing/
https://pinoycollection.com/ang-inahing-manok-at-ang-kanya ng-mga-sis iw/
https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-agila-at
https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-lobo-at-ang-tupa/
https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-langgam-at-ang-tipaklong-2nd-version/
https://pinoycollection.com/si-pagong-at-si-matsing/
https://pinoycollection.com/ang-kabayo-at-ang-kalabaw/
https://pinoycollection.com/si-kalabaw-at-si-tagak/
http://www.photo4design.com/stock-photo-vector-image-of-a-ant.-6644#.XtzNozozbIU
https://webstockreview.net/explore/fly-clipart-black-and-white/
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Turtle_clip_art.svg
https://pixabay.com/illustrations/monkey-animal-gorilla-zoo-nature-
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Rabbit-clip-art-drawing/85375.html
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Vector-image-of-a-turtle/37513.html
https://www.bitmoji.com
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Clip-art-of-black-and-white-rainy-day-
sign/31166.html
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Cat-and-dog/42626.html
https://www.goodfreephotos.com/vector-images/a-ear-vector-clipart.png.php
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Metal-frying-pan-vector-clip-
art/18121.html
https://www.publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=70565&picture=man-
walking-
http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13932745219799
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Skin_anatomy_esp.jpg
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Image-of-onion-in-black-and-
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Human_tongue_taste_papillae.svg
https://freesvg.org/angel-drawing
https://www.goodfreephotos.com/vector-images/old-book-vector-clipart.png.php
https://gallery.yopriceville.com/Free-Clipart-Pictures/Money-
https://www.wallpaperflare.com/heart-clip-art-valentine-s-day-love-feeling-happiness-falling-in-love-
wallpaper-wvlqv

21
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bernadette A. Santiago, MT II


Editor: Edwin Remo Mabilin, Ph.D., EPS
Tagasuri: Ma. Teresita M. Chico, PSDS
Tagalapat: Allen C. Delgado, MT II
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V,
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa
ADM

Susi ng Pagwawasto
Aralin 1
Unang Pagsubok Balik-tanaw
1. A 1. masikap
2. B 2. palaasa
3. C 3. nagtataka
4. B 4. nangangaral
5. C 5. tamad

Gawain
Gawain 1 Gawain 2
1. D Naayon sa sagot
2. C ng mag-aaral
3. A
4. B
5. E

Pag-alam sa Natutuhan
1. pagkainis
2. matulungin
3. mapagmataas
4. mapamaraan
5. pagwawalang-bahala

Pangwakas na Pagsusulit
1. B
2. C

22
3. A
4. C
5. C

Aralin 2
Unang Pagsubok Balik-tanaw
1. B 1. buto’t balat
2. B 2. ilista sa tubig
3. C 3. basang-sisiw
4. C 4. magaan ang dugo
5. B 5. sira ang bakod

Gawain
Gawain 1 Gawain 2
1. mahangin ang ulo 1. umuulan ng aso’t pusa/ malakas ang ulan
2. mahina ng tuhod 2. nagtatangiang-kawali/ nagbibingi-bingihan
3. laylay ang balikat 3. lakad-pagong/napakabagal lumakad
4. nagsolian ng kandila 4. ginintuang puso/ mabuti ang kalooban
5. makitid ang kumot 5. dilang-anghel/ magkatotoo sana

Pag-alam sa Natutuhan
1.
2. Naayon sa sagot
3. ng mag-aaral
4.
5.

Pangwakas na Pagsusulit
1. D
2. C
3. D
4. A
5. B

23

You might also like